Paano na ang work ni mama anak! Naglambing nanaman ang aking aling maliit at dito na nakatulog sa akin. Nasa upuan lang kami at nag wowork ako niyan bago siya magpakarga. Plakda ang bebe ko na yan kasi sobrang napagod siya kanina maglaro. Kaya pagkakain at pagkaligo, borlogs na. Kailangan magawan ko ng paraan na mailapag siya kasi mamaya 3:30 kailangan kong makapunta sa school para sa modules. Mukhang may magigising neto bago ako umalis hehe.
3 comments
Mukhang ang sarap talaga ng tulog niya sis mahimbing lang hehe so cutie naman baby na yan :)
Narerecharge na ang bebe Ela haha para mamaya mah energy maglaro, sweet hihi
Sarap din talaga pag naglalambing ang mga bata.