Ibinibilang ang karamihan sa mga mamamayan ng Pilipinas sa mga liping Mongol, ngunit bagaman kalapit at kaugnay sila "sa dugo" ng mga Intsik, Hapones, at taga-Malaysia, mayroon pang naunang mga grupo ng mga tao na nagpunta at nanirahan sa sinaunang Pilipinas. Kabilang dito ang Taong Tabon at ang mga nagsidating na mga Negrito, Indones (mga sinaunang Indonesyano), at mga sinaunang Malay. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa kapuluan ng Pilipinas, palagian nang nakikipag-ugnayan ang mga Intsik - bilang mga mangangalakal - sa mga mamamayan ng sinaunang Pilipinas. Sa loob ng maraming mga dantaon, nagkaroon ng pagpapakasal sa pagitan ng mga sinaunang mamamayan ng arkipelago at mga Intsik. Ang lahat ng mga ito ang tinatawag na mga unang mga mamamayang namuhay sa kapuluan, subalit may natatanging tatlong pangkat ng mga sinaunang taong dumating sa Pilipinas: ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay.
0
3