0
20
Talambuhay Ni Jose Rizal
Isang daan at pitumpu’t pitong na taon na ang nakakalipas nang ipanganak si Jose Protacio Rizal y Alonso Realonda noong Hunyo 19, 1861. Ang ating pambansang bayani ay isinilang sa bayan ng Calamba, probinsiya ng Laguna. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos.
Ang angkan ng ama ni Rizal ay kabilang sa henerasyon ni Domingo Lam-co. Isang mangangalakal na Tsino na napadpad sa Pilipinas. Dahil na rin sa kautusan ni Gobernador Narciso Claveria noong 1849, sila ay nagpalit ng apelyido at Mercado ang kanilang ginamit.