read.cash Log in
@JhennyDR

@JhennyDR in August 2022

@JhennyDR

Morning bonding Namiss nila ang sama sama kami sa higaan. Nakabalik na kami kagabi ng bahay at grabe din ang pagod at sakit ng katawan sa biyahe. Ang layo kasi at si mister ko ang napiling upuan ay sa dulo ng bus. Si Mj ay wala diyan at si Ela dahil nasa sala na sila naglalaro na kaagad hehe namiss nila maglaro din ng kagaya ng dati doon kasi wala naman kaming baon na laruan. Nagluluto na din ako ng paksiw na isda para sa almusal kagabi kasi nag dirediretso na ang tulog…

@JhennyDR

Almusal na tanghalian pa! Sa panahon natin kailangan ng ibayong pagtitipid talaga. Itong aming almusal, umabot pa ng tanghalian. Maliliit na isda na paksiw, ang sarap naman ng pagkakaluto kaya hindi makiulam kapag kinain kasama ng kanin. At iyong halaya na ube na pasalubong ng isang tiyahin ni mister ko pinauwian kami. Kaya lang hindi na nakuhanan ng picture hehe naubos na kaagad kasi ang sarap eh. Naglaba na din kaagad ako at sakto may tubig kami kaya nakalaba, kaya lang…

@JhennyDR

Adobong kangkong Ang sarap nitong kangkong fresh na fresh. Pinadala ito sa amin tanim doon ng mga tiyuhin at tiyahin ni mister ko. Ang sarap din talaga manirahan sa ganung lugar, pwedeng pwede makapag tanim tapos aanihin mo na lang ang mga pang ulam. Naalala ko pinapadalhan pa sana kami ng native na manok, yung buhay hehe kaya lang di na namin nadala kasi kawawa naman sa biyahe at wala kami mapag lagyan din. Magandang gabi sa inyo noisefamily, Tara na at kumain para maaga…

@JhennyDR

Paantok mode with Peanuts 🥜 Hello po sa inyo again noisefamily. Siguro ang karamihan ay nagpapahinga at natutulog na. Ako naman ay ito hindi makatulog at may iniinda akong sakit ng katawan. Kumikirot ang mga braso ko at hita kaya nagpahid muna ako ng eficascent oil yung extra hot hehe. Sabay kain ng mani para antukin. Grabe ang ulan mula pa umaga, hihinto lang sandali pero uulan ulit. Kaya ang lamig lamig ngayon pero ang mga chikitings ko naku pinagpapawisan pa kasi kanina…

@JhennyDR

Rise and Shine Buti na lang sumikat na ang araw ngayon at nakapaglabas ng sinampay. Yung iba lang ang nilabas kong sinampay noisefamily, baka mamaya eh kapag nilahat ko pag biglang buhos eh lalong mabasa lang kaya ayan na muna. Nag almusal na po ba kayo? Kami kanina ay tapos na. Kanin at itlog sa mga bata pero sa akin ay tuyo tapos suka, solb na ang almusal.

@JhennyDR

Tortang sardinas Kain na po tayo noisefamily! Nagutom ako sa kabusyhan ng umaga kanina hehe. Medyo maanghang nga ito ng kaunti at kulay red na lang pala ang sardinas na available namin dito sa bahay. Tinorta ko at isa ito sa gustong luto ng mga chikitings sa sardinas nakakaubos sila kaagad ng kanin minsan bumabalik balik pa hehe. Kain na po tayo!

@JhennyDR

Pameryenda ni mother earth Ube Turon na malagkit! With condensed milk sa ibabaw! Nagmeryenda na po ba kayo noisefamily? Kami ito nandito kami sa aking mama kasi humina ang internet namin at tuluyan ng nawalan ng connection kaya napatawid kami dito bigla at kailangan kong mag log in sa work. Sinama ko na lang si Ela at si ate Missy tiyempo naman at nasa bahay si biyenan ko kasama ng dalawa ko pang chikitings. Uuwian na lang din namin sila nito mamaya.

@JhennyDR

Pwesto pa rin sa work Maya maya na daw kami uuwi at sasabay sa amin si mother earth. Salamat sa pa chichirya ng aking bunsong kapatid hehe. Ang init pa niyan kanina pero ngayon malapit ng dumili dito sa amin. Tinatapos ko na ang ibang trabahuhin para mamaya di na ako gagawa sa bahay, makapag linis naman doon at makapag asikaso ng hapunan. For now, timpla muna tayo ng kape hihi

@JhennyDR

Peanuts Manawa sa mani hehe, ang dami nitong niluto ni mama kasi para ito sa peanut butter na negosyo niya. Kahit maliit na puhunan ayos lang ang mahalaga ay may kaunting kita kahit papaano. Siyempre humingi muna ako ng kaunti at lalagyan ko ng bawang at asin hihi. Pauwi palang kami noisefamily, at mamaya ay kakain paguwi sa bahay si biyenan ko na daw ang nagluto kaya di na kami umuwi ng maaga aga.

@JhennyDR

Ube crinkles Masarap din pala ito, ngayon lang ako nakatikim ng ube eh ang iba kasi chocolate lang madalas. Naalala ko yung kapatid ko sumubok gumawa ng ganito dati eh ang sarap kasi sariling gawa at di tinipid ang mga rekado. Waiting pa kay hubby noisefamily kaya ito tinapay muna sasabayan ko na ng kape para naman may panulak. Mamaya pa makakakain kasi sabay na kami, baka hindi nanaman kakain yun kapag walang kasabay. Kumain din po ba kayo nito?

@JhennyDR

Pahinugin Magandang morning noisefamily! I admit medyo negative talaga ako nung mga nakaraan pero I am trying to be positive again at siyempre kahit tayo ay may mga problema at pinagdadaanan kakayanin natin yan! Ito nga pala yung isa sa mga padala sa amin nung umuwi kami. Pahinugin na saging, siguro bukas ay may mahihinog na dito sa mga ito at pwede ng kainin, nung nakaraan la nag tuturo si aling maliit dito kaya lang hilaw pa eh Ano tara na kape na?

@JhennyDR

Cup noodles Sa tuwing nakakakita ako ng cup noodles naaalala ko ang isang pinsan kong babae. Noon bata palang siya mahilig siya sa ganito, binibilhan naman siya ng mama niya. High school palang yata ako nun, siya elementary naman grabe hindi ko siya masaway nun hanggang sa Naospital siya nabalitaan ko. Kasi araw araw umaga tanghali meryenda niya ganito palaging nakikita ko kumakain siya nito. Kasama lagi sa grocery ng mommy niya ang cup noodles eh kaya talagang kapag sobra…

@JhennyDR

Fresh Rambutan from the tree! Kinuha namin ang gun tacker kila mama kanina kasi hiniram niya yun nung nagkabit sila ng tabing sa kwarto. At kanina din naabutan namin na kumukuha sila ng rambutan hehe kaya napadalhan kami ng ilang piraso. Medyo maraming antik kaya sa susunod na daw ulit kukuha ng iba pa ang dami pa sanang hinog eh. Masarap po ito, lalong manamis namis kasi sariwang sariwa. Mahilig din po ba kayo dito?

@JhennyDR

Inaantok din ba kayo kapag nagtutupi mga momsh? Kasi ako naku talagang everytime yan na haharap ako sa tupiin para ding hinihila ang mata kong pumikit haha. Pinipilit ko na lang tapusin talaga at back to work na agad agad para mawala ang antok. Kung minsan pa nga sinasabayan ko ng kape hehe para naman di ako gaano antukin 😅 ganun din ba kayo momshies?

@JhennyDR

Hapunan na! Maaga ang hapunan namin ngayon noisefamily, longanisa na dala ni mama at itong mongo with lots of malunggay leaves. Para mas pinahealthy ang ulam. Ang aga ko pinalambot ito sa labas sa kahoy hehe para maaga din maluto pag gabi na nagsalang naku abutin ng siyam siyam bago maluto. Tara let's eat!

@JhennyDR

Itlog at Sapsap Almusal time noisefamily! Sarap i terno sa sinangag nito pero wala kaming sinangag kaya bagong saing na kanin na lang ang katerno ito. Siyempre gumawa tayo ng sawsawan na suka na may dinikdik na bawang para swak na swak 😋 Ooops, kape pa pala, titimpla muna ako tara na kain na tayo!

@JhennyDR

Diskarteng Nanay, Samgy pork na steak! Tumawid na kami dito kila mama kanina after mag almusal para makapag duty na din ako. Ito nga ang ibinida sa akin na niluto niya. Parang pork steak siya pero alam niyo ba na Samgy pork itong nilagay niya dito nilagyan niya ng na sliced na saba at patatas. Malupit din talaga hehe Pang baon kasi ito ng dalawa kong kapatid na papasok sa trabaho, haay wala talagang kapantay ang alagang nanay.

@JhennyDR

Daang Pataas Goodmorning ulit sa inyong lahat, ang ganda kasi ng itsura nitong dinaanan ko kanina. Yumabong na ang mga dahon ng puno sa gilid kaya talagang di ko napigilan kuhanan ng picture. Galing akong school kanina at nag fill up ng form tapos nagdeliver na din ng peanut butter ng dati kong teacher. Ang ganda at ang presko dumaan dito parang hindi ko ininda ang init kanina kahit pa pataas siya hehe

@JhennyDR

Salamat Suki Mabuti na lang talaga at inuuna kami palagi na sabihan ng suki ni mama sa itlog kapag may available na. Siya din yung napagkuhanan ni mama ng itlog nung nakaraang nag post ako about sa pricing ng itlog sa ating kanya kanyang lugar. Ngayon ay ito ulit, haay salamat naman at naka tagpo kami ng murang nag babagsak ng itlog kasi ang hirap ngayon ang mahal na.

@JhennyDR

Puso ng saging Ito ang pinag kakaabalahan namin kanina after ng mga ginagawa ko sa work noisefamily. Kudkod dito at himay doon ng puso ng saging at niyog. Masarao kasi ito gataan. Sino po mahilig sa mga ginataang luto. Si mama ko dahil bicolana talagang mahilig sa mga ginataan at gusto niya yung maraming gata para malinamnam. Luto mode muna tayu!

@JhennyDR

Magandang morning noisefamily! Ito po ang aming ulam for today's almusal. Tira po ito kagabi, sayang naman kung hindi mauulam. Nagustuhan sana ng mga bata kaya lang hindi ko gaanong pinakain ng marami kagabi at sabi ni mother baka daw hindi matunawan. Kaya bawi na lang sila ngayon hehe. Kamusta po ang panahon sa inyo? Dito magdamag na maulan, mahina lang naman siya pero ang lamig sobra. Nakakaloka talaga ang mga bata kasi kahit ang lamig pawis pawis pa din sila lalo na si…

@JhennyDR

Meryenda time na! Nilagang saging na saba po kayo diyan, manamis namis at galing lang ito kaninang umaga sa puno hehe. Ternuhan natin ng kape para naman mayroon tayong panulak. Si Mj nakailan na nito kanina pagkaluto palang, isa ito sa pinaka gusto niyang meryenda maliban sa kamote na nilaga. As usual, nandito kami kila mama at sobrang lakas ng ulan ngayon dito sa amin. Hindi pa man din kami nakapakinig ng news kung may bagyo ba o habagat itong nararamdaman namin dito.…

@JhennyDR

Tuyo, kamatis, nilagang talbos ng kamote at itlog For today's vidyow, este for today's hapunan pala hehe. Nadadala ako sa mga nababasa ko din minsan eh. Anyways naghapunan na po ba ang lahat? Kami hindi pa, malapit palang hihi. Nakasalang na ang aming tuyo, 7pesos for 3 pcs na tuyo itong nabili ko pero dalawa lang ang niluto ko kaya itong isa lang ang nakuhanan ko nasa kawali iyong iba. Sino po gustong maki join?

@JhennyDR

Early biyahe Antay antay kami ng ordinary na bus, bukod sa mas mura ng kaunti ang bayad eh yun ang mas gusto ni kuya Mj. Kasama namin siya pa biyahe ulit doon sa lugar ng tatay ni hubby. Naiwan ang mga ate at ang bebe Ela sa aking mother in law. Balikan din kami mamaya kaya okay lang daw. Magandang umaga po sa inyong lahat noisefamily!

@JhennyDR

Egg caldo Sino po sa inyo ang mahilig din kumain ng egg caldo sa biyahe hehe. Si mister ko talagang ito ang una sa listahan niya kapag mag bibiyahe kami na commute lang. Gusto niya humigop ng lugaw. Tapos sabay idlip na kaagad hehe. Masarap naman itong nabili namin na egg caldo kanina sa halagang 45pesos sulit naman ang lasa at may itlog na yun na kasama. Pero ang mahal pa rin kumpara nung dati hindi ba, dati makakabili ka ng plain lugaw na 15pesos, with egg 25 pesos ngayon…

@JhennyDR

Food trip na mga inihaw Nagkasabay kami sa paradahan ng tricycle ng aking bunsong kapatid kaya nagkayayaan bumili ng inihaw. Ayan po sa tindahan diyan sa third pic siya nakabili. Masarap ang tinda nila dahil na rin sa sarap ng sauce nila. Grabe ngayon lang kami nakauwi ng bahay mag 10pm na. Umalis kami doon sa pinuntahan namin ng 2pm mahigit pero grabe ang inabot na tagal ng biyahe namin. Nakakapagod na lakad ito dahil sa biyahe talaga, traffic tapos ang init pa ang tagal ng…

@JhennyDR

Kuya Mj at ang Magandang tanawin Feel niya magpa picture kahapon kaya ayan pagbigyan na natin hehe. Si kuya Mj sa farm and resort ng tito ni hubby. Kahapon kasi gusto ni Mj makakita ng baka, sabi ko maglakad lakad kami doon sa heritage farm ni Tito kaya ayan, nakakita ng magandang view nagpapicture siya hehe. Ang ganda at ang berde, sa ibang magaganda pa na view ayaw na niya magpapicture eh hehe kaya ayan po muna.

@JhennyDR

Late lunchiees! Nag adobo ako ng sitaw, ito'y galing sa tiyuhin ni mister ko kahapon, mga gulay na ipinadala sa amin ang sarap at ang sariwa. Sitaw, talong, papaya at talbos ng kamote. Sayang din yun kung bibilhin pa namin, ang sarap i diningding hehe. Late na nakapag lunch today noisefamily, join na po sa mga hindi pa din kumakain diyan. Tinapos ko na muna ang mga labahin ko at grabe natambakan na ang inday. Noon kasing umaalis alis kami, ang daming nagagamit na mga damit…

@JhennyDR

Snackies Time Nagustuhan nila itong biscuit na ito kasi ang sarap niya. Buttered biscuit pero may kaunting tamis siya kaya masarap. Isa din ito sa pinadala sa amin ng tita ni hubby. Hanggang ngayon namemeryenda pa nila kasi ang daming laman sa isang balot hehe. Ako naman kape muna ang kaharap ngayon

@JhennyDR

Chicharon at pritong isda Panalo talaga yung ganitong ulam lalo na pag maulan. Tamang tama at may tirang kanin ng tanghali, kaya sinangag ko kahit gabi hehe. Sinangag sa gabi ay hindi bago sa amin basta pwede pang isangag ginagawa ko para hindi masayang. Gustong gusto pa naman namin ni mister ko yung maraming bawang sa sinangag hehe. Kayo din po ba? Anyways, ito po yung hapunan namin kanina, nauna na ako kumain kay hubby, kasi malelate pa daw siya ng uwi. Naggawa ako ng…

@JhennyDR

Maulan at Mahamog na morning everyone! Nag almusal na po ba kayong lahat? Ako nagkakape palang at nilamig talaga ang inday hehe. Grabe din ang ulan talaga ngayon, naku sana naman safe po ang lahat. Galing ako kila mama at ito po ang itsura ngayon sa may paligid nila medyo open na open kasi doon at tabi nitong daanan, kitang kita na mahamog kahit 9am na. Kumuha kasi ako ng dahon ng malunggay at balak kong mag gulay ngayon ng papaya at dahon ng malunggay parang diningding.…

@JhennyDR

Mongo Monday Hindi nakapasok sa trabaho si mister at parang may namamaga sa kaliwang bahagi ng tagiliran niya. Napansin ko lang kagabi at ang akala niya ay sa pagkaka tagilid niya sa bus nung nagbiyahe kami dahil nakaidlip siya ng mahaba, pero hanggang ngayon iniinda niya kaya di makalakad at makabuhat ng maayos sa trabaho kahapon. Mabuti na lang at mababait ang boss niya kaya pinayagan muna siya magpahinga. Pagod at puyat na din siguro at nakailang beses kaming biyahe ng…

@JhennyDR

Nag dinner naba ang lahat? Kami ay katatapos lang din, ito po ang hapunan namin. Tuyo, talbos ng kamote at ilang pirasong hotdog. Dito din naghapunan si mama. Mamaya ay ihahatid naman namin siya bago umuwi ang kapatid ko para may kasama siya. Sinabayan namin ito ng kapeng itim, kaya naman napasarap lalo ang kain hehe.

@JhennyDR

Pritong potato Magandang morning everyone! Prito munang patatas ang almusal namin at ulam sa kanin, nilalagyan ko ito ng kaunting breading para magkalasa pero minsan naman ay plain lang hehe kapag walang natirang breading mix. Siyempre meron din tayong pa black coffee diyarn hehe,

@JhennyDR

Newest favourite of my little Miss Papaya, ayan naman ang palaging bukambibig ng aming Ela. Si aling maliit talaga ang dami na din alam, ayaw daw muna ng banana, papaya daw. Hehe Nagluto ako ng baon ni mister kanina, tinola pero wala kaming naihalo na dahon at maulan kaninang umaga. Imbes na bumili pa ng sayote papaya na lang. Kasama ito sa ipinadala din sa amin doon galing sa lugar nila mister. A-in paya, hehe kakain daw siya papaya. O siya pakainin ko na muna si aling…

@JhennyDR

May isa nang gising! Nag start sila mag nap time nila kanina mga 2pm. At ngayon isa palang ang gising hehe, ang panganay palang. Sabi ko sa kanila, palaging matulog ng tanghali para makabawi bawi at hindi pa natin alam kung ano na mga schedule pag nag start na ang pasukan. Pero paniguradong busy na at hindi na magagawang makapag pahinga ng kagaya ngayon. Kaya habang pwede pa, lubus lubusin na. Hehe hindi ba momshies and daddies out there pati na rin sa mga tita nanays, at…

@JhennyDR

Tortang sardinas at itong makiit na daing na labahita Magandang gabi noisefamily, kain na po tayo ng hapunan. Ito ang aming hapunan hehe paborito namin ni mama itong labahita talaga, kahit na maalat siya, unti unti lang talaga ang kain namin, itong ganito kalaki naku matagal tagal na itong kakainin hehe. Nilalagay din namin ito minsan sa gatang langka. Mula hapon ambon ambon na lang at ngayong gabi tumigil ang ulan sana naman bukas hindi muna umulan para makapaglabas ng…

@JhennyDR

Magandang morning Almusal mode muna! Nalate na ang almusal namin kasi maaga kaming nag ayos. Grabe kasi yubg nangyari kaninang madaling araw. May narinig kaming bumagsak sa bubong na ang lakas talaga, alam niyo ba noisefamily, nasira yung part na nalaglagan ng bubong. Dahil wala naman kaming pang patong na yero, nilagyan na muna ni mister ko ng trapal at pang dagan. Grabe sa mismong tapat pa naman ng kwarto namin at nakapasok yung sanga ng kahoy na nalaglag. Pasalamat pa rin…

@JhennyDR

Yehey! Finally! Umaraw araw din! Sobrang happy naming mga nanay na kapag after ng maulan eh makapaglaba ng mga kumot, sapin mga ganern hehe hindi ba noisefamily. Kasi naman kahit kakagamit palang ng mga kumot, mga 3 days iba na ang amoy kapag maulan ang panahon. Ayan kaya naipon ang mga kumot at sapin hehe. Kanina medyo umaraw araw pero ngayon medyo makulimlim na. Kaya nakapasok na ang mga kadamitan. Mga kumot at sapin na lang para mabilis na lang ipasok kung sakaling…

@JhennyDR

Upo po! Upo muna ako sabay kape hehe. Medyo nalito ba kayo? Kaka-upo ko lang kasi ngayon at nagwalis sa labas ang dami ng dahon. pagkatpos ay luto naman ng upo. Kaya ngayon lang makakapag kape. Second cup of coffee for today, mukhang nababawas bawasan ko na hihi. Pagkatapos ng ulan, at umaraw na, hindi lang chance makapaglaba kundi chance din para makapag linis na sa labas at nakakaloka na ang mga dahon at sanga. Ang dami dami dami na! Hehe.

@JhennyDR

Hello everyone! My name is "Puti" Basically because I am color white hehe, kaya nga naman Puti ang ipinangalan ni papa ko sa kanya noon. Grabe ang ganda pa rin ng balahibo niya at ng kanyang katawan. Medyo matanda na kasi si Puti. Si missy itong may karga sa kanya pero tumanggi na magpakita hehe si Puti na lang daw kasi di siya nakapag suklay. Naku naku ang ate missy ko dalaginding na talaga need pa mag suklay nga naman hehe. Anyways, kumain naba ang lahat ng hapunan?

@JhennyDR

Yey! Pauwi na! Dahil Maaga kaming umalis kanina, nakatapos rin kaagad. Maganda talaga na nakapag pa appointment bago pumunta ng PSA. Pero kanina meron naging aberya kaya di kami umabot ng 7am sa schedule. Naflat ang aming gulong kaya ayun, tulak to the max sa malapit na vulcanizing shop kasi dapa na talaga ang gulong at di na pwede sakyan ang motor. Thank God at safe kami kasi nasa paakyat na bahagi kami ng mangyari yun.. Mukhang makakapag almusal din kami ng maaga aga nito…

@JhennyDR

Tortang Talong - anong mas bet ninyong dip, toyo with kalamansi or ketchup? Lunch time na po, wag maglalipas ng gutom noisefamily ha. Medyo late na ang almusal pero on time pa din ang lunch kasi ang mga chikitings ay mas maaga naman nakapag almusal compared sa amin ni hubby. Buti na lang at easy to cook ang tortang talong. Request ito ni mister ko nung isang araw pa kaya lang eh di ko agad nailuto, kundi nag prito lang ako nun ng talong. Pero ngayon dahil may itlog na hehe,…

@JhennyDR

Happy birthday sa aking eldest brother! Nagpadala siya sa bunso namin ng spaghetti kasi nagpunta sila mama doon kahapon. Tamang tama at may meryenda na ang mga chikitings. Ako naman kakatapos ko lang magkape hehe. Kahit malayo layo sila sa amin di pa rin talaga sila nakakalimot sa mga ganitong sitwasyon. Kayo po nagmeryenda na po ba kayo?

@JhennyDR

Dinner time! Magandang gabi! Kumain na ba kayo? Tara na at magsalo salo! Nag gulay kami ng papaya at talbos ng kamote para sa hapunan. Nabusog sila kanina sa meryenda kaya late na makakakain. Kahit simple lang na gulay na ganito naku ang dami pa rin nakakain namin pati mga bata. Gustong gusto nila hinihigop ang sabaw nito. Tinimplahan ko lang ng kaunting bagoong isda para di masyadong matapang. Si Ela, nagpapapak nanaman ng papaya hehe.

@JhennyDR

Happy Friday! Dahil umaraw at hindi umuulan ngayong umaga, nakapag bonding ang mag ama. Yan ang isa sa mga kinahihiligan nila ang kalapati. Pati si Aling maliit ko gustong gusto na niya na nagpapatuka hehe. Pag umaga, hahanapin niya na sa papa niya "pa patuka" hehe pero pag maulan talagang hindi naman siya nag pipilit kasi alam niyang " no no labas" hehe. Siya din ang nagsasabi niyan sabay kanta ng " rain rain go away"😅

@JhennyDR

Maraming salamat po! Pusong Gapo Athletes Organization Inc. Pagpalain pa po kayo nawa lalo. May mabubuti silang puso sa mga bata hindi lang dito sa aming lugar kundi sa iba pang mga paaralan at lugar na kanilang napupuntahan at nabibiyaan ng blessings. May mga ipinamahagi silang school supplies at slippers para sa mga bata. At mas lalo akong humanga sa kanila dahil may mga bata din doon sa school kanina na hindi beneficiary or hindi nabigyan pero hindi umuwing luhaan dahil…

@JhennyDR

Home made cute Pomme Frites Maliit lang ang patatas na nabili ni mother earth kaya ito ang cute ng pomme frites hehe. Patatas po kayo diyan? Actually busog pa ang mga bata at kakatapos lang naglunch kani kanina kaya lang siyempre sino ba naman makakatanggi sa patatas tapos may flavor pa diba? Ano po mas bet niyo na dip dito, mayo? Ketchup? Or mayo ketchup?

@JhennyDR

Tinapay! Yey! Tinapay naman tayo for today's vidyow haha. Charr lang, nakapanood kasi ako kanina nung may for today's vidyow kaya ayan nanaman siya, nagaya ko nanaman. Anyways, meryenda time po muna. Kakagising lang ng mga chikitings, saktong nagmessage ang aking mother earth na pupunta siya dito at charan, may dala siyang tinapay. Timpla na ko ng kape?

@JhennyDR

Ginisang Papaya with sardines Magandang gabi! Pasensya na po hehe ngayon ko lang kayo ma invite sa aming dinner. Kasi kanina kumain ulit ng tofu na pinirito at patatas ang mga bata kaya nabusog sila ulit hehe. Grabe ang busy ng maghapon at masaya din dahil nandito si mother earth. Isasama niya si Jem at wala siyang kasama doon maghintay sa dalawa ko pang kapatid. Pumayag naman si ate Jem namin at bukas nandito na din siya. Naalala ko nung first time na matulog doon ng wala…

@JhennyDR

Tuyo and adobong itlog! Magandang umaga noisefamily, almusal mode po muna tayo. Nag adobo ako ng nilagang itlog at siyempre para sa tipid hack hehe pinatong ko lang sa sinaing ang itlog kanina para di na ako maglaga ng separate, tipid diba hihi. Ang tuyo naman hindi mawawala sa listahan ko yan pag umaga kahit ilang piraso lang lalo na at darating si mother earth ngayon kasama si ate Jem namin. Tara tara lets eat na po!

@JhennyDR

Luto mode "Papaya at Saluyot" Luto time nanaman, ito po ang ihahanda ko ngayong tanghalian. May papaya pa rin hehe, ubusin ng ubusin ang papaya hanggat may maigugulay kasi sayang naman kung masisira lang. Masarap kumain nito mamaya lalo na at mainit init ang sabaw. Masarap higupin, tapos ternuhan ko nung tirang tuyo kaninang umaga. Kayo po noisefamily, nagluluto na rin ba?

@JhennyDR

late lunch " gulay" Grabe ang ka busy na late na ang lunch. 01:56pm na, ngayon palang ako kakain ng lunch kasi sa dami ng ginawa ko kanina hindi ko na namalayan ang oras. Nauna na din ang mga chikitings kanina before 12 hehe. Ininit ko itong gulay kasi talagang masarap ito kagaya nga ng sabi ng aking mga sissy kanina sa aking comments section. Pag malamig na kasi parang nababawasan ang sarap niya, pero opinyon ku lang po yun hehe. Sa mga gustong kumain diyan ulit hehe, kain…

@JhennyDR

Turones! Pinapunta kami ni mama dito at ayun pala mag papadala siya sa bahay ng turon. Gumawa pala sila ni Jemjem hehe. Nakatulong si Jemjem sa pag hihiwalay daw ng wrapper kanina. Turon po kayo diyan, kuha na ang mga may gusto hehe!

@JhennyDR

Goodnight from my little One Namiss ko din siyang picturan hehe, madalas na kasing busy siya sa kanyang nilalaro kaya hindi ko inaabala for pictures at baka magka S ang aming aling maliit. Kailangan pa man din kapag busy din ako eh dapat busy din siya at walang S hehe. After kumain kanina, ayan at nag wash na siya at antok na. Nakapag picture din kasi ang ganda ng kanyang pagpapacute hehe. May napanood siya kanina na baby sa video at ayan ginagaya niya ang pag smile.😅

@JhennyDR

Sari-saring almusal Kaya po naging sari sari kasi tig kakaunti lang itong nailuto ko hehe. Isang nissin ramen, mangga na hinog dalawang piraso, kalahating pack ng tokwa, pritong talong na dalawang piraso at ilang pirasong longanisa na skinless hehe. Kaya ganun ang nangyari hehe pero siyempre hindi ko na napicturan ang aming kape ni mister hehe katerno niyan ay mainit na black coffee para sa umaga. Nag almusal na po ba kayo?

@JhennyDR

Meryenda time na! Meryenda na daw sabi ng mga ate at kuya pero si Ela sleeping mode pa din hehe. Patatas na pinirito po ito tapos itong lumpia naman galing kay mama. Kakatapos ko lang din maglaba at mag linis ng mga sapatos at tsinelas. Kailangan na kasi malinisan ang mga yun para ready na next week. Kaso ang hindi pa ready sa amin ay yung mga dami nila at talagang maliliit na. Baka hindi na muna sila mag uniform. Pag nakabawi bawi at nagka extra dun na lang sila mabibilhan…

@JhennyDR

Padilim nanaman Alam na mga momsh and dads kapag ganitong oras uulamin ang kailangan nating madaliin isipin. Hmm, ano kaya ang mailuluto ngayon? Nakapag isip na rin ba kayo ng uulamin or nakaluto na po kayo? Ako naman ay nag iisip pa, nagsilong pa din kasi ng mga sinampay at ng mga basahan din na nilabhan kanina. Sana bukas umaraw ulit para matuyo kasi medyo basa pa talaga lalo na ang mga sapatos. Magandang gabi po sa ating lahat!

@JhennyDR

Kikiam Mahal pa rin ba ang mantika sa inyong lugar kagaya dito sa amin? Medyo masakit talaga sa bulsa ang taas ng mantika kaya itong kikiam ang ginawa ko niluto ko sa tinunaw na margarine. Yun nga lang kapag sa ganito niluto dapat ay kainin na kaagad kasi titigas at kakapit na kapag lumamig ang margarine. Sa kaso nitong kikiam, hindi talaga nagtatagal sa amin hehe kaya pwede ko siyang lutuin sa margarine. Itong mga chikitings kasi, nag set ng kanilang papanoorin, ang "Howl's…

@JhennyDR

Maulan na umaga! Kanina naglabas ako ng mga sinampay pero pinasok ko din agad at nag dilim. Tinira ko ang mga sapatos, ngayon kinuha ko na rin hehe kasi nagbabakasali sana ako na baka umaraw araw pa or mahanginan man lang kaya lang talagang umambon na. Buti na lang tinuro ni mama ko na yung mga sapatos daw ng mga kapatid ko sinubok niya isalang sa dryer. Ayun tinry ko kahapon pero siyempre may kaunti pa rin na basa kaya dapat mapainitan pa rin. Nag almusal naba ang lahat?

@JhennyDR

Itlogs! Yes with S haha kasi po marami daw. Yan ang binida nanaman nitong aking anak. Nakaka aliw talaga minsan mga bata ngayon eh, ang dami ng alam. Mama: Kain na nak! Jem : Wow, ma itlog po ulam? Missy: itlogs! 🤣 Sabay tawa. Sabi ko bakit ate itlogs? Kasi ma marami po eh diba🤣 kapag sa english pag dinagdagan ng S ibig sabihin marami eh, kaya itlogs haha. Talaga nga naman anak oo.

@JhennyDR

Mongo at Tuyo Lunchiees na tayo noisefamily, medyo late na ang lunch namin hehe alam niyo na, kanina kasi medyo late na din ang almusal eh. Yung itlogs haha, ngayon sabi ko sa anak ko, o anak may tuyos diyan haha marami yan eh kaya with S din. Siya naman ngayon ang natawa. With this kind of viand, it is perfect for the cold and super gloomy weather here in out area since it rained this morning. I hope you all enjoyed your lunch and for those who didn't eat yet, let's eat!

@JhennyDR

Patatas muna kayo diyan, pampakalma hehe Kasi baka isa kayo sa kinabahan kagaya ko. Grabe iba yung kaba pag biglang nagkaganun si noise eh ano po? Nangyari na kasing dati kaya nakakakaba. Thank goodness at bumalik na din sa dati. Prito ako ulit ng patatas hehe nagustuhan nila talaga ito pero as usual sa margarine ko ulit pinirito para iwas sa maraming mantika at ang mahal hehe. Eh ang margarine eh medyo marami rami pa at wala naman ako gaano pinag gagamitan. Nagmeryenda na…

@JhennyDR

"Paya Yummy" means papaya is yummy I cooked this viand for tonight as this is one of my kid's favourite "papaya" and also Ela loves it very much. She says papaya is yummy! Yummy nga naman talaga at healthy pa. Pero kanina medyo umiyak siya dahil gusto niya siya mag isa kumain which is madalas naman na niyang ginagawa. Kaya lang kanina hindi ko pa agad agad pinayagan na mag isa siya kumain kasi mainit pa ang kanin at ang ulam baka mapaso siya. Kaya naman nung medyo malamig na…

@JhennyDR

Cute na galunggong! Almutang? Almusal ba talaga o pati tanghalian na hehe. Medyo late kasi kami nakapag almusal at nabusy sa chikahan sandali at nagpunta dito ang kapatid kong isa pati ang mama ko at day off ni kapatid. Ayan kaya ngayon lang baka dagdagan ko na lang ito mamaya ng ibang maidadagdag para sa tanghalian.

@JhennyDR

Tortang Talong or Eggplant Omelette Late lunchiees kasi late din ang breakfast kanina. Dinagdagan ko ng torta yung gg kanina kasi para makalag baon din si hubby. Sakto at may limang pirasong talong ako dito, kaya lang wala ng itlog. Si kapatid ang bumili sa tindahan kanina ng itlog kaya charaan! Hehe Torta in the house! I hope you all had your meals but if not yet, feel free to join us! I'm preparing some dip, soy sauce and calamansi tsaka siyempre ang sa akin bagoong with…

@JhennyDR

Tofu Piniritong tokwa with egg and little bit of flour. Nilagyan ko lang ng kaunting pampalasa ang flour para may dagdag linamnam. Masarap po ito sana kung may sawsawan na suka tapos may hiniwang maliliit na sibuyas at pipino. Pero for now, ketchup lang muna kasi hindi na nakagawa ng sawsawan hehe. Umuulan na din kaya masarap din sabayan ng kape. Tara kape!

@JhennyDR

Busog much ang bebe sa sitaw! Magandang gabi noisefamily! Kamusta po ang lahat? Naghapunan naba? Aba'y kung hindi pa po kain na po tayo sabay na tayo hehe. Nauna na muna kasi ang mga chikitings at may tinapos pa akong gawain habang pinapakain si Ela. Enjoy na enjoy nanaman siyang kumain ng sitaw, ito nga at gusto na mag dance dance. Sabi ko mamaya na hehe at kakatapos lang kumain. Ganun din po ba ang mga chikitings ninyo pag katapos kumain or pag ka nabusog sila ganado na sa…

@JhennyDR

Goodmorning noisefamily! Magandang umaga from my little one ayan at ang ganda ng gising niya kasi naman malamig nanaman ang panahon. Sana hanggang mamaya ay wala muna siyang S para makapag asikaso ang mother hehe. Ito po ang aming almusal itlog na may kamatis at sibuyas hehe gusto niyo rin ba ng ganitong luto ng itlog?

@JhennyDR

Tinapa at egg Alas dose na! Kakain na! Naalala ko ganyan dati pag tumawag ang lola ko hehe. Malamang karamihan po sa inyo ay kumakain na din ngayon. Kami ay ganun din kakain na rin po. Ito ang ulam namin itlog at tinapa. Hindi na yata ako makakaiwas basta may tinapa akong nakita. Ang sarap kasi eh lalo pa ngayon ang ulan nanaman. By the way mga momsh, nabasa ko sa gc namin sa school ang announcement na pati daw ang mga incomplete ang vaccine at unvaccinated ay mag f2f na sa…

@JhennyDR

Fried saba banana Dahil may saba from mama's friend gagawa tayo ng meryenda! Piprito ko ito sa margarine para may saltiness kaunti sa ating saba. Nagustuhan dati ng mga chikitings yun kaya sure akong papatok din ngayon. Medyo hindi pa ganun kalambot itong mga saging kaya gagawin kong apat na hiwa ang isa para maging hugis fries na matataba siya hehe or yung camote que stick. Tara luto time na!

@JhennyDR

Banana Meryenda na! Kape kape na tayo diyan noisefamily. Grabe ang lamig ng panahon ngayon. Pagkatpos ko magluto nito ayan na ang last salang at hindi na yata kinaya ng kids kanina hehe sakto dumating si mother dear kaya ayun napasabak din sa kwentuhan. Siyempre magkakape tayo, pag mainit nga nagkakape ako eh pag ganitong ang lamig lamig pa kaya hehe. Kain po!

@JhennyDR

Antok much? Sleepyhead Smigol Di makagala yan haha, walang magawa ang Smigol namin kasi malamig at maulan kaya wala siyang choice kungdi mag stay at home muna, lols. Change spot nga siya eh galing ng kwarto tapos nandito naman sa sala hehe iniikot ang buong bahay sa pagtulog haha. Anyways, kamusta po kayong lahat? Maulan din po ba diyan? Lutuan time nanaman kaya busy ang noisefamily diyan. Kami papaya at may saluyot ang ulam paniguradong makakahigop nanaman ng sabaw ang mga…

@JhennyDR

Maulang na umaga Medyo may hamog pa ng kaunti kahit 9:30am na. Grabe ang lamig naku laba day ko pa naman today. Kamusta po ang panahon diyan sa inyo ganito rin b? Si Aling maliit ko busy na sa kanyang iniinom. Ganyan siya tuwing umaga at ayaw niya din ng iniinom ng diretso kinukutsara niya paunti unti hehe. Pag yung kaunti na lang tsaka niya iinumin hehe.

@JhennyDR

Late lunch! Adobo with patatas and hotdog. Mabuti na lang at pinicturan ko na ito kanina haha. Ito na din kasi naging baon ni mister at ang natira ay ang pananghalian namin. Kaya may hotdog at may patatas hehe madalas ako maglagay ng mga ganyan para pamparami na rin ng ulam. Minsan saba na saging or itlog na nilaga ang nilalagay ko hehe para magkasya sa aming lahat. And ayun na nga noisefamily, nakatapos na akong maglaba buti na lang huminto naman yung ulan hehe nakapaglabas…

@JhennyDR

Yey! Uminit kahit papaano! Nakakatuwa kasi akala ko kanina hindi iinit, naisip ko ng magtapat sa electric fan ng damit lalo na yung mga lumang tshirt ng mga anak ko para sana magamit nila sa lunes pero buti na lang at uminit. Nakapaglabas ako ng mga sinampay. Sakto naman pala ang laba day ko, akala ko kanina wala ng pag asa makatuyo hehe ngayon kahit papano nabuhayan ako hehe. Nag reready na din ba kayo sa pasukan ng mga chikitings. Ang mga anak ko baka mag pantalon na lang…

@JhennyDR

Enjoy yarn sa tinapay! Tupian time with aling maliit talaga ito at the same time kumakain siya ng pandelemon na ininit kk at nilagyan ng margarine. Ang kumuha nito ang ate niya, sabay sabi sakin "ma tignan mo po si Ela" sabay tawa hehe. Nag eenjoy si ela sa kanyang tinapay nagustuhan niya yung mainit init na tinapay na may margarine. May lasa kasing konting na toasted,kahit ang ate at kuya naubos ang 3 salang ko na ganun hehe. Mag didinner na pero kakakain palang nila ulit…

@JhennyDR

Pahabol na hapunan (Tofu) Dahil kanina busog pa sila at nagtinapay ng alanganing oras ayun kakatapos lang nila kumain ngayon. So ito ang pinirito ko kasi nagustuhan nila nung nakaraan. Sabi ko nga kung gusto ba nila ito ikain sa kanin, go naman sila. Kaya ayan! Hehe ayan ang natira sa amin ni hubby. Naparami ang kain ng mga bata hehe. Mabuti naman yun atleast nagustuhan nila hindi ba mga momsh ko diyan. Magandang gabi sa inyong lahat.

@JhennyDR

Noodles with egg! Hubby's here, finally, habang walang ulan siya nakapag biyahe pauwi. Nagpaluto siya nitong noodles with egg. Ito yung kay hubby at meron din yung dalawa kong chikitings na gising pa. Aantayin daw nila si papa nila at hindi makatulog, pinagbigyan ko na at pagdating ng weekend eh hindi na pwede para ready na kung may schedule na sila this coming Monday. Tara let's eat na noisefamily!

@JhennyDR

Papaya at Saluyot Almusal at tanghalian na po ito noisefamily. Sabay sabay na natin to! Haha Medyo nabusy ang inday ninyo kasi nag punta ako ng school para sana mag request ng requirements doon sa DSWD na assistance. Pero hindi din ako sure kasi baka next week pa daw sila magbigay. Nag apply din ba kayo ng ganun noisefamily?

@JhennyDR

Happy 3 Sayang at kulang sila ng isa. Wala si ate Jemjem ko, sinama siya muna ni Lola niya. Ilang bahay lang din naman ang layo nila dito sa amin kaya malapit lang. Nagpasama si mama kasi wala siyang kasama doon. Kaya para may nakakausap naman siya at malibang din tinanong niya kung sino ang gustong sumama at si ate Jemjem ang pumayag hehe. Busy itong tatlo ko naman sa paglalaro ng ikot ikot dito sa sahig kaya sabi ko picturan ko kayo, game na game naman sila. Ang saya…

@JhennyDR

Mapagpalang hapon noisefamily! Nasabik ang mga chikitings dito sa bilo-bilo. Binigay lang kasi ito ng aking mother earth. Doon kasi malapit sa kanila naglako daw ng ganito. Kaya naman naisipan niyang dalhan ang mga chikitings kanina dito. Masarap siya at malasa talaga ang gata. Matagal tagal na nung huling gumawa kami nito noisefam, kasi hindi din biro ang pag gawa at mabusisi pero worth it lahat kasi ang sarap!

@JhennyDR

Okra, Tinapa, at kamatis Magandang gabi, kumain na po tayo ng hapunan habang maaga aga pa. Maulan pa rin ang aming gabi kagaya ng mga nakaraang araw. Ilang beses na ako nag tangka kanina na ituloy ang walisin ko pero failed hehe kasi maya maya bubugso ang ulan. Ang dami nanaman kasi nahulog na dahon at baka dumikit na sa lupa. Anyways, tara lets na noisefamily, at may nag hihintay pa sa akin na mga tupiin hehe.

@JhennyDR

Homi and Egg Magandang morning noisefamily, nabusy ang inday kaya ngayon lang nakapag update sa inyo. Ito po yung inalmusal namin kaninang umaga. Homi na nilagyan ko ng itlog, inulam namin sa kanin. Ngayong umaga hindi umulan kaya ang mga ibang gawain ay natapos hehe. Kayo po, anong pinag kaka abalahan ninyo ngayon noisefamily?

@JhennyDR

Pancit Miki Lunch time nanaman, at ito po ang hinanda ko para sa pananghalian. Miki na may halong repolyo at kikiam. Pwedeng kainin ng ganito pero pwede rin itong iulam, mahilig ba kayo mag ulam ng ganito noisefamily? Dito sa amin madalas basta may nagtinda ng ganito bumibili kami kasi mura lang ito tapos pwede pang haluan ng sari saring gulay para mas pinahealthy ang pagkain para sa family. Tara na let's eat!

@JhennyDR

Manamis namis na mais na puti Magandang hapon noisefamily, kakauwi ko lang ngayon galing ng school kasi ngayon ang orientation namin dito sa lugar namin. Kaya ngayon lang din makakapag meryenda. Kanina nagmeryenda na ang mga bata nitong mais. Galing ito sa kaibigan ni mama, fresh harvest nila galing sa bundok. At ayun na nga napagusapan na, na talagang tuloy na tuloy na ang pagbabalik eskwela ng mga bata. Excited naba ang chikitings ninyo?

@JhennyDR

Goodevening daw po! Magandang gabi noisefamily, nakapaghapunan naba kayo? ang aking mga chikitings ay tapos na kaya ayan happy na ang baby Ela namin. Ginisang upo po ang niluto ko. Kahit walang sahog basta may kaunting pampalasa ay ayos na. Kami ni mister mamaya na lang kami kakain sabay na kami. Gusto ko lang din po ishare sa inyo, nakakalungkot makita yung mga nag aapply ng assistance at grabe ang haba ng pila at ang masakit pa doon may mga nahimatay at nahilo sa sobrang…

@JhennyDR

Hello noisefamily! Happy Sunday! Kamusta kayong lahat, dapat ay aalis kami ng aking mother earth kaninang 3am papuntang Iba Zambales pero hindi kami natuloy. May importante kasing lalakarin yung pupuntahan namin doon. Anyways, ang mahalaga ay nalaman na din kaagad para hindi na kami nakatuloy, pwede naman daw i re sched. Ito nga po yung aming almusal kanina. Ngayon lang ako nakapag update hehe tapos naghahanda nanaman ng pananghalian 😅 enebeyerns.

@JhennyDR

Colorful notebooks! My two kid's notebooks are almost ready for tomorrow. Almost, because I need to buy few more notebooks as the teacher said how much they need. These are for ate Missy and ate Jemjem. Kuya Mj didn't have notebooks yet but I already messaged his teacher and said it's fine just bring a pencil and paper. Maybe next week we can buy kuya Mj needs for school. Good thing my kids still have their old crayons and pencil and pen so we don't need to buy anymore. 😊

@JhennyDR

Meryenda kanina Dahil may natira pang mais, hindi na talaga pinag hintay pa hehe nilaga na ulit. Mabuti at may mga ibang kahoy pa na tuyo. Si ate Jemjem itong nasa 3rd pic hehe gusto niya mag sunog sunog ng papel diyan kanina nakikisali siya hehe. Enjoy silang tatlo kapag ganyan kaya lang di ko mapabayaan pa na sila lang kasi baka kung mapano. Ngayon oras nanaman ng pagiisip anong lulutuin sa hapunan, meron naba kayong naisip? Hehe or nagluluto na po kayo?

@JhennyDR

Hotdog and banana May egg pa po ito kasama ng hapunan namin kaya lang di ko na nakuhanan kanina. Maagang nakahiga ang mga chikitings kasi maaga sila papasok bukas. Ito na lang yung natira hehe kaya mamaya lulutuan ko na lang si mister ng itlog mamaya pang dagdag dito sa natirang ulam at swak na yun sa kanyang hapunan. Kailangan mag tiyaga muna kasi nasa petsa de peligro kami ng ilang buwan sa ngayon hehe.

@JhennyDR

Same place, with different weather! First is before the rain comes and the second one is after. Isn't it amazing how the rain made changes this particular place. It was very clear when the sun shines up and clear the sky but then after some days of raining, having heavy downpours, it looks like a very different place. Nature always amazed me, every single day and just like this photos too. I'm looking to it for how many minutes now. And I'm still like (◕ᴗ◕✿) Goodevening…

@JhennyDR

Not feeling well It's 1:50am here right now, and I can't sleep. My first born is not feeling well and I wanted to check her from time to time because just awhile ago, she got fever and also she chills. I really hope this is just because of the weather that keeps changing and nothing worse than that. If this continues I really have to pick her up and bring her to the city to find doctor to check up on. After all the preparation she made for her school tomorrow, what she said…

@JhennyDR

Pasukan na talaga! Thank you God at nag okay ang ate Missy ko. Madaling araw inoobserbahan ko siya. At sabi ko nga ipapaalam ko na lang siya, pero kaninang umaga sabi niya kaya niya daw pumasok. Haay buti na lang talaga. Excited talaga siyamg pumasok, sabi nga ni mother earth ko baka daw na excite siya kaya nagkaganun. Pero hindi ko alam if meron talagang ganun hehe. Asikaso na muna ng lulutuin at labahin dahil mamaya manunundo naman.

@JhennyDR

My kind of lunch Sauteed bitter gourd/ginisang ampalaya with egg. Ayan po ang ulam ko ngayong tanghali, ay este pa hapon na pala hehe. Kakatapos lang kumain, ngarag ako mula kanina haha. Alam ko feel din yan ng mga momsh dito at dads. Lalo na ang estudyante ko ay hindi isa, hindi dalawa kundi tatlo😅. Sumakto pang may supply ng tubig, kaya labada mode, tapos pa almusal sa kanila, tapos hatid, pag uwi labada mode ulit, hindi pa nakakatapos, sundo ulit hehe tapos pagdating ng…

@JhennyDR

Meryenda muna Nakasundo na ako ng isang estudyante, ang lakas nanaman ng ulan. Haay kaya stop muna ako sandali, patila muna at mamaya pag tumila na tsaka ako lalarga ulit. Masyado ko nanaman binantayan ang kikiam haha tsaka may toasted at super toasted, kasi alam niyo naman busy nanaman pati hapon natin. O siya mukhang humihina na ang ulan, see you later muna ulit noisefamily.

@JhennyDR

Papaya at sardinas! Magandang gabi noisefamily, kumain na po ba kayo? Kain na po tayo ito po ang niluto ko papaya na nilagyan ng sardinas. Buti na lang may tinda na papaya sa tindahan kasi naubos na yung mga papaya namin. 2 piraso sa 15 pesos ang benta dito nito. Mahilig din po ba kayo mag gulay ng papaya?

@JhennyDR

Peanuts I eat this everytime I'm here in front of the laptop working. But I'm missing it now, I haven't been eating this because of busyness. This is one of my favourite and comfort food to eat, when I'm stressed or feeling drowsy. I hope I can buy some soon again and be able to cook it with lots of garlic. This is the photo of my last jar of peanuts before. It's 12:27am here and I'm currently working right now since I have no time to do it this morning and afternoon, I've…

@JhennyDR

Magandang morning May pasok po ba ang mga bata sa inyong lugar? Dito sa amin marami ng karatig na bayan ang nagdeklara na walang pasok pero dito sa amin wala pa ring announcement. Pero ako as a parent hindi ko na muna papapasukin ang 3 chikitings ko lalo na magdamag na di tumigil ang ulan. Malakas at may hangin pang kasama, ayun din ang advice ng teacher nila hanggat wala pang announcement nasa parents na kung papapasukin ang mga anak. Anyways, tara na kain muna tayo ng…

@JhennyDR

Tinapa na tamban, plus papaya at saluyot at talbos Ang sarap mag higop ng sabaw ngayon lalo na malamig at maulan. Mula kahapon di na tumila ang ulan, lalakas at aambon kaya naman siguradong masarap ang kumain ng may sabaw. Nananghali naba ang lahat? Tara na po at samahan ninyo kami.. #latelunch #pananghalian

@JhennyDR

Good mood Nasa mood mag smile ang bebe ko ngayon, alam niyo ba kung bakit noisefamily? Kasi po natutuwa siya nandito ang ate at kuya niya. Namiss niya kaagad, kahapon kasi eh umiyak siya pagpasok nila ate niya. Nakapaglaro sila hehe, kanina nakatitig lang siya eh kung aalis ba kami para pumasok, nitong hapon, nagdeclare na ang mayor dito na wala na talagang pasok kaya hindi na kami tumuloy. Anyways, anu pong meryenda ninyo noisefamily?

@JhennyDR

Magandang gabi! Noodles at itlog po kayo diyan, madaliang luto at may hindi inaasahang nangyari sa inyong inday kanina kaya di maganda ang aking pakiramdam. Buti na lang at nandito si biyenan ko, kanina din dinalaw ako ni mother earth ko at kapatid ko. May tira pa akong tuyo kaya siyempre kailangan eh gawa tayo ng sawsawang suka na may bawang. Tara na po kain tayu!

@JhennyDR

Sleepy Smigol Antok na yarn? Basta talaga may gising pa sa amin, sinasabayan kami sa puyat nitong si Smigol pero ngayon mukhang babagsak yata hehe. Napagod sila kanina kasali siya sa laro ng mga chikiting patrol ko hehe. Patulog na ba ang lahat diyan noisefamily? Ako, ito po waiting pa kay mister. Na stranded siya kasama ng mga kasamahan niya. Kaya pala wala pa hanggang ngayon, ayaw daw umandar ng motor kanina pa nila ginagawa kaya mag cocommute daw muna siya.

@JhennyDR

Yehey! Walang ulan ngayong umaga Madalas nitong mga nakaraang araw matutulog kami ng umuulan, at gigising ng umuulan pa rin. Kaya thank God today ay hindi magdamag ang ulan. Makakapasok ng maayos ang mga papasok sa work. Wala pa ring pasok dito sa aming lugar ngayon dahil nag declare ang ating Pangulo kahapon. Sana magtuloy tuloy muna na walang ulan para makapasok na din ulit ang mga bata. Kamusta po sa inyong lugar diyan noisefamily?

@JhennyDR

Gulay gulay pangpakulay ng buhay! Nagigiliw nanaman si Ela sa kanyang papaya, pero ang malunggay hindi sila gaanong bati noon kasi ayaw niya dumidikit sa dila niya at ngala ngala hehe, kaya ngayon sinusubukan ko ulit ipakilala sa kanya ang malunggay. Sinusubuan ko siya pero kinuha niya ang kutsara hehe at iniisa isa niya yung papaya at malunggay, sabi ko kain din ng itlog. Ang galing at nakakatuwa ang sagot niya ay "okay po" chenchu mama" Love you love you nak

@JhennyDR

Cutie Patotie Puti! Inaantok siya at nag hihilamos nung kukuhanan ko ng picture at nasakto na nakadila hehe. Tuwing hahanapin ko itong si Puti at si Smigol, parehong inaantok eh. Mag ina talaga sila haha. Kamusta kayo noisefamily, medyo nabusy ang lola niyo sa mga damit at nagpili ako ng mga tuyo na, kanina kasi nailabas ko saglit pero umulan din. Bukas kasi need ko na ulit maglaba ng uniform ni bossing kaya kailangan may bakante ng mga hanger. Umaraw araw na din kanina kaya…

@JhennyDR

Tampo Yarn Meet our dalagang Kira. Nagtatampo siya kasi kanina medyo natagalan siya sa labas, nilalabas ko siya kapag yung alam kong iihi or dudumi siya kasi sanay siya sa labas ginagawa ang "thingy" niya. Pero kanina ayun nga natagalan siya, nagpunta kasi ako kila mother earth, at pagbalik ko medyo malayo layo pa ako sa bahay naririnig ko siyang umiiyak hehe. Mukhang until now nagtatampo pa rin, sorry naman Kirs ko, kasi nagpasama si Mama biglaang alis ayun. Ang mahalaga di…

@JhennyDR

Ready na ang lunch ng chikitings Waiting na lang sa oras ng pagsundo sa kanila habang nakasalang ang aking labahin. Thank God at umaraw ngayon, kasi mahirap na pumasok ng maambon or maulan at baka magkasakit ang mga bata. Kabusy ng morning hehe, Kayo po, kamusta po ang inyong umaga? Hindi ako nakapag update kanina dito kaagad dahil sa nag asikaso ng aking mga estudyante ng 5:30am, hehe tapos natulog ako before 3am dahil sa tinapos kong report para sa online part time work.…

@JhennyDR

Tirintas Sa mga momsh diyan na may mga anak na babae, isa din sa iniitindi natin ang mga tali ng buhok ng chikitings natin sa tuwing papasok sa school hindi po ba? Hehe kasi ako itong dalawang girlies ko dito ay naku talaga namang gusto din nakalugay sila kaya lang minsan di maiiwasan mas mapapawisan sila lalo kapag nakalugay kaya iniipitan ko sila ng paiba iba hehe. For today, ayan ang hairdo nila hihi

@JhennyDR

Aling maliit is busy Busy siya kay Elsa, madalas niya na yun panoorin yung video clip ng "It's coronation day" hehe ayun tsaka yung "do you wanna build a snowman" nakaka aliw naman talaga ang videos na yun kaya ayan tutok na tutok siya haha. Magandang gabi noisefamily, after ng hatid sundo, at laba luto mode naman muna tayo ngayon 😊 kayo po ba nakaluto na?

@JhennyDR

Goodmorning Ampalaya at rice ang almusal ng mga estudyante ko ngayon. Maaga akong nagising kasi maaga akong nakatulog dahil walang kuryente dito sa amin kagabi. Ang sabi ay may natumba daw na poste sa di kalayuang lugar dito sa may amin. Kaya hindi lang ang mga bata ang nakatulog ng maaga pati ako din kasi hindi ako makapag duty at walang internet, buti na lang at pumayag ang boss ko. Hehe

@JhennyDR

On my way home! As I've accompanied my kids on their way to school earlier this morning, I've been able to see and cherish again this beautiful greenery while I'm on my way. It's another busy day for the guardians, moms, dads and even grandparents who attend their kiddos to school. And I salute all of you for doing all your very best just to fulfill the needs of the children.

@JhennyDR

Matutuyo na rin! Kahapon at ngayon nagbilad ako ng mga damit, paniguradong matutuyo na itong mga huli kong nilabhan kahapon kasi ang init ngayon dito sa amin. Salamat naman din kasi ang hirap patuyuin nung mga damit nitong mga nakaraang linggo dahil Panay ang ulan. I'm sure maraming mga momsh niyan ang tuwang tuwa at nagsamantalang naglaba para makatuyo hehe

@JhennyDR

Gusto mo niyan Puti? Mukhang gusto ni Puti ng Piattos kanina pagkabukas ko tinapon ko yung maliit na napilas na balat pagbalik ko inaamoy niya akala ko gusto niya. Binigyan ko ng isa pero isang dila lang ayaw niya na hehe. Enebeyerns, siguro niya cheese flavour! Sunduan time nanaman noisefamily, kaya see you later po muna manunundo muna tayo ng mga estudyante hehe.

@JhennyDR

Dinner Dahil 2 days na umaraw, bumawi naman ngayon grabe ang lakas ng ulan kanina. Naabutan din kami nung manundo ako perp buti na lang at nasundo din kami kaagad. Kaya itong may sabaw muna ang dinner para may mahigop hehe bumili lang ako ng 1/4 na manok at itong papaya may malunggay naman na napitas kaya go go go na hehe.

@JhennyDR

Almusal ng bayan Itlog, isa ito sa hindi nawawala tuwing umaga kasi bukod sa madali lutuin ay talagang gusto din ng mga chikitings. Madalas hindi lang namin ito almusal, tanghalian at hapunan ay pwede rin. Kasi kung dati sobrang tight, ngayon mas pina tight pa. Dumating na din ang mga bills 😔 kaya talaga namang todo kung todo tipid ang mga nanays ngayon. Thank God at kahit papaano ay nakakaraos kami sa maghapon. 🥰

@JhennyDR

Adododey na ni mama! Nabulol ka din ba sa pagbabasa? Hehe yan kasi ang bigkas sa happy birthday ng bunso kong kapatid dati haha. Nandito ako ngayon kila mama. At ito ang meron siya sa ref Kaya siyempre iluto na natin. Let's cook kung anu ang meron na available, hihi sa panahon ngayon na mahal na lahat, talagang mapapakamot kana lang ng ulo eh. Pero thank you God kasi po sa blessing at sa gift of life and another year for my mom.

@JhennyDR

Lunch at meryenda! Pagsamahin na! Nabusy kanina sa pag himay ng mais, dahil may ibinigay kay mama ko na mais yung pang gawa ng binatog. Tinulungan namin siya habang nalilibang ang mga bata kaya ayun ngayon palang kakain hehe. Kayo po kumain naba ng lunch or nag memeryenda na? Aba eh tara na po kung hindi pa, kain na po tayo ng pancit.

@JhennyDR

Hinimay na Mais Basta talaga may itinanim eh talagang may kakainin. Sa kinatagalan ng panahon eh maani mo din ang itinanim. Ito po yung pinag aabalahan namin kanina yung mais na hinihimay para sana gawing binatog pero hindi pala ganun kadali magluto nun kaya postponed muna. Anyways, nagluluto naba kayo ng hapunan?

@JhennyDR

Early gifts for my kids Imbes na kami mag bigay ng gift kay mother earth, ang kids ang may uwing gift from my brother. Mura lang naman daw ito sabi ng kapatid ko nasa 35 each lang pero naku kahit pa ganu kamura mahalaga na ngayon ang bawat piso kaya laking pasalamat ko kasi walang inuminan ang mga anak ko, naluma na nung before mag pandemic tapos isa isang nabagsak nila Ela hehe. Plastic bottle ng mineral water yung ginagamit nila nung una pero next week charan, ito na ang…

@JhennyDR

One of my stress reliever Smigol is not just a part of our family but also he plays a big role to me. He is one of my stress reliever, and I know that your furbabies too. Am I right? Their unconditional love gaves us more emotional health and mental health. If they can love us that much, we can love them too as much as they deserve. Smigol now is getting better and better as the days goes by and I hope that he stay healthy and all of your furbabies as well.

@JhennyDR

Magandang tanghali noisefamily Tinanghali ang almusal kaya minsanan na ito kasama ng lunch hehe. Umaraw ulit dito sa amin kaya nakapag linis linis kahit papaano sa labas ulit. Nakalabas labas din ang mga bata kahit saglit na oras lang. Kaya ngayon time na para kumain naman, ngayon palang din ako makakapagkape hehe talagang tanghali na din pati yung kape ko. Tara po at kape tayo!

@JhennyDR

Fishballs Meryenda na muna noisefamily, dala ito ni mother earth. Pinasyalan niya kami kasi sobrang sakit ng ulo ko mula pa kaninang tanghali kaya hindi din ako nakapag update pa sa inyo dito kanina kaagad. Siguro sa klima ito at sa puyat na din. Anyways, ito po gagawa na lang ako ng sauce para may mapagsawsawan nito. Tara lets po!

@JhennyDR

Hapunan Time Tuyo, tokwa at noodles for today's vidyow, ay este for today's hapunan noisefamily. Nag hahapunan na po ba kayo? Tara na po kain na po tayo para maagang makapag pahinga. Akala mo talaga makakapag pahinga na hehe, may kailangan pa akong tapusin na tupiin kasi kanina sobrang sakit ng ulo ko. Sakto ang ulam namin kasi umuulan nanaman ngayong gabi, haaay buti na lang bukas wala pang pasok sa school kasi maputik ang daanan, sana sa Tuesday hindi na maulan masyado.

@JhennyDR

Pasalubong ni hubby Isaw ng babs at betamax. Alam ko sa oras ngayon na 11:30 ng gabi ay nagsikain na ang karamihan. Malamang ang mga uuwi galing trabaho na lang ang hindi pa nag hahapunan. Pero siyempre yayayain ko pa rin po kayo, baka gusto niya po mag midnight snack hihi. May pasalubong si mister, kararating niya lang ngayon kasi naiwan niya ang kapote niya dito kanina sa bahay bago pumasok. Ngayong gabi umulan dito sa amin kaya kinailangan niya munang magpatila ng ulan.…

@JhennyDR

Hyper Mode Goodmorning noisefamily from me and from my little hyper one. Energetic ang bebe kong ito, maaga siya nagising kasi maaga kaming umalis ni mother earth kanina. Nagising din siya at si papa niya ang kasama niya maglaro hehe. Naglaga ako ng itlog at yun ang almusal nila. Ang dalawa kong anak gusto yung white lang yung dalawa naman gusto yung dilaw lang hehe. Ayun hati hati sila😅

@JhennyDR

Oh Miki, you're so fine You're so fine, you blow my mind Pancit Miki! 😅 Napakanta ka rin ba? Hindi ko din alam basta bigla na lang pumasok sa isip ko hehe. Late lunchiees po tayo at tinapos ko ang aking labahin. Nung mawala ang tubig ay saktong nakatapos na ako. Kaya naman, bawi tayo hehe.

@JhennyDR

Free Meryenda May birthday sa kapitbahay nila mother earth. Dahil malapit lang sila dito, hinatiran kami ni mama kasi hindi naman daw niya mauubos kasi wala pa siyang kasama sa bahay. Mamaya pa ang uwi ng mga kapatid ko. Ayun nakafree kami ng meryenda hihi. Ang sarap manamis namis itong spaghetti nila na luto, tapos may garbansos din siya first time ko makatikim ng spaghetti na may garbansos. Magandang hapon!

@JhennyDR

Serious baby Ela Why so busy my love? Busy mag butingting ng butas sa kanyang damit hehe. Her dress was given to me by my sister and it is her daughter's before. Medyo luma na kasi paborito ito ng pamangkin ko dati, no wonder na naging paborito din ni Ela itong damit na ito sa pagtulog. Medyo malaki pa sa kanya, malamig ang tela at iyong pinag kaka abalahan ni Ela ay yung butas doon sa bandang ibaba ng damit hehe. Pinapalaki niya lalo 😅 I guess me and Ela will wait for hubby…

@JhennyDR

My big three chikitings Ang lalaki na ng aking mga chikitings, parang kahapon lang nung ang liliit nila at ang iniintindi lang ay kakain, at mag lalaro tsaka ang paborito nilang nursery rhymes. Ngayon busy na sila sa paggawa ng homework, pag practice magbasa at magsulat. God bless sa inyo mga anak at wish you all the best! Fighting 🥰

@JhennyDR

Happy birthday in Heaven Papa Even though you're not here with us, we know that you have no more pain now. No more sorrows and no one will hurt you there because God is with you. Sa dinami dami ng sinakripisyo mo para sa amin, walang salitang makakatumbas at walang humpay na pasasalamat sa lahat lahat papa. We miss you! "You're gone but never be forgotten"

@JhennyDR

Chicken Shanghai Late lunch noisefamily, nabusy kanina kasi dumating ang panganay naming kuya at ang isa ko pang kuya. Ngayon lang kami nagkita kita ulit at madalang sila makapunta dito. Nagpaluto si mama ng kaunti kaya nabusy ako kanina, ako kasi ang nagluto nung ulam hehe. Itong chicken Shanghai si Nanay naman ang nag balot, nakapag uwi din ang dalawa kong kuya at nagustuhan nila kahit na hindi pork giniling ang nilagay ko. Masayang masaya si mama kitang kita namin sa…

@JhennyDR

Kaya pala magulo na yung lamesa😅 Ayan at naku Smigol, pagkasundo ko sa mga estudyante kanina, aba talaga namang nag iinat pa siya nung maramdaman niya ako hehe. Yung mga gamit sa lamesa mukhang nilaro niya pa talaga. Kasi naging magulo haha. Grabe ang init kanina tapos nasa balita na may paparating na bagyo, talagang pagkatapos ng matinding init ulan nanaman. Haay

@JhennyDR

Kain po tayo! Nakabili yung kapatid ko nito, kagaya nung binili ni mister nung nakaraan. Isaw ng babs at betamax. Masarap din ito iulam sa kanin kahit na ganito lamang kasimple ay talaga namang mag eenjoy ka kumain. Lalo na at may kasama itong sawsawan na suka na may sili at pipino. Nakakatakam yung mga nakikita kong foods dito kanina pa eh, hehe buti na lang may pa ganito si brother nawala wala ang nararamdaman kong cravings kanina hehe. Salamat kapatid!

@JhennyDR

Goodmorning noisefamily Maagang blessing kaya may pa extra breakfast ngayong morning. Kanin at itlog po ang pina almusal kong una sa mga estudyante ko pero dumating si lola nila at may dala dalang macaroni spaghetti. Nagluto ako kahapon sa kanila ng spaghetti may mga sauce pa palang natira kaya naglaga si mama ng macaroni kanina hehe. Mamaya na lang ako mag kakape kasi maghahatid na ako ngayon ng aking mga estudyante hehe. Morning sa ating mga busy momshies! And daddies!

@JhennyDR

School Supplies from my Ate Super thankful ako sa Ate ko dahil palaging nandiyan para sa kanyang mga pamangkin. Ito pinadala niya kahapon para daw incase na may kailangan sa school ready at meron na akong available dito, at ang higit sa lahat para hindi na daw makadagdag sa bibilhin ko. Isa lang ang anak ni Ate ko, may anak na siya pero kahit papaano ay nakakatulong pa din siya sa amin at kay mama. Sana makabawi din ako pagdating ng panahon, ako naman ang babawi.

@JhennyDR

Liliwanag at Didilim Ganyan ang kalangitan ngayon dito sa amin. Pati ang panahon nalilito na rin kung lililim ba or iinit. Kanina umulan na dito sa amin pagkatapos uminit ng umaga, pero ngayong after lunch, uminit ulit kahit papaano after ng ulan. Sana ay safe po ang lahat lalo na may bagyo nanaman tayo haay. Kung kailan may pasok na ang nga estudyante tsaka ulit nanlilito ang panahon. Ingat po kayong lahat noisefamily.

@JhennyDR

Chicharon! Nakasundo na din ng mga estudyante. Upo upo muna ako hehe bago mag resume ulit sa mga gawain. At kain muna tayo nitong chicharon. Kahit walang sawsawan swak na swak pa rin talaga sa panlasa hehe. Naalala ko dati pag nakakauwi sa Bulacan sila papa may nabibili silang masarap na chicharon yung may laman laman pa. Nakakamiss yun!

@JhennyDR

Malakas din po ba ulan sa inyo? Dito sa amin kakatapos lang ng malakas na ulan ngayon kaya ginagayak ko na ang mga bata sa pagpasok. Maaga pa rin akong nagluto kasi nga baka humina ang ulan bago mag 7am. Buti na lang pala hehe kaya ayun, kumakain na ang mga bata ngayon. Upo po ang ginisa ko ngayong umaga, palagi kanin ang pinapa almusal ko sa kanila para mabigat sa tiyan mahirap kasi na wala silang almusal dahil matagal tagal ang klase nila. Ingat po sa mga papasok din!