CSS NCII Passer!

6 29
Avatar for JulyAnn
2 years ago
October 12, 2022 | Wednesday

--

"With determination and perseverance, you can achieve anything you want." ~~Unknown

--

Every life has its own pace and the living proof of that is our life itself. Na minsan pa nga umaabot tayo sa point na kinocompare na natin yung sarili nating sa iba.

"Bakit sila ganyan na tapos ako ganito pa rin?"

Hindi natin maiwasang mag-isip ng mga tanong na "Bakit?" na at the end of the day, tayo lang din naman ang makakasagot sa tanong na yan.

What's more about that "Bakit?" is that everytime na matatanong natin yan we felt sad and depressed. We became pessimistic.

I undergone that phase. Na pakiramdam ko napag-iiwanan na ako ng oras at panahon. To the point that I felt I am still wandering and confused in which way to walked. Nawalan na din ako ng motivation to continued what I've started. Ang hirap lalo na't nakikita mo yung iba that they are achieving their goals and dream while me is still wandering.

But so much with being pessimist. I try to look at the brighter side and understand life.

Life is fair and unfair sometimes. May mga bagay na kahit anong gawin mo hindi pa rin 'to sapat pero sa iba umupo lang sila o humiga makukuha nila.

Life is hard. Kailangan mong magsakripisyo bago mo makamtan ang mga bagay na gusto mo. There is no road to instant happiness. And that's true to everyone.

You won't get anything in life if you don't lift your finger.

Imbis ng magmukmok at magpakadepressed, try to move and do something. Walang maitutulong ang pagiging negative. That's what I did.

Mabagal man ang usad ko atleast kahit papaano umaabante ako.

I take every opportunity as much as I can. Katulad na lang ng pagtake ko ng TESDA. I am afraid at first pero inalis ko yun kasi alam ko walang maitutulong ang takot na yun.

I need to take a step forward so I grabbed the opportunity. 35 days lang training pero talagang worth it. Mahirap kasi ang daming kailangang imemorize. Safety rules, specifications, assembling and disassembling, cable wiring, configuring of router and access point, formatting and installing windows server hanggang printing. Babad sa computer buong maghapon kaya minsan sumasakit na ang mata at ulo.

I endured all of it because I have my goals.

Naghintay ako ng halos isang buwan for the Assessment at nung araw na mismo, I tried to calm myself. Pretending na hindi kinakabahan pero halos sumabog na yung dibdib ko sa kaba. Mainit na nga yung mukha ko na parang nilalagnat na dahil sa nerbiyos.

At lahat ng yun napawi nung natapos ko lahat at sinabi sa akin ng Assessor na "Congratulations, you are now a CSS NCII holder!"

Di ba worth it lahat.

My pace maybe slow but I'll make sure I will finish and achieve my goals and dreams.

Walang kahit anong hadlang ang maaaring pumigil sa taong may determinasyon at pagsisikap.

--

By the way...

I am taking my next step. Wish me luck!!!

--

Thanks for reading!

3
$ 2.46
$ 2.44 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Kelzy
Sponsors of JulyAnn
empty
empty
empty
Avatar for JulyAnn
2 years ago

Comments

Yaaay! Congrats sis. 🥂 Napaka importante din nga NCII ay, mas madali makaland ng job.

$ 0.00
2 years ago

Thank you po.

$ 0.00
2 years ago

It's worth it, congrats... Keep moving no matter how slow the pace, thats yhe spirit

$ 0.00
2 years ago

Thank you so much! Go lang ng go!

$ 0.00
2 years ago

Congrats Julyyyyy! 😍 Sipag at tiyaga lang talaga maaachieve mo lahat ng mga plans mo in life. Samahan mo na rin ng dasal. Kapit lang :)

$ 0.00
2 years ago

Thank you po sa encouragement!

$ 0.00
2 years ago