Kababata'

0 4

Sa aking kababata kung asan ka man ngayon palagi kang mag iingat..Hindi ko makakalimotan ang ating pinag samahan mula ng tayo ay bata pa.

Naaalala ko pa nga palagi tayong naglalaro ng tagu- taguan, minsan naman ay pikong baro ,enter papasok tumbang preso, at marami pang iba.Isa yun sa pinaka masayang alaala ng ating kabataan.

Wala kang ibang iniisip kung di ang maglaro at nakakatawa dahil sa tuwing tanghali eh tumatakas pa tayo para lamang makapag laro..Paulit ulit na ginagawa pero hindi nakakasawa ,Mga ngiti nating di mapapalitan kahit na sa Pag uwe ng bahay ay tayo ay makakagalitan ng ating mga magulang.

Isa yun sa masasayang araw na nangyare sa aking buhay, Sana ikaw ay ganon din ,dahil alam kong di na tayo tulad ng dati dahil may kanya kanya na tayong buhay ngayon ,Palagi kang mag iingat aking kababata. Salamat sa ating pinag samahan.

1
$ 0.00

Comments

Ganyan din kami ng mga ka babata ko tatakas PA Para Lang Maka pag laro Kaya pag uwi sa bahay Palo sa nanay ang abot hahaha

$ 0.00
4 years ago