Ilaw ng tahanan

0 5
Avatar for Johnx
Written by
4 years ago

 ng Tahanan

Ang sabi sa akin ng aking inaAko ay galing sa sinapupunan niya;Sa bahay-bata niya kanya akong dala-dalaSiyam na buwang singkad kanya akong inalala... Nang ako’y magkaisip aking nasilayanKung paanong mga anak kanyang alagaan;Sa langaw at lamok ‘di hahayaang madapuanBabantayan niya paglalaro mo sa lansangan... Bago ka mag-aral tuturuan ka niyaSisimulan sa tama gamit yaong "Abakada";Hindi ka niya kukurutin o kaya’y babatukanNi luluhod sa asin o didipa sa harapan... Ang pagluluto niya ay ubod ng sarapPiniritong bangus, sinigang na apahap;Bulanglang na gulay, pinangat na sapsapAdobo, mechado, afritada, at maski-pap... Sa pananamit ay kanya kang iyaayosPlantsadong mga damit, malilinis na sapatos;Mamahaling medyas sa iyo’y kanyang isusuotNang ang mga paa mo ay hindi magkapaltos... Kahit nang magbinata ang anak niyang mahalWalang tigil ang pagpayo upang ‘di mapahamak;Sabi n’ya, "Sa ‘yong sinta’y ‘wag lubos na magmahal,at baka mabigo ka, puso mo ay mawasak!" Kapag sumapit na ang anak sa graduationAng ina niyang mahal ay full of appreciation;"Anak, ang galing mo, you did it, please go on"Siya ay nagsisilbing palaging inspirasyon... Kahit mga anak niya ay mag-asawa naNaroon pa ring sumusubaybay sa kanila;Sukdulang tumulong galing sa kanyang bulsaHuwag lang maghirap ka sa pagpapamilya... Ang aking masasabi ay iisa lamangGaano man kalaki natamong katagumpayan;Sa likod ng anak ay may isang kaakbayWalang iba kundi ang mahal niyang Nanay! Mabuhay ang lahat ng ilaw ng tahanan!

1
$ 0.00
Avatar for Johnx
Written by
4 years ago

Comments