Patulong naman guys sa mga critics Jan labas, ngayon lang kasi naisipan kong magpublish ng fantasy genre sa wattpad, and pa rate naman nitong prologue ko para mabago ko if my Mali o kulang bago ko I-publish sa wattpad salamat,pabasa nalang sa baba👇👇👇👇
PROLOGO
*Clannnnnngggg* *boogggsshhh!*
Tunog ng nagliliparang pinggan at kaldero sa maliit na barong barong ng mag amang Policarpio.
Lasing nanaman ang nakakatandang Policarpio at ang dahilan ng kanyang pag aalburoto ay dahil walang ulam sa kanilang hapag.
"Zen!!!!!!!!pesteng bata ka!halika rito!"
Ang tawag Ni Renal sa kanyang nag iisang anak na desi-otso anyos pa lamang..
Alumpihit namang kumaripas ng takbo ang binatang tinawag na Zen, at iniwan ang kanyang Gawain sa kanilang poso,
kasalukuyan kasi siyang naglalaba ng damit ng kanilang kapit bahay..
"Itay bakit po?" Malumanay nitong tanong sa kanyang ama na kulang nalang ay bugahan siya ng apoy..
*PAK!*
Walang sabi sabing hinambalos siya ng matanda at sunod sunod pa siyang tinadyakan na nag resulta upang matumba siya sa lupang sahig ng kanilang barong barong..
"Asan ang ulam!!Lintek na buhay!diba sabi ko pag umuwi ako galing sa tomaan dapat may pagkain na!hmpf!"
*Pak!*
"T-tay ta-tama na ho! Pinam---pinambili niyo na po ka-kasi ng alak y-yung sinahod k-ko sa labada" namamaluktot na turan ng binata sa kanyang ama, harang-harang niya rin ng kanyang kamay sa kanyang ulo para protektahan ito, nahihilo na siya't putok na ang kanyang pang ibabang labi.
Tunay ngang kalunos lunos ang kanyang sinasapit sa piling ng kanyang ama,Hindi niya magawang lumaban sapagkat malaki ang respeto at pagmamahal niya rito.
"Nanunumbat ka ba hah!!p*t*n*I*na ka!!hmmmp!*PAK!* kasalanan ko bang Hindi ka magdoble kayod hah!!ang laki mong bulas pero tatamad-tamad kang hayop ka!!hmmp!!*PAK!*"
Patuloy lang sa pagsuntok at pagtadyak sakanya ang kanyang ama..
Nagsimula lamang itong manakit at mag lasing Nang pumanaw ang kanyang ina na si Celeste sa sakit na leukemi limang taong gulang pa lamang noon si Zen.
Sa halos labing tatlong taon, Hindi na bago pa ang senaryong ito sa kanilang munting tahanan, sanay na rin sa bugbog ang katawan ng binata, pero Ni minsan ay Hindi pa niya sinubukang lumaban o ang lumayas at magpakalayo layo.
Sa kadahilanang nangako siya sa kanyang yumaong ina na aalagaan niya ang kanyang ama hanggang sa pag tanda.
Namilipit siya sa sakit nang i-angat ng kanyang ama ang ulo niya gamit ang kanyang buhok..
"Ano!??!Hindi ka ba madedelehensya!!*PAK!* kumilos ka at pumunta sa tindahan Ni aling Pasing!!umutang ka ng ulam!nanggigigil ako sayong bwisit ka!!" Bulyaw pa nito sa kanya bago pabalyang binitawan ang kanyang pagkakahawak sa buhok niya.
"Pe-pero tay maha————————"*BOGSSSHHHHH!!*
Hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin ay may tumama ng mono block sa kanyang katawan.
" Isa pang reklamo mong hayop ka tatagpasin ko na yang dila mo!!!!!!"
Agad naman napatayo si Zen at mabilis pa sa alas kwatrong lumabas siya sa tagpi-tagping pintuan nila, kahit masakit pa ang kanyang katawan at namamanhid ang paa ay sinikap niya paring tumakbo upang pumunta sa tawiran papunta sa tindahan, ayaw niya ng galitin pa ang kanyang ama, at baka totohanin pa nito ang sinabi.
Habang patakbo siya'y pinagtitingin siya ng kanilang kapitbahay at nagbubulungan pa, ang iba'y naawa sa kanyang sitwasyon at ang Iba naman'y nanghahamak na tingin lamang ang ipinupukol sa kanya..
Pinalis ng binata ang kanyang luha na Hindi niya namalayang tumutulo na pala, nasusuklam siya at nagagalit sa kanyang sitwasyon, isinusumpa niya ang kanyang kasalukuyang buhay sapagkat ito'y Hindi katanggap tanggap, mas malala pa ito sa impyerno....sinisisi niya ang langit na siyang naglagay sa kanya sa sitwasyong ito..
"Bakit ako pa?!?bakit!?" Paulit ulit nitong bulong habang bumabagal ang kanyang hakbang, nawala na sa kanya ang dapat niyang gawin dahil sa nalulunod na siya sa kanyang malalim na balintataw..
"Hi---hindi k--ko n--a k--kaya!" Tulala at tuluyan na siyang tumigil sa paghakbang,napasapo siya sa kanyang mukha at tuluyan ng napahagulgol..
Samantala,ang lahat ng tao sa paligid ay pinanlakihan ng mata at nababahalang nakatingin sa binatang nakatayo sa gitna ng kalsada at umiiyak..
Mas lalo pa silang napsinghap Nang may rumaragasang truck ang patungo rito..
"Bata!! Bata!! Tawid na!Bata!!" Tuluyan ng Nagtilian ang nasa paligid, ngunit tila wala sa wisyo ang binata at di manlamang gumalaw sa kanyang kinatatayuan.
*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPP!!*
Sa puntong ito ay napapitlag ang binata at tuluyan ng nagising sa malalim niyang isipin..
Sinikap niyang tumawid kaagad sa kabilang dako ngunit ito'y Huli na...
*CRAAAAAAAASSSSSSSSSHH*
*BBOOOOOOGGGSSSSHHH*
*CRRAAAAAAACCCKKK!!*
Nakakapangilabot! Nakakasuka! At kalunos lunos ang sinapit ng binata kinalakad siya ng truck kayat nagkanda bali-bali ang kanyang mga buto, basag rin ang kanyang bungo at halos lumabas na ang kanyang utak.
May mga parte rin ng kanyang katawan na labas na ang buto.
Nagtilian at hindi magkamayaw ang tao sa paligid..lahat ay hindi makatingin sa kanyang direksyon sapagkat nakakapanghilakbot ang kanyang kasalukuyang itsura..naliligo siya sa sarili nitong dugo.
"Jusko!" Komento ng isang ginang bago nahimatay.
Ang binata nama'y tila naguguluhan sa sitwasyon, nakakaramdam siya ngayon ng sobrang sakit at panlalamig, Unti-Unti ng nanlalabo ang kanyang pandinig at paningin..
"I-to na-ba a--ng kam----atayan?"
Tanging naisip ng binata bago tuluyang pumikit at nawalan ng buhay..