I'm Raising a Pig

9 39
Avatar for JulyAnn
2 years ago

Having an unstable job or source of income is really hard. Yung tipong may gusto kang bilhin pero hindi mo mabili kasi it's either wala kang pera o tinitipid mo yung perang meron ka. Yung wala o minsan kaunti lang naibibigay mo sa magulang mo kasi wala kang trabaho.

It's been a year since umuwi ako dito sa Bicol. Isang taon pa lang pero feeling ko dalawang taon na akong nandito at walang matinong trabaho.

Noong una, hindi ako worried na patambay tambay lang na parang yun yung time for me to rest. But to tell you, I tried to seek for a job sadyang mahirap lang talaga dito sa probinsya na naghanap ng trabaho. Less opportunity kung baga.

For that one year, nakontento na ako sa sideline lang, tutor sa mga estudyante na hindi matulungan ng mga magulang kasi busy sa kanilang mga trabaho. Pag-uwi ko nung last December 2020, may naghanap agad ng tutor, so go agad ako. By January meron na akong pinagkakaabalahan which is tutoring na nga. 100 per hour and twice or thrice a week sila magpatutor, so bale 200-300 ang kinikita ko every week. Every two weeks naman ako binibigyan ng bayad. Yung bayad na binibigay, hati kami ni mama, para naman kahit papaano may naiaabot ako sa kanya, tapos yung akin tinatago ko, ipon kung baga. Since hindi naman ako pala alis ng bahay, at nauso tong si shopee moreon sa kanya napupunta lalo na kapag may nagustuhan talaga akong bilhin. Pero hindi naman ako umoorder ng wala akong pambayad. I make sure na kapag oorder ako ay may pambayad ako. Kahit papano nakokontrol ko ang pagshoshopee ko.

I think April or May nagdecide si mama na mag-alaga ng baboy, libangan nya na din sa bundok kasi wala syang masyadong ginagawa. So yung perang binibigay ko sa kanya napupunta sa pampakain ng baboy at kapag kulang o wala na syang pampakain, binibigay ko na lang yung sa akin.

Continuous yung tutoring ko kahit bakasyon. Focus daw sa reading with comprehension. Since continue ang tutoring may naibibigay din ako kay mama ng tuloy-tuloy.

Around August binenta ni mama yung baboy nya, sakto fiesta din kasi dun sa bundok. Umabot ng 80 kilos yung baboy at yung halaga nya nung binenta is 13,000 which is malaking halaga. Kinonvince ako ni mama na bumili din daw ako ng baboy para naman yung pera na kinikita ko sa pagtututor ay may mapuntahan at makita. Sakto naman before opening of class nung September may isang magulang na kumuha sa akin para magtutor din sa kindergarten nyang anak. Monthly ang bayad kasama overtime. Okay na din naman tutal wala pa akong trabaho. Malaking tulong na din yun.

I decided to raise a pig. Yung kita ko sa tutoring binayad ko para makabili ng baboy. October nanganak yung baboy ng kapitbahay nila mama. November 1 nakuha namin yung biik na binili namin.

Meet Ek-ek, the Pig that I am raising. Nadelete ko kasi yung picture nya nung biik pa sya. Ngayon he's already 3 months old pero ang laki na. Ang dami ngang natutuwa dyan kasi ang bilis daw lumaki. Hindi nila akalain na 3 buwan palang sya. Kinuha namin yan, sobrang liit pa talaga, 18 ba naman silang magkakapatid. Yung ibang kapatid nya halos malaki-laki lang sa kuting nung ipinanganak, si Ek-ek naman kasing laki ng laki ng tuta na natuto palang maglakad. Isang araw na bati yan kakapuna na ang bilis lumaki kaya ayun nagtae-tae.

Yung sweldo ko sa tutor, pambili lang ng pagkain nya pati na nung mga ibang kapatid nya na alaga ni mama. Sabi ko kay Ek-ek palaki pa sya para nakabili ako ng printer. 😁

Kanina binisita ko si Ek, kain ng kain ng kamoteng kahoy. Pagkatapos kumain naglaro at nagtatakbo. Pagkatapos nilang maglarong magkakapatid, hanap naman sila ng makakain. Sila na ang nagbubungkal ng kamoteng kahoy.

Buntis na naman pala yung nanay ni Ek at nagbabalak na naman akong bumili ng isa pang baboy. 😁

Ano kayang magandang ipangalan? πŸ€”

Yun lang.

Salamat sa pagbabasa! 😊

4
$ 4.00
$ 3.79 from @TheRandomRewarder
$ 0.20 from @Ruffa
$ 0.01 from @Jijisaur
Sponsors of JulyAnn
empty
empty
empty
Avatar for JulyAnn
2 years ago

Comments

Anlaaa ek ek annyeong πŸ₯³ ang cutie nya, maaatim mo pa kaya ebenta yan lalo na pag naattach na sayo. Parang nakakahinayang lang if ever. But well, yong anak naman nya ang aanuhin diga so oks lang UwU. Magandang investment nga itu ha hmmm

$ 0.00
2 years ago

Nakakalungkot ngang isipin na ibebenta sya. Pero wala eh kailangan ko syang bitawanπŸ˜…πŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Good investment. Ako kasi wala akong hilig sa pag aalaga ng hayop plus ang arte ko pa kaya ang hirap kapag lilinisin na yung kulungan πŸ˜…

$ 0.00
User's avatar sc
2 years ago

Native naman yung baboy kaya nakatali lang sya so hindi kailangan maglinis ng kulungan. πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

Sabagay nasa bundok kasi. Dito walang space kaya nung nag alaga sila ng baboy dati badtrip ako lagi pag di nila nililinis πŸ˜…

$ 0.00
User's avatar sc
2 years ago

Malaki talaga kita po sa pig farming hehe. May alaga rin po kami sulit kasi konti lang nagaalaga sa amin. Naibebenta rin po namin minsan nasa 90 kg hehe. Sulit ang pagaalaga ng baboy.

$ 0.00
2 years ago

Oo nga po. Kaya sana tumaas presyo nya kapag malapit ko ng ibenta. 😁

$ 0.00
2 years ago

Wow.. kung sa plants ay green thumb, ano kaya sa animals? Pag nag 4 months pwede na xa ibenta... Bili ulit ng biik...

$ 0.02
2 years ago

Benta ko sya mga March na po. 😁

$ 0.00
2 years ago