My story of Pomelo Sa mga momshies out there, may mga kanya kanya tayong karanasan sa paglilihi. Ako isa sa naging karanasan ko ay ang pagiging mahilig ko sa suha noong ipinag bubuntis ko ang pangalawa kong anak. Sobrang gustong gusto ko nakakakita ng suha at nakakakain. Parang hindi ko kayang mabuo ang isang araw ng hindi kumakain ng suha. Pero nung time na yun talagang mahal ang mga suha. Hindi pa panahon ng tag bunga dito sa lugar namin. Pero ginawa pa din ni hubby ang lahat para makapag pasalubong ng suha at makapag dala sa work ko noon hehe. Naalala ko lang bigla at ito dala ni biyenan ko ang daming suha pero ni isa hindi ako makaubos hehe. Kaya bumalik sa ala ala ko yung mga panahong nag lilihi pa ako hehe Kayo po may kwento din ba kayo sa pag bubuntis niyo dati momsh?
5 comments
Ang sarap naman kasi ng pomelo sis. Kakakain ko lang nun kahapon. Parang kulang sakin. pagkatamis naman kasi. Hehe.
Siguro ang cute ng kutis ni baby mo at pinaglihi sa suha. Masarap talaga ito.
Di pa ko mamshie pero masasabi kong favorite ko yang suha hihi
In our country this fruit is called grapefruit. Grapefruit is very tasty and juicy to eat.It tastes very good in the mouth because of its bitter taste, especially when we have a fever.
Every time you post a picture of the jungle, it makes me want to eat. But now grapefruit is not available in our country. Maybe I don't know but I really want to eat