Share ko lang po kasi magandang story at baka sakaling mabago ang ating sistema sa buhay,. Ito po ay mula mini book na title ay, Kontento Ka Na Ba Sa KaPERAhan Mo? by: Vic and Avelynn Garcia’s book.
Maganda to guys hope na basahin nyo po ng mabuti. Salamat po.
Ano yung Kurot Principle?
To better understand this, here's a story of 3 persons na may balak bumili ng cellphone (worth P1,000).
PERSON A
Mayroong siyang P100,000 savings. Sa halagang ito, pwede ba siyang bumili ng cellphone??
Yes, Pwede!.. Kasi yung P1,000, "KUROT" lang yon sa kanyang savings.
**
PERSON B
Mayroong siyang P1,000 savings. Sa halagang ito, pwede ba siyang bumili ng cellphone??
Yes, Pwede din!.. . Ang tawag na dun ay "DAKOT!" Dinakot niya kasi lahat ang pera niya!
PERSON C
Walang siyang savings.
Sabi niya, "P1,000 lang naman, bibilhin ko na". Bumili siya. Ang tawag naman dun ay UTANG.
**
Ang tanong: "Ano kayang prinsipyo ang ginagamit ng maraming tao? KUROT, DAKOT, o UTANG?
Magtataka pa ba tayo kung bakit ang karamiham ay naghihirap o baon sa utang? Ang galing kasi nating dumakot! Ang galing nating umutang!
Gusto mo bang yumaman? Starting today, matutong kumurot. Kapag may bibilhin, dapat kinukurot lang! Dahil kapag ginawa mo ito, pangako, yayaman ka.
**
Pag-aralan nating muli ang mayayamang tao dito sa Pilipinas, ang CHINOY.
Bakit kaya sila mayaman?
=>Ang galing kasi nilang… kumurot! Tayo, ang galing nating… dumakot!
Example…
Pinoy vs. Chinoy Businessman
May dalawang negosyanteng nagsimula ng kanilang negosyo. Si PINOY at si CHINOY. Ang capital nila pareho ay P100,000.
Sa unang buwan, si Pinoy, kumita ng P10,000.
Ano ang iniisip bilhin? Cellphone.
Si Chinoy, kumita rin ng P10,000. Ano ang gagawin niya? Idadagdag niya sa puhunan.
So magkano na ngayon ang puhunan ni Chinoy? P110,000!
Si Pinoy, P100,000 pa rin, pero may bago siyang cellphone. Ang ganda!
After a few months, maganda ang takbo ng negosyo. Si Pinoy ay kumita ng P50,000.
Ang Pilipinong may P50,000, ano ang balak bilhin?
=>Bibili siya ng home theater, DVD, at LCD TV!
Si Chinoy, kumita rin ng P50,000. Anong gagawin niya? =>Idadagdag uli sa puhunan niya. Magkano na ang puhunan niya? P160,000 na!
A few months later, si Pinoy ay kumita ng P150,000!
Ang Pilipinong mayroong P150,000, ano ang balak bilhin? Second-hand na kotse o pang-downpayment sa bagong kotse.
Ang Chinoy, may P150,000. Ano’ng gagawin niya? Idadagdag sa puhunan! Magkano na ang puhunan niya? P310,000!
Buwan-buwan, si Pinoy kumikita. Dagdag siya ng dagdag ng gamit. Ang puhunan niya, P100,000!
Si Chinoy, buwan-buwan kumikita. Ano ang ginagawa niya? Dagdag ng dagdag sa puhunan niya.
**
One day, Chinoy was able to save P1 million! So ginawa niya, he approached one supplier and said, “Supplier, kung bibili ako sa‘yo ng worth P1 million, bibigyan mo ba ako ng discount?” Hulaan mo kung ano ang sasabihin ng supplier. “Of course, ang dami mong bibilhin, kaya bibigyan kita ng additional 5% discount!”
Ngunit naisip ni Chinoy, “Hindi naman yata maganda na sa akin lahat ang 5%. Ang gagawin ko, bibigyan ko ang customers ko ng 3% discount at sa akin na lang yung 2%.”
Ibig sabihin, bababa ang presyo ng kanyang mga ibinebentang produkto.
It just so happened na magkatabi ang tindahan ni Chinoy at ni Pinoy. Pareho sila ng mga ibinebentang produkto.
Given the situation, kanino kayo bibili?
=>Kay Chinoy, because it’s cheaper.
Ano ang mangyayari sa negosyo ni Pinoy?
=>Malulugi na. Kasi mas mahal na ang kaniyang produkto.
Anong gagawin ni Pinoy? Ibebenta niya ‘yung kotseng nabili niya ng P150,000. Sino ang bibili? Siyempre, ang maraming pera, si Chinoy. Tatawaran pa ni Chinoy ang kotse ng P80,000. Dahil gipit na si Pinoy, kahit palugi ay ibebenta na rin niya. Si Chinoy ngayon ay nagkaroon ng kotse na murang-mura lang!
After a few months, mauubos din ang P80,000 ni Pinoy. Ano ang susunod na gagawin ni Pinoy? Ang home entertainment niya ay ibebenta na rin. Magkano? P20,000 na lang. Sino ang bibili? Si Chinoy. Darating ang araw na pati ang cellphone ni Pinoy ay ibebenta na niya. Magkano niya ibebenta? P2,000 na lang!
Isang araw, magsasara na ang negosyo ni Pinoy. Ano ang gagawin niya? Malamang, magtatrabaho na lang siya kay Chinoy.
Ito ang kuwento ng bansang Pilipinas! Naalala mo pa ba noong araw, mas mayayaman ang mga Pinoy kaysa sa mga Chinese. Bakit nagbago? Ano kayang problema natin? Dakot kasi tayo ng dakot! Sila, kurot lang ng kurot!
May ibang nagsasabi,
"Hindi naman totoo ‘yan! I know a Chinoy, he drives a BMW. That’s a P5 million car! Kurot ba ‘yun?”
Malamang kurot ‘yun! Noong binili niya yun, mayroon na siyang P100 million na savings! So kurot lang ‘yun!
Isang Kahig, Isang Tuka
Saan ka makakakita ng mga taong isang kahig, isang tuka? Saan?
Sa squatters area?
Hindi lang alam ng karamihan, makakakita ka ng mga taong isang kahig, isang-tuka sa lugar ng Ortigas at Makati.
What do I mean? Kapag hindi ka sumuweldo ng isang buwan, mabubuhay ba ang pamilya mo?
Kung wala kang credit card at kung mawalan ng trabaho, ilang araw ang aabutin para mabuhay ng maayos ang pamilya mo? Kapag nawalan ng suweldo, lagot na!
Ang mga Chinoy, kahit hindi muna kumita o magnegosyo, mabubuhay ng maganda. Bakit po? Kasi many years ago, kumahig sila ng kumahig at tumuka lang konti. Kaya marami sa kanila ngayon, tuka na lang ng tuka. Marami sa ating mga Pinoy, kapag hindi tayo kumahig, wala tayong tutukain.
Ito ang masakit–sometimes, kahit matanda na tayo, kahig pa rin tayo ng kahig. Gaano karaming Pilipino ang 60 years old na ay trabaho pa rin nang trabaho? Simula ngayon, matuto na tayong kumahig nang kumahig at iwasan munang tumuka. I-deprive ang sarili ng kaunti.
Ang pinakamasakit sa lahat ay ito – one day, we want to work, but we cannot work anymore. We're already old.
Tanong: Masama bang bumili ng mahal? Sagot: Hindi! Basta kinukurot lang! Kapag nakakita ka ng kasamahan mong naka-Nike shoes, huwag mong husgahan kaagad yung tao! Malay mo, kinurot lang niya iyon.
At the end of the day, what is happening to other people is not important. What’s more important is what is happening to you.
The Bible says in 1 Thessalonians 4:11, “Make it your ambition to lead a quiet life. You should mind your own business and work with your hands, just as we told you.”
Nawa'y matuto po tayo.
God bless everyone!
ako ang ginagawa ko 52 week challenge, basta pag ka sweldo ko kinukuha ko na agad ung pang 52 week challenge ko tapos ung sobra gastos na pero hindi lahat kasi ung sobra naman pinang iinvest ko sa stock market, kasi sa banko mababa interest d tulad sa stock market