Iguguhit kong muli ang ating kasaysayan
Bago pa man kita tuluyang pakawalan.
Ang ating nakaraang puno ng kasiyahan
Ngunit nagtapos rin sa pasakitan....
Ngunit sa gitna ng blankong papel, mukha mo ang nakikita...
Dahan-dahang kumilos ang aking kamay upang ikaw ay ipinta.
Ngunit ang hirap buuin 'pagkat tila may mali sa gawa...
At aaminin ko...
Dahil alam na alam ko...
Sa aking pininta ay wala
Ang nakasanayang kislap sa 'yong mga mata
Ang tamis ng ngiti sayong mga labi...
At ang natira'y lambong ng kalungkutan na tila di na mapapawi.
Ngunit di ka nag-iisa...
'Wag na 'wag mong iisiping ako ay tuluyang naging masaya
Sa naganap na hiwalayan sa pag-aakalang wala na talaga.
Kahit pa nga sa puso ko'y alam kong "mahal pa rin kita"...
"Mahal pa rin kita"...
Oo, sa paglaya ngayon ng laman ng aking puso'y isinisigaw kong "mahal pa rin kita"
At sana sa salitang "Patawad", kasunod nito ay ang sagot sa tanong kong "Babalik ka pa ba?"
At hindi rin masamang umasang sana hanggang ngayon ako'y mahal mo pa!!!
Oo, alam kong sinabi kong pakakawalan na kita
Ngunit pagka-ipokrita kung igigiit kong kaya ko ng wala ka...
Kung pakakawalan kita, bakit pa ako magpipinta???
Gayong sa pagpinta ko sayo'y patuloy akong humihinga..
Kung hindi mo pa rin maintindihan,
Makinig ka...
Gamit ang iilan at piling salita..
Binuo ko ang mga katagang..
"Ang pag-ibig ko sayo'y karugtong ng aking bawat hininga"
At tanging sa iyong pagbabalik mapapawi etong dusa...
Ngunit sana sa panahong iyon, kaya ko pa ring sabihing
"Mahal kita at Akin ka!!!"
Datapwat sa ngayon...
"Paalam, mahal, ngunit tandaan mo, hihintayin kita"...
0
14