Chilling time! Nakaisip mag-inom ang asawa ko at bayaw ko. Nakiharap ako kaya merong lemon sa mesa. Lemon sa akin at konting emperador..hehe! Fried chicken ang pulutan namin. Binili lang nmin ito knina bago umuwi. 20 pesos per piece..bumili kami ng 8pcs..inulam din ng anak nmin yong iba..pulutan na ung natira.
Their lunch for today! 11am pasok ko now kaya maaga akong nagluto ng pang-lunch ng maiiwan dito sa bahay. Andito kasi si biyenan ko..sumama pauwi nong pumunta kami ng Ilocos. Gusto muna makasama ang mga apo nya. Sotanghon w/ patola and giniling na baka ang niluto ko. Yong giniling yong mga nakapack lang na Roel's ang tatak. Simpleng ulam ng nagtitipid..hehe.
New 1000 Peso Bill!! Kaso di sakin ito mga ka-noise. Nakita ko lang sa Facebook post ng kilala kung baker. Panlagay sa money cake na order sa knya. Ang swerte naman ng mkakatanggap ng money cake na ito. Mapapa- Sana All ka na lang talaga eh. Ako kaya kelan magkakaron ng money cake!!haha
Electric Bill!! Grabeng taas ng kuryente namin ngayon..almost 5,000 na...napakasakit sa bulsa at napakasakit magpakawala ng ganito kalaki para sa kuryente. Nong di pa nagstart ang pandemic ang bill nmin hanggang 2800 lang...ngayon pataas ng pataas kahit same ang pag consume at same ang gamit. Mapapaisip ka na lng tlaga eh. Madalas din magpatay sindi sng kuryente dito sa amin..minsan gumagawa din siguro tlaga sila ng paraan pra mataas ang bayran ng mga consumers. Sana lang sa…
Gone to soon Baby PJ Paalam inaanak ko...😭 Malapit na sana binyag mo pero di ka na umabot. Haayyy nakakadurog ng puso. Di ko tlaga lubos maisip na bigla kang nawala. Yong dpat na cake para sa birthday mo in-bake na nila tita mo ngayon para sa last night mo. Sana makayanan ni Papa at Mama mo pagkawala mo. Ang tagal ka nilang hinintay. Sana magkaron ka ng ading para di na sila masyadong malungkot sa pagkawala mo.
Uwian time! Waiting saglit kay hubby. Dito na lang ako sa trike..tinatamad akong maglakad-lakad na. Bibili muna daw siya ng brief nya at nagrereklamo na maluluwang na daw garter ng mga underwear nya..haha!!
Bitin ang budget?Ukay is the answer! Nong nagstart ng face to face mga anak ko yong mga rubber shoes nila ang gamit nila. Kaya kanina nagdecide kami ni hubby na ibili sila ng leather shoes...kaso bitin ang budget so nagtry kami nagtingin sa ukay-ukay. Ayon di nman kami nabigo. Me nakita kaming mga like new pa ang itsura. Buti may mga sizes naman them. Tig 190pesos lang bili namin. Konting shine lang at ayon meron na silang isusuot bukas. Ukay is okay!!
Dinner time! Itong miki ng Ilocos na lang ang dinner ko. Di na kami nagluto ng ulam since may tira oa kaninang tanghali. Kain na lang ng kanin ang gustong magkanin. Napasobra amyata sa dami ng sahog itong miki ko. May chicharong bagnet, may longganisa at chicken pa. Feeling ko pag nagbenta ako nito dito sa lugar naman papatok ito. Minsan naiisip namin ni hubby gawing negosyo ito. Mahirap lang sobrng layo ng pagbilihan ng noodles..from Zambales to Ilocos pa..haha!
Kung kelan maggagabi na saka ko lang tlaga naisipan magluto ng mameryenda..hehe Si hubby kasi eh..wala sana ako balak magluto ngayon pero pinagbigyan ko na nga. Itatoppings ko na lng yong longganisa mamaya at yong bagnet. Konting bagnet lang kasi ang mahal na ng isang kilo..500 na..unang bisita nmin sa Ilocos 250 lang bili nmin. Pati longganisa nagmahal na rin 320 per kilo na rin..pero nakuha nmin siyang 300 per kilo kasi 10kilos binili namin.
May kambal!! Joke lang po...dami kasi nagsasabing parang kambal daw . Kahit nong umuwi kami sa Ilocos..akala ng mga kamag-anak ni Mister kambal daw.. Pati ung mga tindera sa palengke.. Lagi tanong kambal sila maam? Halos magkasing katawan na kasi. Yong nakaputi po sa unang picture ang panganay ko. Bunso ko yong naka-blue. Two years po ang pagitan nila. Naghahanap na nga sila ng baby girl Kaso ayaw pang ipagkaloob ni Papa Jesus.
Haaayyy katatapos kumain Mga ngiting busog yan..haha!! Pagkatapos kumain masarap tumambay. Medyo kumulimlim dito samin tapos kumukulog. Sana umulan para lumamig naman. At parang masarap maligo sa ulan ngayon. Kaso sabi nila pag nauna at kulog di daw matutuloy ang ulan.
GOMO to the Rescue!! Kapag inis na inis ka na sa paghihintay ng sundo mo Tapos wala kang load To the rescue si GOMO Magconvert lang ng pantxt o pantawag solve na ang problem!! Unang bili ko ng GOMO sim meron siyang 30GB na no expiry..umabot din xa ng 8 months bago ko naubos. Nong nasa Ilocos ako nagreload na ako.
May 10-12 umuwi kami ng Ilocos para um-attend ng last lamay at libing ng tiyahin ni Mister ko. Kahit super layo..12 hours from Zambales to Ilocos Norte pinilit pa rin naming makauwi to pay respect for his Aunt na malaki ang naitulong sa knya sa pag-aaral nya noon. Buti na lang pinahiram kami ng boss ni mister ng van..driver at gas na lang ang binayaran namin..pero laking pera pa rin ang naubos sa mahal ng gas ngayon. Paalam Auntie Liling...di man kita personal na kilala…
This photo was taken yesterday. Ito ang ang aming patron na si Apo Sta. Rita. Malapit na ang Pista sa aming Barangay Kaya iginagala siya sa bawat bahay at nagdadasal. May mga ksama silang namumuno sa pagdarasal at taga-sagot ang mga nasa bahay. Isang oras lang ang pananatili nya sa bawat bahay..pagkapatapos lilipat na naman sa ibang bahay. Salamat sa mga taong nagtitiyaga sa ganitong gawain.
Lunch na tayo guys..medyo late na at hinintay pa ang sahod. Medyo napaaga at Sunday ang 15 eh. Kapag talaga sahod meron at merong magyayaya oorder ng foods sa labas.. Sabagay twice a month lang naman. Treat mo na lang sa sarili mo. Mga gutom na gutom kami at may extra pang Burger...haha.
On the way to work... Grabe sobrang init..pawis ka tapos pagdating sa work naka-aircon..tuyo ang pawis sa likod..sakit na naman ang aabutin. By the way I wear pink but definitely not a Pinklawan...charaught lang!! Love love na tayo..tama ng bangayan..magtulong tulong na tayo para umunlad ang ating sintang Pilipinas.
Nadudurog ang puso ko sa balita sa gc namin. Ang cute na batang nasa picture ay wala na daw...huhuhu!!! Pamangkin siya ng hipag ko..madalas ipasyal sa compound nmin. 10months old siya ngayon..dapat bibinyagan kasabay na ng 1 yr old kaso ganito ang nangyari. Ninang pa naman sana ako. Bigla lang nahirapang makahinga tapos sinugod sa pero wala na daw tlga...di narevived ..huhu!! Rest In Peace PJ...Fly High Little Angel. Supersad si Ninang ngayon.😔
May kulungan na ang Akira namin. Nasa 159 pesos sa shopee pero 4 panels lang..so tatlo ang binili ko para medyo malaki. Pati tulugan nya bumili rin kami kaso ayaw nya tulugan..mainit kasi. Minsan hinahanap namin siya nandon pala sa cr...siguro naghahanap ng malamig na tulugan.
Gouty Arthritis! My father is suffering from gouty arthritis both in feet and hands...kahit sa siko at tuhod meron ding bukol bukol Matagal na ito..tapos may time biglang naglalakihan at pumuputok pa like ngayon..sobrang namaga pa left hand nya nong mga nakaraang araw. Di na makuha sa gamot..mga pang pain na lang ang tanging iniinom nya. He can't wear shoes or even sandals di na kasi kakasya dahil sa mga bukol. Yan na siguro ung consequence na yong kabataan nya mahilig sa…
Ulam for tonight. Stir fry pork w/ broccoli. Ah ewan ano tawag...stir fry pero nilagyan ko ng sabaw...haha. Beef broccoli sana kaso pork lang available. Galing kasing Baguio bayaw ko ayon me uwing mga gulay..nauna na naming nailuto yong Chopsuey. Kaso di man lang siya bumili ng lettuce..may lang samgyup sana ako.
Sinipag muna ako magluto ng makain. First week ng April ko pa binili itong mani...pero now ko lang nailuto lahat. Mas tipid pag bumili ka ng per kilo 120 per kilo pag bumili ka sa magmamani ung 20 mo ilang piraso lang. Tapos nagpaluto rin si Father ng bananacue pero di ko masyadong bet ang saging na saba..mas gusto ko pa ng camote cue.
Good evening daw po sa lahat sabi ni Akira. Puppy po siya ng anak ko bigay ng kapitbahay. Iginala kasi siya minsan dito sa amin. Tapos ayaw na bitawan ng anak ko. Meron na dapat nagmamay-ari sa knya na taga-Manila..kaso ayaw ng mother non na may alagang doggy sa bahay. Kaya ayon sa anak ko na lang binigay. Una tahimik pa eh..ngayon maharot na rin. Kakatuwa din pala may inaalagaan.
Almusal na tayo mga ka-ingay! Medyo na late na at pagdating ko may tatlo ng chart na for discharge sa table ko. Kaya inuna ko muna. Di na kasi ako nakakakain sa bahay kaya binabaon ko na lang. Kaya habng gumagalaw ang kamay sa computer..sinisingit ko na lang ang pagsubo.
I feel drained... Anong oras na kami nakauwi kanina kasi inasikaso muna namin yong aunt ni hubby. Pina admit na siya kasi nanghihina na siya..tuwing kakain daw siya nagva-vomit siya. Nong February bigla siyang di makalakad sa sakit ng balakang nya..pinacheckup wala nmang fracture...so puro pain reliever lng reseta sa knya. Tapos inadvice na mag theraphy thrice a week..pero gang ngayon di pa rin siya nakakalakad..sobrng payat nya na. Sana nman magbalik na ang dating lakas…
Beef Mami This is our meryenda for today na niluto ng aming canteen. Beef mami w/ egg. Masarap naman siya. Nong nagstart ang pandemic nagkaron kami ng free meryenda ..until now di pa naman tinatanggal. Yong isang ksamahan ko di siya mahilig sa mga may sabaw na meryenda kaya binigay nya na lang sa akin..may ittake out na naman ako..haha!!
The boy with the green shirt is my half brother. Nasa college na ako noon nong nalaman namin na may kapatid pala kami sa labas..pero okay lng naman sa mother ko at sa mga kapatid ko..Sundalo kasi si Father kaya alam nyo na..haha..actually meron pa daw isa eh pero wala kami balita don...parang nasa Mindanao yata. last Tuesday umuwi sila dito sa bahay..sa Manila kasi sila nakatira..they stayed here for 5days.. Yang picture na yan last night nila dito intreat ko sila sa…
Holy Week Get Away! Dumating ang half brother ko from Manila..nag stay sila dito ng 5 days kaya ayon iginala namin sila. Though meron naman dagat sa amin at sobrang lapit lang dumayo pa kami sa kabilang bayan para magovernight...haha!! Actually first time ko rin magovernight sa dagat...kulang ang tent namin kaya yong iba naglatag na lng ng karton sa buhanginan. Super enjoy naman ang lahat. Matagal na naman siguro bago maulit ang ganitong kasiyahan na kumpleto kaming…
Noisemates pwede magtanong?? Meron bang me anak dito na nagkaroon ng Primary Koch's Infection?..i Kasi ang anak ko yan ang diagnosis nya. Need nyo uminom ng gamot na Kidz Kit for 6 months. Kaso parang ang daming side effects ng gamot. Parang mas natatakot ako sa side effects. Pwede kayang mag antibiotic na lang siya at di na inumin yong pang TB na gamot. Papalakasin ko na lang resistensya nya.
Guys pasubscribe naman sa aking friend. 4days na kasi pero 2 pa lang naawa na magsubscribe sa kanya..hehe! Gusto ko rin nya magkaron ng extra income sana at inintroduce ko sa knya si Noise. Thank you in advance. https://noise.cash/u/SHYRL
Umorder ako ng shorts ng bunso ko. Mga pang 12years old na ang size na kinuha ko kaso di pa ri n nagkasya sa knya...grabehan...going to six years old palang siya ngayon. Last November nong pinacheck up ko siya..33.5 na timbang nya.. Ang hirap na pigilin sa pagkain..hirap nya na hanapan ng damit. Dapat yata small na pang adult na bilihin ko for him. Ngaun hanap ako ng mabentahan..sayang kasi pinambili ko.