Mini santorini

0 7
Avatar for Jyano995
3 years ago

February 7,2019 Hindi inaasahang plano ang naganap samin mag kakaibigan na pumunta dito. (Biglaan at wala sa plano) Gusto lang sana namin magrelax kaya dito namin naisipang pumunta.
ito ay matatagpuan sa Indang Cavite, VILLA Colmenar resort o tinaguriang Cavite Mini Santorini. Talaga naman napakaganda at ang tubig ay fresh na fresh galing sa taas ng bundok.

Maulan ulan nung pumunta kami rito kaya kokonti lang ang mga tao. Pwede dito mag overnight may mga room type at room rates naman sila. Nung samin kasi di na kami nag overnight uwian rin.

Ang saya lang kasi feeling namin inarkila namin ung buong pool dahil kokonti lng ang tao nung pumunta kami. .😅 mangilan ngilan at talaga naman fresh na fresh talaga ang tubig walang halong chlorine. Malinis na paligid at mabait na mga crew nila.

sana matapos na ang Covid-19 para mapuntahan ulit namin yung gusto naming puntahan magtotropa.

1
$ 0.00

Comments