Si Pepe at Maria Noon vs. Si Pepe at Maria Ngayon - Part 2 Unang bahagi: Si Pepe at Maria Noon vs. Si Pepe at Maria Ngayon https://read.cash/@Khing14/si-pepe-at-maria-noon-vs-si-pepe-at-maria-ngayon-39929496 Mga Laro ni Pepe at Maria "Noon". **Habol Habulan**. Nakapandaya ka din ba sa larong ito noon? Yun bang kapag alam mo na malapit ka nang abutan eh biglang sisigaw ng *"TAYMPERS!"*. `Hindi ko na ipapaliwanag ang larong ito dahil malalalaman nyo na din naman ang ibig sabihin sa tawag pa lang.` **Agawan Base (o Sugud Suguran).** Sa larong ito, mayroong dalawang grupo ng mga manlalaro na may parehong bilang. Ang bawat isang grupo ay may nakatalagang base o kampo. Simple lamang ang konsepto ng larong ito. Susubukan ng magkabilang grupo na maagaw ang base ng kabila sa pamamagitan ng unti unting pagbihag sa mga miyembro ng grupo hanggang sa kakaunti na ang nagbabantay. Kung sinong unang makaagaw ng base ng kalaban ang syang panalo. **Patintero**.
`Isa ito sa paborito naming laruin noon kapag maliwanag ang bwan. Kahit sino ay welcome sumali.` Karaniwang ginagamit namin ay tubig upang makagawa ng anim na parihabang kahon (tatlo sa bawat gilid). Ang bawag linya ay may nakatalagang isang bantay. Binubuo ang larong ito ng dalawang grupo na may limang miyembro ang bawat isa. Ang isang grupo ang magsisilbing taya habang ang kabilang grupo naman ay susubok na makatawid sa bawat kahon pabalik sa starting point. Kapag may isang na-tag o nataya mula sa grupo ng tumatawid, sila naman ang magiging bantay. **Luksong Tinik.**
Ang larong ito ay nangangailangan ng hindi bababa sa tatlong manlalaro. Dalawa ang magsisilbing taya na syang gagawa ng tinik. Sa unang round ng laro, pagdirikitin ng dalawang manlalaro ang kanilang mga talampakan upang magsilbing tinik. Magsisimulang tumalon ang nalalabing manlalaro. Kapag lahat ay nakatalon nang hindi nasasagi ang tinik, daragdagan ng mga taya ang tinik sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay. **Luksong Baka.**
Ito ang pinakaayaw kong laro noon. Hindi dahil sa hindi ko kayang tumalon kundi natatakot akong maging taya. Dahil sa larong ito, ang taya ang magsisilbing baka habang ang natitirang manlalaro naman ang susubukang tumalon sa likuran ng "baka" o taya. Habang walang natataya, pataas ng pataas (tumutuwid) ang tindig ng taya. **Tumbang Preso.** Tinatawag din namin itong *Tumba Lata.* ito ay nilalaro sa pamamagitan ng pagpapatumba sa lata gamit ang tsinelas. May isang nakatalagang bantay na syang magtatayo sa lata kapag ito ay napatumba. Oras na may makapagpatumba sa lata (preso) mag-uunahan ang mga manlalaro upang kunin ang kanilang mga tsinelas. Kung sino ang mahuhuli ng tagabantay sa lata ang sya namang susunod na taya (bantay).
Mga Laro ni Pepe at Maria "Ngayon".
Kalimitan sa mga nilalaro ng mga bata ngayon ay mga indoor games na o mga laro na pwedeng laruin sa loob ng bahay. Pinakapopular ang mobile games. Ilan sa mga popular na nilalaro online ay ang Mobile Legends, Roblox, MineCraft, LOL, Clash of Clan, at marami pang iba. Bago pa man ang pandemic, bihira na akong makakita ng mga batang naglalaro sa labas katulad ng mga nilalaro noon. Unti unti nang namamatay ang ating mga tradisyong laro. Isa ito sa nakakalungkot na katotohanan para sa mga magulang na katulad ko lalo na nung dumating ang pandemic at pinagbawalan ang mga bata na makalabas. Nalimitahan ang kanilang aktibidad sa loob ng kani-kanilang mga bahay. Respeto ni Pepe at Maria sa Nakakatanda "Noon". Minulat ako ng aking mga magulang na sa kahit na sinong kausap ko na nakatatanda sa akin, palagi akong gagamit ng "PO" at "OPO". Bukod pa ito sa pagmamano sa mga nakakatanda. Naalala ko pa nga ang tula namin noon sa paaralan. `Ang Po at Opo` `Ang bilin sa akin ng ama't ina ko` `Maging magalin, mangungupo ako` `Pag kinakausap ng matandang tao` `Sa lahat ng lugar, sa lahat ng dako` `Pag ang kausap ko ay matanda sa akin` `Na dapat igalang at dapat Pupuin` `Natutuwa ako na bigkas bigkasin` `Ang po ang upo ng buong paggiliw` Maging sa paaralan, labis ang respeto na aming pinapakita noon sa aming mga guro. Kapag sila ay aming nakasalubong sa daan, kailangan naming yumuko bilang sign ng pagbati at kailangan namin gumilid upang sila ay bigyan ng daan. Binibitbit din namin ang mga gamit na dala dala ng aming mga guro noon sa tuwing sila ay aming makakasalubong sa daan. Respeto ni Pepe at Maria sa Nakakatanda "Ngayon". `Disclaimer: Hindi ko po nilalahat. Batid ko na may mga kabataan o bata ngayon ay labis pa din ang pinapakitang respeto sa mga nakakatanda subalit marami din sa kanila ang nakakalimutan na paggalang.` Hindi ko mawari pero karamihan sa mga bata ngayon, nakakalimutan nang gumamit ng PO at OPO. Minsan, akala mo ang kausap nila ay kapareho lang din nilang bata kahit na ito ay mas nakakatanda sa kanila. Pagdating sa paaralan, maraming mga mag-aaral ngayon ang matatapang pa sa kanilang guro. Wala na ang nakagawian na yuyuko kapag may kasalubong na guro bilang pagbati o kaya naman ay tutulungan sila sa pagbitbit ng mga gamit. Kapag nakasalubong sa daan, ang iba deadma lalo na kapag hindi nila kilala ang guro. Baon ni Pepe at Maria Noon vs. Baon ni Pepe at Maria ngayon Noon, pumapasok kami sa paaralan kahit walang baon. Nagtitiis na maglakad ng ilang kilometro dahil wala din namang masasakyan noon at kung meron man, walang pampamasahe. Ngayon, `(hindi ko po nilalahat)` karamihan sa mga kabataan ngayon, hindi papasok kapag walang baon. ***Ikaw? Base sa mga obserbasyon mo? Ano na si Pepe at Maria ngayon? Sila pa din ba sina Pepe at Maria noon?***
37 comments
Parang gusto ko na ulit maglaro ng tumbang presso at luksong baka namis ko yung word ns na timepers haha Obserbasyon ko medyo tamad na si pepe at maria ngayon at late ng gumigising haha..
Totoo sis.. Tanghali na gumising ang mga bagets ngayon... Pano kasi gabi na din natutulog dahil sa kakalaro ng online games
Haha sinabi mo pa sis..
Nakakamiss, nakakamiss umuwi ng bahay na nagtatago sa mga magulang dahil madumi ang damit kalalaro sa labas.., nakakamiss tumakas ng bahay para makipaglaro sa kapitbahay.., nakakamiss ung mga pagkakataong hindi pa alam ang salitang stress 😁
Ay nakakamiss din sunduin ng pamalo ni nanay sa kapitbahay.. Ahahaha..
Ou din.., ung nakita mo palang siyang parating, tatayo ka na..,
Ang saya ng mga laro noon, favorite ko talaga yang agawan base. Iba na talaga ang mga bata ngayon, ang galing na nilang humawak ng cellphone, dami na ngang naadik sa mobile games. Yung pamangkin ko napabayaan na ang pag-aaral dahil lang sa mobile legends
kaya nga sis. Dami ko ngang napapanood streamer ke bata bata pa...sa mga anak ko may limit lang ang paggamit nila ng gadgets...may oras lang. Pero pag may pasok, mas priority syempre ang assignments at pagrereview
Sa akin din sis, strict yung papa nila kay wala masyadong time para makanood ng videos. KAHIT ngayong walang module may nakalaang time pa din sila para makapag study.
mas okay yan sis na ganyan ang makamulatan nila...lalaki sila na may disiplina
Kaya nga sis, Hindi ko din sila masyado pinapalabas ng bahay dahil maraming mga batang wala ng masyadong paggalang sa kapwa nila. Binubully yung mga anak ko kaya mas kampante ako kung dito lang sila sa loob ng compound namin
awwwts..dito naman sa amin sis, wala din talagang mga batang naglalalabas. Pero yung mga anak ko ineencourage ko na maglaro sa labas lalo na kapag sa hapon at hindi umaambon.
Dito sa amin, yung mga bata pinapabayaan lang ng mga magulang nilang lumalabas. Ang daming mga malalaswang salita na lumalabas sa kanilang bunganga.
marahil ay dahil nadin sa impluwensiya ng teknolohiya at panahon, maraming kabataan ang naiimpluwensiyahan ng iba, ito ang tinatawag na curiosity na kung saan ang kabataan ay sumusubok ng mga bagay na bagay na hindi nila alam. Ngunit masyado na ngang nagiging matapang ang mga bata, nakikita one nagbago na ang panahon at karamihan sa kabataan ay dina tulad noon.
korek po. Malaking impluwensya sa bata ang mga nakapaligid sa kanila. Isa pa sa nagpapatapang sa mga bata ngayon ang mga batas natin na ipinasa ng ibang senador. Ultimo pagpalo sa bata ngayon eh parang kasalanan na din.
Favorite ko po nun yang patintero!
nakakamis sis noh? ang tawag namin jan dati ay LILAW. Kasi sa liwanag ng bwan sya madalas laruin.
isa din yan, sis! nakakamiss!
sana eh maituro pa din sya sa mga schools pag bumalik na ang mga estudyante sa face to face para naman hindi mawala ang mga tradisyunal natin na mga laro noon
Dahil sa patintero napapalo ako hahaha. Laging nasa labas at laging pawisan di gaya ngayon puro gadgets na tlaga
kaya nga sis..kaya siguro healthy tayo noon noh..bihira magkasakit kasi palaging may physical activities
Tama ka dyan sis at kung di lng talaga mapapalo lagi nku buong araw ako andon sa labas hahaha. Kakamiss tlga no pati yung chinese garter
Ay ou.. Naku magaling ako mag chinese garter noon. Palibhasa, payatot pa noong bata
Same pala tayo. Mga payatot hahaha. Taas kaya ng talon ko
Sana patuloy natin na turuan ang mga bata ngayon ang tamang respeto. Ginagaya lang naman nila ang nakikita at naririnig nila e. Maging tamang ehemplo tayo sa kanila.
tama ka po. isang beses narinig ko nalang bigla yung anak ko na nag F.U. Siguro akala nya normal na expression lang..ayun kinorek ko na agad
Malaki talaga ang pagkakaiba ng noon at ng ngaun sis. Dati hndi uso ang gadgets ngaun hndi na mawawala ang gadgets sa mga bata. Noon sobrang magagalang ang mga bata, natatakot sumagot sagot sa mga magulang,pro ngaun meron pa mang ganun pro mabibilang nlang sa daliri. Kaya mas masaya pa din ang naging kabataan nating mga batang 90's .
korek sis. Ganyan din sinasabi ko sa mga anak ko pag panay ang sagot sa akin. Sinasabi ko, ako noon pag pinagsasabihan ng magulang, tahimik lang at nakikinig. Yan ang isa sa lamang natin sa mga bata ngayon sis. Noon sobrang saya at excited ka diba sa araw araw. Excited gumising ng maaga kasi maglalaro. Excited matapos agad ng kain sa tanghali kasi maglalaro. Diba? hehehe..
Hahahahah oo sis..bigla ko tuloy naalala ung kabataan ko,nakakamiss,ung problema ko lang nun pano makatakas sa nanay ko pra makapag laro,haahaha tapos pag nahuli sa pagtakas may pamalo na si nanay,hndi pa nga napapalo umiiyak na..hahahahah dati makapulot lng ng lata,wow na agad,may laroan na,ngaun ang lata kalat nlang.
Korek sis.. Pati nga balat ng kendi dati laruan na hahha.. Ginagamit namin na pera perahan sa bahay bahayan namin dati yun
Ang laki ng pagkakaiba ng kabataan noon at ngayon. Nakaka miss ang dating buhay na binago na halos lahat ng makabagong teknolohiya
Kaya nga po eh.. Familiar po ang face mo.. Parang madalas kita makita din sa noise.cash
Yes sissy its me hehe,naremember mo about sa block thing 😁
Ang laki talaga ng pinagbago ng henerasyon ngayon, pero buti nalang naranasan natin yung mga larong ganun. Minsan ang sarap alalahanin eh, kaya nga yung mga pamangkin ko ngayon tinuturuan ko ng mga laro dati, alam naman nila at nalalaro naman nila. Pero gusto talaga nila Minecraft, Mobile Legends, at Youtube. Soon, kapag medyo malalaki na sila tuturuan ko maglaro ng mga Luksong-Baka, Agawan Base, ganun. Gaya ng mga nabanggit mo.
lakas din talaga ng impluwensya ng mga online games sa mga bata sis noh? Kaso di naman ito nakakabuti sa kanila.
Tama po laki po ng difference noon at ngayon Lalo na sa mga Kari... Halos Wala ka nakikitang bata sa labas.. kahit before pa nga po pandemic... Nakakalungkot lang po.. tapos Yung ugali ng mga bata ngayon feeling entitled at konting hirap lang naranasan rereklamo na.. tho Hindi naman po lahat pero halos lahat na
ou sis..tama lahat ng sinabi mo..ewan ko ba..kung noon eh tyaga sa paglalakad ang mga bata papuntang school, ngayon eh hindi papasok kung walang service. Magagaling na din masyado managot ang mga bata ngayon. Siguro dahil sa mga napapanood na din sa TV at cp.