Hanggang ngayon di ko parin makakalimutan yung experience ko sa 5th ID Camp Melchior F Dela Cruz Gamu Isabela, June 4,2018 yun Nung nagkaroon ng Summer training para sa MS 31-32(Military Science),sobrang excited pa ako nun kasi akala ko banjing banjing at jogging tapos exercise lang..yun pala Hindi..nandyan yung ala una kayong matulog kasi pinagtitripan kayo ng mga PDT na nagbabantay sainyo..tapos gigising ng alas tres para sa morning exercise..
Dudugo yung ilong kasi nasobrahan sa tusok ulo sa batuhan..nandyan yung mga kabuddy mong bigla bigla nalang matutumba kasi pagod at kulang sa tulog..itatakbo ng ambulance kasi nahulog sa rope course o di kaya sa obstacle course..
Di rin maiiwasan yung male late sa formation tapos ilulublob sa drum para magtanda..papagapangin sa CR na puno ng ihi..
Yung bigla bigla ka nalang masasampal kasi naka idlip ka sa klase..yung lihim mo ng minumura yung mga PDT niyo kasi binibilad kayo sa araw habang naka push up position sa batuhan ng mahigit isang oras...
Yung kakatapos niyong kumain pero paglabas ng dining hall may pa- desert na wantusawang army dozen proper..
Sobrang hirap pero worth it naman sobrang dami kong matutunan lalo na pagdating sa disiplina..masaya na Hindi basta Kasama si buddy na manggulang ayos lang!kahit Malat na kaka-command sige lang!at kahit payat at itim na ang kulay tuloy lang!!kasi sabi nga nila quiters never win!winners never QUIT!HOOOOHHHHHAAAAAAA!!