Hello Noisepeople I'm back!
I barely remember when was the last time I logged in to my account.
Because i'm so busy being an online casino agent.
Anyway those photos were taken during our Christmas Party.
I brought my two boys with me.
Our theme for this year is Filipiña Costume.
I just borrowed my costume to my son's teacher.
I don't wanna buy a new one..coz I think it's just a waste of money.
Tinola sa maulang panahon!!
Ilang araw ng maulan dito sa amin.
Kaya nagrequest si mister ng tinola.
Masarap daw humigop ng mainit na sabaw.
Favorite na yata ng mga anak ko ang tinola.
Pinapakuluan ko muna ang manok bago igisa..pinapabrown ko ang manok bago lagyan ng sabaw..ayoko ng puti pa ung manok tapos sasabawan na..nalalansahan ako.
Tara po kain na tayo.
Ang Mani!!
Ang mani ang paboritong kutkutin ng mga Pinoy.
Kapag nanonood ng telebisyon o nagkukuwentuhan.
Bida rin ang mani sa inuman..pinakamurang pulutan..haha!
Bumili ako kanina ng 1kilo for 120 pesos..
Laking tipid pag bibili ka ng hilaw pa at ikaw na lang magluluto..yong bente pesos mo ilang piraso lang.
Yang niluto ko nasa half kilo pa lang.
Favorite din kasi ng mga anak ko ang mani.
Yong nasa mas maliit na lagayan yan ang sa akin.
Since mahilig aq sa spicy foods..lalagyan ko siya ng chili oil mamaya.
Showing na ngayon ang Maid In Malacañang!!
Haaiizztt gustong gusto kong manood pero napakalayo pa ng sinehan dito sa amin..almost 3 hours biyahe.
Kaya mag-aabang na lang ako sq Netflix.
Napakaraming triggered sa movie na ito.
Panahon naman na siguro para malaman din natin ang kuwento ng Pamilya Marcos.
Napakarami na nilang ginawang pelikula at documentary against the Marcoses pero itong kuwento sa buhay nila..72 hours ng buhay nila bago pinatapon sa Hawaii pero galit na galit na sila..haha sila lang ba ang me karapatang magkuwento.
Hello Noise Friends!!
Kumusta na kayong lahat?
Almost a month na pala akong di nakakasilip dito.
Nabusy sa graduation ng mga bata.
Maraming kaganapan sa buhay..nagkasakit ako ng Chikungunya
Almost 1 week ako di nakapasok..sobrang sakit ng ulo pala pag tinamaan ka ng Chikungunya.
Tapos anak ko rin ilang araw naglagnat, di ko alam kung effect ng vaccination nya..buti na lang 3 days lang tumagal.
Last week 4 days akong di nakapasok.
Me UTI daw ako pero parang wala kasi wala nman problema sa pag-ihi ko.
Nilalagnat tapos sobrang sakit ng mata at ulo.
Un pala baka me Chikungunya or Dengue ako sabi ni Doc.
Puro pamboost ng immune system at panghydrate iniinom ko kasi wala nman tlgang gamot don kundi paracetamol lang.
Ngayon para na lang akong nanghihina.
Ayoko na ulit maranasan..sobrng sakit ng ulo at bigat ng pakiramdam.
Nakakainit ng ulong Electric Bill!!
This is my electric bill for the month of May.
Grabe sa taas...iinit talaga ulo mo.
Normal bill namin is nasa 2800 lang dati..tapos start ng November 2021 up to now monthly tumataas..
Gusto na ngang magpetition ng mga consumer kaso parng grabe na ang pagtaas.
Di na makatarungan..kahit magtipid ka mataas pa rin...ung iba umaabot na ng 12k bahay lang un.
Ang sama sa loob magbayad ng ganito kalaking bill.
Sana nman this June eh bumaba na.
Disappointed!!
Malungkot sa pakiramdam kasi di ko pa maconfirm if buntis na ba ako or what.
Nakaubos na ako ng 4 na PT
Pero wala pa ring 2nd line.
Sa tracker ko 11 days delayed na ako..pero May 10 ako last na nagkaron..so pag yon ang susundin 5 days delayed na ako which never happened before.
Kasi ang menstruation ko talaga is laging advance ng 3-5 days.
Last pagbubuntis ko 2 days delayed pa lang positive na agad sa PT.
Hayyy sana di nman sakit ang cause ng delay ng menstruation ko.
Nagpasilip kasi ako sa ultrasound sa kasamahan ko wala pa rin makita pero prominent ang uterus ko.
Haha ayan excited ako kaya kagabi di ako nakatiis..nagtry na ako pero nadismaya ako kasi isang line lang.
Kaya inshoot ko na lng sa bag ko ung kit.
Tapos this afternoon naghalungkat ako ng bag nakita ko ung kit nagkaron pala ng malabong linya din...pinakita ko sa ate ko at mga pinsan ko positive na daw un.
Bukas ng umaga mag PT ulit ako to confirm!!
Haayyy sana ito na talaga!!
Papagupitan namin ang mga bata dahil sa 17 picture taking na ni Bunso.
Kaso may dalawa pang nakapila before sila.
Tapos ayon nagugutom na daw sila
Kaya nag burger at tacos muna kami while waiting.
Nagtaka ako sa tacos ung wrapper eh nakahiwalay..hehe
Sana lang di kami abutan ng ulan
Being Hopeful!!
I'm 2 days delayed now...
Siguro sa isip nyo 2 days palang naman.
Masyado pa maaga para mag-assume..hehe..
Wala naman sigurong masama...6 years waiting na kami na magkaron ng 3rd baby.
Lagi kasi ako nag aadvance ng 3-5 days...di aq nadedelay...kaya may gut feeling ako na baka ito na nga.
Bukas magpa-PT na ako
If positive eh di magandang gift kay mister for Father's day.
Itatago ko itong PT para di nya makita.
Di ko pa kasi sinasabi sa knyang delayed ako.
Excited for tomorrow.
Preparing for lunch!
Naggagawa na ako ng magulay mamaya.
Saluyot tapos hahaluan ko ng labong.
Tapos sasahugan ng pritong isda.
Tipikal na ulam ng mga taga-probinsya.
Gulay-gulay lang solved na.
Ang labong nga pala is murang kawayan na hiniwa hiwa.
Masarap din siyang iadobo taz me sahog ng karneng baboy.
Kahapon after magpacheckup ni Father ko
Dumaan daw sila sa Chowking para bumili ng pang-dinner namin.
Nong kakain na saka lang nalaman na ung 3 packs ay walang ksamang siomai.
Kaya nagmessage ako sa Page nila...
Ayon balik na lang daw kami para kunin yong siomai.
Nong nakaraan din sa Jollibee.
Umorder kami ng 5 na spag w/ chicken at 2 palabok w/ chicken..
Aba lahat walang gravy!!
Di na namin inchecheck kasi nasanay kaming meron na sa loob ng box...
Kaka-disappoint din minsan...hehe!alangan babalik ka pa para sa gravy.
My Saturday!
After ng ilang taon babago ulit ako maglaba...nagpapalabas kasi kami sa hipag ko parang help na rin sa knya pra may income siya.
Pero kailangan ng magtipid kaya napagusapan namin ni hubby na kami na ulit ang maglalaba.
Grabe na kasi ang taas ng kuryente namin..halos abot na ng 5k...halos half na ng take home pay ko napupunta na lang sa kuryente.
Di bale at mag aabroad naman na hipag ko..di nakakahiyang biglang stop na lang.
Pero nanibago ako...parang latang lata katawan ko ngayon..dagdag pa yong init sa pagsasampay..inabot ako ng alauna maglaba...pero pag nagpapalaba kami 11 palang tapos na sila...haha!!
Treat to Jollibee!
Pagsundo nya sa akin kagabi nakauniform pa siya..7pm out ko siya 5pm so ibig sbhin may inuman na nman na pinuntahan.
Ayon nga naginom daw sila sa office..
Tapos akala ko uuwi na kami.
Idinaan nya ako sa Jollibee kain daw muna kami.
Nanalo daw siya sa pustahan..siguro sa basketball or billiard.
Meron kasing half court at billiard table sa office nila..pinagawa ng boss nila for them.
Mga super spoiled sa boss..haha!!
Ang inoorder namin lagi sa Jollibee dalawang 1 pc chicken at 2 pcs burger steak...tig isa pa kami don sa burger steak at hati sa rice...mas tipid kasi kesa bibili ka pa ng extra rice na kasing presyo na ng isang kilong bigas.
Ang aga kung nainis!
Magpapalaba kasi kami ngayon.
Tapos may naiwan akong pera sa bulsa ng pantalon ko.
Nong maalala ko pumunta agad ako don sa naglalaba pero wala daw xa nakita..
750 pesos un sukli ko sa 1k na pinambayad ko sa Ukay na indeliver sa akin kahapon.
May mga tao talagang di honest.
Iba kasi naglaba ngayon dahil wala ang hipag ko..yong nanay nya naglaba ngayon..me experience na rin ako sa knya pagdating sa pera.
Haayyss sayang..pambyad ko sana yon ng inorder kung puto at palitaw para sa birthday ng apo nya sa 31.
And we now have New President and Vice President of the Republic of the Philippines as they we're officially proclaimed.
I'm teary eyed watching the live broadcast!
I hope that God will give them wisdom to make the Philippines great again.
And all Filipinos will have their fair share of making our country great again.
Stop the hate..stop the cancel culture,stop the blaming.. let's all unite for the betterment of our country.
I believe their tandem will have a great impact to our country.
OCAIS!!
One Covid-19 Allowance Information Sytem!!
OMG! ang happy ng mga tao dito sa workplace ko kasi meron ng email at pinaprepare na kami ng aming mga xerox ng id para sa authorization.
Finally may makukuha na kami.
May na ngayon pero January pa lang yong makukuha namin.
Akala nga namin wala ng darating..prang napanghihinaan na kami ng loob.
Pero awa ng Diyos may good news na ngayon.
Mas okay sana kung minsanan ng ibibigay ang 3 or 4 months para may magawa akong sa perang makukuha ko.
Not sure pa sa amount ng makukuha nmin kasi back office lang kami..but still thankful pa rin kami.
Sino nagwowork sa mga healthcare facilities...kayo rin ba meron ng marerecieve?
Magkakaron ng Projects All Numerates ang panganay ko bukas so nirereview ko siya.
Habang nagsasagot siya ng window cards intry ko pasagutin bunso ko.
Nagulat ako kasi alam nya na pala mag-addition..di ko naman kasi siya tinuturuan.
Kahit sa numbers di ko siya tinuruan.
Pero alam nya isulat 1-100 at basahin bago pa siya mag-kinder...di na siya nakapag daycare at di ko rin nahaharap magturo sa kanila.
Nakakatulong din talaga panonood nila ng you tube.
Non Stick Pan and Pot.
Dumating na kahapon yong pinaorder ng Father ko na nonstick pan.
Actually non stick pan lang pinapabili nya taz nakita ko yong add on na pot..tinanong ko siya kung gusto nya...umoo naman kaya kaya ayan naging dalawa...haha!!
Di bale siya naman nagbayad.
Ewan ko bakit naisipan nya magpabili meron naman kaming mga pan.
Ang gaganda ng items at ang lalaki pala...sulit na sulit ang bayad...mas gaganahan ako magluto nito.
Good morning Noisemates!
Ayan pwede na akong magkape at pumasok na ang aking mga estudyante.
Haha ang hirap din...ang sarap pa sana matulog kasi alauna pa pasok ko kaso me pasok dalawa kung anak.
Nanibago din ako nong una nilang face to face ang hirap ng gumising at hirap din nilang gisingin.
Feeling Unproductive!
Kanina after lunch dumating ang I.T namin tapos sinabi me aayusin daw siya sa system .
Di kami nakagamit tapos wala ding internet .
Akala ko sandali lang ayon inabot ng gabi.
Maghapon na akong walang nagawa.
Di ako nakapag-update ng ward used at nakapag-admit.
Ang dami ko tuloy iniwan na gagawin ng duty bukas.
Ayaw ko pa naman ng ganon baka sabhin tamad ako.
Buti ung discharged patients eh maaga aga binaba naihabol pa habang may system.
Dpat sana pag me ganyang pag-aayos eh gabi ginagawa..yong wala ng tao sa office.
Para di naaabala sa mga trabaho.
Kain tayo mga kaingay!
Late na ako kumain at inaasikaso ko muna module ng mga anak ko tapos nagplantsa ng uniform nila para bukas
Actually Fiesta namin ngayon.
Pero may pasok ako knina 8am-7pm kaya wala akong alam sa ganap sa bahay.haha!
Maraming putahe din pala silang niluto knina..akala ko wala kaming handa..haha!!
May mga kamag-anak din pala kaming mga nakifiesta from other Barangay..buti na lang pala naghanda si Daddy ko.
Dear Ligo maraming salamat po ang budget ko pang sardinas lang , pero dahil sayo - eto nka Corned beef ako ngayon !!! Hahaha!!! Pag sinuswerte talaga !!!
Nakita ko lang sa FB..natuwa lang ako goodvibes muna tayo.
#photonotmine
Lonely is the Night!
Haha napakanta na lang ako ng lonely is the night kasi wala akong katabi ngayon.
May summer outing sila hubby(kahit tag-ulan na) sa El Puerto Marina Resort sa Lingayen Pangasinan.
Yong ang daming beaches at resort dito sa amin sa Zambales tapos dumayo pa sila don.
Di bale sagot nman ng boss.
Ang lamig pa naman tapos walang katabi..sad life.
18th Birthday!
Happy 18th birthday to this lovely young lady.
Sana mareach mo lahat ng goals mo sa buhay..pero siyempre para mangyari yon mag-aral muna ng mabuti.
Katulad ng bilin ni Mama at Papa mo wag munang mag-Boyfriend..Crush crush lang muna..haha!!
Malas lang maulan ang birthday niya kaya maaga din kaming naguwian, tapos may namatay pa na kapitbahay nila kaya di na masyadong incelebrate...kainan na lang at maikling program.
Haayyy take home ang exam ng anak ko.
Di yata nila natapos kaya pinauwi na lang.
Yong iba may check na.
Puro nman kasi drawing tapos may pagpapaliwanag pa tungkol sa indrawing.
Pano nga nman matatapos ng bata ng 30 mins per subject lang.
Sana ang mga exam lang yong madadali lang at wag puro need ng drawing.
Yesterday's photos!
Now lang nakasilip ulit dito at medyo nabusy kahapon.
6th Birthday ng anak ko at kahot pano ay may handa naman siya courtesy ng kanyang Lolo at Lola.
May sphagetti,pancit canton,cordon bleu,fried chicken,lumpiang shanghai,puto,fruit salad at cake.
Yong iba inorder lang..di ko na maharap magluto dahil pumasok pa ako..
Nag-undertime lang ako ng 2pm kahapon.
Lahat naman nakakain..may left over pa ngang spaghetti..pwede meryendahin mamaya.
Happy din si bagets at may nag abot sa knya ng pabirthday.
Kaso gusto ibili ng bike akala mo laki ng bigay sa knya..tapos bilang na bilang ang pera.
Di mo na maloloko pagdating sa pera .marunong na pala mag add ng hundreds...haha!!
Lumpiang Shanghai!
Haayyy nakatapos din magbalot ng Lumpia.
6th birthday kasi ng bunso ko bukas.
Wala sana kami balak maghanda at walang budget..naubos ang pera sa pag-uwi sa Ilocos.
Pero kninang umaga tinanong ng Lolo nya anak ko kung ano handa nya.
Sabi ko di kami maghanda.
Tapos ayon pinaorder nya ako ng large bilao ng cordon bleu at pancit canton.
Then nagbigay ng 1k pambili ng 3kilos na chicken at pang-lumpia.
Dagdagan na lang din nmin ng 2kilos na spaghetti
Tapos yong lola nman nya ang bibili daw ng cake at softdrinks.
Di tlga sila papayag na walang handa ang apo nila..hehe!
Simple Viand!
Ayan maaga na naman akong nagluto ng for lunch namin.
Di pa kami nakapaggrocery kaya walang karne sa ref.
Eh may binili kaming chicharon bagnet sa Ilocos kaya un na lang naisipan kung isahog.
So far perfect naman ang lasa...kaya magbabaon na lang ako ng panglunch ko mamaya sa office..hehe!