Ang buhay parang laro

0 78
Avatar for Jyano995
3 years ago

Sa buhay ng tao minsan panalo minsan talo.

Ganun talaga. Kailangan mo lang magpatuloy.

Parang paglalaro lang yan,

Minsan kailangan mong sumugal para manalo,

Dumating ka na ba sa puntong nawawalan ka na ng pag asa?

Punto ng buhay mo feeling mo wala kang halaga. Wala kang kwenta at wala ng pakinabang?

Dumating ka na ba sa puntong hindi mo na kaya? Nakakapagod na at nakakaubos na ng pasensya?

Na halos ginawa mona ang lahat parang di pa yun yung para sayo talaga?

Ang dami mong reklamo sa buhay bakit ganito bakit ganyan nalang palagi.

Bakit lagi nalang nangyayari sayo ang di magandang bagay?

Minsan sinisisi mo pa ang itaas bakit nangyayari yun sayo?

Minsan ba sa buhay mo nagpasalamat ka sa kanya?

Maswerte ka pa nga kasi buhay ka at patuloy pang humihinga.

Yung iba nga diyan di binigyan ng pagkakataon para mabuhay.

Maswerte ka pa nga kasi buhay ka at madami ka pang pwedeng gawin sa mundong ibabaw.

Maswerte ka pa nga kasi nasisilayan ml pa ang mundo.

Laban lang sa laro ng buhay,

Kayanin mo dahil di lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon.

Hanggat kaya mo, matuto kang maging madiskarte sa buhay para lang mabuhay.

Kumayod para sa pamilya,

Para matugunan lahat ng pangangailangan nila.

Dahil yung iba nga diyan hindi na nagagawang magtrabaho dahil sa my mga iniinda ng sakit.

Kaya maswerte ka parin kapatid.

Hanggat kaya mong magpatuloy,gagawin mo lahat para sa mahal mo sa buhay.

Mahirap, masalimuot, pero kailangan natin maging matatag.

Patuloy na babangon sa araw araw na ginawa ng diyos

Alam kong lahat ng paghihirap mo ay masusuklian rin.

Lahat ng naging sakripisyo mo ay magbubunga rin.

Lahat ng ginawa mo susuklian rin ng poong maykapal.

Dapat molang gawin

Magtiwala ka lang at manalig sa kanya kapatid.

Dahil walang imposible sa diyos.

Natatalo man tayo minsan

Pero hindi doon magtatapos ang lahat.

Hindi ibig sabihin pag natalo ka ay talunan kana.

Hindi doon yun magtatapos dahil simula palang ng kabanata sa buhay mo.

Isipin mo nalang sa bawat pagkatalo mo laro ng buhay ay dinadala ka nito sa tagumpay.

Isipin mo nalang na lahat ng nangyayari sayo ngayon ay may dahilan.

Dahilan para ikaw ay maging matatag.

Dahilan para subukin ang iyong pasensya.

Dahilan kung bakit nangyayari sayo lahat ng yan.

Alam kong Hindi naman tayo bibigyan ng hamon sa buhay kung alam nyang di natin kakayanin ang lahat.

May plano ang poong maykapal para satin kung di pa natin nakakamit ngayon ang lahat ng gusto nating hangarin. Maniwala ka na darating ang araw maiintindhan mo bAkit nangyayari ng lahat ng ito sayo.

Hindi doon matatapos ang lahat.

Kaya magpatuloy ka lang sa hamon ng buhay.

Hindi porket natalo ka na ng ilang beses ay hindi kana nangangarap sa rurok ng tagumpay?

Tibayan mo lang loob mo kapatid

Kahit anong mangyare wag na wag kang mawawalan ng pag asa.

Kung natalo man tayo ngayon, okay lang

Basta patuloy lang tayo lumaban.

At wag mawalan ng pag asa.

Basta maniwala at magtiwala ka lang sa kanya.

Maraming rason para magpatuloy ka.

Maraming pwedeng gawin habang nabubuhay ka.

Hindi lahat ng talo ay talunan na habang buhay.

Minsan dito tayo hinuhubog para maging isang responsableng tao.

Kaya wag kang mag alala kung yung pangarap mo ay hindi mo pa natutupad

Sa buhay walang nahuhuli at nauuna.

Hindi porket nasa dulo kana ay nahuhuli kana.

Hindi mo pa oras para sa gusto mong hangarin.

Kahit matagal ang progress mo magpatuloy ka parin kahit natatalo ka.

Kasi mas masarap pa rin ang magtagumpay pag minsan mo ng naranasan ang matalo.

Ang mahalaga nagpatuloy ka sa agos ng buhay...

1
$ 0.00
Avatar for Jyano995
3 years ago

Comments