read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Inaano ka ng foil Smigol? Nasa kwarto na kami at may narinig ako na nalaglag sa may kusina. Akala ko kung ano na, nalaglag ang mga nasa ibabaw ng ref. Alam kong si Smigol yun at siya lang naman ang pusa namin dito hehe. Pero hinanap ko siya, wala siya sa crime scene, este sa may malapit sa refrigerator lols. Nandito siya sa sulok, sa higaan niya. Bungad ko sa kanya yung title ko sa itaas, " inaano ka ng foil Smigol? Haha aba dedma siya sa akin at tuloy sa paglaro o pag away dito sa foil. Kinuha ko na yung foil, pinalitan ko na lang ng malalaro niya pero mukhang dismayado haha, dismayado sa pinalit ko at itinulog na lang. Nagtampo na at tinulak pa yung laruan na parang mahabang pampalobo na pinalit ko sa foil. Anyways, okay lang yan Smigol, para makatulog kana din gabi na. Magandang gabi po!

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.