Paalala kapatid, this is the Time of Battle dahil nasa panahon na tayo ng paghahari ng kasamaan. This virus is satan's work. In spiritual view ito ang malawakang pagkilos at paggawa ng kaaway. Be Aware kapatid..
Efeso 6:11-12
[11]Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo.
[12]Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito—ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.
Tandaan natin na meron tayong kapangyarihan at awtoridad na binigay sa atin ng Diyos na lihim ni satanas pinahihina at pinawawalang halaga nya sa pamamagitan ng ating kahinaan, maging pagkabalisa sa mga bagay bagay tulad na lamang ng ating kalalagayan ngayon. Alalahanin mo at panghawakan ang mga talatang ito:
Lucas 10:19
[19]Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway; at walang makakapanakit sa inyo.
Mateo 18:18-20
[18]“Tandaan ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang pahintulutan ninyo dito sa lupa ay pahihintulutan sa langit.
[19]“Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa pananalangin, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit.
[20]Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”
Marcos 16:17-18
[17]Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng iba't ibang wika.
[18]Hindi sila maaano kahit dumampot sila ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na papatungan nila ng kamay.”
Santiago 4:7
[7]Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan kayo nito.
Hindi ko sinasabi ito, dahil exempted tayo sa kamatayan, kahirapan o pagsubok ngunit wag tayong panghihinaan ng loob maging ang pananampalataya natin sa ating Diyos.
Tandaan natin kapatid, ang goal ng kaaway hindi ay mamatay tayo, malungkot tayo, panghinaan tayo ng loob, mabahala tayo, magpanic tayo, magalit, matakot tayo o umiyak tayo, maging magkasakit lamang tayo, sapagkat ang lahat ng bagay na ito maliit na bagay lamang para sa kabuuhan plano nya.. sapagkat ang kanyang dakilang plano ay PANGHINAIN ANG ATING PANANAMPALATAYA AT ITO AY TULUYANG MAWALA SA TOTOO AT BUHAY NA DIYOS.
Ang layunin nya tumalikod tayo sa ating pananampalataya sa Diyos.
Kapatid alalahanin mo, alam ng Diyos ang lahat at nais nya magtiwala tayo sa Kanya. Hindi nangangahulugan iyon na wala tayong gagawin ngunit tayo ay patuloy na magbantay at manalangin. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa at pananampalataya sa ating buhay at totoong Diyos.
1 Juan 4:4
[4]Mga anak, kayo nga'y sa Diyos na at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad na propeta, sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan.
1 Juan 5:4-5
[4]sapagkat napagtagumpayan na ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng p͟a͟n͟a͟n͟a͟m͟p͟a͟l͟a͟t͟a͟y͟a͟.
[5]Sino ang nagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang s͟i͟n͟u͟m͟a͟n͟g͟ s͟u͟m͟a͟s͟a͟m͟p͟a͟l͟a͟t͟a͟y͟a͟ n͟a͟ s͟i͟ J͟e͟s͟u͟s͟ a͟n͟g͟ A͟n͟a͟k͟ n͟g͟ D͟i͟y͟o͟s͟.
Wag kang mawawalan at panghihinaan ng Pananampalataya sa Diyos, kapatid.
BUHAY AT MAKAPANGYARIHAN ANG DIYOS NA TUMAWAG SA ATIN. Maniwala tayo't Manampalataya sa Kanya.
Christian Related Articles:
Simplicity of Life
Late Lessons In Life
Do not fear to the Bad News.
https://read.cash/@Jthan/do-not-fear-to-the-bad-news-f645e78c
Live in Peace and Harmony
What you reap, what you sow
https://read.cash/@Jthan/what-you-reap-what-you-sow-6b5e340c
Do not fear or be dismayed
https://read.cash/@Jthan/do-not-fear-or-be-dismayed-03c8014b
Let Your Light Shine
[Wrinkles] Story with Sense
https://read.cash/@Jthan/wrinkles-story-with-sense-1ac4ba2f
God bless everyone.
God is always with Us.
halos lahat ng nakasulat sa bibliya ay nangyayari na kaya kailangan ng magbalik loob sa panginoon hanggat dipa huli ang lahat.walang nakakaalam kung kailan darating ang pagtatapos.