Treat to Jollibee! Pagsundo nya sa akin kagabi nakauniform pa siya..7pm out ko siya 5pm so ibig sbhin may inuman na nman na pinuntahan. Ayon nga naginom daw sila sa office.. Tapos akala ko uuwi na kami. Idinaan nya ako sa Jollibee kain daw muna kami. Nanalo daw siya sa pustahan..siguro sa basketball or billiard. Meron kasing half court at billiard table sa office nila..pinagawa ng boss nila for them. Mga super spoiled sa boss..haha!! Ang inoorder namin lagi sa Jollibee dalawang 1 pc chicken at 2 pcs burger steak...tig isa pa kami don sa burger steak at hati sa rice...mas tipid kasi kesa bibili ka pa ng extra rice na kasing presyo na ng isang kilong bigas.
No comments yet