read.cash Log in
@Khing14 edited more from that month

First Crush, First BF, and Forever Love!!!

Naniniwala ba kayo sa soulmate? Ako OO. Malalaman nyo sa kwento ko kung bakit. First year high school ako, nasa second grading palang kami nun, naririnig rinig ko na yung pangalan nya kasi napagkukuwentuhan sya ng mga classmates ko na kesyo yung pinsan daw ni Madam (Adviser namin) eh lilipat o magtatransfer na sa bagong school na tinayo sa Barangay mismo namin. *Unang beses ko palang na narinig ang pangalan nya, parang may kung anong impact na talaga sa utak ko na tumatak sya dun.* Gusto ko din sanang magtransfer dahil di hamak na mas malapit yung bagong tayong school mula sa bahay namin kesa sa pinasukan ko na dalawang barangay pa ang pagitan mula sa barangay namin. Kaso naisip ko tatapusin ko nalang muna siguro ang first year high school bago ako lumipat ng school. FIRST CRUSH So ayun na nga, nung magsesecond year high school na, pinili kong doon na din mag enroll sa school na malapit sa amin. At sa hindi inaasahang pagkakataon, magkasection kami nung pinsan ng adviser ko. Sa wakas nakita ko na din sya sa personal (*Hindi po sya gwapo - unahan ko na kayo. hehehe*). At mula nga noon, sa hindi ko malamang dahilan, twing mapapalapit ako sa kanya, bumibilis at lumalakas ang tibok ng puso ko..(naaalala ko yung KABA). Di ko po alam pero ang lakas ng kaba ko kapag: naliligaw sya ng tingin sa akin nakakasalubong ko sya sa pathway pag nagrerecite ako sa harapan at nakikita ko na nakatingin sya Kaya tuwing maririnig ko ang KABA na kanta noon sa radyo, naaalala ko sya. Twing makakasalubong ko sya sa pathway, kahit gaano pa kalayo ang babalikan ko, babalik at babalik ako para lang huwag maglapit ang distansya namin. Umiiwas ako ng husto sa kanya. Noon ako start na tuksuhin ng mga kamag aral ko. Na kesyo may crush daw ako sa kanya. Nung mga time na yun, hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin ng crush (medyo late bloomer po ako). Sa madaling salita, sya nga po ang **FIRST CRUSH** ko!..

Pero habang tumatagal, lalo akong humahanga sa kanya kasi isa sya sa napakaresponsable kong kamag aral. Neat din sya at may utak din sa klase. Naging inspirasyon ko sya sa pag-aaral. (yes naman!). Ang sipag sipag kong pumasok noon. Kasi gusto ko atleast once a day eh makita ko sya at marinig ko ang boses nya. Ang medyo nakakailang nga lang, hindi sya nabakante sa GF. Twing magbibreak sila nung GF nya, maya maya meron na naman ibang GF. At puro kaklase ko pa (ediwow ang gwapo)..Dumating pa sa point na pinagpupustahan na nila magbabarkada ang babae - kung gaano katagal nya mapapasagot. In other words, hindi nya ganun sineseryoso ang kanyang mga nagiging GF. FIRST BF Fast Forward ko na sa fourth year high-school. Magkasection pa din kami - at sya pa din ang ultimate crush ko (*hay nakakakilig alalahanin ang nakaraan*). Naalala ko twing hapon, inaabangan ko ang pagdaan nya sa bahay (hindi po sa loob ng bahay namin kundi sa kalsada lang) dahil palagi syang pumupunta sa bahay ng tiyo nya kasama ng mga barkada nya. Bago makarating sa bahay ng tiyo nya, madadaanan ang bahay namin. Palagi kong inaabangan na dumaan sila sabay silip sa bintana pero sinisigurado ko na hindi nila ako makikita. Kuntento na ako sa ganun (pasilip silip lang). Pero tuloy pa din ang pag iwas ko sa kanya dahil malakas pa din ang KABA ko sa twing maglalapit ang aming mga anino (hahaha). Nalaman ko na break na sila nung GF nya at himala, walang naging kapalit agad agad. Ilang bwan na din ang lumipas na magbreak sila ng GF nya pero wala akong nababalitaan na bagong GF nya. Isa sa pinsan ko na kaklase din namin ay kabarkada nya. Isang araw, may ikinasal kami na malapit na kamag anak, syempre dumalo ako kasama ng mga tita ko. Nagulat ako na nandun din sya..At mukhang kinuntsaba nya yung tita ko, bigla inaya ako lumabas tapos umupo kami sa may tricycle. Doon na nga, bigla dumating sya. Hindi nako nakaiwas. Sabay alis din naman itong tita ko. Doon sya unang nagtapat - english pa..AYIIIEEE!!! *I want to say I love you!*

Hinding hindi ko makakalimutan yung sandaling yun.Pinagpawisan ako ng magaling at hindi ko din alam kung ano ang gagawin sa mga oras na yun. Para akong hindi makagalaw sa pwesto ko. Mula nga noon, twing matatapos ang klase namin, hinahatid na nya ako sa bahay pag uwi (di pa po uso ang sasakyan samin sa probinsya noon kaya lakad lang kami pag pumapasok at umuuwi ng school). At dahil hindi ko na kayang magpakipot, sinagot ko na sya agad 2 months after nya magtapat at sa kauna unahang pagkakataon, may BF nako!..December 2001 naging kami... FOREVER LOVE Long distance relationship kami nung magcollege. Dito ako sa Cavite nag-aral samantalang sya naman ay sa La Union. Naisurvive namin ang 5 years na LDR. 5 years dahil 5 years ang kursong kinuha ko. Samantalang sya naman ay 4 year course ang kinuha. Pero pagkagraduate nya, sa ate nya sa Laguna sya tumira kaya tuloy pa din ang aming LDR. Almost 8 years din muna kaming naging mag BF/GF hanggang finally ay nagpakasal na nga kami (sa huwes lang po). At dito na nag umpisa ang aming Husband and Wife journey. Sa ngayon ay may tatlo na kaming anak- dalawang lalaki at isang babae.

Sa madaling sabi, sya lahat ang aking naging **FIRST** and of course msasabi ko din na sya na ang **LAST**. *Ngayon, alam nyo na kung bakit ako naniniwala sa SOULMATE?* **Image sources:** Image 1 : Link https://qph.fs.quoracdn.net/main-qimg-446fb211a2ef58f8eb09f976588bbbae-c Image 2: Link https://images-wixmp-ed30a86b8c4ca887773594c2.wixmp.com/intermediary/f/050f43aa-685d-4f70-aa6b-77a2cc357292/dcoakx9-4265409e-cf64-4eaf-b535-4451fd4161ea.png Image 3 and lead image: Link https://media.istockphoto.com/vectors/happy-family-with-three-children-vector-id499207316 P.S. This article was inspired by article https://read.cash/@Pachuchay/21-years-of-being-in-love-71710eea of @Pachuchay. Nakakahawa lang kasi ang kilig.

13 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.