Akala ko dati, luxury lang ang pagmemetime at self care. Na kailangan may skin care routine ka para lang masabing minamahal mo yung sarili mo talaga.
Akala ko rin dati, eto yung magsosolo travel ka lang, para makita ng mundo na kaya mo ang mag isa.
Pero hindi pala.
Truth is, me time can be as simple as stepping back from the world so you can recharge and fill your love tank and energy tank again.
Actually, when we dig deeper, me time is all about RESPECT.
π RESPECT FOR YOUR BODY AND YOUR ENERGY
Listen to your body. Kapag pagod na. Magpahinga. Kapag medyo bad vibes at iritado ka na, hinto ka na muna. Step back, relax, and allow your body to recharge. Hindi ka robot.
At kung feeling robot ka man, hindi ba't kailangan din ng robot magrecharge so they can function well again? Ikaw rin!
π RESPECT FOR YOUR BOUNDARIES & NON NEGOTIABLES
Learn to say no. Learn to stay away from the people or things that is draining you.
Learn to step back. Lalong lalo na kapag hindi aligned sa values at beliefs at priorities mo yung ginagawa/gagawin mo.
Yes, you may please people by saying yes to them, but they won't stay with you in the long run.
So, stick to your non negotiables and boundaries instead so you can attract those people who will stay true to you 'til the end.
π RESPECT FOR YOUR MONEY ESPECIALLY THE BUDGET THAT IS ALLOCATED FOR YOURSELF
Hindi porket mapagbigay ka, all out ka na. Magtira ka palagi sa sarili mo. Actually, MAGTABI KA para sa sarili mo.
Bago ang lahat, maglaan ka na para sa sarili mo. Para hindi mo naiisip na wala ng napupunta sayo at ikaw na lang ang lahat which will lead to serious kind of burn out.
Huwag kang maguilty gumastos para sarili mo lalo na kung mapagbigay ka naman talaga at nailaan mo naman na rin ng maayos ang pera mo sa mga bagay na either responsibility mo or kailangan mo.
Deserve mo yan. Hindi ka selfish kapag ginawa mo yan.
π RESPECT FOR YOURSELF
Kapag sobra na. Tama na. Kapag masakit na at ubos na ubos ka na, tigil na. Kung may taong nagddrain ng energy mo, tandaan mo, hindi lang sila ang tao sa buhay mo. Kung may problema man na kumoconsume ng energy mo, ipagpasa Diyos mo na lang muna. Hindi ka si Darna.
Remember this.
People will give you the same amount of respect you have for yourself.
Kung mahal mo at nirerespeto mo ang sarili mo, makikita at mararamdaman yon ng nga taong nasa paligid mo, at wala rin silang ibang choice kung hindi galangin at respetuhin yon.
Mahalin ang sarili. Hindi yon pagiging makasarili. Dahil sa totoo lang, hindi mo naman kakayanin ang magbigay at magmahal sa iba, kung ikaw mismo ay walang wala or ubos na ubos na.
Sana balang araw, matagpuan mo ang taong maibabalik ang pag mamahal na ibinibigay mo.
Sa totoo lang, parang ang hirap na rin talaga mag mahal dito sa mundo dahil ang daming issues, sumisira ng tiwala mo, nanloloko etc. But I realized na kung nang galing naman ang pag mamahal mo sa Lord, bakit mahirap?
Love like Jesus, and I also pray that you will find your. Sana itong chapter na ito ay maging basihan mo rin sa pagmamahal. Mag mahal ka kahit mahirap, kahit nakakapagod, kahit paulit ulit, ang mahalaga ay nag mamahal ka.
βAnd now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is LOVE.β
Just a little bit of reminder for you today just in case something has been taken away from you, or mga opportunities na hindi napasayo, mga bagay na sinaktan ka lang pero nauwi lang rin sa wala kahit na nag effort ka na ng sobra sobra:
May darating na para sayo. Maniwala ka.
Thankyousomuch sir
@TheRamdomRewarder
Salamat sa walang sawang pagsuporta more blessing po.
Totoo po yan akala ko nga din noon ang "Me" time ay puro pang mayaman lang. Yun pala ay pag bigyan mo ang sarili mo na magkaroon ng oras na maging malaya sa lahat ng mga responsibilidad ko. Kahit isang araw lang. Yung tipong walang kang iisipin kundi sarili mo. Pwede mo din namang ispoil sarili pero yung tama wag yung sobra2. Yung tipong makapag relax ka lang kahit sandali sa hamo ng buhay.