Hindi ganon kadali

0 13
Avatar for Jyano995
4 years ago

Hindi ganon kadali maging isang LGBT.

Kung pwede lang sana namin kontrolin lahat ng bagay gaya ng aming damdamin ginawa na namin.

Kung pwede lang sana maging straight para makaiwas sa anu mang panghuhusga ginawa na namin. Bago kami lumantad bilang LGBT tinago muna namin sa matagal na panahon. Kasi ang hirap maging kami.

Hindi natin maiiwasan na hindi lahat ng tao ay iintindihin tayo. Hindi lahat ng tao ay may malawak na pang unawa.

Bilang isang LGBT, nakaranas ako ng panghuhusga at marami pang iba. Sa mundong ito,kailangan ba talaga na husgahan ka dahil iba ka sa kanila?

Dapat ganito ka, dapat ganyan ka para mahalin ka? Dapat ganito ka para tanggapin ka?

Kasalanan bang magmahal ng parehong kasarian? Nagmahal lang naman kami gusto rin namin sumaya sa paraang ayaw ng iba. Wag nyo sana kaming huhusgahan kasi nasasaktan rin kami, tao lang kami. Love has no Gender.

Love is not all about man and woman.

Bago ka siguro tatanggapin ng lipunan, dapat may napatunayan kana

Dapat Marami ka ng nagawa.

Pero kahit ganyan yung pananaw ng ibang tao, nagpapasalamat pa rin ako sa mga magulang at kaibigan ko dahil tinanggap at minahal nila ako kahit ganito ako.

Sinuportahan kung saan ako magiging masaya ng walang panghuhusga.

Sakanila ko unang naramdaman ang pagmamahal at kalinga.

Don't judge us. We're not perfect.

We're humans too, we get tired, we cried. We face violence,inequality, judgement, descrimination, and sometimes torture even execution,because of who we are, how we look how we dress and how we express ourselves. Sometimes it leads us to depression and anxiety because of our gender identity.

All we want is to be happy,lived with peace,freedom and prosperity.

We deserved to loved and to be loved.

We deserved to be happy and we deserved human equality.

Be yourself ..

1
$ 0.00

Comments