0
9
Hindi ko Alam kung Pano ko sisimulan
Sabihin lahat ng aking nararamdaman
Maghihintay ako kahit gaano katagal
Papatunayan ko kung gaano kita ka mahal
Matamis mong "OO" ay pagsisikapang makamit
Marinig ko lamang ito'y para ng nasa langit
Lahat ay gagawin kahit sungkitin pa ang bituwin
Mapatuyan ko lang mahal, malinis ang aking hangarin
Kaya't wag mangamba, mahal kita
Sapagkat ikaw lang ang tanging aking sinisinta
Buksan mo man ang aking dibdib
Ngalan Mo lang ang siyang nakaukit
Ang iyong ngiti lamang ang nasa isip
Dala ko rin ito hanggang sa aking panaginip..