Ang talambuhay ni coco
Siya ay kasalukuyang nakatira sa kanyang pitumpong taong gulang na lola na siyang nagpalaki sa kanya at itinuturing na niya bilang pangalawa niyang ina simula ng magkahiwalay ang kaniyang mga magulang.
Tulad ng maraming artista ay dumanas din ng hirap si Coco bago nakamit ang kasikatan. Bago pa natin nakilala ang Coco ngayon ay naging isa muna siyang OFW na nakabase sa Alberta, Canada. Doon siya nagtrabaho bilang isang janitor.
Si Coco Martin ay nagsimula lamang sa ahensiya ng ABS-CBN, Star Magic, bilang bahagi ng Star Circle Batch 9. Una siyang lumabas sa isang 2001 film na pinamagatang Luv Txt at nakilala siya dito sa tunay niyang pangalan na Rodel Nacienceno at matapos nito ay nasundan pa siyang nabigyan ng proyekto sa mga independiyenteng mga pelikula.
Simula noon siya ay lumitaw na sa ilang mga patalastas sa telebisyon bago mapagkalooban ng isang malaking pagkakataon na maging pangunahing karakter sa pelikulang Masahista noong taong 2005 kung saan siya ay ginawaran ng Young Critics Circle Best Actor Award noong 2006. Sa parehong taon ay gumanap di siya sa isa na naming indie film na pinamagatang Kaleldo. Nakabuo si Coco ng isa na naming katangi tanging pagganap at ngayon kasama niya ang award winning na director na si Brillante Mendoza. Ang palabas ay pinamagatang Kinatay at talaga naming pinalakpakan, maging ng international audiences.
Noong 2007, nagtrabaho siya sa GMA Network at lumitaw sa ilang mga palabas sa GMA TV simula sa Daisy Siete. Naging miyembro din siya ng bandang tinawag na The Studs. Si Coco ay gumanap din sa ilang mga gay-oriented na pelikula tulad ng Daybreak at Jay kung saan siya ay napagkalooban ng kanyang unang