'Kabataan'

0 3

Kabataan pag asa pa nga ba ng bayan?

Simulan natin sa sinaunang mga kabataan.Marami kayong mapapansin na kaibahan kumpara sa kabataan natin ngayon.

Mga kabataan noon marunong makinig sa magulang isang sitsit o tingin mo lamang dito alam na nila agad kung pano sumunod sa mga nakakatanda sa kanila.Hindi tulad ngayon na halos mapaos kana sa kakasermon wala lang sa kanila pasok sa kabilang tenga labas sa kabilang tenga ganon sila kung mag maangmaangan.

Hindi tulad dati takot na kaagad ang bata kapag sinesermonan mo ito at pinapangaralan talagang naiintindihan nila mga pagkakamali at di na muling uulit pa dahil merong ipapataw na parusa Andyan ang papaluin ka o di kaya naman ay pipingutin sa tenga ,Kaya din siguro naging bingibingihan ang kabataan ngayon dahil bawal ng mamalo ngayon ,Bawal mamingot ng tenga.

Kaya naman nagagawa nila mga gusto nila.Karamihan ay suwail na sa mga magulang na para bang lahat eh alam na nila kung pano ang buhay.Paano na lang? Kung lahat sila ay magiging ganito na wala ng pinapakinggan kundi ang mga sarili nila.Kaya sana sa mga kabataan ngayon ,Makinig pa din kayo sa mga magulang nyo sila ang mas nakakaalam ng ikakabuti para sa inyo ,Huwag nyo silang baliwalain dahil mahirap sa huli mag sisi kung di ka nakinig sa bawat payo nila.Palaging nasa huli ang pagsisi.Mabutihing makinig sa payo ng mas nakakatanda ,Huwag mag magaling na parang alam mo na lahat.

4
$ 0.00

Comments