SKL. Suman Latik sariling luto ni biyanan pinadalhan kami, uso ito kina biyanan tuwing mag undas hindi mawawalan nito si biyanan kasi binabaon nila sa sementeryo nag overnight sila doon ng mga kapatid nya, bumuti na ang panahon tamang tama para sa mga dadalaw sa mga namayapa na mahal sa buhay sa sementeryo. Kumusta na kayo noisemate? Active ako dito hindi lang ako nagpopost..hehe. Sainyo po anung patok na kakanin tuwing undas? Tara po magmerienda.😋
51 comments
Ganyan ang masarap na suman 😋
Oo sis naka dalawa nga agad ako.😋
Paborito ko yan sis masarap yan suman sa lihiya tawag samin nyan
Iba iba ang tawag anu sis..hehe
Opo sis sa Batangas at Quezon po iyan ang tawag
Dito yung biko or sinukmani hehe Ingat ingat nlng sa mga dadalaw sa cemetery sana wag ulanin ang undas natin
Bet ko din yang biko sarap paris sa kape.
Masarap ba un sis, hindi kasi ako nakain non, pero marunong ako magluto non hehe Sa suman gusto ko ung gawa sa cassava Ayaw ko nung parang kanin hehe
Oo sis masarap ang biko lalo kapag malamig na. Yong gawa sa balinghoy na suman naku yon ang pinaka paborito kong suman sarap nga yon sis
Ou yan, hehe yan din ung favorite ko hehe Meron nmn dto sa lugar namin, suman na may chocolate
Ang sarap nian
What is the name of this food? We also have a food that is always wrapped in leafs here in my country
"Suman latik"
Dito samin biko lagi hehe. Pero mukhang masarap din yan.
Masarap din po ang biko gusto ko din ang biko. Opo masarap po yan suman pure malagkit ang kanin.
Pengeee, samin wala haha. Di kami naga handa ay 😅
May dalawa pa dito ibato ko sayo saluhin mo ha.😂 joke. Ikaw na magluto kong walang naghahanda..haha.
Hahaha sige na ngaaa, hagis mo sabayan mo na ng BCH ahahahaha. Di ngs ako maalam mag luto jajaja
Pump na ulit si bch..abot na yan 125.😊
Haha sana nga, pero 130 sell price ko hahaha
Sa amin may naglalako ng ganyn sa umaga ginagawa namin na almusal tapos may niyog sa ibabaw pa
Masarap nga po yan may niyog at konting asukal.
Sarap naman nyan,ako putomaya lang lulutuin ko mamaya,si kasi ako pwede sa matatamis eh
Less sugar po mainam po yan.
Uy suman yakap,, sarap nyan
Yes po. Masarap sya.
malusog na suman mate
Makapal po ang balat..hehe
ahhh akla ko malusog ha ha ha
Mapapasok po ng tubig siguro kapag manipis ang balat haha.
ahhjj yaah tama ka mate
Gusto ko ng suman sis. Tagal ko ng di nakakain niyan. 🤤
Bakit po nasa ibayong bansa ka ba?
Nasa Manila sis. Sa probinsya lang ako nakakain niyan sis.
Ah manila ka pala sis. Meron naman siguro nagtitinda dyan.
Dati sis lgi ako gumawa ng ganyan.
Ganun ba sis. Bakit hindi na ngayon mainam yan negosyo.
Mahirap sa amin sis.minsan lugi tapos my mga ank 4 akong anak hindi ko ma handle sis..tapos inodith kami kaya nwala lahat sis.
Fokos ka na lang sis sa mga anak mo hirap nga isabay nyan tapos lugi pa ay huwag lang sis hehe.
DITO suman akap ang tawag namin pero hindi matamis yubg dito kumbaga may sawsawan siya asukal saka niyog
Suman yapos nga sis tawag ng iba dito nagtitinda. Oo sis hindi matamis may sawsawan lang para sumarap.
Ah samr siguro ng sumang yakap dito
Favorite ko yan sis latik kunh tawagin yan dito sa bikol.
Suman latik nga sis tawag namin dyan. Ang alam kong latik yong sa langis haha.. Imamok tawag ni nanay.
Kaya nga sis, malagkit na bigas na may gata yan.
Uyyyyyyy. .hala, ang tagal ko ng nagke crave jan. Tsk. Super sarap kasi nyan. Perpect sa black coffee. Delikado ko pa lang maging kapitbahay si biyanan mo sis. hahahha. Mauubos pera ko haahha
Libre lang yan sis kapag kapitbahay ni biyanan namimigay biyanan ko..mabait yon hindi sya nagtitinda tamang pangkain lang.
Sarap nian favorite ng mga matatanda yn kaya minsan ganian inaatang
mga gnyn nga po uso ngaun lalo me undrasan
biko din uso samin sissy mamaya mag luluto na kami
More comments