My idol

0 11
Avatar for Jyano995
3 years ago

Talaga namang kahanga hanga

Ang iyong galing sa pagkanta.🎀

Mapabata man o matanda pumapatok parin sa kanila.

Talaga naman kahit sino mabibihag mo talaga.

Buong mundo nawiwindang mo sa iyong angking talento.

Sana balang araw masilayan ka ulit tumatanghal sa entablado kasama ng iyong mga musikero.🎢🎸🎹πŸ₯

Tanging hiling ko lang kung nasaan ka man ngayon

Ay ingatan mo ang iyong sarili

Para sa susunod na araw ay masilayan ka namin muli at mapakinggan mga bagong gawa mong awitin.

Maraming nalungkot nung ikaw ay ilang taon nawala sa mundo ng musika

Pero di kami nawalan ng pag asa na

At alam naming makakabalik ka.

Tinupad mo nga at di mo kami binigo

At alam namin sa pagbabalik mo'y marami kang inihandang bago.

Mga kanta mong hndi naluluma

Binabalik-balikan parin ng madla.

Ako'y tuwang tuwa nung naglabas kana nga ng mga bago mong kanta.

Tila ba nasa alapaap nung pinatugtog ko ito

Ang ganda, mga sulat mo sa kanta damang dama ko talaga.

Mga pinagdaanan mo nung ilang taon kang nawala sa mundo ng musika.

Kung paano ka lumaban, ramdam ko yung sakit na iyong pinagdaanan.

At mas lalo akong natuwa nung nagbalita kang magkakaroon ka ng konsyerto dito sa aming bansa. Lubos ang aking galak at pagkasabik na sana makita kita aking iniidolo.

Ako'y dali-daling nagtungo at nagtanong kung saan ako makakabili ng tiket mo.

Ngunit ako'y nalungkot nung sinabi nilang ubos at wala na

Mukha ko'y hindi na naipinta ngunit dala-dala parin ang pag-asa na sana kahit papaano ay masilayan ka.

Ngunit lahat ng iyon ay hindi na natuloy dahil sa pandemya.

Marami kapa sanang pupuntahang bansa, para sa iyong mga taga hanga na naghihintay na makita kang muli na malakas,masigla, at patuloy pa rin sa pagkanta.

Maging ikaw ay nadismaya dahil sa mga nangyaring hindi maganda gaya ng pandemya.

Siguro hindi pa ngayon yung panahon na makita o masilayan ka.

Mas importante pa rin ang iyong kaligtasan at kalusugan.

Nawa'y maging malakas ka para sa susunod na henerasyon ay may mapapasaya ka pang ibang taga hanga.

Mahal na mahal ka namin aming iniidolo lahat ng iyong kanta ay nakatatak na sa aming isipan at pusoβ€οΈβ€οΈπŸ–€πŸ–€

#YourlittleblackstarπŸ–€πŸ–€πŸ–€

1
$ 0.00
Avatar for Jyano995
3 years ago

Comments