New Normal (Covid life)

1 20
Avatar for Khaty08
4 years ago

Naranasan mo na bang mahiwalay sa iyong pamilya ng dahil sa Covid? Naranasan mo na bang iwan ang Mahal mo para sa trabahong kailangan mong gampanan?. Alam mo ba qng ano ang nararamdaman ng mga frontliner Nurse, Doctor, Pulis, Security guard, Janitor, etc?.

Marami sa atin ang hindi nakakaalam ng mga sakripisyo ng mga frontliner magampanan lang nila ng ayos ang kanilang trabaho. Isa akong nurse sa pampublikong Ospital, sa totoo lang may halong lungkot ang pagiging frontliner. nakakatuwa kasi ang daming nag papasalamat sayo dahil sa ginagawa mo para sa bayan, pero malungkot dahil hindi mo nakakasama ang pamilya mo. Dahil sa Pandemic na ito 3 months ko ng hindi nakakasama ang anak ko. nakakalungkot kasi 1 year old pa lang sya pero kailangan ko na syang iwan sa mga magulang ko para lang magawa ko ang aking trabaho, sya ang pinag huhugutan ko ng lakas para lang makapasok ako sa araw araw. sya yung dahilan bakit kailangan kong hindi mag kasakit. Tapos na ang ECQ pero d ko pa rin nakakasama ang anak ko bakit? hindi pa rin kasi tapos ang pandemic. Para sa iba ang New Normal ay katulad ng dati hindi nila alam sa aming mga frontliner ang New Normal ay sobrang laki ng pag babago may posibilidad na oras hindi matapos ang pandemic na ito ay hindi na rin namin makasama ang aming mga mahal sa buhay.

para sa mga taong hindi nakakaintindi Kailangan po bang mag makaawa kami sa inyo para lang sumunod kayo sa mga sinasabi ng gobyerno, kailangan bang makita nyo muna kaming namamatay bago nyo ma realize na tao din kami may pamilya, at gustong mabuhay ng normal.

sa makakabasa nito nag papasalamat ako sa inyo dahil dito sa read.cash naisasalaysay ko ang mga ng yayari saking buhay

3
$ 0.00

Comments

Salute to all frontliner....

$ 0.00
4 years ago