Back to Office during PANDEMIC???
Late June, nag announce ang company namin na papabalikin na daw kami sa opisina kasabay ng pagpapabalik sa office ng mga colleagues ko na taga London. Ang dami kong worry nung iannounce yun that time.
Para maibsan ang aking pag aalala, kinausap ko ang Manager ko. Sinabi ko sa kanya lahat ng worry ko once pagreport-in na ulit kami sa Opisina.
Una: Nagbibreastfeed ako. Yes po, 3 yrs and 5 months na si bunso pero breastfeed pa din sya. Nagdesisyon ako na hayaan syang magbreastfeed hanggang sa kusa na syang umayaw since wala naman na akong plano na mag anak ulit. Sya na ang legit na bunso. Isa pa, napakadaming benepisyo ng breastfeeding.
Matipid. Sobrang tipid. Imagine kung bumibili ako ng gatas para ipadede sa kanya, siguro 3k or mahigit pa per month ang kailangan kong ilaan para sa gatas palang.
Sobrang convenient sa gabi. Pag nagigising sya, hindi ko na kailangan tumayo at magtimpla ng gatas. Taas lang damit at instantly, makakadede na sya, tapos back to tulog na ulit.
Nakakatulong para lumakas ang immune system ni bunso. Mula nang ipinanganak ko sya, isang beses palang kami umabot sa point na nagpadoktor. That was March last year nung nagkaroon sya ng ubo at sipon. Ay bale dalawa pala, yung isa ay nung nakagat sya ng pusa last month lang..Bukod doon, wala na..As in sobrang lakas ng resistensya nya na nagkatrangkaso na kaming lahat (ako, asawa ko at ang ate at kuya nya) pero sya, strong!..hindi tumalab ang flu virus sa kanya.
Pangalawa: 3 hrs commute ako sa mula bahay to office and vice versa. Sa 3hrs commute na yun, kasama na dun ang pag aabang ng masasakyan. Sa commute ko na yun, hindi lang isang sakay kundi dalawa hanggang tatlong sakay. Tuwing hindi ako naihahatid ng asawa ko sa sakayan ng bus, kailangan kong sumakay ng tricycle palabas ng subdivision namin. Pagkatapos ay sasakay naman ng Jeep papuntang bayan. Saka palang ako makakasakay ng Bus papuntang Ayala. Pagbaba sa Ayala, sasakay naman ng BGC bus. Kung pag uusapan ay exposure, sobrang exposed ang aking commute.
Pangatlo: Meron akong tatlong maliliit na mga anak (panganay: 11 yrs old, pangalawa: 7 yrs old at bunso: 3 yrs old). Wala silang kalaban laban kung makapag uwi ako ng virus mula sa maghapon na wala ako sa bahay. Kung sakali man na mabakunahan ako, ou ako safe, pero pano naman sila?
Pang-apat: Halimbawang pabalikin na kami ng opisina at may kasamahan ako na magpositibo or ako mismo ay magpositibo sa COVID 19 virus at makahawa ng iba pa, apekta maging ang aming workforce pag sabay sabay kami nagkasakit at nag sick leave.
Sa kabutihang palad, pinakinggan ako at maging ang mga kasamahan ko ng aming Manager kaya naman hindi natuloy ang pagpapabalik sa amin sa opisina.
MAGPAPABAKUNA? o Hindi?
Early July, nagbaba ng notice ang aming kumpanya na considered na daw as A4 ang BPO companies and since pasok ang aming kumpanya sa BPO industry, isa na kami sa priority list na babakunahan. Kung kaya naman, pinagregister kami sa LGU kung saan nakaaddress ang kumpanyang pinagtatrabahuan namin (Taguig).
Sa dami ng mga nakakatakot na side effects ng bakuna na napapanood ko, sobrang hesitant ako magregister. Takot ako sa pwedeng maging side effect sa katawan ko pagkatapos na mabakunahan. At pumutok pa nga yung balita tungkol sa side effect ng Aztrazeneca vaccine na pamumuo ng dugo sa utak na ikinamatay na ng ibang mga nakatanggap ng bakunang ito. Sobrang takot na takot po akong magpabakuna. Iniisip ko ang mga anak ko. Paano na sila pag nagkasakit ako?
Pero for compliance purposes, ginawa ko pa din, pero panay ang dasal ko na sana huwag muna ako mai-schedule agad.
At heto na nga. Last week of July (July 28, 2021), naglabas ng memo ang aming HR na pinagbigyan daw yung company namin ng 1 day slot only na schedule ng pagbabakuna which is July 30, 2021 na agad agad. Nakasend ang notice na iyon sa lahat. Kung kaya naman, sobrang alala ko talaga nung araw nayun.
And then the following day, huwebes, biglang sinabi ng HR namin na first 16 nalang daw ang uunahin dahil may shortage daw ng bakuna ang taguig, hindi kakayanin na lahat kami ay mababakunahan. Sa kasamaang palad (blessing in disguise), kasama ako sa listahan.
No choice, nagfile ako ng leave para sa araw ng pagbabakuna (July 30, 2021). Yes, nagleave na ako para paghandaan kung ano ang magiging reaksyon ng katawan ko pagkatapos mabakunahan.
At dumating na ang araw na kinatatakutan ko...araw na ng pagbabakuna. Sinet-up ko na yung utak ko na ito na to, kailangan ko na tanggapin na kahit naman anong mangyari, kailangan ko pa din magpabakuna.
Nagfill-up ako ng screening form at consent form na ipinamigay kasabay ng blangkong vaccination card. Habang nagpifill-up ako ng forms, narealize ko na maswerte pala akong maituturing dahil may iba na napakatagal nang nagregister at umaasa na mababakunahan pero hanggang ngayon ay umaasa pa din. Doon ko din narealize na kung anuman ang mangyari, doon pa din naman papunta ang gobyerno, irerequire pa din na mabakunahan ang lahat. Dagdag pa dun, may nabasa ako na may ibang malls na hindi na magpapasok ng mga walang dalang vaccination card pero hindi ko sure kung legit yung nabasa ko, hindi ko din nakuha yung link kaya abang abang nalang sa mga susunod na announcements.
Screening time!..
At dumating na nga ang screening. Part ito ng vaccination program. Kailangan mong ideclare kung meron ka mang allergies (sa gamot o kaya sa pagkain), sakit na pangmatagalan, ubo, sipon o kahit anong sintomas ng covid-19.
Unang una kong niraise sa doctor/nurse na nagscreen yung concern ko kung pwede ba bakunahan pag nagbibreast feed. Nakahinga ako ng maluwag nung sinabi ng nurse na PWEDENG PWEDE!..
Pangalawa sa niraise ko ay ang allergy ko sa gamot. One time lang naman nangyari, uminom ako ng SINUTAB extra strong. Nakaramdam ako ng pag gaan ng ulo, pagsikip ng hininga at pagsakit ng tiyan ilang minuto pagkatapos ko uminom ng sinutab. Dinala ako ng asawa ko sa ospital, at sa awa ng Diyos, after ng ilang minuto na tinurukan ako ng gamot (hindi ko na po maalala kung ano yung binigay na gamot), nawala ang sakit ng tyan ko.
Pangatlo kong niraise ay ang dry cough ko na 2 weeks na halos, hindi pa nawawala. Pero nilinaw ko na allergy ang reason nun. Dahil sa pabago bago nating panahon, natitrigger talaga ang allergic rhinitis ko at kasabay na nun ang dry cough. Inadvise ako ng nurse na wag ko nang ideclare sa screening form yung ubo dahil baka daw hindi ako bakunahan since isa sya sa sintomas ng covid-19.
Pagkatapos ng screening, kinuha ang temp at BP (bukod pa po ito sa pagkuha ng temp bago pumasok ng vaccination site). Tapos sila mismo ang nagsulat doon sa form nung result.
Vaccination time!
Ayan na nga, pinapasok na yung batch namin sa vaccination area. Malaki yung space. Madami ding desk na nagbabakuna kaya mabilis ang usad ng pila.
Nung time ko na, pinakita nung nurse kung ano yung ituturok na gamot, sabay sabi maya maya nang: "Start nako mam ha". Wala pa atang 2 seconds tapos na. Sinabi nya lang na pag nilagnat daw, inuman lang ng paracetamol.Ang gaan gaan ng kamay nung nagturok saken (sana sya ulit sa second dose). Ni hindi ko naramdaman sakit ng pagtusok nya ng karayum.
Ilang minuto after iturok ang bakuna, naramdaman ko na agad ang pangangalay ng kamay ko kung saan ako tinurukan (sa kaliwa). Medyo masakit din yung mismong pinagtusukan ng karayom). Pinapunta kami sa monitoring area (yes may monitoring area pa po). Kinuha yung mga vaccination card na hawak namin. Nakamonitor kami for 30 minutes. Doon, kinunan ulit kami ng BP (blood pressure). Tapos tinatanong kung walang ibang nararamdaman.
Releasing time!
Isa isa nang tinawag ang mga kabatch ko. Binalik ang kani-kanilang vaccination card at pinayagan na sila na makaalis. Habang ako, sinabihan na imonitor pa daw further dahil nga sa nakadeclare ko na allergy sa gamot.
Matyaga akong naghintay. Naisip ko, mas mabuti na doon ko na maramdaman ang side effect (kung meron) kesa naman pauwi na ako ng bahay saka pa sya lalabas.
At finally!..tinawag na ang pangalan ko. Pumunta ako sa pictorial area nila at nagselfie kasama nung vaccination card ko.
Tapos may nakita din akong Plakards doon, kaya hinirap ko at nag picture ng sarili.
At sa awa ng Diyos, 5 days after ko matanggap ang first dose ng COVID-19 vaccine, wala naman akong kakaibang nararamdaman. SINOVAC po pala ang gamot na naiturok sa akin.
Hindi pa tapos ang vaccination journey ko na ito dahil may second dose pa which is scheduled on August 27, 2021.
Sana ay nakatulong ito lalo na doon sa mga nag aalinlangan magpabakuna.
Ayos. Buti pa kayo nabakunahan na. Kami waley. Masarap tlga buhay ng empleyado, kumpanya na lagi bahala sa halos lahat. Haha.