Read my story

0 2
Avatar for Karen
Written by
4 years ago

THE GIRL IN THE DARK ROOM

I was about to sleep when I felt that someone else was here.

Umupo ako sa pagkakahiga at kinuha ko ang isang maliit na vase na nakadisplay sa lamesang katabi ng kama ko, this is for self defense just in case na may masama siyang gagawin sa akin. Nakiramdam muna ako bago maglabas ng salita.

"W-Who are you? B-Ba't ka nandito?!" i nervously said. My heart was thumping so fast, I couldn't think well because I'm afraid.

Walang sumasagot kung kaya't tatayo na sana ako para siguraduhin kung may ibang tao ba rito o guni-guni ko lamang iyon, nang biglang nadulas sa kamay ko ang hawak-hawak kong vase.

"Ay tipaklong!" rinig kong bulaslas ng isang lalaki sa ilalim ng kama ko. Mas lalo akong kinabahan, paano siya napunta rito?!

Napatayo agad ako sa aking kama, nanginginig ang aking tuhod at kalamnan dahil sa sobrang takot.

"L-Lumabas ka riyan kung sino ka man!" Malakas kong utas. Ngunit tila nagbibingi-bingihan ito at nagkukunwaring walang naririnig.

"Tatawag ako ng pulis kung hindi ka lalabas diyan!" pananakot ko rito. Umakto akong kunwaring lalabas at sinadyang laksan ang bawat yapak ko.

"O-Okay fine. Wait, ito na lalabas na," rinig kong saad nito, napatigil ako sa paglalakad at kumuha ng isang kapiraso galing sa vase na nabasag.

Bago makatayo ay nauntog pa ito sa kama. Buti nga sakaniya, karma niya 'yan.

Napasinghal ito habang hinihimas ang kaniyang ulo.

Bago pa man siya makalapit sa akin ay itinutok ko sa kaniya ang kapiraso ng vase na nabasag habang dahan-dahang umaatras palayo.

"H-Huwag kang lalapit, tatawag talaga ako ng pulis!" pagbabanta ko rito. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko na siya.

Nang makasiguradong wala siyang dala-dalang bagay na makakapanakit sa akin, ay agad akong tumakbo papalapit sa kaniya't kinuha ang kamay niya. Ipinilig ko ito nang sapilitan sa kaniyang likuran upang hindi na ito makapanlaban pa.

"A-Aray! Pakawalan mo ako!" iritadong saad nito ngunit hindi ko ito pinakinggan. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak rito.

"Sabihin mo sa akin, sino ka?! Anong pakay mo rito?! Anong kailangan mo?!" sunod-sunod kong tanong sakaniya ngunit ni isa ay wala 'ata siyang balak sagutin.

"Ahh ayaw mo ha? Gusto mong masakta--"

Nagulat ako nang biglang makawala ito sa higpit ng pagkakahawak ko, at isinandal niya ako sa pader habang hawak-hawak ang dalawang kamay ko.

Sinubukan kong magpumiglas ngunit nabigo ako, parang ako lamang ang nauubusan ng lakas sa aming dalawa.

"Bitawan mo 'ko, sino ka?!" naiinis kong lintaya dito. Dahil hindi sapat ang pagpupumiglas ko ay sumigaw ako nang sumigaw upang humingi ng tulong.

"Ano ba? Tumigil ka nga, baka kung anong isipin nila," natatarantang saad niya. Dahil doon ay mas lalo kong nilaksan ang pagsigaw ko.

Natigilan ako sa pagsigaw nang maramdaman kong nakalapat na ang kaniyang labi sa labi ko. H-Hinahalikan niya ba ako? Pero f-first kiss ko 'to....

Sinubukan kong ilayo siya sa akin ngunit bigo pa rin ako. Tila doble o triple ang lakas nito kumpara sa akin. Wala akong nagawa kundi sumunod na lamang sa agos nito. Oo, nagpatianod ako rito. Hindi ko alam, ngunit para akong nahipnotismo ng labi nito.

Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang gusto kong lumayo dahil baka marinig niya ito at isa pa hindi ko ito kilala. Ngunit may parte pa rin sa akin na magpatuloy pa dahil ito ang sinasabi ng malandi kong utak.

Nang matapos na ito sa labi ko, ni isang salita ay walang makalabas sa bibig ko. Tila natikom ang bibig ko, natulala na lamang ako sa kawalan.

"Okay, wala akong gagawing masama sayo. Let me explain," saad nito na parang walang nangyari. Napatango na lamang ako, ngunit wala pa rin akong maisip na sasabihin ko. Gan'to ba ang epekto ng halik? Kung ganoon, ayoko ng mahalikan uli dahil nakakalasing at nakakaadik pala ito.

Inalalayan niya ako papuntang kama at parehas kaming naupo. Halata ba na wala ako sa sarili?! Sino ba naman kasi ang makakapag-isip nang maayos kung may nakipaghalikan sayo na hindi mo kakilala?

"Uhm p'wede ba nating buksan ang ilaw? Ang dilim kasi," tanong nito sa akin at akmang tatayo na nang pigilan ko ito bigla. Hinawakan ko ang kamay nito at hinila pabalik.

"Bawal, hindi pwede," tipid kong sagot dito.

"Ha? Bakit naman?" nagtatakang sagot nito. Sinamaan ko ito ng tingin, kahit na walang ilaw rito ay sapat pa rin na maaninag ko kahit kaunti ang hitsura nito.

"Basta, bawal. Atsaka gusto mo bang mahuli ka rito? Kaya mag-explain kana," simpleng tugon ko rito. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyayari. Ni hindi ako makatingin sa kaniya, ewan ko ba bakit napakabig deal sa akin ng halik na 'yon.

"First of all sorry," panimula nito, tumango ako bilang tugon.

"Sorry dahil pumasok ako dito ng walang paalam, sorry kung natakot kita, lastly sorry kung nahalikan kita. Hindi ko naman sinasadya 'yon e, 'yon nalang talaga naisip kong paraan para mapatahimik ki--"

"Okay sige na, please lang 'wag mo ng babanggitin sa akin 'yan uli ha? By the way, ba't ka nga pala pumasok dito?" pagputol ko sa sinasabi niya. Palihim akong napairap, hindi raw sinasadya pero natagalan sa paghalik sa akin? Ang sarap 'ata nitong sakalin e.

"Ahh 'yon ba? Pasyente rin kasi ako rito. Sinubukan kong tumakas, nakakasawa na kasi e. Kaso napansin agad ng nurse na tagabantay ko kaya ayon naghabulan kami. Hindi ko naman sinasadya na makapasok dito. Akala ko kasi walang tao kasi sobrang dilim kaya dito ko naisipan magtago," mahabang pagpapaliwanag nito. Napatingin ako sa suot niya, nakahospital gown din ito 'gaya ko.

"Natakot ba kita?" kamot ulong saad nito.

"Obvious ba? Akala ko serial killer o rapist na, kung tatakas ka p'wede bang 'wag kang mandamay ha?" pagtataray ko rito.

"Sorry na," nagpapaawang saad nito, habang niyuyugyog ako. Akala niya ba cute na siya sa ginagawa niya? Hindi siya nagkakamali.

Para akong napapaso sa paghawak niya. Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko. Napailing-iling ako at napaatras bigla.

"Bakit?" kunot noong tanong nito.

"W-Wala," tanging tugon ko.

"By the way I'm Verz Daryl Avila, and you are?" Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi, ang bilis kasi ng tibok ng puso ko. Siguro dahil kinakabahan pa ako sakaniya, ewan ko ba.

"I know hindi ka pa rin komportable sa akin pero promise bestfriend mo na ako ngayon. Kung gusto mo sumama ka sa aking tumakas." Hindi ko mapigilang mapangiti nang palihim.

"Ewan ko sayo, ba't naman ako tatakas ha? Pasaway ka," pagtataray ko uli. Natatawa naman ako sa reaksyon nito, parang batang hindi napagbigyan sa kaniyang gusto.

"Sige na kasi, anong pangalan mo? Kung ayaw mo sige tatawagin kitang butiki, unano, kawayan, gorilla, ung--"

"I'm Mary Fatim Bantilan Casalta, subukan mo 'kong tawagin ng kung ano-ano at papalayasin kita rito," pagbabanta ko rito. Nagulat ako nang bigla niyang pisilin ang pisngi ko, ito na naman ang dibdib ko parang may nagkakarera sa loob. Hindi ko napigilan at tinabig ko ang kamay niya.

"Mary ang pangalan pero ang sungit, tsk," bulong nito.

"Narinig ko 'yon ha!" taas kilay kong saad. "Ano naman kung narinig mo ha?" tila nang-aasar nitong tugon.

"Abaaa--"

"Wait lang, may titingnan lang ako sa labas," pagputol nito sa aking sasabihin. Pipigilan ko pa sana ito ngunit masiyado siyang mabilis kumilos. Napasibangot na lamang ako.

Walang isang minuto pa lamang siyang nakakalabas ay narinig ko na ang malalakas nitong ulos. "Aray! Aray! Tama na!"

Nag-aalala ako sa kaniya, hindi ako makapali. Hindi na ako makapag-isip ng maayos kaya dali-dali akong lumabas para tingnan ang nangyayari.

Nakahinga naman ako nang maluwag ng masiguradong ayos lang siya.

"Akala ko naman kung ano ng nangyayari sayo," nakangusong saad ko.

"Aray! Tama na po, hindi na muulit!" Namumula na siya, dahil siguro masakit ang pagkakapingot sa kaniya ng nurse niya. Lalaki pa naman, siguradong masakit nga. Napailing-iling na lamang ako.

"Pasensya na ha? Naistorbo ka ng alaga ko," paghingi ng tawad sa akin ng nurse. Nginitian ko na lamang ito bilang tugon. "At ikaw naman ha, ilang beses ko ba sasabihin sayong bata ka na bawal tumakas. Paano ka gagaling at makakaalis dito?--"

Napatigil sila nang bigla akong mapasigaw sa sakit.

Biglang sumakit ang ulo ko, nagsimula na ring manginig ang mga kalamnan ko. Lumalabas ang mga ugat sa balat ko at para akong nasusunog. Nahihirapan na rin ako sa paghinga't nanlalamig ang pawis ko. Sa sobrang hilo, natumba ako.

L-Liwanag...

Mayroong liwanag....

'Yon lamang ang naiisip ko, liwanag.

Nanlalabo na ang paningin ko.

"Mary! Anong nangyayari?! Mary, hey! Do you hear me? Are you okay?! Help! Kuya John please humingi ka ng tulong! Wait lang Mary ha? Hihingi lang kami ng tulong," natatarantang saad nito habang hawak-hawak ang kamay ko. Hinawakan ko ito nang mahigpit. "P-Please stay."

"Okay, hindi kita iiwan. Dito lang ako," he said worriedly then after that everything went black.

____

Nagising na ako, ngunit ganoon pa rin walang pagbabago. Madilim dito, ni isang katiting ng liwanag ay wala. Sanay na ako sa buhay kong ito. Ang liwanag ay hindi para sa akin.

"Gising kana pala," rinig ko sa isang taong pamilyar ang boses. Halos mapabalikwas ako at hindi makapaniwalang nakatingin dito.

"A-Anong ginagawa mo rito?!" nagtataka kong saad. Napasibangot naman ito.

"Bumibisita malamang, alam mo bang isang linggo na akong pabalik-balik dito? Lagi kong hinihintay na magising ka," nag-aalala nitong saad. Nagulat ako nang tumayo ito at niyakap ako.

"Huwag mo na uulitin na matulog ng ganoon katagal ha?" seryosong lintaya nito. Wala sa sariling napatango ako.

T-Teka? Bakit naaalala ko pa siya?!

Napalayo ako sa kaniya bigla at kunot-noong tinitigan siya.

"Ba't, anong problema?" nagtatakang tanong nito habang nakakunot ang noo. Naiilang ko itong tiningnan.

"P-Paanong naaalala pa kita?" nagtatakang saad ko rito.

"At bakit naman hindi mo 'ko maaalala?" pagbabalik niya ng tanong sa akin, "Teka ano ba talagang sakit mo Mary ha? Tapatin mo nga ako," dagdag pa nito.

Malakas akong napabuntong hininga. Napatingin ako sa sahig, naiiyak na naman ako sa sakit ko.

"B-Ba't nandito ka pa? H-Hindi ka ba natatakot sa akin? Nakita mo na ang hitsura ko," nauutal kong saad, halos hindi ako makatingin sa kaniya. Natatakot ako sa sasabihin at sa magiging reaksiyon niya.

"Ba't naman ako matatakot? Ang cool kaya," pagbibiro nito habang tinutusok-tusok pa ang pisngi ko. Sinamaan ko ito ng tingin. Hindi nagtagal, napilitan din akong ikwento sa kaniya kung ano at sino talaga ako.

"Loko ka talaga, since birth dala-dala ko na itong sakit ko." Mapait akong napangiti, nag-aalala ako nitong tiningnan.

"Hindi mo naman kailangan magk'wento e, okay lang saakin kung hindi mo kaya." Umiling ako at sinenyasan itong manahimik.

"I have Heliophobia, I have fear of sun, sunlight, or any bright light. Once my skin interacted with this, it can cause me death. Mabuti nalang at naagapan niyo ako nung nakaraan. Nakita mo naman, parang nasusunog ako sa sarili kong balat. My skin is so very sensitive, also my eyes are. Once na nakakita ako ng liwanag, paggising ko nakakalimutan ko lahat ng lalaki na kilala ko. I don't know pero miracle nalang 'ata na kilala pa rin kita hanggang ngayon," mahabang lintaya ko. Kunot-noo ko itong tiningnan nang makitang abot tenga ang ngiti nito.

"Ohh anong nginingiti-ngiti mo riyan?"

"Ibang klase talaga kagwapuhan ko 'no? Ang hirap kalimutan," mayabang na saad nito habang nakapogi sign pa. Napairap ako, sabi na e wala siyang matinong sasabihin. Sinamaan ko siya ng tingin.

He tapped my head and caressed my cheeks.

I was shocked at what he did, my heart started to beat fast again.

"Basta, sabay tayong magpapagaling okay? Sabay tayong lalabas dito, sabay din tayong magtatrabaho, sabay tayong kakain, tapos sabay tayong magsasaya," saad niya, napatango nalang ako. Tila para bang nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya. Palihim akong napangiti, kasama ako sa mga pangarap niya.

----

It's been 1 year since the day I met him.

Things went well because he was always by my side. Through ups and downs he was always there. Sa 1 year na 'to naging mabilis sa akin lahat. Yung boring kong buhay naging masaya. To be honest na-enjoy ko ang buhay ko rito sa hospital.

Bukod sa pagiging mapang-asar, mahangin, loko-loko na Verz ay supportive, masaya at magaling siyang magmotivate. He always say that I would be heal soon.

The doctor also said that I'm getting better since the day I met him. Maraming pagbabago ang nangyari sa akin, at malaki ang tyansang gagaling pa ako.

As the day passes, lalo akong naa-attached kay Verz. Ewan ko ba, pero hindi ako sanay na wala ang presensya niya.

"Hoy tulala ka na naman diyan," halos mapatalon ako sa biglaang pagsulpot nito.

"Ano ba 'yan kabute ka ba ha?" pagsusungit ko.

"May pogi bang kabute?" Sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Sus parang hindi mo 'ko iniimagine kanina ha?" nang-aasar pa nitong saad. Kinuha ko ang unan ko at pinaghahampas siya.

"A-Aray! Biro lang naman, napakasungit talaga!" nagtatampong saad nito habang nakahalukipkip pa. Hindi ko maiwasang matawa.

"Ba't ka pala naparito?" I asked habang tinitingnan ang dala niya at tinutulungan siyang iayos 'yon sa lamesa.

"Kakain tayo kasi tatakas tayo mamaya," nakangising saad nito. Napakunot ang noo ko.

"Aalis? Nababaliw kana ba? Bawal ako sa liwanag, gusto mo 'atang mapaaga pagkamatay ko e," saad ko habang nakasimangot.

Ngumiti siya nang nakakaloko, hinila niya ako papunta sa upuan at inalalayang kumain.

"Basta kumain ka ng marami, akong bahala!" Kahit na naguguluhan ako ay kumain na lamang ako katulad ng sinabi niya.

----

"Hoy ano bang ginagawa mo? Ba't mo tinatakpan ng panyo yung mata ko?" nagtatakang saad ko rito. Una pinagsuot niya ako ng sweater na sobrang kapal, mayroon ding takip sa leeg ko, nakamedyas akong mahaba't nakaboots, nakasuot ako ng bonet and lastly nakamask din ako at nakagloves.

"P'wede na tayong lumabas dalawa," saad nito habang pinapaikot ako.

"Lalabas ako ng ganito? Ayoko nga sobrang init e, tapos nakakahiya." Bigla niya akong hinawakan sa magkabila kong braso. "Basta magtiwala ka lang sa'kin masaya 'to."

Wala sa sariling napatango ako, kahit kailan talaga hindi ko siya kayang tanggihan. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala sa mangyayari mamaya. Delikado ang gagawin namin.

----

Nandito kami ngayon sa amusement park. Hindi ko maiwasang mapangiti, sobrang higpit ng pagkakahawak niya saakin. Ngunit nahihiya pa rin ako dahil sa hitsura't porma ko. Naririnig ko rin ang mga bulong-bulungan ng mga tao na weird ako.

"B-Bumalik na lang kaya tayo," saad ko't napatigil sa paglalakad.

"Just don't mind them okay? Ang mahalaga magsasaya tayo atsaka nandito na tayo walang atrasan 'to! Sasakay tayo ng roller coaster!" nasasabik nitong saad. Wala akong nagawa kundi magpahila na lamang sa kaniya, wala rin akong magawa dahil tiyak na siya lang rin ang mananalo sa aming dalawa.

Natatawa na lamang ako habang mabilis na umaandar ang roller coaster na sinasakyan namin ngayon. Paano ba naman, kung sino pa ang nagyaya siya pa yung makatili ng wagas.

"MAMA! TAMA NA! AYOKO NA! MAMA!" malakas na sigaw nito habang nakayapos sa akin nang mahigpit, buti na lamang ay may takip ang mata ko. Kung hindi tatawanan ko talaga ang mukha niya ngayon.

----

"Ano, isa pa?" nang-aasar na saad ko.

"Hindi ka pa pagod?" hindi makapaniwalang saad nito.

"Hindi nakakaanim palang naman tayo, siguro mga lima pa." Natawa ako nang bigla ako nitong hilain at bigla itong magsuka. Hinagod ko naman ang likuran niya.

"Magyayaya, hindi rin naman pala kaya," mahinang bulong ko.

"May sinasabi ka ba ha?" naiinis na lintaya niya.

"Wala sabi ko tara na," pagpapalusot ko.

Kung kanina ako ang inaalalayan niya, ngayon baliktad na. Kung sino pa ang may piring, siya pa ang umaalalay sa kaniya. Hilong-hilo siya sa mga sinakyan namin. 'Di ko maiwasang matawa sa sakaniya.

"B-Ba't ka tumatawa ha?" nagtatampong saad nito.

"Hindi kaya," nagpipigil tawang saad ko.

"Bahala ka riyan!" saad niya at bumitiw sa akin.

"H-Hala teka o-oy hindi ko makita ang daan! N-Nasaan kana!" natatarantang saad ko. Narinig ko naman ang paghagikgik nito.

Naramdaman ko ang kamay nito na inaalis ang piring sa mata ko. "H-Hoy anong ginagawa mo?! Itigil mo 'yan!" pagpupumiglas ko ngunit nabigo ako dahil mas malakas ito sa akin.

"Shh, magtiwala ka sa akin Mary." Sa mga sinabi niyang iyon ay agad akong napatigil at kumalma. May tiwala ako sa kaniya.

Pagkatanggal niya ng piring sa akin ay sinunod niyang tanggalin ang mask, gloves at sweater na suot ko. Habang ako? Nanatili akong nakapikit, natatakot ako sa p'wedeng mangyari.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko't tinapik. "Open your eyes."

Noong una nag-aalinlangan pa ako ngunit gaya ng sinabi niya ay ginawa ko.

Tiningnan ko ang balat ko, wala pa rin nangyayari. Kahit ilang segundo na akong natatamaan ng sikat ng araw ay hindi nasusunog ang balat ko.

Hindi ko napigilang umiyak. "V-Verz tingnan mo! Magaling na ako! Tingnan mo walang masamang nangyayari!" hindi makapaniwalang saad ko. Sa sobrang saya ko ay nayakap ko siya nang mahigpit. Matapos ang ilang sandaling pagyayakapan ay kumalas na ako upang tingnan muli ang aking balat.

Nakangiti ito sa akin at sinabing, "You're not afraid of light, you're just afraid on what might happen there."

Tumango ako at pinagmasdan ang araw na matagal ng hindi tumatama sa balat ko.

He's right! Kaya kong gumaling!

"Bibili muna ako ng ice cream, diyan ka muna ha?" saad nito't ginulo ang buhok ko. Hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa pagmamasid ng paligid. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, kung panaginip lamang ito ay sana 'wag na akong magising.

----

Ilang oras na magmula ng iwan ako ni Verz sa kinatatayuan ko ngunit wala pa rin siya. Nawawala na ang araw at kumukulimlim na ang paligid.

Nasaan na ba 'yon? Natabunan na ba siya ng ice cream? Napahalukipkip na lamang ako.

Nagulat ako nang may mga butil ng tubig na tumatama sa aking balat. T-Teka umuulan ba?! Hindi kalaunan ang butil ay naging malakas na ulan. Hindi ko mapigilang kabahan.

"V-Verz nasaan kana ba?" naiiyak na saad ko. Basang-basa na ako, hindi ko alam ang gagawin ko.

Nanginginig na rin ako sa sobrang lamig. Nag-uumpisa na rin akong mahirapang huminga.

Napatigil ako sa pag-iyak nang biglang tumigil ang pagpatak sa akin ng tubig kahit na umuulan pa rin.

Napaangat ako ng tingin, ngumiti ako nang makitang si Verz 'yon. He's back!

"Sinong may sabing maligo ka sa ulan ha?"

Sinamaan ko siya ng tingin at pinaghahampas, nahuli naman agad niya ang mga kamay ko.

"Shhh, calm down. Relax yourself para ka lang naliligo sa banyo, don't be afraid I'm here," aniya na nakapagpakalma sa akin.

"Sorry I'm late wala kasing bukas na bilihan ng ice cream kaya kung saan-saan pa ako nagpunta," nag-aalalang saad nito. Tumango lang ako, inabot niya sa akin ang binili niyang ice cream.

Pumunta kami sa may lugar na pwedeng pagsilungan. Umupo kami doon at naisipan naming lantakan ang ice cream na binili niya.

Habang kumakain hindi ko napigilan at tumakbo ako bigla sa gitna ng ulan.

"Mary, bumalik ka rito!" suway sa akin ni Verz ngunit nagmatigas ako.

"Woooooo, ang sarap maligo sa ulan!" sigaw ko sa kawalan habang dinadama ang tubig na tumatama sa balat ko.

"Ako si Mary! Naliligo ako sa ulan!" sigaw kong muli, sa kakatakbo ko hindi ko inaasahang madudulas ako. Hinihintay ko ang pagbagsak ko ngunit tila napatigil ang mundo ko nang mapagtantong nasalo ako ni Verz. Napatulala ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin, bumilis ang tibok ng puso ko.

Parang tumigil ang ikot ng mundo, parang bumagal lahat ng pangyayari.

"Sinabi ko naman sayo mag-iingat ka," saad nito ngunit hindi ako makapagsalita at patuloy pa rin sa pagmamasid ng mukha niya.

Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito kalapit at kalinaw.

I can't help but to mesmerized with his perfect face, it seems it's sculpted perfectly! His eyes were like ocean, nakakalunod! His nose is pointed sharply, his jaw was so perfect, his eyebrows were on fleek while his glamour lips enticing me.

Napako ang tingin ko sa labi niya, hindi ko napigilan at inangkin ko ito ng ilang sandali. Nang makabalik ako sa sarili ko, nagulat ako sa ginawa ko kaya agad din akong kumawala.

"S-Sorry," paghingi ko ng tawad sa kaniya. Ngunit mas lalo akong nagulat nang hilain ako nito at muling angkinin ang labi ko. Hindi na ako nagpumiglas pa, sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Ang mga kamay nito ay mahigpit na nakayapos sa bewang ko habang ang mga kamay ko ay nasa batok niya, sa bawat segundong lumilipas ay palalim nang palalim ang mga halik na binibitawan namin sa isa't isa.

"I love you Mary, do you feel the same?" hinihingal niyang saad. Napatigil kami sandali upang magpahinga at humugot ng hininga. Hindi ko sinagot ang mga tanong niya, kundi hinalikan ko siyang muli bilang tugon. I really don't know what to say but I know mahal ko na siya.

Nagulat ako nang bigla niya akong tinulak dahilan upang matumba ako at siya nama'y nabangga ng kotse. Ni hindi kami binabaan ng kotse at patuloy lamang ito sa pag-andar.

Natuliro ang utak ko sa mga pangyayari, sobrang bilis at hindi ko inaasahan. Agad akong lumapit sa kaniya, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Verz, tatawag ako ng tulong okay? Dito ka lang," natataranta kong saad. Tatayo na sana ako nang hilain ako nito pabalik at niyakap.

"P-Please, don't leave me," nahihirapan nitong saad. Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit. Wala akong magawa kundi umiyak sa harap ng taong mahal ko.

Ilang sandali pa ang lumipas nanghihina na rin ako, wala ng malay si Verz at patuloy pa rin sa pagbuhos ang ulan. Nanginginig na ako sa sobrang lamig, tila ano mang oras ay susuko na rin ang katawan ko.

Humiga ako sa tabi niya, kahit na nanlalabo na ang paningin ko ay nagawa ko pa ring pagmasdan ang mukha niya. "Kahit kailan hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukha mo, don't worry hindi kita iiwan," i whispered underneath my breath and everything went black.

----

"Hoy ang panget mo talaga, ano na namang pakulo mo ha?" naiinis kong utas habang pilit na tinatanggal ang kadenang nilagay niya sa aming kamay.

"Narinig kong ililipat ako ng magulang ko sa ibang hospital, ayoko nga hindi nila tayo mapaghihiwalay," kumpyansadong saad nito.

"At sa tingin mo 'pag ginawa mo 'to hindi nila tayo mapaghihiwalay?" taas kilay kong saad. Napaiwas ito ng tingin at ngumuso.

"B-Basta hindi nila tayo mapaghihiwalay! Mas gugustuhin ko nalang na mamatay kung ililipat nila ako sa iba," nakasibangot na saad nito. Natawa naman ako sa inasta nito.

"Ba't ka tumatawa ha?!"

"Wala, tama hindi nila tayo mapaghihiwalay!" saad ko habang nakasaludo pa.

Nagtaka ako nang biglang sumeryoso ang mukha niya. "Promise me na hindi mo 'ko iiwan, kasi hindi rin kita papayagan."

Tumango ako. "Ako rin! Aba ang sakit kayang mawalan ng aso," nagbibirong saad ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ahh aso pala ha," mapanlokong lintaya nito at kiniliti ako sa leeg at bewang ko.

Natawa na lamang ako habang inaalala ang mga araw na iyon, hindi ko maiwasang mapaluha. I really miss him.

It's been 2 years since the day he left me. Hindi kinaya ng katawan niya matapos na mabangga siya.

Nakatitig lamang ako sa lapida niya at mapait na napangiti. Ibinaba ko ang bulaklak na dala-dala ko para sa kaniya.

"H-Happy 2nd death anniversarry, bangon na riyan ang tagal mo na akong pinaghihintay," halos mamaos na saad ko.

"Ang daya mo naman e, sabi mo walang makapaghihiwalay sa atin. Nasaan kana? Ba't mo 'ko iniwan?! Para saan pa 'tong paggaling ko?"

Gumaling nga ako simula ng araw na iyon.

Pero parang walang saysay pa rin ang paggaling ko dahil wala na rin ang dahilan nito.

Yung takot ko sa araw at liwanag, walang-wala sa takot na mawala siya.

He was my joy when I was sad.

He has been my savior every time I have lost my hope.

He was my light in the dark.

He saved me from the darkest part of my life.

He help me to overcome my fear.

Ngayon na wala na siya? Wala na rin akong dahilan para mabuhay.

Hindi ko na napigilan at humagulgol na ako ng iyak.

Tila nakikisabay ang langit sa kalungkutan na nadarama ko't bumuhos ang napakalakas na ulan.

Hindi ko ito pinansin at hinayaang mabasa ang buong katawan ko.

"I really miss you, should I follow you now?" I whispered in vain.

Natumba ako sa sobrang panghihina.

Not just physically but I'm also mentally and emotionally tired. Nawawalan na ako ng pag-asa.

Hinayaan kong manginig ako sa sobrang lamig, nahihirapan na rin akong huminga't nanlalabo na rin ang paningin ko.

Nagulat ako nang maramdamang hindi na ako nababasa ng ulan kahit na umuulan pa rin, hindi ko ito pinansin at patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Sinong may sabing maligo ka sa ulan ha?" Rinig kong lintaya ng isang hindi pamilyar na boses.

Agad akong napaangat ng ulo at nagkunot ng noo.

I saw an unfamiliar guy, standing in front of me while holding umbrella.

Tumayo ako upang harapin ito, muntik na akong matumba ngunit nasalo naman ako nito. Ilang sandali akong napatitig sa mukha nito, dahil doon ay naalala ko si Verz kaya bigla ko siyang natulak.

Nahihirapan pa rin akong huminga at alam kong napapansin niya 'yon kaya agad ko siyang tinalikuran.

Nagulat ako nang tapikin niya ang aking likod upang daluhan ako.

"Shhh, calm down. Relax yourself para ka lang naliligo sa banyo, don't be afraid I'm here." Agad akong kumalma sa sinabi ng estrangherong ito. Hinarap ko siya at kunot-noong tiningnan.

"V-Verz?" wala sa sarili kong saad. Napailing-iling nalang ako, imposible.

"Hi, I'm Clyde. I've been looking for you for a long time."

W-What?

The End.

1
$ 0.00
Avatar for Karen
Written by
4 years ago

Comments