Self-Reflection -Self thoughts

1 25
Avatar for JvAnora
4 years ago

Hi! Magandang araw mga ka read.cash gusto ko lang naman ihayag yung pag rereflect ko para sa sarili ko. I hope na kayo din dalasan niyo ang pag rereflect nyo para makita nyo din yung progress ng sarili natin.

Anyway, Every day naman ako lagi nag iisip-isip eto rin siguro yung develop ng pagiging adult ko totaly hindi pako talaga adult nasa stage palang ako ang papunta palang. Hulaan niyo kung ilan taon nako Haha! Napapadalas nakong mainitin ng ulo well buti nalang na kokontrol ko minsan naman may mga bagay talaga na di mo na ginagawa kasi nasa stage kana ng pagiging adult. Hindi mo na kailangan gawin yung nakasanayan mo sa pagiging teenager na minsan wala ka sa disiplina kahit sa maliliit na bagay. May pagkakataon din na na brebreakdown ka dahil sa ugali mo o sa mga nangyayari sayo. Sa totoo lang about sa kaibigan? Dito ko lang narealize na kapag tumatanda kana pa kaunti sila ng pakaunti yung tipong pabawas na ng pabawas na dahil may kaniya-kaniya na tayong pamumuhay dahil nga we are now on the process of adulting. But sometimes syempre nakakalimutan ka nadin nila. Meroon din namang iilan na andyan parin para sayo iilan lang yung naging totoo.

Ang pag rerepleksyon mo para sa sarili mo ay malaking tulong para sa proseso ng iyong pag bibinata/pagiging dalaga/sa adult stage. Subukan mo sa gabi na mag repleksyon sa sarili mo bago matulog isipin mo yung mga bagay na mali na nagawa mo at bigyan mo ng solusyon para maging okah ito at para nadin sa ikabubuti mo. Buddy,tropa,bessy,mare at kumpare hindi kana bata uy! Need mo narin magbago para sa future mo at sa magiging pamilya mo uy! Hahaha tama na sa teenager moment. I mean yung ugaling teenager na pasaway pero hindi ko sinasabi na huwag kayo magbuhay binata o dalaga. Ang ibig kong sabihin ay u are free to do anything but think wisely for your good sake. Diba? Hindi yung halabira ka nalang diyaan at bahala na kung ano mang yare. Open ka parin sa mga travel,bonding with your friends,chill, Sleep over etc.. Ang saakin lang para sa sarili natin sana may LIMIT at alam na natin yung tama sa mali na.

I hope na nag iisip isip ka na din dyaan :) gawin mo lang yan araw-araw. Sinasabi ko saiyo makikita mo yung proseso mo at makakapag bigay sayo yan ng mabuti.

Btw, Thankyou for reading :) I hope nagustuhan niyo,

Subscribe me! Ako din subscribe kita hindi naman ako masungit Hahaha!

#ReadCash #Read.Cash #SelfReflection #WednesdayThoughts

4
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder
Sponsors of JvAnora
empty
empty
empty
Avatar for JvAnora
4 years ago

Comments

Tama. Minsan kailangang mag-reflect para mas maging better ang ating sarili.

$ 0.00
4 years ago