Malayo ka pa, pero Malayo ka na rin

4 21
Avatar for Kelzy
Written by
3 years ago

Dahil huling araw na ng Agosto ang buwan ng wika, nais kong sumulat ng pangalawang artikulo ko na nakasalin sa wikang Tagalog.

Sponsors of Kelzy
empty
empty
empty
Maraming salamat sa suporta niyo! <3

Noong sinimulan ko na araw-arawin ang pagsulat dito, para bang ang kamay ko ay di napapagod magpindot sa aking laptap at telepono, ang isip ko ay punong-puno ng ideya at minsan ay nalilito, kung ano na ang uunahin ko rito.

Nakakatuwa lang at tayo ay naririto, nagsusulat ng kung anu-ano, mapa-tungkol man sa'ting buhay o sa krypto, alinman ay nagkakasundo tayo.

Ang galing lang 'no? May isang platapormang ganito, nakakatulong at nakakapagpasaya ng tao, at syempre aminin mo ang laking bagay nito.

Pero teka, kakamustahin pala kita. Dahil ang pamagat ko ay patungkol sayo "Ka". Ang buwan mo ba rito ay naging maganda? O bago ka lang din na katulad ko kaya nangangapa pa?

Bakit ka ganyan binabasa mo ito sa tono na parang ikaw ay nagtutula? Napagtanto mo ba na oo nga 'no, ito ay tugma-tugma. At ikaw ay biglang nangiti, "Uy nakita ko yan!" Tama yan ganyan nga! Baka kasi nakalimutan mo na eh, sige ka papangit ka.

Isang buwan na naman ang lumipas no'? Na para bang nagmamadali ang panahon. Pinipilit mong magsikap sa mala-panaginip na sitwasyon, at umaasa na makaahon.

Lahat naman nahirapan, nakahanap ka lang talaga ng paraan, para rin maibsan ang mga pangamba mong sana mawala na kinalaunan.

Hindi mo maiwasang sa iba ay mainggit, ikaw ba ay pinagkaitan ng langit? O baka naman sige ka lang da-da, wala ka namang ginagawa?

Iwasan mong ikumpara ang sarili mo kung ang iba ay meron at ikaw ay wala, isipin mo kung ikaw ay wala, sa iba ay malala. Magpasalamat ka pa rin sa Poong May Likha, at manalig ka sa kanyang mga salita.

Madami mang unos ang dumating, sana ay maging okay ka pa rin. Marami ka ng laban na tahimik mong ipinanalo, wag ka mag-alala ang di sumusuko ay hindi magiging talo.

Oo, Malayo ka pa sa mga pangarap na gusto mong abutin, dahil ang dami mo pang problema at ayaw mo na sana pang pagkaisipin. Pero sana mapansin mo din, na Malayo ka na rin.

'nga pala bagay sayo ang ganyang ngiti, ngumiti ka lang palagi! :)

Sarili kong litrato

Paumahin kong hindi ito gaano mahaba, sapagkat maski ako ay nahihirapan na rin dahil di rin naman makata. Naisip kong lang na sa huling araw ng Agosto, makapagsulat naman ako ng lenggwahe ng mga Pilipino.

Baka nais mo ring humabol pa? Malugod kong ikagagalak kung ako ay iyong mababanggit sa gagawin mong artikulo.

Pangunahing Larawan at na edit sa canva.com

Maraming salamat sa oras na iyong nilaan sa pagbasa! <3

Maaarin mo rin akong bisitahin dito:

https://noise.cash/u/Kelzy

5
$ 2.42
$ 2.22 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @FarmGirl
$ 0.05 from @Momentswithmatti
+ 2
Sponsors of Kelzy
empty
empty
empty
Avatar for Kelzy
Written by
3 years ago

Comments

ang ganda ng wikang tagalog,sana naman di ako mahirapan magsulat din ng ganyan..

pero mas maganda ung nasa larawan.. gustong gusto ko ung messy hair na ganyan..hehe

$ 0.00
3 years ago

Isang magandang artikulo. Ako'y nagagalak at nabasa ko ang iyong artikulo sapagkat ito ay nakapagbigay ngiti sa aking labi sa araw na ito. Hindi ko napigilan ang ngiti na sumilay sa aking mga labi lalo na nung binasa ko ang unang talata na iyong likha. Para bang tila ako'y iyong nakikita habang tinitipa mo sa iyong telepono ang bawat letra ng pangungusap.😊

$ 0.00
3 years ago

tila malalim ang iyong pananagalog, ikinigagalak kong ikaw ay naglaan ng oras uoang makasulat ng isang artikulong tagalog. Totoo nga na malayo pa ang aking lalakbayin ngunit ako ay umuusad naman, hindi ako napagiiwanan. Maraming salamat sa makapagdamdaming mensahe.❤❤

$ 0.00
3 years ago

Teka at pupunasan ko muna, itong ilong ko na kanina pa dumudugo hahahaha!

$ 0.00
3 years ago