read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Pasalubong ni hubby Isaw ng babs at betamax. Alam ko sa oras ngayon na 11:30 ng gabi ay nagsikain na ang karamihan. Malamang ang mga uuwi galing trabaho na lang ang hindi pa nag hahapunan. Pero siyempre yayayain ko pa rin po kayo, baka gusto niya po mag midnight snack hihi. May pasalubong si mister, kararating niya lang ngayon kasi naiwan niya ang kapote niya dito kanina sa bahay bago pumasok. Ngayong gabi umulan dito sa amin kaya kinailangan niya munang magpatila ng ulan. Sakto daw at may malapit na nagtitinda ng barbeque kaya nakabili siya hehe. Tuwang tuwa naman si ako at matagal tagal na ko di nakakakain nito eh. Ilang stick lang din binili niya kasi nag mahal na din ito eh. In fairness masarap po ang timpla nila pati sauce. May gising paba diyan? Tara na!

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.