Sa panahon po nating ngayon mahirap po magkasakit.
Konting ubo, lagnat at sakit ng katawan paghiinalaan ka ng magroon COVID-19.
Mahirap ngayon magkasakit kaya naman dapat nating ingatan at pangalagaan ang ating kalusugan kaya marapat na lagi tayong nag-iingat sa lahat ng Panahon.
Mayroon itunuro sa akin ang tito ko para manatilihin natin malusog ang ating katawan.
UNA:
Lagi po tayong matulog ng naaayon sa oras. Alm ko po alam na alan nyo na to pero bakit hindi parin natin ginagawa. Problema ng karamihan meron daw kasi sialng Insomia kaya di sila makatulog pero ang katotohanan sa simula pa kasi naging habit na nila iyon. mahirap po pag kinaugalian na po natin ang di matulog ng maaga at naaayon sa oras.
PANGALAWA:
Alam na alam nyo na rin po ito. Ang pag-eehersisyo. Napahalaga po na ating igalaw, ilundag, at panatilihing masigla ang ating katawan. Ugaliin po natin ang pag eehersisyo lalong higit sa umaga upang makondisyon ang ating katawan sa buong maghapon.
PANGATLO:
Huwag po nating kalimutan ang magandang dulot ng sinag ng araw sa umaga. Hindi lamang ang mga baby ang dapat binibilad sa araw tuwing umaga kundi ang bawat isa. Marapat daw po na tayo ay magbilad sa araw sa ganap na 7am -8am na lamang kasi dati daw hanggang 9am pa pwede ngayon ayun na lang ang may Vitamin D. Gawin natin ito sa tagal na 15-30 minuto na tatlo o limang beses sa isang linggo.
at PANGHULI:
Pagligo sa umaga. Marami sa atin na tamad na tamad ang pagligo at maging ang iba sa atin ay hapon o gabi na maligo. Oo gawain ko din yan. Pero sabi na dapat tayo maligo ng maaga, mas mainam na maaga bago tayo mainitan at mapagpawisan. Maging huwag natin kalimutan ang tamang pagkain. Uiwas na po tayo sa mga pagkain na nakasasama sa atin hangga't maaga pa.
Gawin po natin ito ay tiyak po tayo ay sisigla at magiging malusog.
Ngunit sa lahat ng nabanggit ang pinakaimportante ay ang PANANALIG SA DIYOS at PANANALANGIN WALANG HUMPAY. Lagi lamang po natin ipagkatiwala ang lahat lahat sa ating Paninginoon sapagkat Siya parin ang may takda, hawak at may plano para sa ting lahat maging sa ating kalalagayan.
Alam ko po ilan lamang ito ngunit sa simpleng payo na ito tiyak na lalakas ka at sisigla sapagkat ang lahat ng iyo ay tahasang kong sasabihin na subok ko na at gawain ko na po.
Nawa'y nakatulong po ako sa inyo.
Basahin nyo po ng buo at lubusan po kayong matututo.
Subscribe po at huwag kalimutan ang pag LIKE at COMMENT po rito.
Isang magandang Araw sa inyong lahat.
Totoo talagang mahirap magkasakit ngayon,pag mahirap ka mahihirapan kang magpagamot at kung mayaman ka lagi kang nasa ospital.