Longanisa
Breakfast time! Maganda ang gising ng mga chikiting lalo na si aling maliit, may pa goodmorming agad pagka gising niya kanina. kaya naman heto at ito ang aming almusal ngayon, baka magka s siya kapag nagutom na at wala pang nakahanda hehe alam niyo naman ang mga babies naten diba pag may hinihingi sila akala nila agad agad eh pwedeng nandiyan na kaya inaagahan ko ng pag handa.
Magandang magandang morning po, late na ang gising namin ngayon kung dati eh 4am or 5am ngayon 6:30 ako bumangon kasi walang pasok hehe
Kaway kaway sa mga walang pasok diyan.
Himbing na din ang baby Ela
Mahimbing na din siguro ang tulog ng iba nating ka ingay dito kagaya ni aling maliit, pero heto ako, nag babawas ng tupiin hehe at kakatapos ko lang magkusot. Mahirap naman kasi kung pagod na si mister galing trabaho eh pagkatapos siya pa rin ang mag lalaba ng sinuot niya kaya inaasikaso ko na kaagad.
Habang lumalaki si Ela ay nakikipagsabayan na din sa puyatan blues ko pero hindi nanaman siya nagwagi ngayon hehe. Inabutan na ng antok ang baby ko. Nagkusot pa kasi ako ng uniform ay ibang need ni mister kaya natagalan bago ko siya matabihan sa higaan pero ang bilis nalang niya nakatulog, pagod muchie siguro ang Aling maliit ko.
Goodnight sa inyong lahat!
Sinigang na manok ala mudra
Magandang gabi noise.app fam. Mukhang busy din ang karamihan sa atin ngayong maghapon. Kagaya ninyo ay naging abala din ako kaya grabe after 14hours bago ako ulit nakabalik dito. Pabisi bisita pero iba pa rin kagaya ng dati.
At eto na nga, dahil sobrang busy, aba napaluto si mudra ng sinigang na manok at ito na rin ang ulam namin dahil for sharing ang niluto niya hehe. Thank you God for this blessing at thank you din kay mother earth.Kaya hindi na ako nagluto ngayong hapunan ng ulam kundi kanin na lang hehe.
Nakahawak din ako ng cp sa wakas dahil inaantay kong mapuno ang drum,sahod mode muna ng tubig habang hinihintay si mister dumating.
Kumain na po ba kayo? kain na noise.app fam!
Magandang magandang morning!
Thank you Lord for another blessing and another gising for all of us. Almusal time na ng aking mga estudyante at siyempre hindi mawawala ang itlog hehe. Siguro meron sa inyo eh itlog din ang almusal kasi naman pambansang almusal na yata ang itlog hehe.
Madalas ay kanin talaga ang ipinapa almusal ko sa kanila para mas mabusog sila at dinagad magutom sa school, kapag kasi tinapay lang eh mabilis sila magutom.
Walang kasawaan sa itlog naman itong mga chikiting ko hehe kaya kahit itlog ang almusal madalas eh go pa rin sila.
Goodmorning again noise.app fam. Tara kape!
Magandang hapon!
Kamusta na po kayo noise.app fam? Isang mainit init na hapon po sa inyong lahat at heto hindi pa tapos ang meeting namin dito sa school. Dahil nga malapit na ang pasko eh ang agenda din namin ngayon mga parents ay yung Christmas Party.
After 2 years makaka experience ulit ang mga bata na magkaroon ng Christmas Party hehe. Excited na ang mga estudyante natin niyan for sure.
Almusal Mode
Kanina ito ang almusal namin, maliliit na kamote kaya perfect pang laga. Ang tamis pa nito guys kaya talagang mapaparami ka ng kain hehe. Syempre sinamahan ko nanng kape para naman may panulak hehe.
Medyo masama ang pakiramdam ng mga junakis ko kanina kaya hindi muna sila pumasok. Obserbahan ko na muna sila hanggang mamaya para kung papapasukin ko ba sila or hindi. Nauuso nanaman ang ubo at sipon dito sa amin kasi ang lamig lamig na. Sa inyo din ba malamig na ang hangin?
Peanuts anyone? or should I say, Bawang po kayo diyan hehe
Siyempre magandang gabi muna sa ating lahat! Hope that you all had a great sunday. Ako naman, ito kakaupo lang at kakahawak lang ng aking cellphone kaya ngayon lang din nakapag update. Bakit kasi ang sarap ng bawang na kahalo sa mani anu po. Talagang pag nabili ako nito noon eh nag papa dagdag pa ako ng bawang hehe.
Mamayang 1 ay sasabak nanaman ako sa puyatan kaya heto ang aking pampagising. Kurot muna ako ng kaunti hehe kain po tayo ng mani noise.app fam. Kamusta po ang araw ninyo?
#SundayFamDay
Kuya Mj and Ate Jemjem's Duty
May hindi sila nalabhan na sapatos kaya ngayon nilabhan nila. Binabad na nila kaninang umaga ito kaya madali na pagka brush nila kanina. Nilabas ko naman ang ibang sampay na di pa gaanong tuyo. Tamang tama ang panahon ngayon ay mainit at hindi makulimlim kaya for sure na matutuyo itong mga ito.
Lunch time na din kaya sakto after nila ay kakain na kami.
Kain na po tayo!
Araw ng Pagbasa
Goodmorning and Happy Sunday everyone! Kamusta po ang Sunday ninyo? Medyo busy ang umaga ko kanina at madaming kailangan gawin. Pero ganunpaman eh nakapag pasa pa rin kami nitong picture na kailangan sa school nila para sa araw ng pagbasa. Kailangan daw makapag send ng pagbabasa ng mga bata kasama ang magulang.
Hagardo Versoza pa ang inyong lingkod kanina at talaga namang linis dito linis doon, luto dito plantsa doon hehe. kaya si papa na lang nila ang ipinasama ko sa litrato.
Have a great and blessed Sunday!
Gulay is life!
Mahal ka man pero di ka pa rin namin maiwasan. Dati eh halos isang kilo ang niluluto ko na gulay minsan nga ay mas marami pa lalo na kapag sama sama kaming mag hahapunan dito sa bahay nila mother. Pero sabi nga nila lahat nagbabago, siyempre pati presyo. Ang presyo noon mapapangiti ka pa eh, ngayon grabe hehe mapapa aray ka na lang sabay kamot ng ulo hehe. Naalala ko bigla may nabasa ako sa social media, yung panggisa palang ang nabibili mo eh ubos na ang pera hehe.
O siya, medyo lutang pa ang inday ninyo at nabusy kanina pagdating ko kaya kumain na muna tayo.
Biyahe Mode
Last na sakay na ito bago makarating sa pupuntahan. Tatlong sakay kasi ang kailangan, Pero ito na nga ang haba ng pila, itong paliko isang buong kanto pa ito bago sa sakayan talaga haay. Wala tayong magagawa kundi antay antay lang muna at pila pila.
Biglaang biyahe at hindi magandang balita ang dumating kanina sa amin. papunta ako sa funeral homes ngayon, at bukas pa ang uwi ko ulit. Mabuti na lang at pinayagan din ako ni mister ko at nasa bahay naman si nanay kaya siya ang maiiwan sa mga bata, mabuti na lang at nakatulog si Ela kaagad kanina.
Kamusta po kayo?
🍿Popcorn🍿
Merywnda ng mga chikiting, maaga aga silang naghanap ng meryenda kasi naglaro sila ng naglaro kanina hehe napagod na at nagutom. Kaya lang imbes na biscuit eh popcorn na lang daw para pambaon na lang daw nila next week ang biscuit.
at ang daliri ni ate Missy eh naka extra pa sa picture hehe. habang kinukuhanan ko kasi saktong napa dampot siya hihi.
Wala silang pasok ngayong hapon lahat kaya naman kanina eh tinulungan nila ako makapag sampay at nag brush sila ng sapatos nila. Sila na ang nag bbrush kasi para daw bawas na sa gagawin ko.
o siya, meryenda na po kayo, ako naman eh mag kakape hehe
Breaktime
Break time muna para may panlaban ulit hehe. Maambong morning po sa inyo. Ang sarap nitong chicharon na ito kasi hindi siya kagaya sa iba na maanta ang lasa. May nabibili kasi ako dati pang sahog sa mongo tapos maanta ang lasa, lumasa din sa mongo tuloy nun hehe.
Upo upo muna din pag may time hehe, kailangan din kahit papaano ay may pahinga bago sumabak ulit.
Sino po may suka diyan?
Turon Girl
Turon pa more anak? Enjoy na enjoy siya sa wrapper at banana haha. may ganito din ba kayong chikiting noise.app fam? uunahin niya yung wrapper tapos pagkatapos ng wrapper tsaka naman yung saging haha. sabay sabi ni ela kapag nasa saging na siya, "mmm ma! yummy" hehe nakakatuwa naman na makita natin ang mga anak natin na magana kumain.
Goodmorming po, duty na ang inday sa tupad ngayon. kanina ay nakapag hatid na ng estudyante tapos diretso na sa tupad, linis mode muna, mamayang hapon naman duty naman online. thank God at naaprubahan ako sa tupad talaga kasi malaking tulong din ito sa amin.
Kamusta po ang friday ninyo?
Bulaga!!!
Habang busy ako sa aking ginagawa na pag iimis, napansin kong tumahimik, siyempre pag ganun, hinahanap ko si aling maliit kaagad hehe. Minsan kasi eh nag lalaro na pala ng pulbos or nag susulat nanaman sa binti niya haha. pero this time iba ang trip niya, mag tagu taguan.
Pag bukas ko ng ilaw nagulat din siya haha!
Magandang hapon po, mainit nanaman ang hapon ngayon unlike nung ibang araw kaya uso nanaman ang sipon at ubo, diyan din ba sa inyo mga sis at mga bro?
Isip isip na ako ng mamemeryenda nila after ko maglinis kasi maya maya darating na ang mga estudyante.
Magandang morning!
Let's start our day right, and healthy. Almusal ng mga chikiting at pang baon ni mister, para hindi na bibili ksi mas mapapamahal pa talaga siya kapag bumibili sa labas. Ang natatawa ako kay aling maliit, hehe nag hahanap ng papaya eh wala naman papaya itong niluto ko haha.
Noong nakaraan naman papaya ang ulam maya maya naghahanap ng kalabasa hehe. haay ang bata batuta..
Kain po muna kayo ha!
Sarap tulog yarn?
Malamig na gabi noise.app fam! Kakagising ko lang kasi umidlip ako kani kanina at ngayon eh mag kukusot na ako ng uniform ni mister para bukas. And later I will be visiting onlinr platforms for work application online. Maraming rejections pero alam ko darating din talaga ang tamang tao, or tamang client for me.
Nakakalungkot lang na talagang kahit nasa platform na eh possible pa rin na mga scammers ang kausap mo kaya kailangan doble ingat or else mabibiktima ka talaga nila kasi mapapaniwala ka nila at hindi mo namamalayan na baka nakapag labas kana ng pera or even personal information with identification.
Dami pang sinasabi eh anu hehe, nagkwento lang po, medyo kasi nakaka disappoint, ay hindi pala medyo hehe, as in pala super duper haha.
Anyways laba mode muna me.. Goodnight!
Tayo na Giliw🎶 Mag saing na tayo, meron na ditong sinibak na gatong, diba nga kase mamaya hapunan na! kaya tiyak ay gutom na sila!🎶
Napakanta kaba?😅 goodvibes lang po muna at nadadaig nanaman ako ng mga rejections nitong nakaraan pero kada yakap ng mga anak ko pawi agad lahat.
Gatong gatong muna ako ngayon noise.app fam , laking tipid nito sa gasul namin dahil halos kulang isang libo pa rin ang gasul. At paniguradong tataas pa yan bago mag disyembre. Haay lahat na lang ng pwedeng tipirin ay pipilitin tipirin para lang maka survive sa araw araw.
Tara na, saing na tayo! hehe nakasaing kanaba?
Pwesto!
Naka pwesto na si Smigol para matulog, si Ela nakita niya sabay sabi niya, "ma antok si Ela" ang tawa ko, aba kailangan sabay kayo gigising at matutulog? hehe
Madalas niya himas himasin ang malambot na balahibo ni Smigol, dati nung maliit pa si Ela kahit nilalamutak na niya si Smigol di siya inaano hehe kaya naging malapit din si Ela kay Smigol. Pareho din silang sleepyhead pero pag nag hyper naku, super duper hehe.
Antok na din ba mga babies at furbabies niyo diyan?
Kain tayu guyss!
Goodafternoon po noise.app family, kamusta po kayo? hehe food trip muna ang peg, at hindi pa ako nagugutom sa kanin. Ito kasing chicharon na bituka kung tawagin eh nag he hello sa akin kanina pa haha.
Sawsaw natin sa suka para mas masarap ang kain, at maya maya ay hahatid nanaman ng aking mga estudyante. Sana lang eh wag naman muna umulan habang nag lalakad kami, kasi uulan iinit dito sa amin kaya haay eto nanaman ang sipon at ubo ng mga bata.
Busy nanaman ang aling maliit
Habang nag tutupi ako siya busy din sa pag sukat ng mga damit na hindi pa natutupi. Ito ang pinaka trip niya kanina na isukat, ang short ni ate Jem niya. Kaya lang hindi niya sa binti isinuot kundi sa ulo haha.
Kung nasaan ka talaga at kung may ginagawa ka eh gusyo din nila join na join sila hehe ano po?
Happy Sunday everyone, Kamusta po kayo?
Ipitan time
Kanina bago mag gayak ng pagpasok sa trabaho si mister ayan ang isa sa routine nila pag umaga. Hilig na din niya kasi talian ng buhok ang mga bata, hehe mula sa panganay iniipitan niya na noon di Missy hanggang dito kay bunso. Minsan nga eh mas pulido pa ang pag kakatali niya kaysa pag ako ang nagtali hehe.
Happy Saturday noise.app fam! Any plans this weekend?
Lumpiang Gulay
Magandang morning po noise.app fam! grabe wala pala akong update mula kahapon naku sorry naman po talaga ng very very much. Nabusy ang inday kasi dami nilakad kahapon at sumabay din na may interview kaya lang halos ilang oras na aku nag antay wala pa naman nag aaccept ng sa akin kaya ayun, ako na yung bumitaw hehe. pero hindi ko talaga sana gustong bumitaw eh haha.
Ikain ko na lang muna nga ng lumpia at maya maya eh balik sa pag hahanap nanaman ng mga pwede applyan. go go lang basta qag padadaig sa mga rejections kahit ang sakit sakit na haha.
Freshly Made Donuts, Pang baon ng mga bata mamaya sa school. Gawa ng aming kapitbahay na gumagawa ng mga tinapay.
Goodmorming everyone! Thank you God for this another wonderful day! Panibagong umaga, panibagong pag asa. Kagabi ay nasundo ko na si mister, Thank God at nakabalik na siya from training.
Pagdating niya dito sa bahay, sobrang yakap niya talaga sa mga bata nasabik talaga siya at mula nung kami eh magsama ngayon lang siya nahiwalay sa amin ng halos 11 days. Kaya tuwang tuwa naman ang mga bata at dumating na si papa nila, kasi sila din eh nanibago at di nakakauwi araw araw ang papa nila.
#NewBeginning
#Freshstart
Ligo Muna Sila!
Kung tayo naiinitan, siyempre sila rin! Kaya ligo muna sila para presko naman ang pakiramdam. Ang init ngayon noise.app fam, mainit din po ba diyan sa inyo ngayon? Ito ang masakit sa ulo talaga tapos mamaya ay didilim at uulan.
Enjoy na enjoy ang mga kalapatids ko oh, pangatlong palit ko na ito ng tubig gustong gusto nila. Si mister ko ang nagturo sakin ng paano ang sensyales na naiinitan sila. Mamaya palang ang uwi ni mister gabi kaya bukas niya pa makikita ng umaga ang mga kalapatids.
Excited na ang mga chikiting ko sa pag uwi ng papa nila mamaya!
Goodmorning!
Kamusta po kayong lahat noise.app fam? sana po ay nasa maayos kayong kalagayan. Don't forget na magpasalamat sa ating Diyos at tayo ay muling nagising ngayong umaga.
Time na para maghanda ng agahan ng aking mga estudyante at ni aling maliit. Excited silang lahat ngayon at mamayang gabi na uuwi si papa nila. Yehey!
Ang tagal ko pala bago nakabalik dito kay noise pa balik balik ako kahapon pero di ako gaano makapag interact at ang last post ko eh 17hours ago na. Naku sorry po sa mga hindi ko pa nababalikan, Nabusy lang po talaga ang inday.
Tara kape na lang tayu!
Pinangat sa Sampalok
Magandang Tanghali! Kamusta po kayo?
Uwian na ng mga estudyante ko ngayon kaya lunch time na at ito anh aming ulam ngayon. Mura nanaman pala ang tamban na isda ngayon mga ka ingay. Siyempre doon tayo sa mura lang pero masarap. Matinik lang talaga ang tamban pero ang nagustuhan ko dito ay malasa siyang talaga, ang hilig ko nito kapag pinangat piniprito ko kapag may natitira.
Salamat Sa Diyos sa ating mga pananghalian!
Lika na po, kain na po!
Sarap ng tulog aba!
Newest favourite spot! Ito nanaman ang favorite niya simula kahapon dahil malambot at mainit itong sapin na ito dito sa may patungan ng tv kaya diyan nanaman siya nag pwesto haha.
Lumalagpas pa nga ang paa niya oh, pero go with the flow pa rin. Kanina pa namin kinukuha siya nililipat sa loob sa higaan niya pero bumabalik siya dito. Magaling talaga pumili ang Smigol ko ah!
Magandang magandang morning noise.app fam! Nag hahanda na din ba kayo ng almusal?
Ginisang Gulay
"Makulay ang buhay🎶, makulay ang buhay sa ginisang gulay🎵" Binago na daw ang lyrics hehe. Naaalala ko nung pinasayaw sa amin sa school itong tugtugin na ito hehe. Walang kwentahan ng edad po ah 😅
Magandang gabi po, Pagodmuchie ang inday today pero nakakatuwa dahil may magandang balita naman pagkauwi ko ng bahay. Haay Salamat po talaga Lord, Salamat po ng Marami!
Kakain na, tara na po!
Torta at Tinapa
Late lunch muna tayo noise.app family. Nakaready na din ang sawsawan ko may bagoong at suka tapos may kaunting sili. Late man ang lunch namin ay worth to eat pa rin.
Nabusy ang inday at kailangan bumili ng gamot ng mga bata kanina, biglaang alis ng inyong likod kanina kaya kakarating lang.
Kain po!