Basic Mother Tongue Dialect: Bicol Polangui

19 604
Avatar for JulyAnn
3 years ago

Naisipan ko itong article na ito dahil na rin sa pagtututor ko.

So, meron akong tinuturuan sabi ng mommy nya hirap daw kasi sa mother tongue so need magpatutor and focus lang daw dun. Grade 3 na sya ngayong pasukan at alam naman siguro ng nakararaming Pilipino dito, lalo na yung mga magulang, na ang mother tongue ay itinuturo simula Grade 1 hanggang Grade 3.

Swerte ng maituturing ang mga nakatira sa Manila kung saan ang Mother tongue na ituturo sa kanila ay nasa wikang Filipino na o Tagalog. Hindi na sila mahihirapan sa pag-intindi.

Kung ating papansinin ngayon, marami sa mga bata ang nakamulatan ng wika dito sa atin ay English o kaya naman ay Filipino. Kahit dito sa aming probinsya, halos karamihan ng bata ay Filipino o English na ang naging unang linggwaheng natutunan, kung kaya, sa pagdagdag ng Mother Tongue bilang isang asignatura sa pagtuturo ay talagang panibagong hamon sa mga guro at mga bata. Marami ng bata sa ngayon ay hindi na gumagamit ng Mother Tongue.

Dito sa aming probinsya, ang Mother Tongue na dapat ituro ay Bicol. Siguro may mag-iisip sa inyo na madali na lamang magturo dahil marami sa mga guro ang nakamulatan na ang diyalektong ito. Pero sa katunayan, mahirap pa rin pong ituro. May iba't ibang diyalekto dito sa bicol. May pagkakaiba at meron din namang pagkakapareho. Siguro naman ganyan din sa ibang probinsya.

Dito sa Albay, bicol ang diyalektong ginagamit ngunit bawat lalawigan ay may pagkakaiba-iba, katulad na lang dito sa aming lugar. Bayan ng Polangui ang bayang aking kinagisnan. Masasabi kong bihasa ako sa aming diyalekto ngunit pagdating sa pagtuturo nito ay aaminin kung hirap ako. Iba kasi ang salita sa aklat, sa salita na aming sinasambit.

Narito ang mga halimbawa:

  • Sa aklat, banggi. Sa aming salita, gabi.

  • Sa aklat, Igwa. Sa aming salita, Kayun.

  • Sa aklat, aki. Sa aming salita, akus.

  • Sa aklat, helang. Sa aming salita, ilang.

  • Sa aklat, parus. Sa aming salita, angin.

  • Sa aklat, kawat. Sa aming salita, amon.

Kung kayo ay taga-bicol marahil ay maiintidihan nyo ang iba dyan lalo na kung taga-Polangui din kayo.

Minsan dahil magkaiba nga ang salita sa libro at sa salita na aming sinasambit, nagtatanong na lamang ako sa aking mga magulang kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang hindi ko alam. Mabuti na lamang at alam din nila, pero yung iba hindi din nila alam. Paano na lamang kung ganun ang eksena? Hindi ko alam at hindi alam ng aking mga magulang. Sino na lamang ang aking tatanungan upang maipaliwanag sa aking tinuturuan? Hirap din minsan maghanap sa google. Walang translator sa mga diyalekto minsan, kung meron man ang natratranslate lamang ay yung mga "main dialect". Kaya minsan ayaw kung magturo ng Mother Tongue.

Ngayon, gusto kung ibahagi sa inyo ang aming salita. Hindi ba masayang matuto ng salita ng ibang lalawigan? Malay nyo makapunta kayo dito sa amin, atleast may alam na kayo.

Narito ang halimbawa ng Bicol-Polangui with Filipino translation.

  • Gabi - Gabi (may diin po yung pagsalita.)

  • Kayun - meron

  • Akus - Bata

  • ilang - sakit

  • Angin - hangin (inalisan lang ng H)

  • Kawat - laro

  • Gurang - matanda

  • Salag - itlog

  • Lana - mantika

  • Ragom - karayom

  • Tursido - sinulid

  • Bayong - ibon

  • Ungaw - pusa

  • Ayam - aso

  • Alduw - araw

  • Tanum - tanim

  • Til - paa

  • Kamut - kamay

  • Payo - ulo

  • Urong - ilong

  • Tud - tuhod

  • Baluy - bahay

  • Nguso - bibig

  • Alas - ahas

  • Orig - baboy

  • Raga - lupa

  • Idto - doon

  • Idi - dito

  • Pawno - Paano

  • Sisay - sino

  • Kinano - kailan

  • Babu - daga

  • Atup - bubong

  • Bukid - bundok

Yan na muna siguro. Mahirap isa- isahin. Pero kung may tanong kayo feel free to drop it in the comment section.

Why not make this as a challenge, kaya? I am sure maraming Pilipino saan bahagi ng Pilipinas, ang member dito. Malay natin may pareho pala tayong mga salita. At matututo pa tayo ng iba't ibang diyalekto.

So lets make your own version of "Basic Mother Tongue Dialect" challenge na.

Anong masasabi mo @Ruffa, @Yen, @Zhyne06 and @Jane?

Drop yours na!

Enjoy and Have Fun!

July 17, 2021

If you want to read my article, just visit My Profile.

7
$ 4.01
$ 3.58 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.10 from @tired_momma
+ 4
Sponsors of JulyAnn
empty
empty
empty
Avatar for JulyAnn
3 years ago

Comments

Oh Bicolano pala yung nguso tsaka gurang. Wahaha. Astig. Now we know more abt wikang Bicolano.

$ 0.00
3 years ago

I have a bicolano blood in me but honestly, I can't speak the dialect po since our family had been in Manila since then. But I like this content, I saw some connection with the Filipino language.

$ 0.00
3 years ago

Thank you. Btw, where in bicol are from?

$ 0.00
3 years ago

Woiii,wala akong alam basta ang alam ko lang Tagalog 🤧. Hirap nga ako sa engols dadagdagan ko pa ng ibang ano aguyy bakandi na kayanin ng aking matres iyan 🤧 ahaha chorrr. Pero bat kasi iba iba ee, dapat pare pareho nalng 😵

$ 0.00
3 years ago

Taga manila ka na talaga? 😂

$ 0.00
3 years ago

Mindoro ako loka wahahahaha

$ 0.00
3 years ago

Oh? Ano dialect nyo?

$ 0.00
3 years ago

Ehh basta tagalog ahahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahaha sige na nga.

$ 0.00
3 years ago

Pero tagalog samin talaga ee haha

$ 0.00
3 years ago

Oo na nga. Hahaha😂😂

$ 0.00
3 years ago

Habang binabasa ko, tinatry kong itono. 😂 Nakakatuwa! Thank you for sharing.

$ 0.00
3 years ago

Welcome po. 😊 baka gusto nyong magtry? Share nyo din po yung dialect nyo.

$ 0.00
3 years ago

Naku may punto lang po, Ala Eh, taga Batangas po ako! 🤣

$ 0.00
3 years ago

Ah. Haha kala ko po taga Visaya kayo. 😊😁

$ 0.00
3 years ago

Hahaha hirap pala talaga marami langguage but proud filipino talaga marami alam na dialect. 😁

$ 0.00
3 years ago

Share nyo na po yung sainyo. 😁

$ 0.00
3 years ago

Ang dami nga pagkakaiba, dami ko din natutunan 😅

$ 0.00
3 years ago

Gawa ka na din. Para may matutunan ako sa dialect nyo. 😊

$ 0.00
3 years ago