HAUNTED ROOM
Abala ako sa pag-aayos ng aking gamit nang biglang pumasok ang isa sa mga co-teachers ko dito sa faculty.
"You're Rona right? Yung bagong hahawak sa room 311?" tanong nito at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.
"Uhm yes, why?" nagtatakang tanong ko habang nakakunot ang aking noo.
"Wala nabalitaan ko kasi sa room 311 ka na, mag-iingat ka roon ah? May kakaiba talaga roon e," paalala nito sabay tapik sa balikat ko.
Ngumiti na lamang ako bilang tugon at hinanda na ang mga gamit ko. First week of class na kase at first time kong mami-meet iyong mga estudyante ko sa room 310.
Umakyat na ako patungong third floor at nadatnan kong nakabukas ang mga pinto, bintana at ilaw sa silid na papasukan ko. Pumasok ako sa classroom nila at nakita ko ang mga estudyante na tahimik lang. May kakaibang amoy sa silid, hindi naman masangsang pero amoy bulaklak.
"Good afternoon, class!" Ngumiti ako sa kanila.
"Good afternoon, ma'am Rona!" Tumayo sila at bumati pabalik.
"Okay you may take your sit," utos ko na kaagad naman nilang sinunod at nagpasalamat.
"Bakit nakabukas lahat ng bintana, ilaw at mga pinto?" nagtatakang tanong ko habang masugid kong pinagmamasdan ang paligid.
"Mas maganda nang sigurado, ma'am." Pilit na ngumiti sa akin ang isa sa mga estudyante.
Tumango-tango na lamang ako kahit na medyo nalilito ako sakaniyang isinagot.
"Ako nga pala si Ms. Rona and I'll be your teacher in Politics and Governance. Hi HUMSS Diamonds!" masiglang pagpapakilala ko sa kanila.
"Hello ma'am!"
Masaya naman silang bumating lahat sa akin.
"May I talk to the class president?" Naghintay ako ng sasagot.
Nagtaas ng kamay ang isang babae at lumapit sa akin.
"Ilan kayong lahat sa klase?" saad ko habang pinagmamasdan ang bawat estudyante sa kwartong ito.
"39 po," tugon niya.
Binilang ko lahat ng present at 33 lang sila.
"Pakilista iyong anim na absent, please," saad ko at tumango naman siya.
Umupo muna siya at nagsulat habang ako naman ay inililibot pa rin ang paningin ko sa buong kwarto.
"Ma'am Rona, heto na po." Ibinigay niya sa akin ang listahan ng anim na absent. Itinabi ko ito at iniipit muna sa librong dala ko.
Biglang nagsigawan ang lahat ng tao sa silid nang biglang namatay ang mga ilaw at nagsaraduhan ang mga pinto't bintana.
"G-Gumagalaw ang mga upuan! T-Tulong!" natatarantang sigaw ng presidente nila.
Naramdaman ko ring gumagalaw ang teacher's table.
"Ma'am!" Itinuro ng isa sa mga estudyante ang wall clock na dapat ay mahuhulog sa akin kung hindi ako umiwas.
"Humawak lang kayo!" Iyan lang ang nasabi ko dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko, kahit na ako din na guro ay natataranta. Hindi naman kasi sinabi sa akin na gan'to ang dadatnan ko.
Pinagpapawisan at nanginginig na ako sa takot, hindi lamang ako ngunit ramdam ko ang takot ng buong klase.
Makalipas lang ang ilang minuto ay nagsindi na ang mga ilaw at bumalik sa ayos ang mga upuan. Lahat ng mga estudyante ay takot na takot, magkakayakap na at ang iba'y umiiyak pa rin.
"Ayos lang ba kayo?" Lumapit ako sa kanila isa-isa upang masigurong ayos lang sila.
Nang masigurong ayos na sila at kumalma na ay bumalik ako sa harapan upang siguraduhing kumpleto sila.
Nanindig ang mga balahibo ko nang bilangin ko sila.
27?
"P-Papaanong? Nasa'n na yung anim?" mahinang usal ko sa aking sarili. Umiling-iling pa ako at inulit ang pagbibilang, nagbabakasakaling mali ang pagkakabilang ko kanina. Sa pangalawang pagbibilang ko ay ganoon pa rin. Nagsimulang kumalabog ng malakas ang dibdib ko.
"N-Nasaan na yung iba niyong kaklase? Ba't may nawawalang anim?" hindi makapaniwalang saad ko, nagsimula silang magbilang ng kaniya-kaniya at nag-ingay nang mapagtantong tama ang sinasabi ko.
"Manahimik kayo, mahiya naman kayo sa gurong nasa harapan," suway ng presidente nila. "Ma'am ako nalang po ang magbibilang," saad nito at kaagad na tumayo para magbilang.
Nanlalaki ang mga mata nitong humarap sa akin na animo'y nakakita ng multo. "M-Ma'am tama po kayo, mayro'ng anim na nawawala."
Nagsimula na naman silang mag-ingay at kita ko ang sobrang pagkatakot sa kanila. Napailing-iling na lamang ako.
"Enough!" suway ko sa kanila, tumahimik naman sila kaagad. "Kailangan kong hanapin ang mga nawawala niyong kaklase, dahil ako ang mananagot dito. So please kailangan niyong mag stay dito at kahit na anong mangyari 'wag kayong aalis okay? Ikaw muna ang bahala dito class president," bilin ko sa kanila, tumango na lamang ito sa akin.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ko nang biglang mayroong tumawag sa akin.
"Ma'am Rona!" Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong sa estudyante ko nagmula ang boses na ito. Malaki ang eyebags nito't gusot-gusot ang damit, mahaba din ang kaniyang buhok na nakatabon sa kaniyang mukha kaya mahirap itong landasin.
"A-Anong ginagawa mo dito? Bumalik kana sa classroom niyo," nagtataka kong saad, nginitian ako nito at lumapit sa akin.
"Ma'am samahan na po kita, diba bago ka lang dito? Hindi mo pa alam ang pasikot-sikot dito," saad niya. Napatango-tango naman ako, tama nga naman siya. Hindi ko maiwasang maweirduhan sa kaniyang mga ikinikilos.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Pupunta tayo sa guard, hihingi tayo ng tulong para mahanap yung mga kaklase niyo. By the way, what's your name?" tanong ko sa kaniya.
"I'm Trisha ma'am," tipid nitong sagot, napatango na lamang ako.
"Ma'am alam niyo na po ang kuwento sa room 311?" Kunot noo ko itong tiningnan. "Hmm, ano bang mayroon sa classroom niyo?" nagtataka kong saad.
"Ang kuwento-kuwento ma'am may mga magkaibigang magkaklase sa room na 'yan, sila'y si Kristelle at Kyla. Kung titingnan para na silang magkapatid dahil sa sobrang close nila. Kaso nagbago lahat ng 'yon nang magkagusto sila sa iisang lalaki. Lagi silang nagpapataasan at nagsasakitan.
Until one day, niligawan nung lalaki si Kyla at 'di nagtagal ay sinagot naman niya ito. Hindi 'yon kinaya ni Kristelle kaya napabayaan niya ang sarili niya hanggang sa nagsimulang i-bully siya ng mga kaklase niya. Nadepress si Kristelle hanggang sa nakita na lamang na nagbigti siya sa room na 'yon.
Matapos ng pangyayari na 'yon namatay yung lalaking pinag-agawan nila, at bigla nalang nawala si Kyla. Simula noon marami ng kababalaghan ang nangyayari sa classroom na 'yon, maraming nagsasabi na nagmumulto si Kristelle upang maghiganti. Ito rin ang dahilan kung bakit walang nagtatagal na guro sa section namin, dahil sa mga kababalaghan na ang hirap ipaliwanag," mahabang kuwento ni Trisha. Napaawang ang labi ko't wala akong masabi sa isinalaysay sa akin nito.
"Grabe naman pala ang nangyari diyan," hindi makapaniwalang saad ko.
Medyo kinilabutan ako sa aking mga narinig. Napatigil ako sa paglalakad nang mapagtantong nandito na pala kami sa guard house. Tumambad sa akin si manong guard na nagkakape pa't may hawak na pandesal.
"Uhm manong p'wede po bang magpatulong? Mayroon pong nawawala na estudyante sa klase ko sa room 311 po," nahihiyang saad ko.
"Hulaan ko, anim na estudyante na naman ang nawawala?" tinatamad na saad ni manong guard.
"O-opo, paano niyo po nalaman?" nagtatakang saad ko.
"Taon-taon nawawalan ng anim na estudyante ang classroom na 'yon ma'am. Hindi ko po alam pero maysa-demonyo 'ata ang classroom na 'yon," umiiling-iling na saad ni manong guard. Nagulat ako nang biglang sumulpot ang class president ng klase ko. Umiiyak ito't nanginginig ang mga kamay at tuhod.
"Anong nangyari? Ba't nandito ka? Nasaan ang mga kaklase mo?!" sunod-sunod kong tanong dito. Lalong lumakas ang paghikbi nito.
"M-Ma'am sorry po, nagkagulo po kanina. H-Hindi ko po alam nangyari sa kanila, bigla nalang po silang nag-away. Nagsasakitan po sila ma'am, hindi ko na po alam ang gagawin ma'am," garalgal nitong saad na tila mo'y namamaos na. Hinaplos ko ang likod nito upang daluhan siya sa pag-iyak.
"M-Manong patulong po parang awa niyo na," natatarantang saad ko.
"Ano pang hinihintay niyo, tara na!" saad ni manong. Tatakbo na sana kami nang napatigil ako.
"Ma'am ano pong ginagawa niyo?" tanong sa akin nito habang ako'y lumilinga-linga pa, teka nasa'n na ba 'yon?
"Hinahanap ko si Trisha," saad ko habang pinagpapatuloy ang aking ginagawa.
"Trisha? Sino 'yon ma'am?" nagtatakang tanong nito.
"Yung kaklase niyo, sinamahan niya ako dito e. Nasaan na ba 'yon?" nag-aalalang saad ko. "Ma'am wala po kaming kaklase na Trisha ang pangalan." Napatigil ako sa sinabing iyon ng estudyante ko.
"A-Ano? E sino yung kasama ko? Nandito lang kanina 'yon e!" pagpupumilit ko.
"Ma'am wala ka pong kasama kanina," singit ni manong guard na sinang-ayunan ng estudyante ko. Ha? Paano nangyari 'yon? Sino ang nakasama't nakakuwentuhan ko?!
"Ma'am wala na po tayong oras! Kailangan na po nating magmadali!" Napabalik ako sa aking ulirat nang sigawan ako ng estudyante ko, napailing ako't tumango na lamang. Tumakbo kami pabalik sa classroom nila.
Naabutan namin silang nagsasakitan--hindi nagpapatayan na sila! Ang iba'y wala ng buhay at ang iba nama'y tuloy sa pakikipag-away. Basag-basag na ang bintana't sobrang gulo na sa classroom na ito. Puno na din ng mga dugo, halos lumuwa ang mata't dibdib ko sa mga nakikita ko. Wakwak ang dibdib ng karamihan, putol ang mga bahagi ng katawan, pugot na ulo at labas ang puso't utak.
Pumasok si manong guard at ang presidente ng klase upang pigilan sila sa ginagawa nila, ngunit nadamay lamang sila. Ngayon isa na sila sa nakikipagbasag ulo na mga estudyante. Nanatili akong tulala rito sa pintuan, nanginginig ang mga tuhod ko't nanlalamig ang buong katawan ko.
"A-Ano ng gagawin ko?!" naiiyak kong usal sa aking sarili. Tila naestatwa ako sa mga nangyayari. Hindi na ako makahinga sa sobrang bilis ng pagkabog ng puso ko, tila ano mang oras ay babagsak na ang katawan ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko kaya't nagpalamon na lamang ako sa kadiliman.
___
Nagising akong masakit ang ulo ko't mga kalamnan ko.
Teka panaginip lang ba ang lahat? Inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid, bumuhos na parang ulan ang luha ko. Sobrang gulo ng paligid at lahat ng estudyante ay wala ng buhay. Totoo ang lahat, patay na lahat ng estudyante ko. Ano ng gagawin ko?
"Ma'am." Halos mapatalon ako nang may biglang tumawag sa akin. Agad ko itong nilingon.
"T-Trisha? What are you doing here?!" nagtatakang saad ko.
"Ma'am buti nalang at ligtas ka," saad niya at nilapitan ako upang alalayang tumayo.
"Saan ka galing kanina? Ba't bigla kang nawala?" Hindi pa rin ako tumigil sa pagtatanong dito. Naalala ko ang sinabi ng class president ng klaseng 'to, wala silang kaklaseng Trisha!
Kahit na nanghihina'y buong lakas kong itinulak sa akin palayo si Trisha.
"M-Ma'am ano po bang ginagawa mo?" kita mo ang pagkalito sa kaniyang mukha.
Sensera ko itong tinignan bago maglabas ng salita. "Sabihin mo sa 'kin, sino ka ba talaga?!"
Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mata, maya-maya'y bumagsak na rin ang mga luha nito.
Hinawakan niya ang mga kamay ko, "I'm K-Kyla..." saad niya na ikinanoot ng noo ko. Kyla? Wait? Yung kyla ba na kinuwento niya? siya ba yung nasa k'wento niya?! "And you're Kristelle," dugtong niya pa na mas lalong nagpagulo sa aking isipan.
"W-What?! Are you crazy?! I'm Rona, hindi ako si Kristelle!" naiinis kong saad rito. Umiiling-iling siya, "No ikaw si Kristelle, ikaw ang pumatay sa kanilang l-lahat...please stop pretending! I know ang laki ng kasalanan ko sayo but please stop! Ang daming ng buhay ang nadamay," nagmamakaawang saad nito at lumuhod pa.
Napailing-iling ako't biglang sumakit bigla ang ulo ko. A-Ano bang nangyayari? Shit!
Muli ko siyang tiningnan muli, ngayon ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti, "And you're next."