Sinigang na bangus Lunch time nanaman noisefamily kayo po ba ay nananghali na? Kami ngayon palang at kanina nagpahabol pa ng tinapay na meryenda ang mga bata. Kanina pa din po ako nakaluto nito kasi nagbaon si mister ko nito. Kaya ang time na dapat mag luluto ako eh naging time ko para sa module legends ng aking grade 1 and grade 2. Para mamaya makapag nap sila. Ang panganay ko naman ay sinundo ni lola niya kanina, sabi kasi ni erms ko wala silang kasama ni Nigelle ang pamangkin ko. Sabi niya mamaya na lang si missy ihahatid kasi para may kalaro si Nigelle. Kaya tara na po ako kumain na tayo!
5 comments
Sarap ng ulam nyo sis! Maulan dito sa amin kaya may sabaw din ang niluto ko. Nilaga naman. Eat well sa inyo dyan.
Ang sarap din nun sis! Buti na lang nga sis maaga aga ang uwi ni mister ko ngayong maulan kasi ang hirap nakakapag alala kapag maulan.
Wow, very good to see your food. I would love to eat this food. Enjoy your time making very good food.
Sarap naman niyan sis sinigang na bangus.😋
Hehe okra at talbos nga lang sis ang naihalo ko kasi wala kaming labanos😅