"Do you believe in reincarnation?" tanong ng propesor ko. Nasa eskwelahan kami ngayon at mayroon kaming klase. Tungkol ito sa reincarnation.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong ng guro ko. Naniniwala ba ako sa reincarnation? Totoo ba ito?
Habang nagiisip ako ng maisasagot ay bigla akong kinalabit ng katabi ko. Si Jessa pala, besftriend ko.
"Bes, ano yung reincarnation?" pabulong na tanong ni Jessa, dahil baka marinig siya ng propesor namin.
"Reincarnation is the philosophical or religious belief that the non-physical essence of a living being starts a new life in a different physical form or body after biological death. It is also called rebirth or transmigration." mahabang sagot ko sa kaibigan kong 23 years old na pero di parin alam ang ibig sabihin ng reincarnation.
"Wow, english, nosebleed" pang aasar pa niya. Napailing ako at tinuon ko nalang ulet ang atensyon sa guro ko.
"Well, an old tale states that birthmarks are actually scars from a past life. Not only scars, but the way you died in another life." saad ng propesor ko.
"The legend states that people without birthmarks died of natural causes in their past life. No serious injury or accident caused them to lose their life." dagdag pa ng propesor ko. Nilingon ko ang birthmark ko sa aking tagiliran. Kulay pink-red ito.
Natapos ang lesson namin ng may naiwang madaming tanong sa isip ko. Bakit ba intersadong intersado ako sa reincarnation? Dahil lang sa birthmark ko?! Eh, hindi naman sigurado na ang mga birthmarks ay galing talaga sa past life.
Ilang araw ang lumipas pagkatapos ng klase kong iyon. At hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ito.
Wala kaming pasok ngayon kaya naman nagkayayaan ang barkada na mag roadtrip muna. At dahil wala naman akong gagawin ay sumama ako.
Wala kaming specific na pupuntahan na lugar. Yun ang usapan, pero nag bago ito nung nag stop over kami.
"Gas muna tayo, alwas na gas. Empty" natatawang saad ng kaibigan ko na may ari ng kotseng ginagamit namin.
Nag stop kami sa isang gasoline station, at dahil 3 kaming babae, ay napagpasyahan naming mag cr muna. Baka mamaya mahaba haba ang byahe.
Pagkatapos kong mag cr ay hinintay ko sila Jessa sa labas. Ang Cr ay malapit lang sa convience store ng gasoline station, kaya naman habang naghihintay ay bumili muna ako ng makakain.
"May magandang panting doon sa isang art exibit, malapit dito sa station, tara mamaya tingnan natin? Gwapo yung may ari," narinig kong nagtitilian ang tatlong babae sa harap ko. Matapos ko bumili ay bumalik kami sa kotse at nag start ng roadtrip ulit.
Napatigil kami dahil sa traffic, bumaba kami at tinignan ang kumpulan ng tao sa gilid. Nakita kong may exibit na nagaganap. Niyaya ko sila at pumasok.
Naglibot libot kaming magkakaibigan sa loob. Andaming tao! At ang gaganda ng painting! Pero natigilan ako ng makita ang isang panting na nasa gitna ng silid.
Isa itong panting ng babaeng maganda, naka suot ng puting damit at nakasakay ito sa kabayo.
"Elyse and Minimis, by Aaron Nuevas." basa ko sa title ng painting.
"Maganda ba?" nagulat ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko. Nilingon ko ito at nakita ang gwapong lalaking na nakatingin din sa painting.
"Ah, oo... maganda." nahihiyang sagot ko. Nilingon ako ng lalaki at nakita ko siyang nakangiti
"Ako may gawa nyan," anya. Nagulat ako sa sinabi niya. Siya ang may gawa?! Wow! Ang galing naman niya!
"Ikaw gumawa?" di makapaniwalang tanong ko. "Edi ikaw si Aaron?" turo ko sa baba ng painting kung nasaan ang title at pangalan ng gumawa. Tumango siya.
"You know what, Im not an ordinary person," pag ke kwento niya. "I can sense if someone has been reincarnated or not."
Nilingon niya ako, "And, Sophia, I know youre reincarnated,"
"Excuse me, how did you know my name?! And me?! Reincarnated?!" histerical na tanong ko sabay turo sa sarili. Tumango siya at nilingon muli ang painting.
"This painting is very special to me. This girl is my Elyse." turo niya sa babae sa painting. "In ou past life, shes the most beautiful lady in our town"
"And this," turo niya sa kabayo "—this is Minimus. She's Elyse's bestfriend. This horse is not just an animal. She means everything to Elyse."
Hindi ko alam kung makikinig pa ba ako o ano.
"Elyse's parents did not like our relationship. But I love Elyse so much. And Elyse love me too. So we decided to run away. Elyse was with Miminis that day. Minimis helped Elyse run away." nilingon niya ako.
"Sobrang laki ng naitulong ni Minimis sa amin ni Elyse. Nagkita kami sa gubat. Nakasakay si Elyse kay Minimis habang tumatakbo sila. Kaya noong namatay si Minimis dahil sa pagpana sakanya ay halos gumuho ang mundo ni namin."
"Hinabol nila Si Elyse. Nalaman ng magulang niya na tatakas kaming dalawa. Namatay si Minimis para mailigtas at maitakas si Elyse. Namatay siya para makasama ko ang babaeng minamahal ko. Pero namatay din si Elyse malipas ng limang taon" hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"Sophia, youre reincarnated," naiyak ako sa sinabi niya. Naluluha na din ang mata ni Aaron habang kinakausap niya ako. Nagulat ako ng niyakap niya ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kaya pala... kaya pala intersado ako sa reincarnation. Dahil, reincarnated talaga ako!
"Sophia. Salamat, bumalik ka" hinawakan niya ang pisngi ko. Unti unting nag replay sa utak
ang pagtakbo ko sa gubat. Hinahabol kami ng gwardya sa bahay. Naalala ko si Sebastian. Ang pinaka importanteng tao sakin. Si Sebastian. Siya si Aaron!
Naalala ko na lahat! Elyse, ang mga magulang na ayaw kay Sebastian. Ang lahat! Naiyak ako sa balikat ni Aaron.
"Shh tahan na Sophia. Salamat sa tulong mo, kung di dahil sayo, di ko makakasama si Elyse. Kahit na limang taon lamang kaming nagsama. Sapat na iyon. Ngayong nakita na kita. Si Elyse nalang ang kulang, at makukumpleto na ulit tayo."
Naiyak ako lalo sa sinabi ni Aaron. Totoo ang reincarnation! At reincarnated ako, at ako... ako si Mininis.
Ako yung kabayo, yawa!
Napaka seryoso ko habang binabasa to, yawa. Comedy pala. 🤣