Nasa isip na talaga natin ang pag hahanap buhay, Naghahanap buhay tayo para sa ating sarili at para na rin sa ating pamilya upang matustusan ang ating mga pangangailan at meron din tayong mga personal na pangangailangan... Pero bakit ang iba sa atin ay ninais na lamang na umasa kesa mag hanap buhay, Iniaasa na lang nila ang mga dapat eh obligasyon nila sa sarili kawawa naman ang isang nag sisikap dahil lahat na nya ay pasanin imbes na makatulong ay nagpapabigat pa bakit hindi tayo tumulong, wag tayong matutong umaasa na lang sa iba dahil tayo ay may kanya kanyang pangangailangan...
Sa mga mahilig umasa na lamang dyan, Mag banat naman kayo ng buto huwag yung pabigat na nga kayo ang lahat pa eh iaasa nyo na paano naman ang isang naghahanap buhay... Magtulongan nalang wag mag pabigat at kung ano man ang maitutulong ay gawin huwag maging tamad at umasa na lamang sa ibibigay mas masarap pa rin na ang pera mong gagastusin ay galing sa iyong pinag paguran..