Ilog'

0 2
Avatar for Kimpot14
4 years ago

Sa probinsya masarap talaga maligo sa ilog, tapos malawak at makakalangoy ka,.. Naalala ko nung bata pa ako madalas kaming maligo sa ilog ng mga kaibigan ko kasama din ang kapatid ko ang saya saya lang paliligo lang sa ilog ang aming iniisip... May minsan pa nga na sinusundo na kami ng aming mga magulang dahil sobrang tagal namin halos mamula na ang mata kakasisid..

Napakasarap balikan noon.. Tanging laro lang ang aatupagin mo kapg bata ka pa, kung paano ka makakatakas sa iyong ina dahil sa tanghali palaging pinapatulog ang bata eh kami gustong gusto naman naming maglaro kahit na napaka init ng panahon wala kaming pakialam kung umitim man kami basta makapg laro lang..

1
$ 0.00

Comments