Nakahanap ako ng bagong trabaho bilang kasambahay malapit sa bayan namin. Mababait ang mga amo ko at pinakatiwalaan na nila ako kaagad kahit isang araw pa lang ako. Ngayong araw ay umalis sila, pumunta sa kanilang mga kamag-anak at mamayang 11pm pa sila uuwi. Ibinilin nila sa akin ang bahay ng mag-isa.
Nandito ako ngayon sa sala ng bahay kung saan bago pa man sila umalis ay inutusan na nila akong linisin ang ito at lalo na ang vase.
Maya-maya medyo namamatay matay ang ilaw. Tumawag ako ng magre-repair pero mamaya pa daw ang dating. Habang nagche-check ng sockets sa sala, nakakita ako ng life size statue sa harap ko at parang antique na ito, na nakapagbigay kilabot sa akin. Hinawakan at kinurot-kurot ko, nagulat ako kasi napa fragile nito. Siguro napaka professional ng ng-ukit nito.
Tinawagan ko ang amo ko, nagpaalam kung pwede bang iurong ang statue sa corner kasi nakablock sa daanan.
Anong sabi mo? Sagot ng amo ko
Ang sabi ko ho, baka pwedeng iurong ang statue sa gilid- hindi nya na ko pinatapos at nagsalita at sumigaw na sya.
"Umalis ka na jan at tumawag ng pulis, wala akong natandaang my life size statue sa bahay."
At sa narinig kong yon, biglang my isang napalakas na kidlat at kulog ang umatungal sa kalangitan at kasabay nun ay ang pagpatay ng lahat ng ilaw. Kasunod noon ay ang buong bahay ay napapalibutan ng nkakabingi at nakakakilabot na katahimikan.
Tapos may lumagitnit
Umikot ako at nakita ang silhouette o anino ng statue. Sobrang dilim kaya ang anyo nya ang nakikita ko.
Tapos biglang kumidlat kasabay non ay ang pagpasok ng liwanag sa loob ng bahay
Sa loob ng maikling minutong yon ay nakita ko ang mukha ng life size statue na nakatingin sa akin at nakangiting ngiti.
Ang kwento po ito ay kathang isip lamang. Habang nagta type ay tumataas ang balahibo ko.
Ms. @Reo and Ms. @Cristy encourage me to write this horror story. Hope you like it
I like your story please create more stories 😊 btw. I'm Ms. Not Mr. Hehe 🥰