read.cash Log in
@Jhen28

@Jhen28 in May 2022

@Jhen28

DALANDAN JUICE kayo dyan mga kaingay, ee sobrang init nakakatuyo na lalamunan, akala ko hindi iinit dahil kulimlim kaninang umaga maling akala pala tumindi yong init ngayong tanghali, kaya magjuice tayo na malamig para pampawi ng init sarap matulog kahit mainit mahangin naman bago yon magjuice muna ako haha.. Nakapag lunch na ba lahat? kain muna kong hindi pa anung oras na.. Juice tayo kaingay..

@Jhen28

French fries cheese flavor.. Magandang gabi sa bawat isa, snack kayo dyan noisemates..nanonood kami ng KMJS bonding namin to every sunday kaya di mawawala ang snacks, kids & adults favorite tubig na malamig lang ang panulak maalat kasi tong fries.. Maaga kami naghapunan kanina 6pm kaya tomguts na ulit mga tummy namin hahah.. Dali dali akong nagligpit sa sala para malinis na tulugan na pagkatapos ng kmjs.. Musta naman kayo? Nanonood din ba kayo ng kmjs? Tara guy's snack…

@Jhen28

Goodnight noisemates, tapos na ang kmjs inantok ako sa panonood lumalalim na din kasi ang gabi kaya oras na para ipahinga ang katawang lupa..bukas naman ulit tayo mag iingay pahinga muna sa pagdotdot hahaha..salamat sa araw na ito..sa mga namahagi at pagpuso nyo sa mga post ko, lahat po yon ay na aappreciate ko tnx sainyong lahat sinusuportahan nyo ako dito.. Share ko lang itong isa kong alaga YUKI po name nya nakakaamazed ang color ng eyes nya, kuha ko yan kaninang tanghali…

@Jhen28

Good morning noisefamily! Kumusta ang mga umaga ninyo? Akoy eto maaga akong nagtungo dito sa eastwest bank para mauna sa pila para hindi abutan ng sobrang init at salamat naman at open na sila konti palang ang tao waiting pa at may mas maaga kesa sa akin hehe akala ko ako na pinaka maaga hindi pala..ang init na agad kahit maaga pa..after kasi dito dadaan ako sa grocery para mamili ng mga basics needs sa bahay ubos na ang stock hehe..sana makauwi ako ng maaga at madami pang…

@Jhen28

Nakauwi na ako kaingay galing banko at supermarket, konti lang pinamili ko mga mahahalaga lang tulad ng mga biscuit na pang snack at condiments sa kusina sabon shampoo na gamit araw araw hihi yong 1k ko yan lang sa maliit na supot haha napakaliit na ng halaga ng 1k ngayon konti na lang nabibili eh.. Anyway oras na para magluto ng for lunch mamaya ulit..yan na muna..ingat lagi kayo kaingay..good day..

@Jhen28

Meralco/Kuryente bill.. Mainit init pa kaingay kasing init ng panahon dito hehe, habang nakatambay ako/kami sa labas ng mga anakis ko dumating si delivery sipag ni manong kahit kainitan ng panahon, init sa mata nung bill haha tumaas kasi sya 700 lang sya dati ngayon 1k+ na nakakasad lang huhuhaha.. Ice candy.. Napakuha tuloy ako ng ice candy pampalamig haha..ang init sobra mabuting laging may nakahandang pampalamig para kukuha na lang hindi na lalabas pa lalo na kapag…

@Jhen28

Hello, magandang gabi kaingay, kanina naglakad lakad kami sa labas kasama ko dalawa kong anak pumunta kami sa court katabi nun ay may palaruan ng mga bata, dun sa court may paalay ng bulaklak sa poon ni virgin mary month of may na kasi ayun may namigay sa mga bata ng snacks tulad ng nasa larawan tuwang tuwa anak ko..sabi sa akin "mama na swerte tayo" hahaha tawa ko e at swerte daw, ito kakauwi lang namin siguro 6:15 yon, nag enjoy sila sa paglalaro nag slide sila pag uwi…

@Jhen28

Yong tipong hindi pa nakakababa ang kinain tapos naka ready na ang for snack na cheesy hotdog sandwich at hamburger ee puro lafangs walang kabusugan haha.. Dumating si D'one kanina pasado 7:00 ng gabi kaya yong pasalubong nya na for meryenda ng mga kids hindi muna pinakain at kailangan kumain muna ng kanin at baka mawalan ng gana kumain..maya maya kakainin na nila yan syempre meron ako dyan isa pang midnight snack..hehe..nakahanda na sarili ko sa puyatan ngayong gabi at yong…

@Jhen28

Hi guys.. Marami pa bang gising dyan? Time to sleep na kaingay.. Nakatulog narin sa wakas baby ko. Sobrang hyper kaya ngayon lang nakatulog Sobrang antok ko na kanina pinigil ko lang.. Salamat ulit sa suporta nyo kaingay Huwag sana kayong magsawa.. Luv u all.. Goodnight.. @JHEN28

@Jhen28

Mulberry fuit.. Magandang gabi kanoise.. Ngayon lang ulit nakapag update na busy kanina busy busyhan lang.. Pumunta kami kanina sa bahay ni tita dumalaw kami dun kasama anak ko. Nagkataon na may hinog ng bunga ng mulberry kaya nag harvest kami madaming bunga ang mulberry ni tita.. Mga hinog na kaya nakatikim ulit ako ng mulberry. Si anak ang trip isawsaw sa asin sarap daw sa asin. Ako nakisawsaw din hehe.. Madami din benefits ang mulberry mapa bunga at dahon ay may benepisyo…

@Jhen28

12:00 Midnight na.. Tulugan na kaingay. Inabot naman ako ng midnight.. Hindi kasi ako makadama ng antok kaya nanood na lang ako ng drama habang nakatambay dito sa noise..kailangan ng pilitin makatulog.. Pero bago yon salamat sa araw na ito..bukas ulit kaingay. Good Night Everyone.

@Jhen28

GANDANG MORNING.. Napahimbing ako ng tulog noisemates kakagising ko lang.. Nagising ako sa busina ng truck na naghahakot ng basura, gising na gising na ang diwa ko at dali dali kong inilabas ang basura namin wala ng inat inat eh..haha diretso bangon.. Ngayon maghahanda na ako ng agahan namin.. Tulog pa naman anak ko kaya ayos lang tinanghali ng gising.. Malinis na din ang bahay at naglinis ako kagabi bago matulog.. Gaan sa pakiramdam nakatulog ng maayos at maaliwalas ang…

@Jhen28

10:10 am na.. Kakatapos lang kaingay magpaligo sa mga kids. Tapos na din magligpit ng mga kalat. Mamaya ulit makalat na naman haha..ganun pag may bata. Walang katapusang ligpitin..its ok kasi mamimis ko yan kapag lumaki na sila. Maya maya magluluto na ulit ng for lunch. Pahi pahinga muna while nood ng tv at nagnonoise. Kayo dyan noisemates anung pinagkaka busyhan nyo? Happy wednesday to us.. Ingat always..

@Jhen28

Buko Juice.. Pamparefresh kaingay sobrang init ngayon kakaligo ko lang pero ramdam ko na agad ang init kaya ito buko juice tayo kaingay habang nakaupo at nanood ng tv..isinali ko na yong display kong bulaklak hehe.. Mas mainam ito inumin kesa sa softdrinks madami din benespisyo na makukuha dito sa buko juice kaya mas gusto ko ito.. Mainit din ba sa lugar nyo kaingay? Hot afternoon sa lahat..

@Jhen28

Hellow mga kaingay/ka moms... iba ngiti ng mga bata sa tuwing nakikipaglaro tayong mama nila parang kinikiliti kahit hindi naman hehe pansin nyo ba yon?dahil sobrang init hindi na nakapag nap naiinitan din sila kaya naglaro na lang at sumali ako, sakit naman sa katawan at sinasakyan ako sa likod haha...BAYO, BAYO sabi ng bunso ko haha..ginawa pa akong kabayo tipong nakasakay sa likod ko then nalakad ako gamit ang kamay at paa haha..sobrang saya naman niLa eh..kapalit nun ay…

@Jhen28

Hello all moderator's & member's ng NFSFG.. Una sa lahat thank you sir Aya.. Napaka generous naman po ni sir AyaMedel maraming salamat sir Aya, hindi ko deserve to dahil inactive ako sa channel, pero nagpapasalamat po ako..thank you sir..at sa dalawang nag gagandahang modertor's...more blessing po sainyo.silent reader ako sa channel na ito active sa pag comment at heart react kahit wala itong halaga..hehe..maraming salamat po.. God bless us all..

@Jhen28

Late evening kaingay!! Currently watching tv News..(SAKSI) Sa gma7..puro about sa politics ang topic..kinakabahan na siguro ang mga candidates ngayon dahil election na sa monday..sino man ang manalo sa pagka President sana ay karapat dapat yong may pusong matulungin..sinuman ang ating napupusuan sya ang ating iboto..vote wisely tayo kaingay...kanya kanya tayo ng napupusuan.. Tapusin ko lang ang balita at matutulog narin. Salamat ulit sa araw na ito...bless us. GOODNIGHT..

@Jhen28

5.5 SHOPEE BUDOL.. Minsan lang ako mabudol ni shopee hehe..kailangan ko kasi yan sa baby ko di kasi mahilig kumain ng gulay at prutas kaya gagawin kong juice madami din syang gamit sana lng ay maganda mura lang kasi sya..sino ng meron nyan sainyo kaingay? Maganda po ba?

@Jhen28

TULUGAN NA!! Nakatulog din sa wakas ang bunso ko ka noise.. Nakatulog kasi kaninang hapon ng alanganin kaya ngayon lang nakatulog.. Sanay na ako puyatan simula ng magka baby hehe.. bawi na lang sa umaga medyo tanghali na gigising para sapat padin ang tulog.. Nakakahilo magpigil ng antok kaya tulog na tayo.. Maraming salamat ulit sa araw kanoise..bukas ulit.. GOODNIGHT EVERYONE!!

@Jhen28

GANDANG MORNING.. Umagang kay ganda noisemates.. Kumusta umaga ninyo? Tinanghali kami ng gising kulimlim ang panahon kaya malamig lamig, kakatapos lang mag breakfast ito at busog na hehe.. Habang nakatambay ako sa labas bumulaga yong delivery man, nagulat ako ambilis ng dilivery ng parcel from shopee hehe, ito yong nabudol sakin nung 5.5 tuwa naman ako dahil ambilis nagulat lang ng konti pero happy yarn.. Mamaya tatry ko na gamitin kung quality ba ang product. Naeexcite…

@Jhen28

Isang mainit na hapon noisemates.. So kanina gumawa ako ng shake dahil nagkicrave ako sa shake, then lumipas ang ilang minuto naging juice na hehe,ambilis matunaw sa sobrang init pampa refresh kaingay grabing init ngayon. ang sangkap ko dito ay steamed kalabasa at malunggay then saging at apple, gatas at konting asukal, sarap ng kinalabasan ng lasa masarap na masustansya pa dahil fresh gulay at prutas hindi nalasahan ng anak ko na may halong gulay, lagi na akong gagawa…

@Jhen28

LAUNDRY DAY.. Gandang morning mga lodz, magsisimula na ako sa aking laundry at hangad ko ngayon na manatiling mainit ahaha..Laundry day nyo din ba? Tapos na akong mag agahan kaya ready na sumabak magkusot walang WM, kaya kamay washing tayo.. huwag kalimutan ang payong kong lalabas dahil sobrang init ngayon.. Ingat kayo mga Lodz. God bless sa ating lahat.. Tara Laundry tayo..

@Jhen28

2:15pm..hotty afternoon. Tapos narin sa wakas sa mga gawain makakapahinga na. Ice candy muna tayo kaingay at sobrang init..nakatambay ako dito sa likod bahay mahangin kasi dito. Yong sinampay ko malapit ng matuyo natapos ako kanina ay 11am ilang oras palang nakasampay. Sa tindi ba naman ng init talagang matutuyo agad. Mabango ang damit kapag tuyo sa sikat ng araw. Tahimik ako ngayon dito sa bahay nakakapagod kasi..hinahayaan kong maglaro mga bata..tulog na yong bunso ko…

@Jhen28

Tulugan na! Inabot na naman ng midnight, bisyo na talaga to...hehe. Tinupi ko na lahat ng sampay ko kanina at ito ang pinaka huli kong tinupi punda at kobre kama, mabango ang laba ko ngayon natuyo sa sikat ng araw..sarap amoy amoyin hehe. Salamat ulit sainyo kaingay.. Bukas ulit tayo mag iingay. Kailangan muna ipahinga ang katawang lupa.. Good Night & sweetdreams. Luv u all.. @jhen28

@Jhen28

Napasilid ako sa coinsph sobrang baba na ni bch sumubsob na.. Sarap bumili kong may pambili zero balance ang php ko ngayon sayang pagkakataon na para bumili .. pag bukas ganito padin mag cash in ako para makabili.

@Jhen28

Election day bukas sana ay maging tahimik at maidaos ng payapa ang election, isa lang naman ang nais natin mga pilipino ang karapat dapat sa pwesto ang manalo.. Bago matulog si hubby tinanong ko kong sinong president at vice president nya.. Sumagot naman agad pinaliwanag pa nya kong bakit yon ang gusto nya sabay akyat sa itaas at natulog na.. Ako hindi nya tinanong..magkaiba ang gusto namin buti hindi nya ako tinanong basta sumagot lang sya..hehe.

@Jhen28

Tulugan na! Heto ako at gising pa mga kanoise, hindi padin inaantok..pilitin ko ng matulog at paumaga na, maya maya lang ay umaga na botohan na vote wisely tayo kapwa pilipino..mag iingat po ang lahat. Share ko lang itong ginawa kong cucumber juice kanina walang halo purong puro yan..madaming benepisyo ang makukuha dito kaya mabuting uminom ng cucumber juice. Salamat ulit sainyo kaingay sa support sa mga post ko..huwag sana magsasawa.thank you all.. Luv u all.. Goodnight.…

@Jhen28

12:50 pm.. Papunta na sa precinct para bumoto kaingay..sana ay walang pila..asa pa anu hahaha.. Bigyan ng oras ang pagboto maging responsable tayong mga botanteng pilipino sayang ang boto kong hindi boboto..vote wisely kong sino napupusuan ang siyang iboto..at sana ang manalo ay may pusong tapat sa gagampanang serbisyo. Mainit na tanghali sa lahat.bye for now. Ingat po mga kaingay at sobrang init..

@Jhen28

Sa wakas naka boto na ko mga kaingay. Mahaba yong pila pero mabilis nasa 20 minutes lang siguro akong naka pila..mas maganda talaga pag hapon na konti na lang ang tao.. pansin ko sa ibang presinto walang kapila pila siguro ay umaga nagsiboto ang karamihan..ang ibinoto ko ay yong may magandang hangarin sa bansa sana lang ay totoo ang mga binitawan na salita.. Kahit sinuman ang manalo isa lang ang sigurado Kailangan padin magtrabaho para sa kinabukasan ng pamilya..ahaha..…

@Jhen28

French fries for snacks.. Nakaramdam ng gutom nagluto ng french fries at ito na ready na kainin catsup lang sawsawan ko dito at tubig na malamig ang panulak.. Nakatulog pala ko ng 1hr at paggising ko yon nga gutom na haha, ito yong mabilis lutuin kaya ito na niluto ko sarap naman with cheese.. Tara guys snacks tayo.

@Jhen28

Usapang election. Isang mapagpalang gabi Squadmates. Maikwento ko lang kanina ng bumoto ako meron isang lalaki na kinuhanan ng larawan ang kanyang balota matapos nyang magshade ng kanyang mga binoto, alam naman natin lahat na bawal iyon..ang rason ng lalaki katunayan na sya ay bumoto na..kaloka lang hindi pa ba sapat yong ink sa finger?.. So nangyari hindi sya pinayagan lumabas ng room hanggat hindi nya binubura yong picture at kong nagmatigas pa ay tatawag na ng…

@Jhen28

11:20pm.. Oras na para matulog mga kaingay medyo masakit ang ulo ko dahil siguro sa init kahit hating gabi na feeling ko ang init padin pawisan parin ang likod ko mauna na kong matulog sainyo kaingay. Share ko lang itong ginawa kong carrot juice kanina pure yan kaingay walang halo masarap sya, marami din benepisyo ang makukuha dito kaya mabuting uminom nitong carrot juice para maging healthy body. Salamat ulit sainyo kaingay..bukas ulit. Luv u all.. Goodnight everyone!…

@Jhen28

Midnight snacks. #PIATTOS Ngayon lang nakapag update kaingay busy buong araw.. Nakakapagod ang araw na to kanina kaya hindi ko nagawang mag update.. Pero pasilip silip padin..diko mapigilan di sumilip hehe. Nagising lang ako ngayon nakatulog na Ko kanina nagugutom na tiyan ko kain muna haha. Ito lang ang meron dito ayoko naman magkanin.. Tutulog na ulit ako pagkatapos nito para bawi sa pagod. Bawi ako bukas. Snack po kain tayo guy's..

@Jhen28

Happy Wednesday sa lahat.. Kumusta kayo mga kanoise? Share ko lang. Galing ako ng grocery kanina para mamili ng mga basic needs. Pinaka mahalaga talaga sa lahat dyan ay yong gatas at vitamins ni bunso kaya napasugod sa grocery. Nadagdagan ang stocks na groceries. Maganda na may stocks na katulad ng dilata at noodles, palaman sa tinapay at iba pa para pag kailangan kukuha na lang. Makakatipid din kesa laging bibili sa sari sari store.. At saka ang init ng panahon para hindi…

@Jhen28

Ginising upo w/ daing tuyo.. Hello noisemates.. Magandang gabi..kumusta po ang bawat isa? Share ko lang po itong nakayanan kong lutuin kanina hapunan namin yan, ginisang upo w/ daing tuyo.. Nag harvest ng upo ang butihing kapitbahay binigyan ako ng isang malaki na upo, hinati ko lang lutuin dahil sayang di mauubos.. Sakto may daing tuyo kaya ginisa ko at sinahugan ng daing favorite ni hubby ko ang luto na katulad nyan kaya ginanahan kami kumain masaya at nakalibre sa…

@Jhen28

Tinapay at kape for breakfast.. Hello pilipinas! Kumusta ang bawat isa? Halina't lamnan muna ang sikmura bago simulan ang mga gawain. Monay pinalamanan ng cocojam at butter pili lang alin bet nyo? Tinanghali ng gising dahil hatinggabi na nakatulog kagabi..nagising na ako ng 6am ng umalis si mister pag alis nakatulog ako ulit..hehe antok na antok pa kasi ako kaya ito ngayon palang mag aagahan.. Kain po mga kaingay.. Magandang umaga.. Happy thursday sa lahat..

@Jhen28

Need help!! Hello noisemates.. Sa mga may gcash account po dyan pwede bang mag transfer gcash to coinsph? If yes paano? Diko makita saan dyan? Tnx po sa sasagot.

@Jhen28

Piattos & ice coffee for snacks.. Snack muna tayo mga kaingay. Kaninang umaga ko pa talaga ginawa ang ice coffee na ito para malamig na malamig then nilagyan ko pa ng ice para lalong lumamig sakto sa mainit na panahon, inaantok din ako kaya tamang tama ito para magising haha..ang init matulog diko keri humiga pagpapawisan lang ang likod..kaya tamang libang na lang tambay pahangin sa terrace buti na lang malakas ang hangin dito. Kumusta kayo? Anu snacks nyo dyan kaingay? Ito…

@Jhen28

SLP Na stock na sa 0.23 ang SLP sa coinsph kaya naisipan kong bumili worth 2k sana huwag ng bumaba pa ang value ng magka profit agad..hehe. Laki ng ibinaba best time para bumili sa mga may pambili..Nag cash in ako kanina para makabili sana lang hindi na bumaba.

@Jhen28

Happy? Yes happy yarn naka green na sya,utay utay ng tumataas, ayiee for sure mapapangiti din kayo, hoping na tuloy tuloy na..sana paggising natin mas tumaas pa ang value. Inabot na nama ako ng midnight haha. Wala akong madama na antok. Kanina pa ako nakahiga.. Goodnight na sainyo kaingay, pilitin ko ng matulog..bukas ulit..salamat ulit sainyo. Sweetdreams.

@Jhen28

Gandang Morning. Hello mga friends.. Kumusta mga umaga ninyo? Dito maaga pa pero sobrang init na ng sikat ng araw umaga palang pawisan na, tapos na sa gawaing bahay..sarap sa pakiramdam maaga natapos. Maglalaba naman ako ng ilang piraso ng mabawasan ang tambak.. Hirap matambakan alam nyo naman manu manong kusot kaya di pwedeng matambak. Maaga pa para magluto ng lunch kaya tamang laba muna kesa magpaupo upo lang..hehe. Ingat kayo mga friends..huwag kalimutan kumain ng agahan…

@Jhen28

Happy Friday mga ka squad. Kumusta kayo? Dito naku alam mo Yong tipong sobrang init tapos biglan ulan ng malakas tapos tumigil din sabay init ulit naku ang init lalo ng singaw ng lupa. Kaya ngayon naka tutok electric fan kaso ang init ng buga ng hangin. Mag iingat kayo mga ka squad.. malusog na katawan lang ang kayamanan natin kaya panatiling malakas at malusog. Sana ay nakapag lunch na kayong lahat. kami tapos na pahinga muna habang nanonood ng tv.. Good afternoon sa bawat…

@Jhen28

Habang may buhay may pag asa. Hindi habang buhay umasa. Huwag maging tamad upang pangarap ay matupad. Walang taong mahirap kong tayo ay masikap. Tama ba ako mga ka friendship? Kaya magsikap tayo ng buhay ay guminhawa. Eto na naman ako midnight gising padin huhu. Anyway goodnight mga ka friendship. Bukas ulit. Sweet dreams!! #sarilingopinion.

@Jhen28

Masayang kasama yong mga kaibigan na diretso magsalita, maingay palabiro kong minsan bubulihin ka pa mas gusto ko yon hindi nakakailang masayang kasama. Kesa naman sa mabait na tahimik na pala advice pag may naishare kang problema kasi pagtalikod mo nyan titirahin ka..hindi ko naman nilalahat pero karamihan ganun..nasa ilalim ang kulo ika nga ng marami..hehe. agree ka ba? Time check 12:10 am. Midnight na po pala mga kanoise time to sleep. Bukas ulit..salamat sainyo. Last…

@Jhen28

Maganda gabi mga kanoise kumusta kayo? Dito maulan simula kanina 3pm umuulan na..pabor naman para malamig tagal ko din hinintay ang ulan na to hehe saktong lakas lang ulan kaya sarap sa pakiramdam.. Ingat po yong mga pauwi from work. Share ko lang pala itong Chessy Hotdog sandwich.. Late meryenda mga kanoise kakauwi lang ni hubby from work may pasalubong na meryenda burger at chessy hotdog sandwich from angel's burger affordable talaga sa angel's buy1 take1. 4 burger at 2…

@Jhen28

Happy Tuesday! Magandang umaga po sa lahat.. Kumusta umaga ninyo kanoise? Happy at magandang umaga padin po ang bati ko kahit hindi naman talaga happy at maganda ang umaga ko..hehe. Andami ko po palang wallet app mga kanoise may laman po yan na puro barya..hehe. Ang problema is na expired ang phone number na gamit ko sa mga wallet na yan isang number lang po gamit ko, ngayon ko lang po napansin kong mapapansin nyo sa bandang itaas sa kanan sa picture kita nyo wala ng signal…

@Jhen28

#Latemeryenda!! Special tikoy at tinapay. Pasalubong ni hubby pag uwi galing trabaho bigay daw sa kanya ng ka trabaho nya ang tikoy made in lucban quezon. Sarap ng tikoy na miss ko kumain nito walang nagtitinda nito dito kaya bihira makatikim. At itong tinapay bili daw nya sa canteen sarap din ng palaman solb ang meryenda pares ay kape.. Maulan pala ang panahon dito sa amin kaya napa kape kanina pa ito 2pm tamang lakas lang ginhawa sa pakiramdam malamig sarap nito matulog…

@Jhen28

#Petroleumjelly Share ko lang kaingay Before matulog naglalagay ako sa paa para laging smooth ang paa iwas crack sa sakong, minsan nagsusuot ako ng medyas maganda sya sa paa effective sa akin nawala ang pagka dry at ang lambot ng paa ko. Salamat talaga sa product na ito very affordable din yong price at matipid gamitin matagal maubos yong ganito kalaki 100g abot ng 1month. Anyway goodnight po sa mga gising pa. bukas ulit kaingay.. Luv u all. ~jhen28

@Jhen28

#GOODMORNING! #happythursday #pilipinas Kumusta ang umaga nyo mga kanoise? Dito maganda ang sikat ng araw Kaya sisimulan ko ng maglaba ng maaga para umabot sa sikat ng araw. Mamaya kasi pag hapon naulan dito kaya ito maaga akong kumilos para matapos ng maaga. Before ako maglaba binisita ko ang aking portpolio para tingnan kong may improvement na..so sad lang nagbabaan lahat hays.. bakit ganito na ang price ng mga crypto ngayon huhu haha.. Sige guys ingat po ang lahat..laba…

@Jhen28

Free 2$ sa coinbase. If may coinbase ka check mo kong may learn and earn ka na 2$ para maka claim ka din. Hindi po pala ito para sa lahat ng may coinbase nag chat ako sa friend ko kanina wala daw sya. Nakita ko lang pala ito sa post ni sis @Lyka08. Visit post na lang po para sa complete details how to claim. Link: https://noise.cash/post/prxzq3ms536qz Good eve to all.

@Jhen28

Happy Monday! Magandang umaga mga kaingay. Bilis ng araw monday na ulit. Maaga akong gumising kanina medyo madilim pa 5am yan naglakad lakad ako para may exercise lagi kasing nasa loob lang ng bahay kaya pag nagigising ng maaga naglalakad lakad ako ginhawa naman sa pakiramdam nabuhay ng maaga dugo ko..hehe. Pag uwi ng bahay sabay nagluto na ng simpleng agahan sinangag at itlog lang solb na kakatapos lang mag agahan. Ingat tayo sa buong araw. Mainit na ang panahon. Musta po…

@Jhen28

Snacks.. "Indian mango" Hindi pa inaantok kaya snack muna tayo kaingay Biyaya ng kapitbahay nag harvest sila kaya binigyan ako malutong kapag bagong pitas walang kaasim asim sarap kong may alamang. Asin lang muna ngayon wala ng alamang.

@Jhen28

12:05am Tulugan na.. Nakaramdam din ng antok kanina ko pa talaga pinipilit matulog ngayon lang dinalaw ni antok. Salamat ulit sainyo kaingay. Pahinga muna ang katawang lupa. Bukas ulit. Good Night! Luv u all.. ~jhen28~

@Jhen28

Hi, Gabi na ulit mga kaingay, bilis ng oras lumabas lang kami saglit para makapag lakad lakad at makapagpahangin sa labas alas sais na agad ng gabi hehe. Ipinasyal ko anak ko sa labas kahit papano makakita ng maaliwalas na paligid lagi kasing nasa loob ng bahay. Maaliwalas pa ang paligid nung lumabas kami. Nung pauwi na medyo dumilim na hudyat na gabi na nga..sarap maglakad lakad mahangin at kokonti lang ang tao, gabi na nga lang kaya umuwi na kami. Oras na pala para…

@Jhen28

Water bill for the of May Nakakatuwang makitang bumaba ang water bill for the month of may umabot lang ng 208 pesos at may discount pa na 10% kapag nakapag bayad bago ang due date so magiging 187 pesos na lang, legit ang pagtitipid ng tubig may tips akong ginawa para makatipid yong tipong bubuksan mo ng mahina na hindi nagana yong metro ganun ginawa kong tips nakakaipon ng tubig na hindi gumagalaw ang metro laking bagay na nakatipid mababa ang bill..parang resibo lang sa…

@Jhen28

Magandang gabi mga kaingay. Kumusta ang friday night ninyo? Medyo nakakadama na ako ng antok kaya matulog na muna ako. Hindi ako nakapag noise ng two days hapdi lagi ng kaliwang mata ko kaya pinamahinga mo muna at ito medyo bumuti na sya pwede na ulit mag ingay..hehe. Pero for now tulog muna bukas na lang ako gagawa ng ingay dito. Sana maging okie na si noise nakakamis din mag ingay parte na to ng buhay natin gumawa ng ingay bawat araw.. Sige guys bed time na. Good Night po.

@Jhen28

Makulimlim na araw ng sabado mga kaingay. Happy lunch time. Nakapag lunch na kayo kaingay? Ako kakatapos lang ulam ko monggo at breaded pork busog na busog ako eh.😋 😁 Napagod ako sa paglalaba kaya daming nakain. Kanina pa ako nagbabantay sa panahon dami kong sampay di malaman kong babagsak ang ulan eh..haysss.. Namis ko gumawa ng ingay dito. Di gaanong nakapag update nitong mga nakaraang araw. Sa hapdi lagi ng mata ko kaya tamang pahinga muna. By the way Musta po kayo? Happy…

@Jhen28

Magandang hapon.. Hanggang ngayon nag aabang padin ako ng kong uulan hehe. Di tuloy makapag nap. Mahangin kasi sa labas kaya kahit walang araw matutuyo din ang sampay ko. Medyo patuyo na sya chineck ko. Meryenda time na pala. Anu meryenda natin kaingay? Titingnan ko na lang mga meryenda nyo. Baka sakali mabusog ako..hahaha. Nag iisip palang mga bata ng memeryadahin nila. Sige meryenda lang kayo dyan.. Happy meryenda time!!

@Jhen28

Magandang gabi sainyo kaingay. Musta saturday night nyo? Ako tapos na ang night routine malinis na ang sala. Ready na din matulog, pero hindi pa antok kaya tambay muna dito. Ang saya na bumalik na sa normal. Kahit pagod buong araw happy si Indhay alam nyo na kong bakit..hehe. Part na ng buhay natin si noise kaya masaya na bumalik sa normal. Nagpamis lang sya, sobra ko naman namis nyahaha. Matutulog ng may ngiti. For sure kayo din?😁

@Jhen28

Tulugan na Medyo nagulat ako sa oras pasado 12midnight na pala kaya naman naramdaman ko na si antok. Nalibang ako sa panonood ng masasayang vlog sa youtube..hehe. Ang bilis ng oras. Oras na pala para ipahinga ang katawang napagod pero di susuko. Laban lang. Bukas ulit mga kaingay. SaLamat sainyo. Tulog tayo ng masaya. GoodNight everyone!!

@Jhen28

Magandang umaga mga kanoise Musta gising nyo mga kaingay? Ako medyo naiireta lagi sa umaga laging may sipon at nangangating ilong hehe allergic rhinitis na ata to tuwing umaga sya maya nito wala na. Mainit ang umaga sana ay magtuloy tuloy hanggang hapon. Para matuyo mga sampay ko kahapon. Labaday ulit mga kurtina, kumot at punda naman ngayon, sayang ang sikat ng araw kaya samantalahin ko na maglaba. Ginaganahan ako maglaba kapag maganda sikat ng araw. Kape tayo bago simulan…

@Jhen28

Done washing. Nag marinated naman ng chicken for fried chicken request ng mag aama yon daw ang gusto nila iulam for our lunch, patis, konting asin kalamansi at paminta powder ang ipinang marinated ko. Dip ko mamaya sa tinimplang all purpose flour, cornstarch, paminta, asin at garlic powder.. Sana maging masarap ang kalabasan..hehe. Minsan sinasabi ng anak ko lasang asin hayss.. nyahaha.. So sana mamaya okie tong lulutuin ko.. Musta kayo kanoise?

@Jhen28

Magandang Hapon mga kaingay. Kakatapos ko lang magtupi ng mga sampay ko kahapon at yong nilabhan ko kanina natuyo din pinagbigyan ako umaraw buong araw ngayon kaya happy si Indhay nakaligpit na mga sampay..hehe. Wala kaming meryenda ngayon diretso hapunan na..hehe. Nagtitipid laki kasi ng mga bayarin bill. Its okey paminsan minsan walang meryenda mahalaga tatlong beses kumain sa isang araw. Maaga na lang maghahapunan Kaya nakasalang na ang sinaing may sobrang ulam pa kanina…

@Jhen28

Magandang gabi noisemates. Anung maganda ngayong gabi? Tapos na kaming maghapunan at happy na mga tummy namin kaya maganda na ang mood kaya magandang gabi..haha tapos na din magligpit ng mga pinagkainan pinggan. Napaka simple lang ng kasiyahan sa buhay eh..hehe. Di man mayaman at kinakapos minsan lagi padin dapat masaya. Nakapag hapunan na kayo mga mate? Kain muna kong hindi pa. Para maaga makapahinga. Sasabak na ulit bukas ang karamihan sa trabaho kaya mabuting maaga…

@Jhen28

Magandang gabi ulit kaingay. Ako ulit to hahaha. Isang tahimik na gabi kaingay. Nakasanayan ko na ang may bonding kami tuwing linggo ng gabi habang nanonood ng KMJS with snacks..pero ngayon wala munang bonding maaga nagsitulog ang mag aama, nasira kasi yong tv namin kaya napaka tahimik ng gabi ko ngayon, ako na lang ang gising..dipa antok eh. Kagabi napansin ko may guhit na itim yong screen ng tv tapos tuloy padin sa panonood gang sa pinatay ko ng matutulog na ako. Paggising…

@Jhen28

Yong pag mali ka manahimik na lang hindi yong mangangatwiran pa para tahimik ang buhay..haha. Ganito kasi yon kanina napag laruan ng anak kong bunso yong guitar ni hubby nakapatong kasi sa kama..ako naman nadotdot diko naisip na baka masira yong guitar..sabi ni hubby hinahayaan ko lang daw na paglaruan panu kong masira oo nga naman pwedeng maputol yong spring.. mali nga naman ako kaya tamimi na lang no comment..haha..e di tahimik din sya agad. Matuto lang tayo tumanggap ng…

@Jhen28

Gandang Morning..Happy monday! Maaga akong nagising kanina dahil sa Ingay ng pusa na nag aaway sa labas eh lalakas ng ingaw..hehe. Pinag aaway ata yong isang pusang babae. Oh diba haba ng hair nung pusang babae hahaha.. Kaya ngayon antok na antok ako. Sarap sana humiga pero di pwede maraming nakalinyang gawain sakit tuloy ng ulo ko.. Musta umaga ninyo mga kaingay? Nakapag almusal na kayo kaingay? Nagkape pandesal lang kami mag iina kanina parang nakakagutom na ulit..hayss.…

@Jhen28

Good Afternoon.. Kakagising ko lang mga kaingay, nakatulog pala ko ng hindi ko sinasadya haha. Kanina kasi tinabihan ko si bunso para patulugin hindi ko namalayan nakatulog ako siguro nauna pa akong makatulog sa bunso ko, paggising ko tulog si bunso sa tabi ko. Minsan talaga dahil sa pagod at puyat nangyayari yon napapahimbing ng tulog isang oras at kalahati din ako nakatulog sarap sa pakiramdam. Tsinek ko ang aking portfolio baka sakali nagtaasan na hehe.. Luging lugi na…

@Jhen28

Bed time.. Dinalaw narin sa wakas ni antok tagal kong makadama ng antok. Nasanay na yong mata ko ng gising gang midnight Kaya kahit maaga mahiga di din nakakatulog. Nagtatakip na ako nyan ng mata para madilim wa effect. May ilaw kasi kami sa kwarto gawa ng bata. Iiyak pag nagising ng madilim. Sige guys good night. I hope makatulog tayo ng mahimbing ngayong gabi. Godbless...

@Jhen28

Good afternoon.. Happy tuesday noisemates. Isang mainit na hapon sa amin, kanina umuulan dito tanghali biglang uminit ngayon hapon. Ngayon lang nakahawak ng phone nagpabebe ang bebeloves ko panay pakarga nakakangawit buti nakatulog na ngayon..habang nagluluto ako kanina ng pang lunch namin karga ko at pag nilapag umiiyak..stress talaga ko pag ganun scenario, may nakakarelate ba mga momshe dyan? hihi. Tama na nga kadramahan na to di masaya.. Parang gusto ko ng widraw ang cprx…

@Jhen28

Goodnight Noisemates.. Pumipikit na yong mata ko, ito yong antok na paghiga deretso tulog agad, umuulan padin dito pabor naman para malamig matulog makakatipid din sa paggamit ng kuryente. Salamuch muli sa pagshare ng blessings ngayong araw..bukas ulit, beautyrest na din kayo. I hope makatulog ng mahimbing.