Summer after high school when we first met~~
Papasok na sana ako sa bahay noon, ngunit napatigil ako dahil may nakita akong naglilipat ng gamit sa kabilang bahay, bagong kapitbahay 'ata namin. Nagulat ako nang may lalaking biglang sumulpot sa aking harapan, kung titingnan ay kaedaran ko lamang ito.
"Hi, ako nga pala ang bago niyong kapitbahay! Anong pangalan mo?" Masiglang bati nito sabay lahad ng kaniyang kamay. Biglang kumalabog ng malakas ang aking puso dahilan upang ako'y kabahan.
"U-uhm....a-ano..." Hindi ko alam ang aking sasabihin kaya napatakbo na lamang ako papasok sa loob ng aking bahay. Nakakahiya ang aking ginawa, ngunit hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa sarili ko.
Minsan ay nahuhuli ko itong nakatingin sa akin sa tuwing ako'y lalabas ngunit hinahayaan ko na lamang ito.
Mayro'n ding pagkakataon na lalapit siya sa akin ngunit inuunahan ko ng layuan ito at ipagwalang bahala.
---
First day of school ngayon ngunit mukhang hindi pa ako ready na pumasok. Wala akong masakyan, tapos nakita ko siyang nagbabike kaya inaya niya 'ko. Tatanggi pa sana ako ngunit naalala kong late na pala kaming dalawa.
"What's your name?" Saad niya sa kalagitnaan ng daan. "U-uhm Klein. I-ikaw?" Nahihiyang tugon ko.
"I'm Kiel, don't be shy we're friends now. By the way late na pala tayo, kapit ka ha!" Masayang saad nito at mas binilisan pa ang pagpadyak sa kaniyang bisekleta. Sa sobrang bilis ay napayakap na lamang ako sa kaniya ng mahigpit.
Nalaman kong parehas kami ng course and to be surprisely magkaklase pa kami.
We became friends since that day.
---
Used to steal your parents' liquor
And climb to the roof~~
"Hoy Klein tara nood tayong sine!" Aya sa akin ni Kiel. Nginitian ko lamang ito, "A-ano kase--"
"Hmmm, may problema ka no'? Kukuha lang ako ng alak sa bahay, sa bubong niyo na natin 'yan pag-usapan. Mauna kana susunod ako." Pagputol nito sa sasabihin ko't kumaripas ng takbo sa bahay nila. Natawa na lang ako sa kaniyang inakto, Kabisado na talaga niya ang galaw ko kahit hindi ko na sabihin. Hindi kaya hinahanap ang mga alak na kinukuha niya sa bahay nila? Loko talaga iyon.
We used to do that whenever I'm sad, he's my crying shoulder.
Sa tuwing nahihirapan ako, siya ang naging alalay ko para hindi ako matumba. Siya ang naging lakas sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob.
Kung kailangan ko ng mga salitang makapagpapagising sa akin, nandiyan siya para magbigay ng advice. Hindi niya ako hinayaan, dahil doon hindi ko maiwasang mahulog sa kaniya.
Araw-araw niyang pinapakita na mahalaga ako sa kaniya. Until one day, niligawan niya 'ko. Hindi sana ako papayag ngunit ang sabi niya, "Liligawan kita, hindi 'yan tanong. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo."
---
Talk about our future
like we had a clue
Never planned on one day
I'd be losing you~~
Sinagot ko siya makalipas ang ilang buwan niyang panliligaw, nakita ko namang seryoso siya sa akin. Kaya bakit hindi? Napakasupportive at maaalalahanin niya, wala na akong hahanapin pa.
"Klein." Napabalik ako sa aking huwisyo nang banggitin niya ang pangalan ko. Nandito kami sa bubong ng bahay namin, tinitingnan ang napakagandang buwan sa kalangitan.
"Oh?" Tanging tugon ko.
"I love you so much, ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay. Hindi na ako maghahanap pa ng iba, dahil sapat kana sa akin actually sobra pa nga e." Kita ko ang senseridad sa kaniyang mata, ramdam ko naman ang pamumula at pag-init ng aking tenga't pisngi ko.
"Wag mo 'kong iiwan ha? Kasi hindi din kita papayagan. Kung aalis ka man, pipilitin kong sumama. Dito lang ako sa tabi mo, hindi ko na hahayaang mawala ka pa." Saad niya't hinalikan ako sa aking noo.
"I love you too, never kong gagawin 'yon. Kahit maraming hadlang sa relasyon natin, never akong susuko." Tanging nasabi ko, 'di ko napigilan at niyakap ko siya ng mahigpit.
---
In another life
I would be your girl
We'd keep all our promises
Be us against the world~~
"Hala sila na ba? Hindi ba sila nahihiya?" Hindi ko alam kung nagbubulungan ba sila o nagpaparinig. Nandito kami sa park at hindi ko maiwasang mainis sa mga pakialamerang mga tao na kung makapanghusga ay 'kala mo naman ay kilala namin.
"Klein, 'wag mo na lang silang pansinin. I love you, kahit ano pang sabihin nila ikaw pa rin mahal ko." Ngumiti nalang ako ng pilit ngunit sa katanuyan ay naiinis pa din ako dahil sa mga chismosang 'yon.
_
"Balita ko kayo na daw ni Kiel, totoo ba 'yon?" Pag-uusisa ng kaklase ko, 'agad akong napatigil sa pag-susulat.
"A-ano kase--"
"Nakakadiri kayo." Pagputol niya sa sasabihin ko ngunit 'gaya ng dati ay 'di ko na 'to pinansin, sanay na ako sa mga mapanghusgang tao. Pagod na akong magpaliwanag sa mga taong sarado ang utak.
_
"Hoy Klein, kung ako sayo hiwalayan mo na si Kiel." Saad ng aking kaibigan habang nakapamewang pa sa harap ko.
"Ha ba't naman?" Nagtatakang tugon ko.
"Kasi ang dami ng galit sa inyo. 'Di mo ba nakikita?" Aniya.
"Kasalanan ba namin 'yon? Kaibigan kita sana naman kahit ikaw nalang ay suportahan ako." Saad ko sa kaniya, napairap naman siya.
"Hays bahala ka na nga, hindi ka naman nakikinig sa akin!" Naiinis nitong sumbat at iniwan akong naluluha. Pati kaibigan ko hindi na din sang-ayon.
_
"Klein, anak." Senserong tawag sa akin ni papa.
"Po?" Nagtatakang tugon ko.
"Totoo bang may relasyon kayo ng kiel na 'yon ha?!" Galit na usal ni papa.
"P-po?" Kinakabahang saad ko.
"Umayos ka klein, malaman ko lang na totoo ang mga pinagsasabi ng kapitbahay natin malilintikan ka sa akin." Pagbabanta sa akin ni papa. Hindi ko mapigilang mapaluha. Mismong pamilya ko hadlang din sa relasyon naming ito. Tanging kami lamang ni Kiel ang lumalaban at tila kalaban namin ang buong mundo.
Kung minsan ay pinanghihinaan na din ako ng loob ngunit inaalala ko na lamang ang sinabi sa akin ni Kiel, "Kung hindi nila tayo kayang ipaglaban at suportahan, ako ipaglalaban kita. Hindi natin kailangan ang opinyon ng iba para gustohin natin ang isang bagay." I'm still happy dahil lagi siyang 'andiyan kahit papaano ay naiibsan ang pakiramdam ko na mag-isa lang ako sa laban na ito.
GRADUATION
I would make you stay
So I don't have to say
You were the one that got away
The one that got away~~
Masaya kong tinitingnan si Kiel habang siya'y nasa entablado at kinukuha ang kaniyang deploma't karangalan tulad ko.
Nakatingin din ito sa akin at nginitian ako. Kitang-kita ko sa mata niya ang pagsasabi ng "Thank you".
"Congrats!" Pagbati ko sa kaniya matapos ang aming graduation.
"Congrats din hindi naman ako mapupunta sa gan'to kung wala ka." Nahihiyang tugon niya, hindi ko maiwasang mapangiti.
"I still love you." Mga salitang hindi ko inaasahan na kumawala sa aking bibig. Tila may sarili itong buhay. Yes tama kayo, wala na kami. 1 year na simula ng iwan niya ako, ngunit hindi ko pa din matanggap. Hanggang ngayon 'di ko pa din kaya.
"Balik na tayo sa dati, please." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Ngunit tila nabingi ako sa kaniyang mga sinabi.
"Pag ba bumalik ako may magbabago ba? Diba wala? Kasi huhusgahan padin nila tayo. Parehas tayong lalaki Klein ano ba?! 'Di ka padin ba nagsasawa? Gusto mo bang ulit-ulitin ko na hindi na tayo pwede?" Naiinis na saad nito. Diko maiwasang matawa, oo nga pala nakalimutan ko, parehas kaming lalaki. Bakit ba ako nahulog sa kapareha kong kasarian? Dito pa sa mapanghusgang mundo.
"N-naririnig mo ba sinasabi mo? Paano na yung mga pangako mo sa akin dati?!" Namamaos na usal ko, pinipigilan ko pa din na bumagsak ang mga luha ko. Sensero ko siyang tinitigan habang siya nama'y 'di makatingin sa akin ng diretso.
"Sorry." Tanging tugon niya na ikinainis ko.
"Sabi mo 'di mo 'ko iiwan? Nasa'n na? Ba't ang tagal?! Lalaki ako pero bawal na bang mahalin ka? Napakaunfair naman ng mundo." Lumuhod ako sa kaniyang harap, habang nag-uunahang magsibagsakan ang mga luha ko. "Please, balik kana, 'di ko kaya."
Ngayon palang ay nanghihina na ako, paano pa kaya sa susunod na mga araw? Wala na ang lakas ko sa tuwing manghihina ako.
Ngunit napatigil ako sa pagmamakaawa ko sakaniya nang siya'y magsalita. Mga salitang muling dumurog sa pagkatao ko.
"Kalimutan mo na ako dahil kakalimutan na kita, I loved you." Kasabay ng masasakit na salita ay ang paglisan niya. Bumagsak ang malakas na ulan na tila ba nakikisabay sa agos ng mga luha ko.
But in another life
I would be your girl
We'd keep all our promises
Be us against the world
I would make you stay
So I don't have to say
You were the one that got away
The one that got away~~
Nagtapo tayo sa maling pagkatao't mundo.
Nagtapo tayo ngunit hindi tayo pwede.
Yes, we met but we're not meant to be.
If reincarnation really exist...
I wish in another life, I would be your girl.
In another life, sana pwede na, sana tayo na.
But for now, I just wanted to say "Thank you for the memories, at least we met."