0
5
Sobrang lungkot ko nang biglang mamatay si Kuya. Kahit ilang buwan na ang lumipas, bigla ko siyang maaalala. Napakasakit, at parang sinasaksak ang puso ko. May panahong nagagalit din ako. Bakit kailangang mamatay ng kuya ko? Nakokonsensiya ako dahil hindi ko siya gaanong nabigyan ng panahon noong nabubuhay pa siya.”—Vanessa, Australia.
KUNG namatayan ka na ng mahal sa buhay, baka iba-iba rin ang nadarama mo, mula sa pamimighati hanggang sa sobrang kalungkutan at kawalan ng pag-asa. Baka nagagalit ka, nakokonsensiya, at natatakot. At naiisip mo pa nga kung may saysay pa ang buhay mo.
Normal lang na magdalamhati at hindi ito isang kahinaan. Ibig sabihin, mahal mo talaga ang namatay. Pero may makapagbibigay ba ng kaaliwan sa iyong pamimighati?