Kung Pwede Lang Sana..

12 18
Avatar for Jthan
Written by
3 years ago

(Spoken Word ng aking mga kadramahan..)
Date:Feb 27, 2020 Time:11:06 PM

Maaaring hindi mo pa ako lubos na kilala dahil maaaring hindi din kasi ako lubusang nagpapakilala..
Paalala na kahit naman ako hindi ako makaunawa sa sariling Ako.
Ako na mismo ang nagtatanong kung sino nga ba ako? Ano nga ba ang nais ko?
Ano na nga ba Ako?
Maaaring natanong mo na yan na pabaling sa katagang Ano nga ba?

Ipagpaumanhin mo ang pagiging Ako.
Sa panahong Hindi mo maunawaan ang pagiging isang tulad Ko.
Na tila pabago-bago ang bugso ng damdamin at maging ang klima at panahon ng isang tulad Ko. Dahil, oo totoo, na kahit na ako mismo hindi ko din lubusang maunawaan ito.
Panahong tila nagbabago bago ng di mo maunawaan ang desenyo at kalagayan.
Pero hiling ko lang Kung Pwede lang Sana..

Kung may pagkakataon na hindi ako maunawaan ng iba, pwede bang ikaw na lang ang umunawa sa akin sa kabila ng pagiging magulong Ako.

Kung may pagkakataon na bitawan ako ng Iba, pwede bang ikaw ay huwag bumitaw sa Aking mga kamay na sa totoo lang din gusto ng kumawala at bumitiw sa mundong pilit tinatakasan. Wag mo akong bitawan sa panahong gusto ko ng bumitaw bilang paalala na meron na Ikaw sa salitang Ako na saakin ay umaagapay at katuwang sa pagtahak sa mundong magulo.

Kung may pagkakataon na iwan at talikuran ako ng iba, pwede bang wag mo akong iwan at layuan bilang pagdamay na sa mundong ito merong Ikaw na hindi nang-iwan at hindi nagsasawa sa akin.

Kung may pagkakataon na nag-iisa ako pwede bang tabihan mo ako at samahan dahil ang totoo hindi ko kailangang maging mapag-isa ang kailangan ko lang ay mag isang masasandalan ako sa panahon nagiging magulo na ang lahat sakin.


Sa panahon umiiyak ako, pwede bang ikaw ang maging panyo ng aking pagluha na sa pagkakataon na iyon, ikaw ang magpatahan sa aking pusong pagod na sa lubusang sakit na nararamdaman.. Dahil ang totoo lang nais ko lang maranasan na pahalagahan at ibigin..

Ito ang minsang ako at dumarating ako sa gantong punto ng buhay ko na kung akin mang sapitin, samahan mo ako KUNG PWEDE LANG SANA..

8
$ 0.00
Sponsors of Jthan
empty
empty
empty
Avatar for Jthan
Written by
3 years ago

Comments

Pwede ng maging kanta to..

$ 0.00
3 years ago

hahaha cge gawin mong kanta.. pa credit na lang hehehe

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha,,. Yun Lang, Hindi rin ako marunong.. 😅😅😅

$ 0.00
3 years ago

hahaha..

$ 0.00
3 years ago

👍👍👍👌👌

$ 0.00
3 years ago

hmmm

$ 0.00
3 years ago

😅

$ 0.00
3 years ago

haha

$ 0.00
3 years ago

Níceeeee

$ 0.00
3 years ago

😊😄

$ 0.00
3 years ago

Ganda naman

$ 0.00
3 years ago

hahaha salamat ng marami sa pag comment 😅

$ 0.00
3 years ago