Chapter 1
Madilim ang gabi ngunit tila ba Hindi ito alintana ng dalawang taong nagmamanman sa isang sulok ng eskenita..
Pabor sakanila ang dilim na dulot ng gabi..umiihip rin ang malamig na hangin na dala ng amihan..
Nakatutok lamang ang kanilang atensyon sa isang abadunadong gusali na pinamumugaran ng alikabok at mga ligaw na damo..
Lingid sa kaalaman ng marami ay isa pala itong pabrika..Hindi pabrika ng pagkain,damit,o kahit Ano pang maisip niyo..itoy Hindi ordinaryong pabrika lamang.. itoy pabrika ng gamot..gamot na maaring sumira sa bawat tahanan,at kinabukasan ng kabataang nalululong rito..
Tama..itoy pabrika ng pinagbabawal na gamot o kadalasang tawaging shabu o poor man's cocaine o sa kanto ay madalas tawaging shasha o bato..
Hindi bat napakaraming tawag rito..ngunit iisa lamang ang dulot..yun ay ang kapahamakan.
Samantalang sa loob nitoy Hindi magkumahog ang mga trabahante sa paghalo ng mga sangkap..may mga armado ring mga lalake na nakasuot ng pormal na damit na Para bang mga tanod kung magronda sa paligid ng gusali..
"Man move!" Ani ng isa sa dalawang anino sa madilim na eskinita..
Doon ay nagsilabasan ang Iba pa nilang kasama ng nagtatago sa dilim,armado ng mga matataas na kalibre ng baril at nakasuot ng bulletproof vest na may nakatatak na PDEA.
Agad silang sumulong patungo sa naturang gusali..tahimik at may pag iingat..
"Alpha take the right wing of the building..Bravo take the opposite wing" mayamaya'y bulong ulit ng nasabing anino sa dilim..at nagpatiuna na sila ng isa pa niyang kasama..
"Let's give those mother fuckers a grand entrance" yun lamang at nagsimula na nilang paligiran ang buong pasilidad..
"Eliminate all the possible human threats silently notify us when its clear.." muli nitong bulong ngunit sa earpiece na..
"Copy that Captain" tangi lamang tugon ng dalawang grupo.
Pumwesto ang naturang kapitan at ang kasama niya sa harap ng pintuan at nag aabang ng tamang tiyempo Para sipain ang malaking pintuang gawa sa kahoy.
Mga ilang sandali ay muling nagsalita ang dalawang grupo sa earpiece at sinabing 'clear' na ang paligid.
Hudyat upang sipain ng dalawa ang pintuan..
'BBBOOOOOOOOGGGGSSSSHHH!'
Tila ba nag slow motion ang paligid at unti unting lumingon ang mga empleyado ng illegal na pabrika sa dalawang makikisig na Agent na nakasuot ng itim na sumbrero at itim na mask na natatakpan ang kanilang bibig at ilong..
Nagitla ang lahat sa pagpasok ng mga Hindi imbitadong bisita..
"Taas ang kamay!Raid to!"
Pagkuway nagsipulasan ang lahat,,Hindi Alam kung saan tatakbo..sakto namang pasok ng kanilang kasamahan na galing sa bintana..
"BANG!!!!!"
Isang putok ng baril ang nagpatahimik sa lahat..galing ito sa batang kapitan na ngayoy Hindi maipinta ang mukha dahil sa pagpupumilit makatakas ng mga salarin.
"Sige gumalaw kayo!nang lumabas kayo dito na pantay ang paa!ibaba lahat ng baril niyo!"
Utos nito na agad namang sinunod ng mga armadong lalake..
Bumaling siya sa kanyang kasamahan at inutusan na itong kompiskahin ang mga ebidensiya at simulan na ang paglagay ng posas sa bawat empleyado ng pabrika.
Nakarinig sila bigla ng kalabog mula sa taas..kung saan may nag iisang kwarto..
"Bunso" hinawakan siya ng kanyang katabing lalake ng akma na niyang puntahan ito..umiiling iling ito na tanda ng pagtutol..
"Ako na" prisinta nito ngunit siya namang ikinailing ng batang kapitan.
"Stay put..ikaw na bahala dito,,kaya ko na to" ani ng kapitan at nagsimula ng maglakad patungo sa taas..
"Pero b-------------" muli pa sanang protesta ng binata ngunit agad niya itong pinutol ang sasabihin..
"That's an order lieutenant!" Madiin nitong turan rito na agad ikinatango ng Huli..
"Patay ako Kay nanay" tanging bulong ng tinawag nitong tinyente habang sinusundan siya ng tingin.
Samantala..sa taas ay naroroon ang kilalang drug Lord na si Bryan Almazan o kilala bilang si Alyas Tado isa sa top 10 sa watchlist ng PDEA..
Kakatapos nitong isilid sa kanyang briefcase ang perang kanilang kinita sa 3 buwan..nakaupo na ito ngayon sa kanyang swivel chair at hawak ang kalibre kwarentay singko habang inaabangan ang Hindi inaasahang bisita..
Bumukas ang pinto at agad niyang pinaputukan ang kung sino mang demonyong ito..
Ngunit sa kanyang pagkadismaya ay wala siyang tinamaan..
Dahil agad na nakatago ang batang kapitan sa gilid ng pintuan..
"Hoy! mga tang ina niyo!traydor!mga hinayupak na gahaman!kulang pa ba ang mga perang binigay namin at kailangan niyo pa kaming i-pressure ng ganito?!?!?magkano pa ba ang kailangan naming ibayad!?!?" Sumbat ng hayop na drug lord na ngayoy nagtatago sa ilalim ng kanyang mesa habang nakatutok ang baril sa pintuan..
"Oh come on!!just get out and put your hands up Almazan!your under arrest!don't even try push your luck! Ima' shoot you!!" Sagot naman ng batang kapitan at kaunting sumilip sa kinalalagyan ng naturang lalake.
"Hindi ako susuko ng buhay! tarantado!Hindi ako tanga!"
'BANG!'
'BANG'
Sunod sunod na nagpaputok ng baril ang Drug Lord na tila ba wala ng bukas hanggang sa....
'click'
'click'
Nawalan na nga siya ng bala..ginawa itong pagkakataon ng batang kapitan..gumulong siya papasok at agad tinutukan ng baril ang drug lord na Hindi magkanda ugaga sa paglalagay ng bagong magazine sa kanyang baril..
"Gumalaw ka at nang makita mo na ang impiyerno" idinikit nito ang dulo ng kanyang baril sa sintido nito..
Nanginginig namang itinuon sakanya ng drug lord ang kanyang paningin na nanlalaki ang mata dahil sa bilis ng pangyayari ay tila nanigas pa ito sa kanyang kinatataguan..
"I--ikaw?!?!?" Pinagpawisan siya bigla at nanlalamig nang masilayan ang kulay berdeng mga mata nito..
Para bang sinlamig ng yelo ang kanyang titig na ayon sa sabi sabi ng kapwa niyang drug lord ay pag nasilayan mo itoy maninindig ang balahibo mo...Siya nga..tila nga hinehele siya nito sa impiyerno..
"Ako nga" malamig nitong turan na lalong nagpalala pa sa kanyang nararamdamang panlalamig..
"C-ca-Captain Zero" Hindi parin makapaniwalang sambit nito at Hindi mabawi ang panlalaki ng mata..
"Nahh your under arrest,put the gun down slowly,then put your hands up"
Agad naman itong sinunod ng naturang drug lord..
"Good..now..let's put this luxurious bracelet on your precious hands kitty"
Nakangisi pa ang batang kapitan habang isinusuot nito ang naturang alahas na tinatawag nilang 'Posas'.
Tuod pa rin ang salarin hanggang sa kaladkarin siya nito palabas ng silid at bumaba na patungo sa Iba pa nilang kasamahan..
"Oh bunso natuod yan?haha" Puna Ni Tinyente na mas kilala bilang si Lieutenant Uno ang kapatid at partner ng nasabing Kapitan..
"Ewan kuya nakainom ata ng formaline haha"
Sagot naman ng kapitan at nakipagfist bump pa siya rito..
"So..Sarhento..tapos na trabaho namin rito..kayo na bahala sa mga ebidensiya tsaka rito Kay nonoy Tado"
Tinulak pa nito sa sarhento ang naturang drug lord..
"Yes ma'am salamat po sa pagtulong"
Magalang na tugon ng sarhento at sumaludo pa ito rito.
"Walang problema..anytime"
Tinugunan naman niya ang saludo at tumalikod na paalis kasama ng kanyang Partner..
Muli silang naglaho sa kadiliman at nag iwan ng palaisipan sa mga taong na kasama nila ngayong gabi..
Sino nga ba sila??