Totga
Summer after high school when we first met~~
Papasok na sana ako sa bahay noon, ngunit napatigil ako dahil may nakita akong naglilipat ng gamit sa kabilang bahay, bagong kapitbahay 'ata namin. Nagulat ako nang may lalaking biglang sumulpot sa aking harapan, kung titingnan ay kaedaran ko lamang ito.
"Hi, ako nga pala ang bago niyong kapitbahay! Anong pangalan mo?" Masiglang bati nito sabay lahad ng kaniyang kamay. Biglang kumalabog ng malakas ang aking puso dahilan upang ako'y kabahan.
"U-uhm....a-ano..." Hindi ko alam ang aking sasabihin kaya napatakbo na lamang ako papasok sa loob ng aking bahay. Nakakahiya ang aking ginawa, ngunit hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa sarili ko.
Minsan ay nahuhuli ko itong nakatingin sa akin sa tuwing ako'y lalabas ngunit hinahayaan ko na lamang ito.
Mayro'n ding pagkakataon na lalapit siya sa akin ngunit inuunahan ko ng layuan ito at ipagwalang bahala.
---
First day of school ngayon ngunit mukhang hindi pa ako ready na pumasok. Wala akong masakyan, tapos nakita ko siyang nagbabike kaya inaya niya 'ko. Tatanggi pa sana ako ngunit naalala kong late na pala kaming dalawa.
"What's your name?" Saad niya sa kalagitnaan ng daan. "U-uhm Klein. I-ikaw?" Nahihiyang tugon ko.
"I'm Kiel, don't be shy we're friends now. By the way late na pala tayo, kapit ka ha!" Masayang saad nito at mas binilisan pa ang pagpadyak sa kaniyang bisekleta. Sa sobrang bilis ay napayakap na lamang ako sa kaniya ng mahigpit.
Nalaman kong parehas kami ng course and to be surprisely magkaklase pa kami.
We became friends since that day.
---
Used to steal your parents' liquor
And climb to the roof~~
"Hoy Klein tara nood tayong sine!" Aya sa akin ni Kiel. Nginitian ko lamang ito, "A-ano kase--"
"Hmmm, may problema ka no'? Kukuha lang ako ng alak sa bahay, sa bubong niyo na natin 'yan pag-usapan. Mauna kana susunod ako." Pagputol nito sa sasabihin ko't kumaripas ng takbo sa bahay nila. Natawa na lang ako sa kaniyang inakto, Kabisado na talaga niya ang galaw ko kahit hindi ko na sabihin. Hindi kaya hinahanap ang mga alak na kinukuha niya sa bahay nila? Loko talaga iyon.
We used to do that whenever I'm sad, he's my crying shoulder.
Sa tuwing nahihirapan ako, siya ang naging alalay ko para hindi ako matumba. Siya ang naging lakas sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob.
Kung kailangan ko ng mga salitang makapagpapagising sa akin, nandiyan siya para magbigay ng advice. Hindi niya ako hinayaan, dahil doon hindi ko maiwasang mahulog sa kaniya.
Araw-araw niyang pinapakita na mahalaga ako sa kaniya. Until one day, niligawan niya 'ko. Hindi sana ako papayag ngunit ang sabi niya, "Liligawan kita, hindi 'yan tanong. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo."
---
Talk about our future
like we had a clue
Never planned on one day
I'd be losing you~~
Sinagot ko siya makalipas ang ilang buwan niyang panliligaw, nakita ko namang seryoso siya sa akin. Kaya bakit hindi? Napakasupportive at maaalalahanin niya, wala na akong hahanapin pa.
"Klein." Napabalik ako sa aking huwisyo nang banggitin niya ang pangalan ko. Nandito kami sa bubong ng bahay namin, tinitingnan ang napakagandang buwan sa kalangitan.
"Oh?" Tanging tugon ko.
"I love you so much, ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay. Hindi na ako maghahanap pa ng iba, dahil sapat kana sa akin actually sobra pa nga e." Kita ko ang senseridad sa kaniyang mata, ramdam ko naman ang pamumula at pag-init ng aking tenga't pisngi ko.
"Wag mo 'kong iiwan ha? Kasi hindi din kita papayagan. Kung aalis ka man, pipilitin kong sumama. Dito lang ako sa tabi mo, hindi ko na hahayaang mawala ka pa." Saad niya't hinalikan ako sa aking noo.
"I love you too, never kong gagawin 'yon. Kahit maraming hadlang sa relasyon natin, never akong susuko." Tanging nasabi ko, 'di ko napigilan at niyakap ko siya ng mahigpit.
---
In another life
I would be your girl
We'd keep all our promises
Be us against the world~~
"Hala sila na ba? Hindi ba sila nahihiya?" Hindi ko alam kung nagbubulungan ba sila o nagpaparinig. Nandito kami sa park at hindi ko maiwasang mainis sa mga pakialamerang mga tao na kung makapanghusga ay 'kala mo naman ay kilala namin.
"Klein, 'wag mo na lang silang pansinin. I love you, kahit ano pang sabihin nila ikaw pa rin mahal ko." Ngumiti nalang ako ng pilit ngunit sa katanuyan ay naiinis pa din ako dahil sa mga chismosang 'yon.
_
"Balita ko kayo na daw ni Kiel, totoo ba 'yon?" Pag-uusisa ng kaklase ko, 'agad akong napatigil sa pag-susulat.
"A-ano kase--"
"Nakakadiri kayo." Pagputol niya sa sasabihin ko ngunit 'gaya ng dati ay 'di ko na 'to pinansin, sanay na ako sa mga mapanghusgang tao. Pagod na akong magpaliwanag sa mga taong sarado ang utak.
_
"Hoy Klein, kung ako sayo hiwalayan mo na si Kiel." Saad ng aking kaibigan habang nakapamewang pa sa harap ko.
"Ha ba't naman?" Nagtatakang tugon ko.
"Kasi ang dami ng galit sa inyo. 'Di mo ba nakikita?" Aniya.
"Kasalanan ba namin 'yon? Kaibigan kita sana naman kahit ikaw nalang ay suportahan ako." Saad ko sa kaniya, napairap naman siya.
"Hays bahala ka na nga, hindi ka naman nakikinig sa akin!" Naiinis nitong sumbat at iniwan akong naluluha. Pati kaibigan ko hindi na din sang-ayon.
_
"Klein, anak." Senserong tawag sa akin ni papa.
"Po?" Nagtatakang tugon ko.
"Totoo bang may relasyon kayo ng kiel na 'yon ha?!" Galit na usal ni papa.
"P-po?" Kinakabahang saad ko.
"Umayos ka klein, malaman ko lang na totoo ang mga pinagsasabi ng kapitbahay natin malilintikan ka sa akin." Pagbabanta sa akin ni papa. Hindi ko mapigilang mapaluha. Mismong pamilya ko hadlang din sa relasyon naming ito. Tanging kami lamang ni Kiel ang lumalaban at tila kalaban namin ang buong mundo.
Kung minsan ay pinanghihinaan na din ako ng loob ngunit inaalala ko na lamang ang sinabi sa akin ni Kiel, "Kung hindi nila tayo kayang ipaglaban at suportahan, ako ipaglalaban kita. Hindi natin kailangan ang opinyon ng iba para gustohin natin ang isang bagay." I'm still happy dahil lagi siyang 'andiyan kahit papaano ay naiibsan ang pakiramdam ko na mag-isa lang ako sa laban na ito.
GRADUATION
I would make you stay
So I don't have to say
You were the one that got away
The one that got away~~
Masaya kong tinitingnan si Kiel habang siya'y nasa entablado at kinukuha ang kaniyang deploma't karangalan tulad ko.
Nakatingin din ito sa akin at nginitian ako. Kitang-kita ko sa mata niya ang pagsasabi ng "Thank you".
"Congrats!" Pagbati ko sa kaniya matapos ang aming graduation.
"Congrats din hindi naman ako mapupunta sa gan'to kung wala ka." Nahihiyang tugon niya, hindi ko maiwasang mapangiti.
"I still love you." Mga salitang hindi ko inaasahan na kumawala sa aking bibig. Tila may sarili itong buhay. Yes tama kayo, wala na kami. 1 year na simula ng iwan niya ako, ngunit hindi ko pa din matanggap. Hanggang ngayon 'di ko pa din kaya.
"Balik na tayo sa dati, please." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Ngunit tila nabingi ako sa kaniyang mga sinabi.
"Pag ba bumalik ako may magbabago ba? Diba wala? Kasi huhusgahan padin nila tayo. Parehas tayong lalaki Klein ano ba?! 'Di ka padin ba nagsasawa? Gusto mo bang ulit-ulitin ko na hindi na tayo pwede?" Naiinis na saad nito. Diko maiwasang matawa, oo nga pala nakalimutan ko, parehas kaming lalaki. Bakit ba ako nahulog sa kapareha kong kasarian? Dito pa sa mapanghusgang mundo.
"N-naririnig mo ba sinasabi mo? Paano na yung mga pangako mo sa akin dati?!" Namamaos na usal ko, pinipigilan ko pa din na bumagsak ang mga luha ko. Sensero ko siyang tinitigan habang siya nama'y 'di makatingin sa akin ng diretso.
"Sorry." Tanging tugon niya na ikinainis ko.
"Sabi mo 'di mo 'ko iiwan? Nasa'n na? Ba't ang tagal?! Lalaki ako pero bawal na bang mahalin ka? Napakaunfair naman ng mundo." Lumuhod ako sa kaniyang harap, habang nag-uunahang magsibagsakan ang mga luha ko. "Please, balik kana, 'di ko kaya."
Ngayon palang ay nanghihina na ako, paano pa kaya sa susunod na mga araw? Wala na ang lakas ko sa tuwing manghihina ako.
Ngunit napatigil ako sa pagmamakaawa ko sakaniya nang siya'y magsalita. Mga salitang muling dumurog sa pagkatao ko.
"Kalimutan mo na ako dahil kakalimutan na kita, I loved you." Kasabay ng masasakit na salita ay ang paglisan niya. Bumagsak ang malakas na ulan na tila ba nakikisabay sa agos ng mga luha ko.
But in another life
I would be your girl
We'd keep all our promises
Be us against the world
I would make you stay
So I don't have to say
You were the one that got away
The one that got away~~
Nagtapo tayo sa maling pagkatao't mundo.
Nagtapo tayo ngunit hindi tayo pwede.
Yes, we met but we're not meant to be.
If reincarnation really exist...
I wish in another life, I would be your girl.
In another life, sana pwede na, sana tayo na.
But for now, I just wanted to say "Thank you for the memories, at least we met."
Wag kang uuwi ng 3am
Abala ako sa pagtitipa sa kompyuter na nasa aking harapan nang bigla akong makarinig ng isang malakas na kalabog. Agad akong napatigil sa aking ginagawa't napalingon kung saan ko narinig ang bagay na 'yon. Biglang lumakas ang tibok ng aking puso nang mapagtanto kong ako nalang pala tao dito sa opisina.
Ibinalik ko ang aking atensyon sa pagtitipa at ipinipilit na makapagpokus dito. Ngunit dahil sa matinding kaba, ay kung ano-anong mga bagay ang umiikot sa aking isipan. Paano kung may multo dito o kaya magnanakaw?! Tapos papatayin niya ako't gagahasain!
No way! Sobrang dami ko pang pangarap sa buhay, magpapakasal pa kami ng crush ko no! Napailing-iling nalang ako sa mga iniisip ko. Ako lamang ang nananakot sa aking sarili.
"Siguro antok lang 'to, oo antok lang 'to Shane okay," pangungumbinsi ko sa aking sarili, kung may kasama lang talaga ako ngayon ay paniguradong pag-iisipan ako no'n na nababaliw na ako.
"BULAGA!" Napapitlag ako't halos bumaliktad ang upuan na aking kinalalagyan nang gulatin ako ng dalawa kong kaibigan na kasama ko din sa trabaho.
"Awoooo shane, HAHAHAHAHA!" giit pa ni James. Tuwang-tuwa ang dalawa na animo'y wala ng bukas, napahalukipkip na lamang ako. "Ano masaya na kayo? Tsk."
"Sorry na, natakot ka ba namin Shane pfft?" nagpipigil ng tawa na saad ni Andrea. Itong magjowa na 'to kung 'di ko lang talaga 'to kaibigan ibibitin ko sila patiwarik.
"Obvious ba? Akala ko wala na kayo, sobra akong kinabahan kasi akala ko may ibang tao dito ta's kayo lang pala. Naabala pa tuloy ang pagtatrabaho ko," naiinis na usal ko. Nilapitan naman ako ng dalawa habang patuloy pa din sa pagtawa, napairap na lamang ako. Umupo sila sa tabi ko.
"Ohh ba't nandito pa kayo?" masungit na saad ko. Tumigil sila sa pagtawa't naging seryoso ang kanilang mga mukha, dahil doon ay napakunot ako ng noo.
"Ohh anong mga mukha 'yan?" nagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa, tumikhim si James at siniko si Andrea. "Ikaw na magk'wento kay Shane."
"Hala, ba't ako? Ikaw nalang!" nagrereklamong saad ni Andrea kay James. "Hindi ikaw nalang, ikaw ang mas nakakaalam." pagbabalik ni James kay Andrea. "Ba't ako--"
"Ano ba? Sino ba talaga? Ano ba kasi 'yon?" naiinis kong saad sa kanila. Malakas na napabuntong hininga si Andrea, "Sige na ako na ang magkuk'wento."
"Nabalitaan mo na ba yung nangyari do'n sa babaeng kasama natin noon sa trabaho?" panimula nito. Umiling ako, "Sino?"
"Si Krystal, yung laging late umuwi kagaya mo," singit naman bigla ni James. Napakunot ako ng noo, "Ohh anong mayro'n kay Krystal?"
"Namatay siya noong nakaraan lang." Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. "A-Ano? Ba't anong nangyari?" nanghihinayang na saad ko. Napakabata pa ni Krystal at sa katunayan ay naging close ko din 'to sa maikling panahon na aming pagkakasama sa trabaho. Nailipat lang siya dahil napromote ito sa mas mataas na posisyon sa amin. Deserved naman ito ni Krystal dahil sobrang sipag nito sa trabaho.
"Ang sabi sa amin ng mga kasama natin sa trabaho, natagpuang patay si Krystal sa kaniyang bahay. Wakwak ang katawan nito, at nawawala ang mga iilang parte ng katawan niya. Kagaya na lamang ng dila, mata, tenga at lamang loob nito. Hindi malaman ng mga pulis ang tunay na nangyari sapagkat walang bakas kung sino ang kasuklam-suklam na gumawa nito sakaniya. Ngunit nang magpunta kami sa bahay nila Krystal, napag-alaman namin sa iilang kapitbahay nito na hindi daw tao ang gumawa nito sa kaniya." Tumigil sa pagkuk'wento si Andrea upang magpahinga ng ilang segundo.
"Ha? Sino namang gagawa sa kaniya no'n?" nagtatakang tanong ko, ngumiti ng nakakaloko si Andrea at napatingin kay James.
"Iyon ang hindi namin alam, hindi din nila matukoy kung ano 'yon. Ang tanging alam lang nila hindi 'yon tao. May nagsasabing may nakakita na no'n sa nilalang na 'yon. Ito'y isang babae na hindi pangkaraniwan. Mayroon itong malaki at bilugang mata, mahaba't gusot na buhok kaya natatabunan nito ang mukha nito at malakahoy na katawan na walang saplot. Mahilig itong magmasid sa kapaligiran at minsa'y nag-aanyong tao lamang ito upang makahanap ng mabibiktima," mahabang salaysayin ni Andrea. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, tila umatras ang dila ko't natikom ang bibig ko. 'Di ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi ang mga narinig ko.
"B-Ba't niyo sa'kin sinasabi 'to ngayon?" naguguluhan ko pa ring saad. "Dahil nag-aalala kami sayo Shane," singit naman ni James. Pinagkunutan ko ito ng noo't nagtatakang tiningnan.
"Ha? Ang weird niyo, ba't naman kayo mag-aalala sa akin? 'Di ba dapat kay Krystal?" nagtatakang usal ko. Muli ay nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga si Andrea. "Shane ang sabi nila, huling nakita si Krystal noong nahuli din siya sa pag-uwi galing sa trabaho. 'Gaya mo mahilig din si Krystal umuwi ng sobrang late dahil may tinatapos din siya. Ang sabi pa nila, umaatake at nambibiktima ang nilalang na pinagbibintangang pumatay kay Krystal tuwing alas-tres ng madaling araw. Nag-aalala kami para sayo Shane kaya hangga't maaga pa'y umuwi na tayo't bukas mo nalang ituloy 'yan," nag-aalalang saad ni Andrea. Kitang-kita ko ang sobrang pag-aalala at sensiridad sa kanilang mga mata.
Napailing ako't tumawa, "Ano ba 'yan tinatakot niyo lang ako e, Kayo ha! akala niyo maniniwala ako?" Tsk, sobrang dami ko pang gagawin, ba't nga ba ako nagpapaniwala sa dalawang ito? Siguro ay wala lang silang magawa.
"Hays ewan ko sa 'yo Shane basta sinabihan ka na namin. Ohh siya uuwi na kami," tinatamad na saad ni Andrea. "Una na kami Shane," habol pa ni James. Tumango na lamang ako bilang tugon at tinuloy ang aking ginagawa.
___
Napasapo na lamang ako sa aking noo nang maalala na naman ang nangyari kanina. Napatingin ako sa aking relos, mag-aalastres na pala ng madaling araw. Napabalik ako sa aking ulirat nang mapagtantong nandito na pala ako. "Manong para po," saad ko sa driver ng jeep na sinasakyan ko. Huminto ito at bumaba na ako.
Kinabahan ako nang makitang walang katao-tao ang paligid. Madilim dito, tanging street light nalang ang nagsisilbing liwanag sa daan. Huminga ako ng malalim bago magpatuloy na maglakad.
Sa kalagitnaan ng aking paglalakad hindi ko maiwasang isipin ang kinuwento sa akin kanina nila Andrea at James. Napailing akong muli, "Binibiro ka lang nila Shane, kalma," pagpapakalma ko sa sarili ko.
Tila nablangko ang aking isipan nang makita kong may tao akong makakasalubong. Kahit na malayo-layo pa ito'y naaninag ko na isa itong babae, hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil natakpan ito ng napakahaba niyang buhok. Naaaninag ko ang malaki nitong mata dahil sa ito'y nagliliwanag.
Biglang lumakas ang kabog ng aking puso, nagsimula na din manginig ang aking tuhod at kalamnan.
"S-Shit," mahinang usal ko sa aking sarili, naalala ko na naman ang kuwento nila sa akin. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sobrang kaba, tila napako ang paningin ko sakaniya. Palapit siya nang palapit! Palakas din nang palakas ang tibok ng puso ko.
Hindi ko na kinaya't kumaripas ako ng takbo, takbo lang ako nang takbo kaya 'di ko napansing may bato pala akong natapakan na dahilan kung bakit ako nadapa.
Malakas akong napasigaw nang mapagtanto kong nasa harapan ko na pala siya, b-ba't ang bilis? Pinipilit kong tumayo ngunit napalakas 'ata ang bagsak ko sa lupa.
"H-Huwag mo 'kong patayin maawa ka," namamaos na saad ko, hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.
"Sorry," nakakakilabot na saad nito at hinampas ako sa aking likuran. Tila namanhid ito dahil sa sobrang lakas ng pagkakahampas niya.
"ARAY!" malakas kong usal dito. Nagulat ako ng bigla itong tumawa, nababaliw na ata ito! Mas lalo akong natakot sa pagtawa niya.
Lumapit ito sa akin at hinawakan niya ang tuhod kong may sugat. Hindi ako makapagpumiglas dahil kinain na ako ng sobrang takot. F-Fck ito na ba? Katapusan ko na ba?
"Sorry, masakit ba? Ikaw kasi e!" nag-aalalang saad nito habang hinihipan ang sugat sa tuhod ko, nalaglag ang aking panga sa kaniyang inakto.
"H-Ha?" nagtatakang saad ko, tila ayaw magproseso sa aking utak ang lahat ng pangyayari.
"Ikaw kasi e, bigla kang tumakbo akala ko may multo sa likod ko. 'Di sana kita lalapitan kaso bigla kang nadapa, e hindi naman kaya ng konsensya kong iwan ka lang diyan," nakanguso nitong saad. Hindi pa rin pumapasok sa aking utak ang sinabi niya.
"Ha? Ba't mo naman ako hinampas?" kunot noong saad ko, napataas ang aking kilay nang bigla na naman itong natawa.
"Ahh 'yon ba? May ipis kasi sa likod mo 'di ko alam kung paano sasabihin kaya hinampas ko nalang," natatawang saad niya, hindi ko na rin napigilan at natawa na rin ako.
"S-Shit ipis lang pala," umiiling na saad ko.
Sabay kaming napasigaw nang mapagtantong nasa aming gitna ang ipis kanina. Tangina buhay ka pa pala?
The Urban Legends Of Subway Station
"Did you hear the urban legend of subway station?" anang ng isang matanda sa aking tabi, napakunot ako ng noo dahil hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap ni lola o hangin. Nakatingin lamang kasi ito sa kawalan.
Nakaupo ako sa isang bench dito sa subway station na malapit lang sa opisina namin. Hinihintay ko ang sunod na tren dahil pauwi na ako, sa katunayan huling tren na ang susunod dahil magsasara na rin itong subway station.
"Iha, tinatanong kita," muling saad ni lola, napabalik ako sa aking ulirat ng mapagtantong natulala din ako ng ilang segundo. Ngayon kumpirmado ko ng ako ang kausap niya sapagkat nakatingin na ito sa akin.
"H-Ha? Ano po 'yon?" nahihiyang saad ko. Nakakahiya kinakausap ako ni lola tapos tulala lang ako, napailing na lamang ako.
"Kung hindi mo masasamain, magkukuwento muna ako sayo tungkol sa alamat sa subway station habang hinihintay natin ang huling tren. Ayos lang ba sayo 'yon iha?" tanong nito sa akin habang may malaking ngisi sa labi, hindi ko maiwasang maweirdohan kay lola. Nakakatakot kasi ang kaniyang suot, alam niyo ba yung suot ng kotrabidang lola sa mga horror movies? Nakasuot ito ng itim na damit at mahabang palda na hanggang tuhod, habang natatabunan naman ang mukha nito ng itim na belo.
Tinapik ako nito, ayan natutulala na naman ako, napailing akong muli. "P-Pasensya na po lola may iniisip lang po, sige magkwento na po kayo," tugon ko. Tumikhim ito at umayos ng upo, ganoon din ako.
"Iha, kilala mo ba si Kashima Reiko? Kung hindi, si Kashima Reiko ay isa sa sikat na alamat sa Japan. Siya'y isang babaeng mag-aaral, siya'y mabait at sobrang sipag na mag-aaral. Idagdag mo pa ang napakaganda nitong mukha kaya habulin ito ng mga lalaki. Ngunit sa kabila ng mga papuri ay mayroong mga naiinggit." Huminto si lola ng ilang sandali upang magpahinga, napatango naman ako.
"Ano pong nangyari?" tila nasasabik kong saad, ngumisi si lola.
"Isang gabi, pauwi na si Reiko. Hindi niya alam na nakasunod sa kaniya ang mga naiinggit niyang kaklase. Matindi ang kanilang galit sa kaniya, dahil bukod sa nasasapawan na niya ito sa klase hinahabol din siya ng mga lalaking napupusuan nila. Habang naglalakad si Reiko sa taas ng riles ay inatake siya nila't pinagtulungan. Sa hindi inaasahang pangyayari nahulog sa riles si Reiko't nahati sa kalahati ang kaniyang katawan na dahilan ng kaniyang pagkamatay," mahabang salaysayin ni lola.
"Grabe naman po 'yon, ano pong nangyare sa mga nambully sa kaniya?" nagtatakang saad ko, hindi ko alam ngunit mas lalo 'atang lumalaki ang ngisi ni lola sa kaniyang labi. Hindi ko ito pinansin sapagkat sobra akong nasasabik sa kaniyang pagkukuwento.
"Sa sobrang takot ng mga kaklase niya ay iniwan siya doon, wala ni isang nagtangkang magsalita tungkol sa tunay na nangyari. Makapangyarihan at mayaman din ang mga nambully kay Reiko, kaya madaling napagtakpan ang tunay na nangyari. Pinalabas nilang nagpakamatay si Reiko dahil sa matinding depresyon at stress sa pag-aaral. Hindi nabigyang hustisya ang pagkamatay ni Reiko, kaya ito naging masamang espiritu upang maghiganti. Matapos no'n ay nabalitaang sunod-sunod na namatay ang kaniyang mga kaklase, pare-parehas lamang ang nangyari sapagkat kapag natatagpuan sila, nawawala ang kanilang paa't wala ng buhay." Muli ay napatigil si lola upang humugot ng hininga, napaawang ang labi ko't sumenyas na tumuloy na sa pagkwekwento. Masiyado akong naaaliw sa kaniyang kuwento.
"Ngayon kilala si Reiko bilang isang babaeng hati ang katawan at ang kaniyang ginagamit upang makapaglakad ay ang dalawa nitong kamay. Ngunit 'wag mo itong mamaliitin sapagkat mabilis itong gumapang, papatayin ka niya't hahatiin din sa kalahati ang katawan mo gamit ang palagi niyang dala-dalang patalim. Pagkatapos ay hihingin o kukuhanin niya ang mga paa mo't ito ang magiging pagkain niya. Mas kilala siya bilang si Teke Teke dahil sa kaluskos na ginagawa nito sa tuwing ito'y nagapang. Madalas itong nagpapakita sa mga cr kung saan madalas siyang saktan ng kaklase niya, at sa mga subway station tuwing 11:11 ng gabi kung kailan eksakto siyang pinatay. Ano nagustuhan mo ba ang kuwento ko iha?" mahabang saad ni lola, nanatili akong tahimik dahil sa sobrang pagkamangha sa kaniyang kuwento. Tanging tungo lamang ang naging tugon ko, nagsitayuan din ang mga balahibo ko.
Napapitlag ako't halos mapatalon nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag na si mama, tumalikod muna ako kay lola't 'agad ko itong sinagot.
"Kane nasaan kana ba ha? Ang tagal mo naman 'atang umuwi ngayon," sermon sa akin ni mama.
"A-Ano po ma, hinihintay ko lang po yung last na tren. Uuwi na din po ako 'agad," saad ko naman habang napasapo sa noo ko. Rinig ko ang malakas nitong buntong hininga.
"O' siya sige, dalian mo diyan at gabi na mag-iingat ka," paalala sa 'kin ni mama't pinatay ang tawag. Muli kong hinarap si lola, ngunit paglingon ko wala na siya. Napakamot na lamang ako sa 'king batok.
"Hindi ba't hinihintay din niya ang last na tren?" nagtatakang bulong ko sa aking sarili. Bago ko itabi ang cellphone ko nakita ko ang oras.
11:00 pm na.
Napailing na lamang ako, urban legend lang naman 'yon at hindi 'yon totoo. Kaagad na nawala ang mga iniisip ko nang mapagtantong nandiyan na ang tren. Hays sa wakas at nandiyan na, makakauwi na din ako!
Tumayo na ako't pumasok sa tren. Maluwag naman ang mga upuan sapagkat kaunti na lamang ang mga tao. Madali akong nakahanap ng upuan at umupo. Napasandal na lamang ako't napahapo. Dinadalaw na siguro ako ng antok, sobrang dami din kasi naming ginawa kanina sa opisina. Dahil sa sobrang pagod tuluyan na akong nakatulog at nilamon ng antok.
___
Napahawak ako sa aking ulo dahil nauntog ako nang biglaang huminto ang tren na sinasakyan ko, naamlipungatan ako. Grabe hindi ba nag-iingat ang driver nito? Inilibot ko ang paningin ko kung anong nangyayari
Napatigil ako sa aking pagmamasid ng mapagtantong nag-iisa na lamang pala ako dito. Nagsimulang manginig ang mga tuhod ko.
S-Shit nasaan na sila? Teka ano bang nangyayari? Sobrang tagal ko bang nakatulog?
Kahit nanghihina ang tuhod ko ay pinilit kong tumayo at pumunta sa pintuan. Pinilit kong buksan ang pintuan ng tren na ito ngunit nabigo ako sapagkat sobrang higpit nito. Sinubukan kong gumawa ng ingay at kinatok-katok ang pintuan, nagbabakasakaling mayroong makakarinig at tutulong sa akin.
"TULONG! MAY NAIWAN DITO! TULUNGAN NIYO AKO!" malakas kong sigaw. Halos mapaos na ako sa pagsisigaw dito ngunit wala 'atang makarinig sa akin. Tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito upang tingnan kung sino ang tumatawag ngunit tila nanigas ako nang makita ko kung anong oras na.
11:11 pm
Nahulog ko ang aking cellphone dahil sa matinding panginginig ng aking kamay dahil sa sobrang takot.
Naalala ko na naman ang kinuwento sa akin ng lola kanina. Nanlalamig na din ang pawis ko't nananayo ang balahibo ko. Biglang bumukas ang pintuan kaya napalayo ako bigla.
Nanginginig ang mga paa kong lumabas sa tren. Halos lumabas ang puso ko sa sobrang bilis ng pagkabog. Sobrang nakakatakot ang station na ito, walang pangalan at walang katao-tao. Patay sindi na din ang ilaw.
"Teke Teke," rinig kong kaluskos, paulit-ulit ko itong naririnig na tila napako sa aking isipan. Gusto kong umiyak sa sobrang takot, gusto ko ng umuwi!
Sa aking paglilibot, nakita ko ang matandang kakuwentuhan ko kanina. Tatakbo na sana ako papalapit dito nang magbago ang anyo niya. Naging kalahati ang katawan nito't ang kamay nito ang nagsilbing paa niya, punong-puno ito ng dugo lalo na ang mukha niyang madungis. May hawak itong patalim habang malademonyong nakatingin sa akin. Nakangisi ito, habang ako'y naestatwa sa sobrang takot.
TAKBO! TAKBO! TAKBO!
'Yan ang sinasabi ng isip ko, ngunit nanghihina ako't napako lamang ang tingin ko sa kaniya. S-Shit ano ng gagawin ko?! Ayaw gumana ng isip at katawan ko.
Papalapit ito nang papalapit sa akin hanggang sa namalayan ko na lamang na nasa likuran ko na ito at hinawakan ang tagiliran ko, ramdam ko ang malawak nitong ngisi. A-Ang bilis niya!
Mas lalo akong nanginig at nanghina, halos hindi na din ako makahinga sa sobrang kaba.
"K-Kashima R-Reiko?" tanging mga salitang nalabas ng aking bibig. Ramdam ko ang pagtango nito. Biglang nagmanhid ang katawan ko nang maramdaman kong inangkin ako ng patalim nito. Unti-unti niyang hiniwa ang katawan ko na nakapagbigay sa akin ng malalakas na ulos.
Bumagsak ang katawan ko sa sahig, ramdam ko ang sobrang sakit at panghihina. Nanlalabo ang mata ko ngunit sapat na ito upang makita ang mukha niyang nakangisi, habang hawak-hawak ang mga paa ko. Bago pa man ako lamunin ng kadiliman narinig ko pa ang sinabi nito.
"Akin na itong mga paa mo."
Read my story
HAUNTED ROOM
Abala ako sa pag-aayos ng aking gamit nang biglang pumasok ang isa sa mga co-teachers ko dito sa faculty.
"You're Rona right? Yung bagong hahawak sa room 311?" tanong nito at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.
"Uhm yes, why?" nagtatakang tanong ko habang nakakunot ang aking noo.
"Wala nabalitaan ko kasi sa room 311 ka na, mag-iingat ka roon ah? May kakaiba talaga roon e," paalala nito sabay tapik sa balikat ko.
Ngumiti na lamang ako bilang tugon at hinanda na ang mga gamit ko. First week of class na kase at first time kong mami-meet iyong mga estudyante ko sa room 310.
Umakyat na ako patungong third floor at nadatnan kong nakabukas ang mga pinto, bintana at ilaw sa silid na papasukan ko. Pumasok ako sa classroom nila at nakita ko ang mga estudyante na tahimik lang. May kakaibang amoy sa silid, hindi naman masangsang pero amoy bulaklak.
"Good afternoon, class!" Ngumiti ako sa kanila.
"Good afternoon, ma'am Rona!" Tumayo sila at bumati pabalik.
"Okay you may take your sit," utos ko na kaagad naman nilang sinunod at nagpasalamat.
"Bakit nakabukas lahat ng bintana, ilaw at mga pinto?" nagtatakang tanong ko habang masugid kong pinagmamasdan ang paligid.
"Mas maganda nang sigurado, ma'am." Pilit na ngumiti sa akin ang isa sa mga estudyante.
Tumango-tango na lamang ako kahit na medyo nalilito ako sakaniyang isinagot.
"Ako nga pala si Ms. Rona and I'll be your teacher in Politics and Governance. Hi HUMSS Diamonds!" masiglang pagpapakilala ko sa kanila.
"Hello ma'am!"
Masaya naman silang bumating lahat sa akin.
"May I talk to the class president?" Naghintay ako ng sasagot.
Nagtaas ng kamay ang isang babae at lumapit sa akin.
"Ilan kayong lahat sa klase?" saad ko habang pinagmamasdan ang bawat estudyante sa kwartong ito.
"39 po," tugon niya.
Binilang ko lahat ng present at 33 lang sila.
"Pakilista iyong anim na absent, please," saad ko at tumango naman siya.
Umupo muna siya at nagsulat habang ako naman ay inililibot pa rin ang paningin ko sa buong kwarto.
"Ma'am Rona, heto na po." Ibinigay niya sa akin ang listahan ng anim na absent. Itinabi ko ito at iniipit muna sa librong dala ko.
Biglang nagsigawan ang lahat ng tao sa silid nang biglang namatay ang mga ilaw at nagsaraduhan ang mga pinto't bintana.
"G-Gumagalaw ang mga upuan! T-Tulong!" natatarantang sigaw ng presidente nila.
Naramdaman ko ring gumagalaw ang teacher's table.
"Ma'am!" Itinuro ng isa sa mga estudyante ang wall clock na dapat ay mahuhulog sa akin kung hindi ako umiwas.
"Humawak lang kayo!" Iyan lang ang nasabi ko dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko, kahit na ako din na guro ay natataranta. Hindi naman kasi sinabi sa akin na gan'to ang dadatnan ko.
Pinagpapawisan at nanginginig na ako sa takot, hindi lamang ako ngunit ramdam ko ang takot ng buong klase.
Makalipas lang ang ilang minuto ay nagsindi na ang mga ilaw at bumalik sa ayos ang mga upuan. Lahat ng mga estudyante ay takot na takot, magkakayakap na at ang iba'y umiiyak pa rin.
"Ayos lang ba kayo?" Lumapit ako sa kanila isa-isa upang masigurong ayos lang sila.
Nang masigurong ayos na sila at kumalma na ay bumalik ako sa harapan upang siguraduhing kumpleto sila.
Nanindig ang mga balahibo ko nang bilangin ko sila.
27?
"P-Papaanong? Nasa'n na yung anim?" mahinang usal ko sa aking sarili. Umiling-iling pa ako at inulit ang pagbibilang, nagbabakasakaling mali ang pagkakabilang ko kanina. Sa pangalawang pagbibilang ko ay ganoon pa rin. Nagsimulang kumalabog ng malakas ang dibdib ko.
"N-Nasaan na yung iba niyong kaklase? Ba't may nawawalang anim?" hindi makapaniwalang saad ko, nagsimula silang magbilang ng kaniya-kaniya at nag-ingay nang mapagtantong tama ang sinasabi ko.
"Manahimik kayo, mahiya naman kayo sa gurong nasa harapan," suway ng presidente nila. "Ma'am ako nalang po ang magbibilang," saad nito at kaagad na tumayo para magbilang.
Nanlalaki ang mga mata nitong humarap sa akin na animo'y nakakita ng multo. "M-Ma'am tama po kayo, mayro'ng anim na nawawala."
Nagsimula na naman silang mag-ingay at kita ko ang sobrang pagkatakot sa kanila. Napailing-iling na lamang ako.
"Enough!" suway ko sa kanila, tumahimik naman sila kaagad. "Kailangan kong hanapin ang mga nawawala niyong kaklase, dahil ako ang mananagot dito. So please kailangan niyong mag stay dito at kahit na anong mangyari 'wag kayong aalis okay? Ikaw muna ang bahala dito class president," bilin ko sa kanila, tumango na lamang ito sa akin.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ko nang biglang mayroong tumawag sa akin.
"Ma'am Rona!" Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong sa estudyante ko nagmula ang boses na ito. Malaki ang eyebags nito't gusot-gusot ang damit, mahaba din ang kaniyang buhok na nakatabon sa kaniyang mukha kaya mahirap itong landasin.
"A-Anong ginagawa mo dito? Bumalik kana sa classroom niyo," nagtataka kong saad, nginitian ako nito at lumapit sa akin.
"Ma'am samahan na po kita, diba bago ka lang dito? Hindi mo pa alam ang pasikot-sikot dito," saad niya. Napatango-tango naman ako, tama nga naman siya. Hindi ko maiwasang maweirduhan sa kaniyang mga ikinikilos.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Pupunta tayo sa guard, hihingi tayo ng tulong para mahanap yung mga kaklase niyo. By the way, what's your name?" tanong ko sa kaniya.
"I'm Trisha ma'am," tipid nitong sagot, napatango na lamang ako.
"Ma'am alam niyo na po ang kuwento sa room 311?" Kunot noo ko itong tiningnan. "Hmm, ano bang mayroon sa classroom niyo?" nagtataka kong saad.
"Ang kuwento-kuwento ma'am may mga magkaibigang magkaklase sa room na 'yan, sila'y si Kristelle at Kyla. Kung titingnan para na silang magkapatid dahil sa sobrang close nila. Kaso nagbago lahat ng 'yon nang magkagusto sila sa iisang lalaki. Lagi silang nagpapataasan at nagsasakitan.
Until one day, niligawan nung lalaki si Kyla at 'di nagtagal ay sinagot naman niya ito. Hindi 'yon kinaya ni Kristelle kaya napabayaan niya ang sarili niya hanggang sa nagsimulang i-bully siya ng mga kaklase niya. Nadepress si Kristelle hanggang sa nakita na lamang na nagbigti siya sa room na 'yon.
Matapos ng pangyayari na 'yon namatay yung lalaking pinag-agawan nila, at bigla nalang nawala si Kyla. Simula noon marami ng kababalaghan ang nangyayari sa classroom na 'yon, maraming nagsasabi na nagmumulto si Kristelle upang maghiganti. Ito rin ang dahilan kung bakit walang nagtatagal na guro sa section namin, dahil sa mga kababalaghan na ang hirap ipaliwanag," mahabang kuwento ni Trisha. Napaawang ang labi ko't wala akong masabi sa isinalaysay sa akin nito.
"Grabe naman pala ang nangyari diyan," hindi makapaniwalang saad ko.
Medyo kinilabutan ako sa aking mga narinig. Napatigil ako sa paglalakad nang mapagtantong nandito na pala kami sa guard house. Tumambad sa akin si manong guard na nagkakape pa't may hawak na pandesal.
"Uhm manong p'wede po bang magpatulong? Mayroon pong nawawala na estudyante sa klase ko sa room 311 po," nahihiyang saad ko.
"Hulaan ko, anim na estudyante na naman ang nawawala?" tinatamad na saad ni manong guard.
"O-opo, paano niyo po nalaman?" nagtatakang saad ko.
"Taon-taon nawawalan ng anim na estudyante ang classroom na 'yon ma'am. Hindi ko po alam pero maysa-demonyo 'ata ang classroom na 'yon," umiiling-iling na saad ni manong guard. Nagulat ako nang biglang sumulpot ang class president ng klase ko. Umiiyak ito't nanginginig ang mga kamay at tuhod.
"Anong nangyari? Ba't nandito ka? Nasaan ang mga kaklase mo?!" sunod-sunod kong tanong dito. Lalong lumakas ang paghikbi nito.
"M-Ma'am sorry po, nagkagulo po kanina. H-Hindi ko po alam nangyari sa kanila, bigla nalang po silang nag-away. Nagsasakitan po sila ma'am, hindi ko na po alam ang gagawin ma'am," garalgal nitong saad na tila mo'y namamaos na. Hinaplos ko ang likod nito upang daluhan siya sa pag-iyak.
"M-Manong patulong po parang awa niyo na," natatarantang saad ko.
"Ano pang hinihintay niyo, tara na!" saad ni manong. Tatakbo na sana kami nang napatigil ako.
"Ma'am ano pong ginagawa niyo?" tanong sa akin nito habang ako'y lumilinga-linga pa, teka nasa'n na ba 'yon?
"Hinahanap ko si Trisha," saad ko habang pinagpapatuloy ang aking ginagawa.
"Trisha? Sino 'yon ma'am?" nagtatakang tanong nito.
"Yung kaklase niyo, sinamahan niya ako dito e. Nasaan na ba 'yon?" nag-aalalang saad ko. "Ma'am wala po kaming kaklase na Trisha ang pangalan." Napatigil ako sa sinabing iyon ng estudyante ko.
"A-Ano? E sino yung kasama ko? Nandito lang kanina 'yon e!" pagpupumilit ko.
"Ma'am wala ka pong kasama kanina," singit ni manong guard na sinang-ayunan ng estudyante ko. Ha? Paano nangyari 'yon? Sino ang nakasama't nakakuwentuhan ko?!
"Ma'am wala na po tayong oras! Kailangan na po nating magmadali!" Napabalik ako sa aking ulirat nang sigawan ako ng estudyante ko, napailing ako't tumango na lamang. Tumakbo kami pabalik sa classroom nila.
Naabutan namin silang nagsasakitan--hindi nagpapatayan na sila! Ang iba'y wala ng buhay at ang iba nama'y tuloy sa pakikipag-away. Basag-basag na ang bintana't sobrang gulo na sa classroom na ito. Puno na din ng mga dugo, halos lumuwa ang mata't dibdib ko sa mga nakikita ko. Wakwak ang dibdib ng karamihan, putol ang mga bahagi ng katawan, pugot na ulo at labas ang puso't utak.
Pumasok si manong guard at ang presidente ng klase upang pigilan sila sa ginagawa nila, ngunit nadamay lamang sila. Ngayon isa na sila sa nakikipagbasag ulo na mga estudyante. Nanatili akong tulala rito sa pintuan, nanginginig ang mga tuhod ko't nanlalamig ang buong katawan ko.
"A-Ano ng gagawin ko?!" naiiyak kong usal sa aking sarili. Tila naestatwa ako sa mga nangyayari. Hindi na ako makahinga sa sobrang bilis ng pagkabog ng puso ko, tila ano mang oras ay babagsak na ang katawan ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko kaya't nagpalamon na lamang ako sa kadiliman.
___
Nagising akong masakit ang ulo ko't mga kalamnan ko.
Teka panaginip lang ba ang lahat? Inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid, bumuhos na parang ulan ang luha ko. Sobrang gulo ng paligid at lahat ng estudyante ay wala ng buhay. Totoo ang lahat, patay na lahat ng estudyante ko. Ano ng gagawin ko?
"Ma'am." Halos mapatalon ako nang may biglang tumawag sa akin. Agad ko itong nilingon.
"T-Trisha? What are you doing here?!" nagtatakang saad ko.
"Ma'am buti nalang at ligtas ka," saad niya at nilapitan ako upang alalayang tumayo.
"Saan ka galing kanina? Ba't bigla kang nawala?" Hindi pa rin ako tumigil sa pagtatanong dito. Naalala ko ang sinabi ng class president ng klaseng 'to, wala silang kaklaseng Trisha!
Kahit na nanghihina'y buong lakas kong itinulak sa akin palayo si Trisha.
"M-Ma'am ano po bang ginagawa mo?" kita mo ang pagkalito sa kaniyang mukha.
Sensera ko itong tinignan bago maglabas ng salita. "Sabihin mo sa 'kin, sino ka ba talaga?!"
Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mata, maya-maya'y bumagsak na rin ang mga luha nito.
Hinawakan niya ang mga kamay ko, "I'm K-Kyla..." saad niya na ikinanoot ng noo ko. Kyla? Wait? Yung kyla ba na kinuwento niya? siya ba yung nasa k'wento niya?! "And you're Kristelle," dugtong niya pa na mas lalong nagpagulo sa aking isipan.
"W-What?! Are you crazy?! I'm Rona, hindi ako si Kristelle!" naiinis kong saad rito. Umiiling-iling siya, "No ikaw si Kristelle, ikaw ang pumatay sa kanilang l-lahat...please stop pretending! I know ang laki ng kasalanan ko sayo but please stop! Ang daming ng buhay ang nadamay," nagmamakaawang saad nito at lumuhod pa.
Napailing-iling ako't biglang sumakit bigla ang ulo ko. A-Ano bang nangyayari? Shit!
Muli ko siyang tiningnan muli, ngayon ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti, "And you're next."
Read my story
THE GIRL IN THE DARK ROOM
I was about to sleep when I felt that someone else was here.
Umupo ako sa pagkakahiga at kinuha ko ang isang maliit na vase na nakadisplay sa lamesang katabi ng kama ko, this is for self defense just in case na may masama siyang gagawin sa akin. Nakiramdam muna ako bago maglabas ng salita.
"W-Who are you? B-Ba't ka nandito?!" i nervously said. My heart was thumping so fast, I couldn't think well because I'm afraid.
Walang sumasagot kung kaya't tatayo na sana ako para siguraduhin kung may ibang tao ba rito o guni-guni ko lamang iyon, nang biglang nadulas sa kamay ko ang hawak-hawak kong vase.
"Ay tipaklong!" rinig kong bulaslas ng isang lalaki sa ilalim ng kama ko. Mas lalo akong kinabahan, paano siya napunta rito?!
Napatayo agad ako sa aking kama, nanginginig ang aking tuhod at kalamnan dahil sa sobrang takot.
"L-Lumabas ka riyan kung sino ka man!" Malakas kong utas. Ngunit tila nagbibingi-bingihan ito at nagkukunwaring walang naririnig.
"Tatawag ako ng pulis kung hindi ka lalabas diyan!" pananakot ko rito. Umakto akong kunwaring lalabas at sinadyang laksan ang bawat yapak ko.
"O-Okay fine. Wait, ito na lalabas na," rinig kong saad nito, napatigil ako sa paglalakad at kumuha ng isang kapiraso galing sa vase na nabasag.
Bago makatayo ay nauntog pa ito sa kama. Buti nga sakaniya, karma niya 'yan.
Napasinghal ito habang hinihimas ang kaniyang ulo.
Bago pa man siya makalapit sa akin ay itinutok ko sa kaniya ang kapiraso ng vase na nabasag habang dahan-dahang umaatras palayo.
"H-Huwag kang lalapit, tatawag talaga ako ng pulis!" pagbabanta ko rito. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko na siya.
Nang makasiguradong wala siyang dala-dalang bagay na makakapanakit sa akin, ay agad akong tumakbo papalapit sa kaniya't kinuha ang kamay niya. Ipinilig ko ito nang sapilitan sa kaniyang likuran upang hindi na ito makapanlaban pa.
"A-Aray! Pakawalan mo ako!" iritadong saad nito ngunit hindi ko ito pinakinggan. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak rito.
"Sabihin mo sa akin, sino ka?! Anong pakay mo rito?! Anong kailangan mo?!" sunod-sunod kong tanong sakaniya ngunit ni isa ay wala 'ata siyang balak sagutin.
"Ahh ayaw mo ha? Gusto mong masakta--"
Nagulat ako nang biglang makawala ito sa higpit ng pagkakahawak ko, at isinandal niya ako sa pader habang hawak-hawak ang dalawang kamay ko.
Sinubukan kong magpumiglas ngunit nabigo ako, parang ako lamang ang nauubusan ng lakas sa aming dalawa.
"Bitawan mo 'ko, sino ka?!" naiinis kong lintaya dito. Dahil hindi sapat ang pagpupumiglas ko ay sumigaw ako nang sumigaw upang humingi ng tulong.
"Ano ba? Tumigil ka nga, baka kung anong isipin nila," natatarantang saad niya. Dahil doon ay mas lalo kong nilaksan ang pagsigaw ko.
Natigilan ako sa pagsigaw nang maramdaman kong nakalapat na ang kaniyang labi sa labi ko. H-Hinahalikan niya ba ako? Pero f-first kiss ko 'to....
Sinubukan kong ilayo siya sa akin ngunit bigo pa rin ako. Tila doble o triple ang lakas nito kumpara sa akin. Wala akong nagawa kundi sumunod na lamang sa agos nito. Oo, nagpatianod ako rito. Hindi ko alam, ngunit para akong nahipnotismo ng labi nito.
Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang gusto kong lumayo dahil baka marinig niya ito at isa pa hindi ko ito kilala. Ngunit may parte pa rin sa akin na magpatuloy pa dahil ito ang sinasabi ng malandi kong utak.
Nang matapos na ito sa labi ko, ni isang salita ay walang makalabas sa bibig ko. Tila natikom ang bibig ko, natulala na lamang ako sa kawalan.
"Okay, wala akong gagawing masama sayo. Let me explain," saad nito na parang walang nangyari. Napatango na lamang ako, ngunit wala pa rin akong maisip na sasabihin ko. Gan'to ba ang epekto ng halik? Kung ganoon, ayoko ng mahalikan uli dahil nakakalasing at nakakaadik pala ito.
Inalalayan niya ako papuntang kama at parehas kaming naupo. Halata ba na wala ako sa sarili?! Sino ba naman kasi ang makakapag-isip nang maayos kung may nakipaghalikan sayo na hindi mo kakilala?
"Uhm p'wede ba nating buksan ang ilaw? Ang dilim kasi," tanong nito sa akin at akmang tatayo na nang pigilan ko ito bigla. Hinawakan ko ang kamay nito at hinila pabalik.
"Bawal, hindi pwede," tipid kong sagot dito.
"Ha? Bakit naman?" nagtatakang sagot nito. Sinamaan ko ito ng tingin, kahit na walang ilaw rito ay sapat pa rin na maaninag ko kahit kaunti ang hitsura nito.
"Basta, bawal. Atsaka gusto mo bang mahuli ka rito? Kaya mag-explain kana," simpleng tugon ko rito. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyayari. Ni hindi ako makatingin sa kaniya, ewan ko ba bakit napakabig deal sa akin ng halik na 'yon.
"First of all sorry," panimula nito, tumango ako bilang tugon.
"Sorry dahil pumasok ako dito ng walang paalam, sorry kung natakot kita, lastly sorry kung nahalikan kita. Hindi ko naman sinasadya 'yon e, 'yon nalang talaga naisip kong paraan para mapatahimik ki--"
"Okay sige na, please lang 'wag mo ng babanggitin sa akin 'yan uli ha? By the way, ba't ka nga pala pumasok dito?" pagputol ko sa sinasabi niya. Palihim akong napairap, hindi raw sinasadya pero natagalan sa paghalik sa akin? Ang sarap 'ata nitong sakalin e.
"Ahh 'yon ba? Pasyente rin kasi ako rito. Sinubukan kong tumakas, nakakasawa na kasi e. Kaso napansin agad ng nurse na tagabantay ko kaya ayon naghabulan kami. Hindi ko naman sinasadya na makapasok dito. Akala ko kasi walang tao kasi sobrang dilim kaya dito ko naisipan magtago," mahabang pagpapaliwanag nito. Napatingin ako sa suot niya, nakahospital gown din ito 'gaya ko.
"Natakot ba kita?" kamot ulong saad nito.
"Obvious ba? Akala ko serial killer o rapist na, kung tatakas ka p'wede bang 'wag kang mandamay ha?" pagtataray ko rito.
"Sorry na," nagpapaawang saad nito, habang niyuyugyog ako. Akala niya ba cute na siya sa ginagawa niya? Hindi siya nagkakamali.
Para akong napapaso sa paghawak niya. Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko. Napailing-iling ako at napaatras bigla.
"Bakit?" kunot noong tanong nito.
"W-Wala," tanging tugon ko.
"By the way I'm Verz Daryl Avila, and you are?" Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi, ang bilis kasi ng tibok ng puso ko. Siguro dahil kinakabahan pa ako sakaniya, ewan ko ba.
"I know hindi ka pa rin komportable sa akin pero promise bestfriend mo na ako ngayon. Kung gusto mo sumama ka sa aking tumakas." Hindi ko mapigilang mapangiti nang palihim.
"Ewan ko sayo, ba't naman ako tatakas ha? Pasaway ka," pagtataray ko uli. Natatawa naman ako sa reaksyon nito, parang batang hindi napagbigyan sa kaniyang gusto.
"Sige na kasi, anong pangalan mo? Kung ayaw mo sige tatawagin kitang butiki, unano, kawayan, gorilla, ung--"
"I'm Mary Fatim Bantilan Casalta, subukan mo 'kong tawagin ng kung ano-ano at papalayasin kita rito," pagbabanta ko rito. Nagulat ako nang bigla niyang pisilin ang pisngi ko, ito na naman ang dibdib ko parang may nagkakarera sa loob. Hindi ko napigilan at tinabig ko ang kamay niya.
"Mary ang pangalan pero ang sungit, tsk," bulong nito.
"Narinig ko 'yon ha!" taas kilay kong saad. "Ano naman kung narinig mo ha?" tila nang-aasar nitong tugon.
"Abaaa--"
"Wait lang, may titingnan lang ako sa labas," pagputol nito sa aking sasabihin. Pipigilan ko pa sana ito ngunit masiyado siyang mabilis kumilos. Napasibangot na lamang ako.
Walang isang minuto pa lamang siyang nakakalabas ay narinig ko na ang malalakas nitong ulos. "Aray! Aray! Tama na!"
Nag-aalala ako sa kaniya, hindi ako makapali. Hindi na ako makapag-isip ng maayos kaya dali-dali akong lumabas para tingnan ang nangyayari.
Nakahinga naman ako nang maluwag ng masiguradong ayos lang siya.
"Akala ko naman kung ano ng nangyayari sayo," nakangusong saad ko.
"Aray! Tama na po, hindi na muulit!" Namumula na siya, dahil siguro masakit ang pagkakapingot sa kaniya ng nurse niya. Lalaki pa naman, siguradong masakit nga. Napailing-iling na lamang ako.
"Pasensya na ha? Naistorbo ka ng alaga ko," paghingi ng tawad sa akin ng nurse. Nginitian ko na lamang ito bilang tugon. "At ikaw naman ha, ilang beses ko ba sasabihin sayong bata ka na bawal tumakas. Paano ka gagaling at makakaalis dito?--"
Napatigil sila nang bigla akong mapasigaw sa sakit.
Biglang sumakit ang ulo ko, nagsimula na ring manginig ang mga kalamnan ko. Lumalabas ang mga ugat sa balat ko at para akong nasusunog. Nahihirapan na rin ako sa paghinga't nanlalamig ang pawis ko. Sa sobrang hilo, natumba ako.
L-Liwanag...
Mayroong liwanag....
'Yon lamang ang naiisip ko, liwanag.
Nanlalabo na ang paningin ko.
"Mary! Anong nangyayari?! Mary, hey! Do you hear me? Are you okay?! Help! Kuya John please humingi ka ng tulong! Wait lang Mary ha? Hihingi lang kami ng tulong," natatarantang saad nito habang hawak-hawak ang kamay ko. Hinawakan ko ito nang mahigpit. "P-Please stay."
"Okay, hindi kita iiwan. Dito lang ako," he said worriedly then after that everything went black.
____
Nagising na ako, ngunit ganoon pa rin walang pagbabago. Madilim dito, ni isang katiting ng liwanag ay wala. Sanay na ako sa buhay kong ito. Ang liwanag ay hindi para sa akin.
"Gising kana pala," rinig ko sa isang taong pamilyar ang boses. Halos mapabalikwas ako at hindi makapaniwalang nakatingin dito.
"A-Anong ginagawa mo rito?!" nagtataka kong saad. Napasibangot naman ito.
"Bumibisita malamang, alam mo bang isang linggo na akong pabalik-balik dito? Lagi kong hinihintay na magising ka," nag-aalala nitong saad. Nagulat ako nang tumayo ito at niyakap ako.
"Huwag mo na uulitin na matulog ng ganoon katagal ha?" seryosong lintaya nito. Wala sa sariling napatango ako.
T-Teka? Bakit naaalala ko pa siya?!
Napalayo ako sa kaniya bigla at kunot-noong tinitigan siya.
"Ba't, anong problema?" nagtatakang tanong nito habang nakakunot ang noo. Naiilang ko itong tiningnan.
"P-Paanong naaalala pa kita?" nagtatakang saad ko rito.
"At bakit naman hindi mo 'ko maaalala?" pagbabalik niya ng tanong sa akin, "Teka ano ba talagang sakit mo Mary ha? Tapatin mo nga ako," dagdag pa nito.
Malakas akong napabuntong hininga. Napatingin ako sa sahig, naiiyak na naman ako sa sakit ko.
"B-Ba't nandito ka pa? H-Hindi ka ba natatakot sa akin? Nakita mo na ang hitsura ko," nauutal kong saad, halos hindi ako makatingin sa kaniya. Natatakot ako sa sasabihin at sa magiging reaksiyon niya.
"Ba't naman ako matatakot? Ang cool kaya," pagbibiro nito habang tinutusok-tusok pa ang pisngi ko. Sinamaan ko ito ng tingin. Hindi nagtagal, napilitan din akong ikwento sa kaniya kung ano at sino talaga ako.
"Loko ka talaga, since birth dala-dala ko na itong sakit ko." Mapait akong napangiti, nag-aalala ako nitong tiningnan.
"Hindi mo naman kailangan magk'wento e, okay lang saakin kung hindi mo kaya." Umiling ako at sinenyasan itong manahimik.
"I have Heliophobia, I have fear of sun, sunlight, or any bright light. Once my skin interacted with this, it can cause me death. Mabuti nalang at naagapan niyo ako nung nakaraan. Nakita mo naman, parang nasusunog ako sa sarili kong balat. My skin is so very sensitive, also my eyes are. Once na nakakita ako ng liwanag, paggising ko nakakalimutan ko lahat ng lalaki na kilala ko. I don't know pero miracle nalang 'ata na kilala pa rin kita hanggang ngayon," mahabang lintaya ko. Kunot-noo ko itong tiningnan nang makitang abot tenga ang ngiti nito.
"Ohh anong nginingiti-ngiti mo riyan?"
"Ibang klase talaga kagwapuhan ko 'no? Ang hirap kalimutan," mayabang na saad nito habang nakapogi sign pa. Napairap ako, sabi na e wala siyang matinong sasabihin. Sinamaan ko siya ng tingin.
He tapped my head and caressed my cheeks.
I was shocked at what he did, my heart started to beat fast again.
"Basta, sabay tayong magpapagaling okay? Sabay tayong lalabas dito, sabay din tayong magtatrabaho, sabay tayong kakain, tapos sabay tayong magsasaya," saad niya, napatango nalang ako. Tila para bang nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya. Palihim akong napangiti, kasama ako sa mga pangarap niya.
----
It's been 1 year since the day I met him.
Things went well because he was always by my side. Through ups and downs he was always there. Sa 1 year na 'to naging mabilis sa akin lahat. Yung boring kong buhay naging masaya. To be honest na-enjoy ko ang buhay ko rito sa hospital.
Bukod sa pagiging mapang-asar, mahangin, loko-loko na Verz ay supportive, masaya at magaling siyang magmotivate. He always say that I would be heal soon.
The doctor also said that I'm getting better since the day I met him. Maraming pagbabago ang nangyari sa akin, at malaki ang tyansang gagaling pa ako.
As the day passes, lalo akong naa-attached kay Verz. Ewan ko ba, pero hindi ako sanay na wala ang presensya niya.
"Hoy tulala ka na naman diyan," halos mapatalon ako sa biglaang pagsulpot nito.
"Ano ba 'yan kabute ka ba ha?" pagsusungit ko.
"May pogi bang kabute?" Sinamaan ko naman ito ng tingin.
"Sus parang hindi mo 'ko iniimagine kanina ha?" nang-aasar pa nitong saad. Kinuha ko ang unan ko at pinaghahampas siya.
"A-Aray! Biro lang naman, napakasungit talaga!" nagtatampong saad nito habang nakahalukipkip pa. Hindi ko maiwasang matawa.
"Ba't ka pala naparito?" I asked habang tinitingnan ang dala niya at tinutulungan siyang iayos 'yon sa lamesa.
"Kakain tayo kasi tatakas tayo mamaya," nakangising saad nito. Napakunot ang noo ko.
"Aalis? Nababaliw kana ba? Bawal ako sa liwanag, gusto mo 'atang mapaaga pagkamatay ko e," saad ko habang nakasimangot.
Ngumiti siya nang nakakaloko, hinila niya ako papunta sa upuan at inalalayang kumain.
"Basta kumain ka ng marami, akong bahala!" Kahit na naguguluhan ako ay kumain na lamang ako katulad ng sinabi niya.
----
"Hoy ano bang ginagawa mo? Ba't mo tinatakpan ng panyo yung mata ko?" nagtatakang saad ko rito. Una pinagsuot niya ako ng sweater na sobrang kapal, mayroon ding takip sa leeg ko, nakamedyas akong mahaba't nakaboots, nakasuot ako ng bonet and lastly nakamask din ako at nakagloves.
"P'wede na tayong lumabas dalawa," saad nito habang pinapaikot ako.
"Lalabas ako ng ganito? Ayoko nga sobrang init e, tapos nakakahiya." Bigla niya akong hinawakan sa magkabila kong braso. "Basta magtiwala ka lang sa'kin masaya 'to."
Wala sa sariling napatango ako, kahit kailan talaga hindi ko siya kayang tanggihan. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala sa mangyayari mamaya. Delikado ang gagawin namin.
----
Nandito kami ngayon sa amusement park. Hindi ko maiwasang mapangiti, sobrang higpit ng pagkakahawak niya saakin. Ngunit nahihiya pa rin ako dahil sa hitsura't porma ko. Naririnig ko rin ang mga bulong-bulungan ng mga tao na weird ako.
"B-Bumalik na lang kaya tayo," saad ko't napatigil sa paglalakad.
"Just don't mind them okay? Ang mahalaga magsasaya tayo atsaka nandito na tayo walang atrasan 'to! Sasakay tayo ng roller coaster!" nasasabik nitong saad. Wala akong nagawa kundi magpahila na lamang sa kaniya, wala rin akong magawa dahil tiyak na siya lang rin ang mananalo sa aming dalawa.
Natatawa na lamang ako habang mabilis na umaandar ang roller coaster na sinasakyan namin ngayon. Paano ba naman, kung sino pa ang nagyaya siya pa yung makatili ng wagas.
"MAMA! TAMA NA! AYOKO NA! MAMA!" malakas na sigaw nito habang nakayapos sa akin nang mahigpit, buti na lamang ay may takip ang mata ko. Kung hindi tatawanan ko talaga ang mukha niya ngayon.
----
"Ano, isa pa?" nang-aasar na saad ko.
"Hindi ka pa pagod?" hindi makapaniwalang saad nito.
"Hindi nakakaanim palang naman tayo, siguro mga lima pa." Natawa ako nang bigla ako nitong hilain at bigla itong magsuka. Hinagod ko naman ang likuran niya.
"Magyayaya, hindi rin naman pala kaya," mahinang bulong ko.
"May sinasabi ka ba ha?" naiinis na lintaya niya.
"Wala sabi ko tara na," pagpapalusot ko.
Kung kanina ako ang inaalalayan niya, ngayon baliktad na. Kung sino pa ang may piring, siya pa ang umaalalay sa kaniya. Hilong-hilo siya sa mga sinakyan namin. 'Di ko maiwasang matawa sa sakaniya.
"B-Ba't ka tumatawa ha?" nagtatampong saad nito.
"Hindi kaya," nagpipigil tawang saad ko.
"Bahala ka riyan!" saad niya at bumitiw sa akin.
"H-Hala teka o-oy hindi ko makita ang daan! N-Nasaan kana!" natatarantang saad ko. Narinig ko naman ang paghagikgik nito.
Naramdaman ko ang kamay nito na inaalis ang piring sa mata ko. "H-Hoy anong ginagawa mo?! Itigil mo 'yan!" pagpupumiglas ko ngunit nabigo ako dahil mas malakas ito sa akin.
"Shh, magtiwala ka sa akin Mary." Sa mga sinabi niyang iyon ay agad akong napatigil at kumalma. May tiwala ako sa kaniya.
Pagkatanggal niya ng piring sa akin ay sinunod niyang tanggalin ang mask, gloves at sweater na suot ko. Habang ako? Nanatili akong nakapikit, natatakot ako sa p'wedeng mangyari.
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko't tinapik. "Open your eyes."
Noong una nag-aalinlangan pa ako ngunit gaya ng sinabi niya ay ginawa ko.
Tiningnan ko ang balat ko, wala pa rin nangyayari. Kahit ilang segundo na akong natatamaan ng sikat ng araw ay hindi nasusunog ang balat ko.
Hindi ko napigilang umiyak. "V-Verz tingnan mo! Magaling na ako! Tingnan mo walang masamang nangyayari!" hindi makapaniwalang saad ko. Sa sobrang saya ko ay nayakap ko siya nang mahigpit. Matapos ang ilang sandaling pagyayakapan ay kumalas na ako upang tingnan muli ang aking balat.
Nakangiti ito sa akin at sinabing, "You're not afraid of light, you're just afraid on what might happen there."
Tumango ako at pinagmasdan ang araw na matagal ng hindi tumatama sa balat ko.
He's right! Kaya kong gumaling!
"Bibili muna ako ng ice cream, diyan ka muna ha?" saad nito't ginulo ang buhok ko. Hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa pagmamasid ng paligid. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, kung panaginip lamang ito ay sana 'wag na akong magising.
----
Ilang oras na magmula ng iwan ako ni Verz sa kinatatayuan ko ngunit wala pa rin siya. Nawawala na ang araw at kumukulimlim na ang paligid.
Nasaan na ba 'yon? Natabunan na ba siya ng ice cream? Napahalukipkip na lamang ako.
Nagulat ako nang may mga butil ng tubig na tumatama sa aking balat. T-Teka umuulan ba?! Hindi kalaunan ang butil ay naging malakas na ulan. Hindi ko mapigilang kabahan.
"V-Verz nasaan kana ba?" naiiyak na saad ko. Basang-basa na ako, hindi ko alam ang gagawin ko.
Nanginginig na rin ako sa sobrang lamig. Nag-uumpisa na rin akong mahirapang huminga.
Napatigil ako sa pag-iyak nang biglang tumigil ang pagpatak sa akin ng tubig kahit na umuulan pa rin.
Napaangat ako ng tingin, ngumiti ako nang makitang si Verz 'yon. He's back!
"Sinong may sabing maligo ka sa ulan ha?"
Sinamaan ko siya ng tingin at pinaghahampas, nahuli naman agad niya ang mga kamay ko.
"Shhh, calm down. Relax yourself para ka lang naliligo sa banyo, don't be afraid I'm here," aniya na nakapagpakalma sa akin.
"Sorry I'm late wala kasing bukas na bilihan ng ice cream kaya kung saan-saan pa ako nagpunta," nag-aalalang saad nito. Tumango lang ako, inabot niya sa akin ang binili niyang ice cream.
Pumunta kami sa may lugar na pwedeng pagsilungan. Umupo kami doon at naisipan naming lantakan ang ice cream na binili niya.
Habang kumakain hindi ko napigilan at tumakbo ako bigla sa gitna ng ulan.
"Mary, bumalik ka rito!" suway sa akin ni Verz ngunit nagmatigas ako.
"Woooooo, ang sarap maligo sa ulan!" sigaw ko sa kawalan habang dinadama ang tubig na tumatama sa balat ko.
"Ako si Mary! Naliligo ako sa ulan!" sigaw kong muli, sa kakatakbo ko hindi ko inaasahang madudulas ako. Hinihintay ko ang pagbagsak ko ngunit tila napatigil ang mundo ko nang mapagtantong nasalo ako ni Verz. Napatulala ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin, bumilis ang tibok ng puso ko.
Parang tumigil ang ikot ng mundo, parang bumagal lahat ng pangyayari.
"Sinabi ko naman sayo mag-iingat ka," saad nito ngunit hindi ako makapagsalita at patuloy pa rin sa pagmamasid ng mukha niya.
Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito kalapit at kalinaw.
I can't help but to mesmerized with his perfect face, it seems it's sculpted perfectly! His eyes were like ocean, nakakalunod! His nose is pointed sharply, his jaw was so perfect, his eyebrows were on fleek while his glamour lips enticing me.
Napako ang tingin ko sa labi niya, hindi ko napigilan at inangkin ko ito ng ilang sandali. Nang makabalik ako sa sarili ko, nagulat ako sa ginawa ko kaya agad din akong kumawala.
"S-Sorry," paghingi ko ng tawad sa kaniya. Ngunit mas lalo akong nagulat nang hilain ako nito at muling angkinin ang labi ko. Hindi na ako nagpumiglas pa, sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Ang mga kamay nito ay mahigpit na nakayapos sa bewang ko habang ang mga kamay ko ay nasa batok niya, sa bawat segundong lumilipas ay palalim nang palalim ang mga halik na binibitawan namin sa isa't isa.
"I love you Mary, do you feel the same?" hinihingal niyang saad. Napatigil kami sandali upang magpahinga at humugot ng hininga. Hindi ko sinagot ang mga tanong niya, kundi hinalikan ko siyang muli bilang tugon. I really don't know what to say but I know mahal ko na siya.
Nagulat ako nang bigla niya akong tinulak dahilan upang matumba ako at siya nama'y nabangga ng kotse. Ni hindi kami binabaan ng kotse at patuloy lamang ito sa pag-andar.
Natuliro ang utak ko sa mga pangyayari, sobrang bilis at hindi ko inaasahan. Agad akong lumapit sa kaniya, hindi ko alam ang gagawin ko.
"Verz, tatawag ako ng tulong okay? Dito ka lang," natataranta kong saad. Tatayo na sana ako nang hilain ako nito pabalik at niyakap.
"P-Please, don't leave me," nahihirapan nitong saad. Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit. Wala akong magawa kundi umiyak sa harap ng taong mahal ko.
Ilang sandali pa ang lumipas nanghihina na rin ako, wala ng malay si Verz at patuloy pa rin sa pagbuhos ang ulan. Nanginginig na ako sa sobrang lamig, tila ano mang oras ay susuko na rin ang katawan ko.
Humiga ako sa tabi niya, kahit na nanlalabo na ang paningin ko ay nagawa ko pa ring pagmasdan ang mukha niya. "Kahit kailan hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukha mo, don't worry hindi kita iiwan," i whispered underneath my breath and everything went black.
----
"Hoy ang panget mo talaga, ano na namang pakulo mo ha?" naiinis kong utas habang pilit na tinatanggal ang kadenang nilagay niya sa aming kamay.
"Narinig kong ililipat ako ng magulang ko sa ibang hospital, ayoko nga hindi nila tayo mapaghihiwalay," kumpyansadong saad nito.
"At sa tingin mo 'pag ginawa mo 'to hindi nila tayo mapaghihiwalay?" taas kilay kong saad. Napaiwas ito ng tingin at ngumuso.
"B-Basta hindi nila tayo mapaghihiwalay! Mas gugustuhin ko nalang na mamatay kung ililipat nila ako sa iba," nakasibangot na saad nito. Natawa naman ako sa inasta nito.
"Ba't ka tumatawa ha?!"
"Wala, tama hindi nila tayo mapaghihiwalay!" saad ko habang nakasaludo pa.
Nagtaka ako nang biglang sumeryoso ang mukha niya. "Promise me na hindi mo 'ko iiwan, kasi hindi rin kita papayagan."
Tumango ako. "Ako rin! Aba ang sakit kayang mawalan ng aso," nagbibirong saad ko. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Ahh aso pala ha," mapanlokong lintaya nito at kiniliti ako sa leeg at bewang ko.
Natawa na lamang ako habang inaalala ang mga araw na iyon, hindi ko maiwasang mapaluha. I really miss him.
It's been 2 years since the day he left me. Hindi kinaya ng katawan niya matapos na mabangga siya.
Nakatitig lamang ako sa lapida niya at mapait na napangiti. Ibinaba ko ang bulaklak na dala-dala ko para sa kaniya.
"H-Happy 2nd death anniversarry, bangon na riyan ang tagal mo na akong pinaghihintay," halos mamaos na saad ko.
"Ang daya mo naman e, sabi mo walang makapaghihiwalay sa atin. Nasaan kana? Ba't mo 'ko iniwan?! Para saan pa 'tong paggaling ko?"
Gumaling nga ako simula ng araw na iyon.
Pero parang walang saysay pa rin ang paggaling ko dahil wala na rin ang dahilan nito.
Yung takot ko sa araw at liwanag, walang-wala sa takot na mawala siya.
He was my joy when I was sad.
He has been my savior every time I have lost my hope.
He was my light in the dark.
He saved me from the darkest part of my life.
He help me to overcome my fear.
Ngayon na wala na siya? Wala na rin akong dahilan para mabuhay.
Hindi ko na napigilan at humagulgol na ako ng iyak.
Tila nakikisabay ang langit sa kalungkutan na nadarama ko't bumuhos ang napakalakas na ulan.
Hindi ko ito pinansin at hinayaang mabasa ang buong katawan ko.
"I really miss you, should I follow you now?" I whispered in vain.
Natumba ako sa sobrang panghihina.
Not just physically but I'm also mentally and emotionally tired. Nawawalan na ako ng pag-asa.
Hinayaan kong manginig ako sa sobrang lamig, nahihirapan na rin akong huminga't nanlalabo na rin ang paningin ko.
Nagulat ako nang maramdamang hindi na ako nababasa ng ulan kahit na umuulan pa rin, hindi ko ito pinansin at patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Sinong may sabing maligo ka sa ulan ha?" Rinig kong lintaya ng isang hindi pamilyar na boses.
Agad akong napaangat ng ulo at nagkunot ng noo.
I saw an unfamiliar guy, standing in front of me while holding umbrella.
Tumayo ako upang harapin ito, muntik na akong matumba ngunit nasalo naman ako nito. Ilang sandali akong napatitig sa mukha nito, dahil doon ay naalala ko si Verz kaya bigla ko siyang natulak.
Nahihirapan pa rin akong huminga at alam kong napapansin niya 'yon kaya agad ko siyang tinalikuran.
Nagulat ako nang tapikin niya ang aking likod upang daluhan ako.
"Shhh, calm down. Relax yourself para ka lang naliligo sa banyo, don't be afraid I'm here." Agad akong kumalma sa sinabi ng estrangherong ito. Hinarap ko siya at kunot-noong tiningnan.
"V-Verz?" wala sa sarili kong saad. Napailing-iling nalang ako, imposible.
"Hi, I'm Clyde. I've been looking for you for a long time."
W-What?
The End.